Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Diyos. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post
Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Diyos. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post

2020-10-17

"Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X" | Sipi 198


Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo

Ang Diyos ang Siyang namamahala sa lahat ng mga bagay, at ang nangangasiwa sa lahat ng mga bagay. Nilikha Niya ang lahat ng mayroon, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mayroon, at pinamamahalaan din Niya ang lahat ng mayroon at nagkakaloob sa lahat ng mayroon. Ito ang kalagayan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng mga bagay.

2020-10-13

Mga Salita tungkol sa Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit na ang lungsod ng Ninive ay puno ng mga taong tiwali, masama at marahas katulad niyaong sa Sodoma, ang kanilang pagsisisi ang nagsanhi sa Diyos para baguhin ang Kanyang puso at magpasya na hindi na sila wasakin. Dahil ang kanilang pagtugon sa mga salita at tagubilin ng Diyos ay nagpakita ng saloobing ganap na kabaliktaran niyaong sa mga mamamayan ng Sodoma, at dahil sa kanilang tapat na pagpapasakop sa Diyos at tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, gayon din sa kanilang tunay at matapat na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon, minsan pa ay ipinakita ng Diyos ang Kanyang taos-pusong awa at ipinagkaloob ito sa kanila.

2020-10-11

Pagtakas mula sa “Lungga ng Tigre”


Ni Xiaoyou, China

Ako si Xiaoyou at ako ay 26 taong gulang. Dati akong Katoliko. Noong maliit pa ako, sumama ako sa aking ina sa simbahan para dumalo sa Misa, magbasa ng Biblia, mangumpisal at tumanggap ng Komunyon. Masyadong masigasig ang aking ina sa kanyang pananampalataya. Madalas siyang nagbibigay ng pagkain at iba pang mga bagay sa simbahan mula sa aming bahay, at nagbibigay rin siya ng pera. Gustung-gusto ng mga pinuno ng simbahan at mga madre ang aking ina.

2020-10-09

Ang Pakikinig Mabuti sa Tinig ng Diyos Ay ang Susi sa Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon

Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger

Ito’y iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag: "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

2020-10-07

Ang Kinakailangang Malaman sa Pagsalubong sa Panginoon: Ang Panginoong Jesus Ay Nagkatawang-tao Na at Lihim na Dumating

Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming tao, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa." "Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan.

2020-10-05

Tagalog Christian Songs | Maging mga Saksi Tulad Nina Job at Pedro


Tagalog Christian Songs | Maging mga Saksi Tulad Nina Job at Pedro


Maaari mong sabihing ikaw ay nalupig,
ngunit kaya mo bang tumalima
hanggang sa kamatayan?
Dapat kang sumunod hanggang katapusan
anuman ang iyong hinaharap.
'Di dapat mawala ang iyong pananampalataya,
anumang kapaligiran,
anumang nangyayari sa paligid mo.

2020-10-03

Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Sang-ayon ba sa kalooban ng Diyos ang pananaw na ito? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

2020-09-29

"Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos" | Sipi 34



Ang Diyos ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan.

2020-09-27

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, Estados Unidos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pangunahing gawain ng Diyos sa kapanahunang ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng diwa ng kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos” (“Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

2020-09-25

Paglaya Mula sa Bitag ng Usap-usapan

Ni Xiaoyun, Tsina

Ako ay isang dating opisyal ng hukbong-sandatahan. Isang araw noong 1999, ipinangaral ng isang Koreanong pastor ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa akin. Dahil sa aking taimtim na pagsisikap, di-nagtagal ay ako ang naging tuon sa pagsasanay ng pastor at ng kanyang pangunahing katulong. Noong tag-araw ng 2000, nagpunta ang pastor sa Yunnan para sa isang maikling pagmimisyon sa tag-araw kasama ang mahigit sa isang dosenang estudyante sa kolehiyo mula sa Korean Gospel Church. Hindi inaasahan, natakot dito ang gobyernong CCP.

2020-09-23

"Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" | Sipi 78


Pagdating sa salitang “paghatol,” maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw.

2020-09-20

Mga Salita tungkol sa Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit na ang lungsod ng Ninive ay puno ng mga taong tiwali, masama at marahas katulad niyaong sa Sodoma, ang kanilang pagsisisi ang nagsanhi sa Diyos para baguhin ang Kanyang puso at magpasya na hindi na sila wasakin. Dahil ang kanilang pagtugon sa mga salita at tagubilin ng Diyos ay nagpakita ng saloobing ganap na kabaliktaran niyaong sa mga mamamayan ng Sodoma, at dahil sa kanilang tapat na pagpapasakop sa Diyos at tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, gayon din sa kanilang tunay at matapat na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon, minsan pa ay ipinakita ng Diyos ang Kanyang taos-pusong awa at ipinagkaloob ito sa kanila.

2020-09-18

Nakikita Ko ang mga Kasinungalingan ng Gobyernong CCP at Inaakit Ako ng Pag-ibig ng Diyos na Bumalik sa Kanya

Ni Kemu, South Korea

“Minsan ko pang sinasabi sa iyo—tumigil ka sa pagkausap sa akin tungkol sa Diyos na iyan, at hindi ka na puwedeng magkaroon ng kaugnayan sa mga mananampalatayang iyon sa Diyos. Kapag nakita kong kinakausap mo sila ulit, dudurugin ko ang cell phone mo!”

“Bakit? Bakit mo hinahadlangan ang pananampalataya ko?” tanong ng asawa ko, na mukhang litung-lito.

2020-09-16

Ang Nagbalik na Panginoon ba ay Magpapakita sa Atin sa Isang Espirituwal na Katawan o bilang Anak ng Tao?

Sinabi ng Panginoong Jesus, "Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:44), at "Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:27).

2020-09-14

Mag-ingat! Ang paghihintay lamang sa Panginoon na bumaba sakay ng ulap habang tinatanggihan ang Cristo ng mga huling araw ay maghahatid sa iyo sa kapahamakan

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan.

2020-09-10

Natagpuan Ko Na ang Landas Tungo sa Kaharian ng Langit

Tagalog Christian Testimony Video | "Natagpuan Ko Na ang Landas Tungo sa Kaharian ng Langit"


Sinunod ng pangunahing tauhan ang kanyang mga magulang sa kanilang Kristiyanong pananampalataya mula nang bata siya, at magkasama sila ng asawa niyang gumawa sa iglesia matapos silang ikasal. Sa mga nakaraang taon, natuklasan niyang palagi siyang nagdarasal para mangumpisal sa Panginoon, pero hindi niya mapigil ang sarili niya sa pagkakasala, at hindi siya makapanatili sa mga salita ng Panginoon. Wala rin siyang pagpaparaya o pasensya sa kanyang asawa.

2020-09-08

pagninilay sa ebanghelyo ngayong araw|Ano ang pagsunod sa tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang ilang tao ay hindi nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ito’y tinatawag na mga taong gustong maging makapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pag-aalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan.

2020-09-06

"Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos" | Sipi 6



Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan.

2020-09-03

Paano Tumayong Saksi sa Diyos sa mga Pagsubok Tulad ng Ginawa ni Job


Sa totoong buhay, bawat isa sa atin ay makakatagpo ng ilang magkakaibang mga pagsubok, tulad ng mga hadlang sa pinansiyal, ang pagdurusa sa sakit, at natural at gawa ng tao na mga sakuna. Kapag ang mga sitwasyong ito ay nangyayari sa atin, ito ay mga pagsubok sa ating pananampalataya at pagsunod sa Diyos. Ngunit maraming beses, nagiging mahina tayo, negatibo sa mga pagsubok, at maging hindi maunawaan ang Diyos at sinisisi ang Diyos, sa gayon nawawala ang ating patotoo. Ngayon tingnan natin ang karanasan ni Job: Sa loob lamang ng isang araw, ang mga kawan at guya ni Job, na nakakalat sa malayo at malawak na mga burol at bundok, ay nawala, ang kanyang mga anak ay namatay, at ang kanyang mga lingkod ay napatay. Gayunman, hindi lamang sa hindi siya nagkaroon ng hindi pagkaunawa at reklamo sa Diyos kundi pinuri pa niya ang banal na pangalan ng Diyos. Bakit nagawang purihin ni Job ang Diyos nang dumating sa kanya ang malaking pagsubok? Ano ang kaalaman ni Job tungkol sa Diyos? Paano tayo makakatayong saksi para sa Diyos sa mga pagsubok na katulad ng ginawa ni Job?

2020-08-31

Kapag tinanggihan mo ang daan ng katotohanang ipinahayag ng Cristo ng mga huling araw, mawawala ang kaharian ng Diyos sa iyo magpakailanman

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagka’t ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan.