Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit na ang lungsod ng Ninive ay puno ng mga taong tiwali, masama at marahas katulad niyaong sa Sodoma, ang kanilang pagsisisi ang nagsanhi sa Diyos para baguhin ang Kanyang puso at magpasya na hindi na sila wasakin. Dahil ang kanilang pagtugon sa mga salita at tagubilin ng Diyos ay nagpakita ng saloobing ganap na kabaliktaran niyaong sa mga mamamayan ng Sodoma, at dahil sa kanilang tapat na pagpapasakop sa Diyos at tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, gayon din sa kanilang tunay at matapat na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon, minsan pa ay ipinakita ng Diyos ang Kanyang taos-pusong awa at ipinagkaloob ito sa kanila.
Ang gantimpala ng Diyos at ang Kanyang pagkahabag sa sangkatauhan ay imposibleng gayahin ng sinuman; walang tao ang makakapagtaglay ng awa o pagpaparaya ng Diyos, maging ng Kanyang tapat na damdamin tungo sa sangkatauhan. Mayroon bang sinuman na ipinapalagay mong dakilang lalaki o babae, o maging isang makapangyarihang tao, na, mula sa isang mataas na kalagayan, na nagsasalita bilang isang dakilang lalaki o babae o sa isang pinakamataas na kalagayan, na makakapangusap ng ganitong uri sa sangkatauhan o sa sangnilikha? Sino sa kalagitnaan ng sangkatauhan ang makaaalam ng mga kundisyon ng pamumuhay ng sangkatauhan na tulad ng palad ng kanilang mga kamay? Sino ang makakapagdala ng pasanin at pananagutan para sa pag-iral ng sangkatauhan? Sino ang may kakayahang iproklama ang pagwasak ng isang lungsod? At sino ang may kakayahang patawarin ang isang lungsod? Sino ang makakapagsabi na minamahal nila ang kanilang sariling nilikha? Tanging ang Lumikha! Tanging ang Lumikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayundin, tanging ang Lumikha ang makakapagkaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa Kanyang buong sangnilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat kilos ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat isa sa Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano at kung anong mayroon Siya ay lubos na ipinahahayag para sa kapakanan ng sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng sangkatauhan, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat himaymay ng Kanyang buhay; iniaalay Niya ang bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay…. Hindi Niya kailanman nalaman kung paano kaawaan ang Kanyang sariling buhay, ngunit lagi Niyang kinakaawaan at minamahal ang sangkatauhan na Kanya Mismong nilikha…. Ibinibigay Niya ang lahat ng kung anong mayroon Siya para sa sangkatauhang ito…. Iginagawad Niya ang Kanyang awa at pagpaparaya nang walang kundisyon at walang inaasahang kagantihan. Ginagawa lamang Niya ito upang patuloy na mananatili ang sangkatauhan sa Kanyang harapan, na tinatanggap ang Kanyang tustos ng buhay; ginagawa lamang Niya ito upang maaaring isang araw ay magpasakop sa Kanya ang sangkatauhan at kilalanin na Siya ang Isa na nag-aalaga sa pag-iral ng tao at nagtutustos ng buhay ng buong sangnilikha."mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento