Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-09-18

Nakikita Ko ang mga Kasinungalingan ng Gobyernong CCP at Inaakit Ako ng Pag-ibig ng Diyos na Bumalik sa Kanya

Ni Kemu, South Korea

“Minsan ko pang sinasabi sa iyo—tumigil ka sa pagkausap sa akin tungkol sa Diyos na iyan, at hindi ka na puwedeng magkaroon ng kaugnayan sa mga mananampalatayang iyon sa Diyos. Kapag nakita kong kinakausap mo sila ulit, dudurugin ko ang cell phone mo!”

“Bakit? Bakit mo hinahadlangan ang pananampalataya ko?” tanong ng asawa ko, na mukhang litung-lito.

“Bakit? Para sa sarili mong kapakanan at sa kapananan ng ating pamilya. Hindi mo ba alam na seryosong tinutugis at sinusugpo ng gobyernong CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Hindi mo ba alam ang tungkol sa Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28 ng 2014? Sinabi sa online na si Zhang Lidong, ang pangunahing nagkasala sa kaso, ay isang miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag nakisama ka sa mga taong iyon, inilalagay mo lang sa malaking panganib ang sarili mo!”

Matapang siyang sumagot, “Si Zhang Lidong at ang iba pa ay hindi kasapi ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—hindi mo maaaring basta paniwalaan ang mga bagay na sinasabi nila online. Dalawa o tatlong buwan ko nang nakakausap ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ang nakita ko ay na lahat sila ay napakahuhusay na tao na mabait at tapat sa iba. Nagtutulungan sila tuwing may problema ang sinuman, at ni hindi man lang iyon katulad ng sinasabi nila online.”

Nagalit ako at nanatiling hindi kumbinsido. “Mag-online ka at tingnan mo mismo, pagkatapos ay malalaman mo kung tama ako o hindi.”

Pagkatapos ay inakay ako ng asawa ko sa isang upuan at sinabi, “Ikaw ang klase ng tao na pinag-iisipan ang mga bagay-bagay. Kailangan mo itong unawain nang makatwiran at magsalita ayon sa mga tunay na pangyayari—hindi puwedeng pakinggan mo lamang ang isang panig ng kuwento! Bawat malaking media outlet sa China ay isang tagapagbalita para sa gobyernong CCP; mga kasangkapan lamang ang mga ito para linlangin ng gobyerno ang mga tao. Anong klaseng kredibilidad mayroon ang kanilang mga ulat? Hindi mo ba naaalala ang mga protesta sa Tiananmen Square noong 1989? Nagprotesta noon ang mga estudyante sa Tiananmen Square laban sa katiwalian at ipinagtanggol ang mga demokratikong kalayaan, ngunit nakahanap ang gobyernong CCP ng ilang di-kilalang tao at pinagbalatkayo sila bilang mga estudyante at pinasok ang grupo ng mga estudyante, pagkatapos ay pinagsimula silang mambato, mambasag, magnakaw, magsunog, at magbaligtad ng mga sasakyang militar. Lumikha ng malaking gulo ang mga taong iyon at pagkatapos ay inakusahan ng gobyernong CCP ang mga estudyante sa mga krimen na sila ang gumawa. Pagkatapos niyon, ginamit ng gobyernong CCP ang media tulad ng TV at radyo para ikalat ang kanilang mga ulat, na sinisiraang-puri ang kilusan ng mga estudyante bilang kontra-rebolusyonaryong panggugulo, at pagkatapos ay naglunsad ng isang madugong pagtugis sa kanila, at di-kukulangin sa ilang libong estudyante ang binaril at napatay o sinagasaan ng mga tangke. Alam ng sinumang nakakaalam ng tungkol sa kasaysayan ng gobyernong CCP na palagi nitong kinakalaban ang katuwiran, at na talagang hindi nito pinalalagpas ang pag-iral ng anumang mga grupo o mga tao na may naiibang pananaw o opinyon sa pulitika. Para maging diktador, palagi nang inaatake at tinutuligsa ng gobyernong CCP ang mga grupo o mga taong iyon, hanggang sa sugpuin nila o pigilan ang mga ito nang lubusan. Tuwing marahas na sinusugpo ng gobyernong CCP ang isang relihiyon, isang kilusan para sa mga karapatang demokratiko, o mga protesta ng mga etnikong grupo, nagsisimula muna itong mag-imbento ng mga huwad na kaso, at pagkatapos ay lumilikha ito ng malalaking paghiyaw sa publiko para pukawin ang mga tao, at pagkatapos ay marahas nitong sinusugpo ang mga ito. Totoo iyan. Ang Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28 ay maling pagpaparatang ng gobyernong CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—maingat itong nag-imbento ng isa pang huwad na kaso.”

Hindi ko man lang mapapasinungalingan ang nasabi niya, at naisip ko sa sarili ko, “Kilala na niya ang ilan sa mga kapamilya ng mga biktima ng mga protesta sa Tiananmen Square at alam niya ang kuwentong nakapaloob doon. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Gayunpaman, kahit walang kinalaman ang insidente sa Zhaoyuan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hindi ko pa nakontak ang mga miyembro nila kahit kailan at hindi ko alam kung anong uring iglesia iyon. Nabubuhay tayo sa isang napakagulong mundo ngayon—paano kung maloko siya?” Kaya, sinabi ko ulit sa kanya na hindi siya puwedeng kumontak kaninuman mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pag-alis ko, malakas kong isinara ang pinto, at naiwan siya roong umiiyak.

Napakadilim ng gabing iyon at walang buwan at mga bituin. Talagang ang sama ng pakiramdam ko habang naglalakad ako sa daan. Naisip ko ang sampung taon naming pagsasama—mula nang una kaming magkakilala, hanggang sa ibigin namin ang isa’t isa, hanggang sa makasal kami, marami kaming napagdaanan, ngunit anuman ang nakaharap namin palagi naming napag-usapan ang mga bagay-bagay at nasuportahan ang isa’t isa. Hindi kami nagkaroon ng malalaking pagtatalo kailanman. Subalit, napagalitan ko lang talaga siya dahil sa kanyang pananampalataya—palagay ko talagang hindi ko siya dapat tinrato nang gayon. Kaya lang, nabasa ko online na hindi maganda ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya sa pagpigil sa kanya sa kanyang pananampalataya ay ginagawan ko siya ng pabor. Bakit hindi niya ako mauunawaan? Sa sandaling iyon talagang pagod na pagod at balisang-balisa ako. Inilabas ko ang cell phone ko at kuminang sa harap ng mga mata ko ang napakagandang larawan ng aming masayang pamilya—saglit na napalis ng matamis na ngiti ng aming anak na babae ang kapaguran ko. Naisip ko kung paanong ako ang sandigan ng pamilya at na ang paghadlang sa asawa ko sa kanyang pananampalataya ay para sa sarili niyang proteksyon at para sa kabutihan ng aming pamilya, kaya kinailangan kong maging matatag sa aking pasiya.

Sa matagal na panahong sumunod, natakot akong mawala ang pagmamahal ng asawa ko sa akin at sa gayon ay hindi ako nangahas na magpasimula ng anumang malaking away, kaya sinabi ko na lang sa kanya na kausapin ako tungkol sa anumang bagay na may kinalaman sa Diyos. Kahit sa tingin ay tila normal ang pagsasama namin, nagkakaroon na ng puwang sa pagitan namin.

Isang araw, kapapasok ko pa lang sa pinto pagkatapos kong hubarin ang pang-umagang damit-pantrabaho ko, narinig ko ang masayang tugtuging nagmumula sa kuwarto na may kasamang masasayang pagtawa ng asawa’t anak ko. Nagtataka, naisip ko, “Hm? Napakatagal ko nang hindi nakakarinig ng gayon kasayang tugtog sa bahay. Mula nang dumating ang asawa ko sa South Korea, hindi pa talaga siya nasasanay sa kapaligiran dito dahil sa kakaibang pamumuhay, wika at kultura. Lalo na, iniwan niya ang kanyang matandang ina at ang trabahong minahal niya, at wala siyang mga kamag-anak o kaibigan sa tabi niya—madalas siyang nakaupong mag-isa at umiiyak. Nakita ko na mukha siyang nasasaktan at balisa ngunit hindi ko kailanman natutuhan kung paano siya aaliwin, kaya anong klaseng awit ang maaaring maghatid sa kanya ng gayon kalaking kaligayahan ngayon?” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang isang video ng sayawan at awitan na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos na nakalabas sa computer screen. Anim na kabataang babae ang masayang nagsasayaw at kumakanta nang madamdamin, ngunit napakasaya ng ngiti lalo na sa kanilang mukha na agad umakit sa puso ko. Napuno ako ng pag-uusisa, iniisip na, “Anong klaseng iglesia ito, at anong klaseng grupo ito? Bakit masyadong nakakahawa at nakakaginhawa ang mga awit at sayaw nila? Kung talagang masasama silang tao, bakit napakabait at napakataos ng kanilang ngiti?”

Nang makita ako, masayang sinabi ng aking anak, “Itay, hindi ba maganda ang awiting ito? Gustung-gusto namin ito ni Inay. Sumali ka sa pagkanta at pagsayaw namin!” Binuhat ko siya sa isang yakap at hinagkan ang kanyang munting mukha, pagkatapos ay malambing kong sinabi, “Mahal, gusto ko ng masisigla at malalakas na awitan at sayawan.” Inindayog niya ang kanyang ulo at nag-isip siya sandali. “Itay, gusto mo ng tap dancing, hindi ba? Inay, ipalabas mo nga ang video na talagang magugustuhan niyang sayawin.” Hindi ko maaaring tiisin na pigilan siya at inisip ko na panonoorin ko iyon nang kaunti kahit nagmula iyon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—sa mga panahong ito bihira ang ganito kasayang pagsasamahan sa aming tahanan. Habang karga ang aking anak, umupo ako sa tabi ng asawa ko at nagsimulang manood. Ang video ng sayawan at kantahan na Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan ay malakas at masigla na may nakakatuwang indayog. Sa isang estilong tap dancing, nagsayaw sila nang napakasigla; noon pa man ay mahilig na akong kumanta at sumayaw, kaya talagang natangay ako. Nakikita kung gaano ako naakit, tuwang-tuwang sinabi ng asawa ko, “Ang mga kanta at sayaw na ito ay pawang isinaayos at inirekord ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Walang isa man sa kanila ang propesyonal.” Hindi ko mapigil na pag-isipan ito nang seryoso. “Paano makakasayaw nang ganito kahusay ang mga taong hindi tinuruang sumayaw?” naisip ko. Nakangiti, sinabi niya, “Kamangha-mangha, hindi ba! Kung wala ang sariling gawain at patnubay ng Diyos, makakasayaw ba nang ganoon ang mga taong hindi propesyonal? Mas mamamangha ka pa kapag nakita mo ang mga pelikulang nagawa nila. Nasa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu—naroon ang pagpapala ng Diyos. Kaya nga napakahusay ng pagkagawa ng kanilang mga awit, sayaw at pelikula, at bukod pa riyan, lahat ng katotohanang ipinararating sa kanilang mga pelikula ay malaking tulong sa mga tao. Lahat ng negatibong propagandang iyon online ay mga kasinungalingang ikinakalat ng gobyernong CCP tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ni hindi man lang totoo ang mga iyon. Ikinakalat ng gobyernong CCP ang mga kasinungalingang ito para magalit ang lahat sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at hindi sila mangangahas na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nang sa gayon ay mawala sa kanila ang pagliligtas ng Diyos.”

Nang marinig ko ang sinabi niya at nakita ko ang kinang sa kanyang mukha, lalo pa akong naging mausisa. Naisip ko kung paanong, mula nang magsimula siyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, gumaling na siya mula sa kanyang depresyon dahil sa pangungulila niya sa kanyang ina. Nakita ko rin na naging mas pasensyosa siya sa aming anak at hindi na siya nagagalit; nagsimula rin siyang asikasuhin ako nang husto. Talaga kayang nabago ng Makapangyarihang Diyos ang asawa ko? Talaga bang kahanga-hanga ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tulad ng sinabi niya? Nang pag-isipan ko ang lahat ng ito, natuliro ang puso ko—hindi ko alam kung dapat ko siyang hayaang patuloy na manampalataya. Pagkaraang magtalo ang aking kalooban, nagpasiya akong magpunta sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at tingnan iyon para sa aking sarili. Kung hindi iyon tulad ng sinabi online, hindi ko siya hahadlangan.

Pagsapit ng katapusan ng linggo na wala akong pasok sa trabaho, nilapitan ko ang asawa ko at sinabi ko sa kanya na gusto kong matingnan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—kapwa siya nagulat at nasiyahan. Pagdating namin doon magiliw kaming tinanggap ng mga kapatid, at nadama ko sa kanilang mga mukha, kilos, at pakikitungo sa iba na sila ay mababait at matatapat. Unti-unting napalis ang kaba at pagiging maingat ko. Pagkatapos, tuwang-tuwang sinabi ng isang sister sa lahat, “Mga kapatid, ang musikal na Kuwento ni Xiaozhen ay nanalo ng internasyonal na parangal!” Itinanong ko, “Puwede ko bang mapanood iyon?” Sabay-sabay silang pumayag na lahat at sinimulan nilang ipalabas ang musikal. Ang maganda at pangit na mga karanasan ni Xiaozhen sa kuwento ay talagang nakaantig sa puso ko at naisip ko kung paano ako katulad ni Xiaozhen. Nagpatangay ako sa lipunan noong mas bata pa ako dahil sa isang kamalasang nangyari sa pamilya, nagdanas ng lahat ng uri ng pananakot at panghihiya para lamang makaraos at mabalewala ng iba. At ngayon ay nagpupunyagi at nagsusumikap akong maghanapbuhay at nagdaan sa lahat ng uri ng bagay, na matamis at mapait. Nagdanas ako ng kasaganaan at kahirapan sa paglipas ng mga taon, at nakaramdam ng pagod at kalungkutan, ngunit lagi akong nagpakita ng katatagan sa harap ng asawa ko at mga kaibigan. Sino ba naman ang makakaalam na nasasaktan ang puso ko? Nang patapos na ang musikal, kinanta ang awiting ito: “… Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras …” (“Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Bawat linya ng awit ay nagpasigla sa aking nalilito at nagdurusang kaluluwa, at bawat notang kinanta ay parang isang ina na inaabot ang kanyang mga kamay sa kanyang anak na matagal nang nawawala. Ang nadama ko ay tawag ng pagmamahal—labis akong naantig. Hindi ko mapigilan ang mga luhang tumutulo sa aking mukha nang matapos ang musikal. Iyon ang unang pagkakataon na napaiyak ako sa harap ng napakaraming tao at medyo nahiya ako, kaya agad at tahimik kong ibinaling ang aking ulo para magpunas ng mga luha. Tapat akong bumulalas, “Napakagandang musikal niyan!” Pagkatapos ay pinalakpakan ko ang Kuwento ni Xiaozhen.

Tiningnan ako ng asawa ko at masaya at madamdaming sinabi sa akin, “Napukaw ng Kuwento ni Xiaozhen ang puso mo dahil naantig ka ng Diyos! Alam ko na nagkaroon ng epekto sa iyo ang Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28 at na marami kang maling pagkaunawa tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Alam ko rin na nag-aalala ka para sa kaligtasan ko at ng ating anak, kaya ngayon ay tingnan natin kung ano talaga ang nangyari sa kasong iyon.”

Pagkatapos ay ipinalabas ng mga kapatid para sa akin ang video na, Nalantad ang Katotohanan sa Likod ng Kaso nung Mayo 28 sa Zhaoyuan. Inihayag nito ang ilang pangunahing kahina-hinalang aspeto ng kaso at pagkatapos ay isa-isang sinuri ang mga ito. Talagang nakatutok ako roon at isinabay ko sa video ang sarili kong pagsusuri sa kaso para alamin ang katotohanan. Unti-unti nawala ang kulubot sa noo ko habang patuloy ang video at, nang makita kong isa-isang inilalantad ang mga kasinungalingan, napabuntong-hininga ako. Natanto ko na ang Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28 ay inimbentong mag-isa ng gobyernong CCP para sugpuin ang paniniwala ng mga relihiyoso at puksain ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ikinaila mismo ng mga nagkasala sa kaso na sina Zhang Lidong, Zhang Fan at ng iba pa na sila ay mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinabi na hindi sila talaga kaanib ng iglesia. Ngunit lubos na binalewala ng gobyernong CCP ang mga patotoo ng mga pinaghihinalaan at tahasang sinalungat ang mga tunay na pangyayari, na iginigiit na ang krimen ay isinagawa ng mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mas nakakatawa pa ay na kahit walang paglilitis o hatol ang hukuman, una-ulong nagmadali ang gobyernong CCP na ilabas sa publiko at tiyakang gawan ng kaso ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng TV at Internet media, lahat ay para lumikha ng pagkakagulo sa publiko upang sugpuin ang iglesia at puksain ito. Pinaratangan ng gobyernong CCP ang iglesia at lumikha ng gayong huwad na kaso upang masimulan nitong sugpuin at arestuhin ang mga Kristiyano sa iglesia nang walang aberya. Katulad lang ito ng paraan ng pagsugpo nito sa kilusan ng mga estudyante noong Hunyo 4 ng 1989—nag-imbento muna ito ng mga tsismis para ipakita na ang makabayang kilusan ng mga estudyante ay isang kaguluhang laban sa paghihimagsik, at pagkatapos ay sinimulan nitong pag-aarestuhin at pagpapatayin ang mga tao. Naharap sa mga tunay na pangyayari, sa wakas ay nalinawan ko nang lubusan na ang taktika ng gobyernong CCP sa pagpuksa sa mga taong tumututol sa kanila ay mag-imbento muna ng mga tsismis at baluktutin ang mga tunay na pangyayari, pagkatapos ay paratangan sila, at pagkatapos ay marahas silang sugpuin. Sa pagbabaligtad sa katotohanan, pagbabaluktot sa realidad at pagpaparatang sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagagawa ng gobyernong CCP na mapaniwala sa mga kasinungalingan nito ang mga taong hindi nakakaalam sa katotohanan at magkakamali sila sa pag-unawa sa iglesia—lubhang kasuklam-suklam ang gobyernong CCP! Ngunit ang isang bagay na hindi ko pa rin naunawaan ay na ang mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay matutuwid na tao na hindi katulad ng sinasabi online, kaya bakit galit na galit na pinag-uusig ng gobyernong CCP ang iglesia at ginagawa ang lahat upang ibintang sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang kasong iyon ng pagpatay at arestuhin ang mga miyembro nito? Ano ba talaga ang nangyayari noon?

Binanggit ko ang aking pagkalito at sumagot ang isang sister, na sinasabing, “Basahin muna natin ang dalawang sipi mula sa mga salita ng Diyos. ‘Napapanalunan ni Satanas ang katanyagan nito sa pamamagitan ng pandaraya sa mga tao. Madalas nitong itinatatag ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng bandila ng pagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng pamamaraan upang pamanhirin, dayain, at sulsulan ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang isama ang tao sa paglaban sa awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag naging marunong na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong palabas nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay na masama, malisyoso, pangit at mabagsik na mukha nito. Wala itong ibang nais kundi lipulin ang lahat ng yaong tumatangging sumunod dito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa’ (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Ang dahilan kung bakit si Satanas ay naiinis at galit na galit ay: Nalantad ang di-masambit na mga pamamaraan nito; ang mga lihim na balak nito ay hindi madaling takasan; ang marahas na mithiin at pagnanasa nito na palitan ang Diyos at kumilos bilang Diyos ay nasira at nahadlangan; ang layunin nitong kontrolin ang buong sangkatauhan ay hindi nangyari at hindi na kailanman matutupad’ (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).”

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi siya, sinasabing, “Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang ugat na dahilan kung bakit kinokontra ni Satanas ang Diyos at sinasaktan ang sangkatauhan. Kung gayon kung gagamitin natin ang mga salita ng Diyos para ituring ang mga kilos ng gobyernong CCP at ang pag-uusig nito sa mga Kristiyano na pagkontra sa Diyos, malinaw nating makikita na kumakatawan ito kay Satanas, ang diyablo, at ito ang napakasamang rehimen na pinaka-namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos. Talagang hindi nito tutulutan ang mga tao na maniwala sa Diyos o tumahak sa tamang landas para maitatag ang China bilang isang lugar ng ateismo—nais nitong puksain ang lahat ng paniniwala sa relihiyon. Totoo ito lalo na sa mga huling araw—nagpakita at gumawa na sa China ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, na nagpapahayag ng mga katotohanan upang maghatid ng liwanag sa sangkatauhan. Natitiyak ng mga tao mula sa lahat ng relihiyon at denominasyon na tunay na naniniwala sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan, matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na ang mga ito ang katotohanan, at, isa-isa, tinatanggap nila ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Maraming tao ang nakaunawa sa katotohanan sa pagbasa sa mga salita ng Diyos at natutuhan kung paano makahiwatig sa pagitan ng mabuti at masama. Sa gayon ay malinaw nilang nakita ang masamang diwa ng gobyernong CCP at nagiging handa silang itakwil ito, at sinisimulan nilang hanapin ang katotohanan at tumahak sa tamang landas sa buhay. Dahil nakikita nito na parami nang parami ang mga taong nagsisimulang manampalataya sa Diyos at sumunod sa Kanya, nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Walang saysay itong umaasang kaladkarin ang mga tao pabalik sa kampo nito upang patuloy silang maging mga alipin at manatiling api-apihan. Dahil dito, galit na galit na inuusig at sinusugpo ng gobyernong CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos hindi lamang sa pamamagitan ng lahat ng uri ng kasinungalingan upang maparatangan at masiraang-puri ito, kundi sa paggamit din ng lahat ng uri ng kasuklam-suklam na mga taktika. Maraming beses itong nagpalabas ng kumpidensyal na mga dokumento upang pakilusin ang maraming bilang ng mga armadong pulisya at militar na galit na arestuhin at usigin ang mga Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa buong bansa sa isang mapanlinlang na pagtatangkang pigilan ang paglaganap ng gawain ng ebanghelyo ng Diyos at lubos na mabuwag ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Lalo na nitong nakaraang ilang taon, lahat ng uri ng pelikula at video tungkol sa ebanghelyo na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isa-isa nang na-upload sa Internet at lumaganap na ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa buong mundo na parang malaking apoy. Alam ng gobyernong CCP ang kasalanan nito, batid na mula nang maging makapangyarihan, nakapatay na ito ng marami at nakagawa ng lahat ng uri ng kasamaan; ang dugong inutang nito sa pag-uusig sa mga Kristiyano ay mabigat. Natatakot ito na tanggapin ng mga tao sa buong mundo ang gawain ng Diyos, maunawaan ang katotohanan, malinaw na makita ang masamang mukha nito at pagkatapos ay itakwil ito, at mawala ang katatagan nito sa mundo. Sa gayon ay mabibigo ang marahas na ambisyon nitong kontrolin ang buong sangkatauhan at maging isang diyos. Kaya nga tumindi na ang pag-uusig ng gobyernong CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Masinsinan nitong inimbento ang Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28 para paratangan ang iglesia, sa pagtatangkang guluhin at lituhin yaong mga hindi nakakaalam sa katotohanan para kamuhian nila ang Diyos at ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at gumawa ng masama kasabay nito. Makikita natin mula rito na napakasama ng gobyernong CCP at sinasalungat ang Langit, at talagang kinasusuklaman nito ang Diyos at kinamumuhian ang katotohanan. Ito ang kaaway ng Diyos—isang demonyong lumalaban sa Diyos. Gayunman, ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at ginagamit ang Kanyang karunungan sa mga panlilinlang ni Satanas. Ang pangit na mukha ng gobyernong CCP ay inilalantad sa liwanag ng sarili nitong baliw na pagkontra at pang-aapi, at makikita ng mga taong hinirang ng Diyos ang likas na masama at pagiging reaksyonaryo nito nang mas malinaw pa. Nagkakaroon sila ng pagkahiwatig sa kasuklam-suklam at masamang kalikasan nito, nagiging mas matatag ang kanilang kagustuhang sundin ang Diyos, at mas gusto pa nilang isuko ang sarili nilang buhay kaysa tumigil sa pagsunod sa Diyos. Ipinapakita nito na gaano man kabangis ang gobyernong CCP, hindi nito mapipigilan ang mga tunay na mananampalataya sa pagsunod sa Diyos, lalo pang hindi nito mapipigil ang gawain ng Diyos.”

Matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang pagbabahagi ng sister na ito, naunawaan ko na inuusig ng gobyernong CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil ang pinakadiwa nito ay namumuhi sa katotohanan at kaaway ng Diyos. Nais nitong kontrolin ang mga tao, na mahigpitan ang mga tao, ngunit ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay malalim na nag-uugat sa puso ng mga tao. Talagang ayaw ng gobyernong CCP na sumunod ang lahat ng tao sa Diyos, kaya ginagawa nito ang lahat ng makakaya nito para mag-imbento ng mga tsismis upang linlangin ang publiko at mag-imbento ng mga maling kaso, ginagalit ang publiko para usigin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ganyan nagsimula ang Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28. Naglaho ang mga pagdududa ko sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang maunawaan ko ang katotohanan. Gayunman, may isa pa akong alalahanin: Dahil napakalupit ng gobyernong CCP sa iglesia, ligtas bang maniwala ang asawa ko sa Diyos?

Pagkatapos ay ipinalabas ng mga kapatid ang isang pelikula para sa akin, Ang mga Kasinungalingan ng Komunismo. May isang sipi ng mga salita ng Diyos doon na talagang umantig sa puso ko. “Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga humahadlang sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, ginugulo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mawawala mula sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nadarama ko ang awtoridad at kamahalan ng Diyos sa Kanyang mga salita. Walang masamang puwersa ni Satanas ni sinumang tao ang maaaring humadlang sa gawain ng Diyos. Bagama’t nag-iisip na mabuti ang mga nasa gobyernong CCP para siraan at tuligsain ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, inaaresto at inuusig pa nang buong kasamaan ang mga kapatid sa iglesia, pilit pa ring naniniwala at sinusunod ng mga kapatid ang Diyos, at patuloy na ipinapalabas online ang mga pelikula tungkol sa ebanghelyo, kathang pangkoro, at video ng sayawan at awitan na ginagawa nila, na lubos na hinahadlangan ng gobyernong CCP. Nakita ko sa wakas kung gaano kamakapangyarihan sa lahat ang Diyos at na walang puwersang posibleng makapipigil sa Kanyang gawain. Sa kanyang paniniwala sa Diyos, ang Diyos ang puwersang kanyang sandigan, kaya wala akong dapat ipag-alala. Matapos maunawaan ang lahat ng iyon, naglaho ang lahat ng pag-aalala at pagdududa sa puso ko. Nakangiting sinabi ko sa asawa ko, “Tamang maniwala ka sa Makapangyarihang Diyos. Nabulag ako nang husto noon—nagkamali akong maniwala sa narinig ko at nagdusa ka nang husto dahil doon. Maling-mali ako. Mula ngayon, ganap kitang susuportahan sa pananampalataya mo.” Bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata at madamdaming sinabi niya, “Salamat sa Diyos at nakita mo na ang mga kasinungalingan ng gobyernong CCP at hindi ka na nalilito. Ito ang patnubay at pamumuno ng Diyos!”

Mula noon nagsimula na kaming manood ng asawa ko ng mga videong ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos paminsan-minsan, at pinakinggan ko siyang magsalita tungkol sa kanyang pananampalataya. Gayunman, nadama ko pa rin na ang pananampalataya sa Diyos ay isang simpleng klase ng paniniwala. Tama, maaari akong maniwala sa Diyos sa puso ko. Ngunit kinailangan ko pa ring maghanapbuhay at tustusan ang aking pamilya, at magbigay ng sapat upang maging maganda ang buhay namin. Matapos sumailalim sa isang karamdaman, saka lamang ako nagtamo ng bagung-bagong pagkaunawa tungkol sa paniniwala sa Diyos.

Isang gabing papadilim na habang naghahapunan ang aming pamilya, nagsimula akong makaranas ng matinding pananakit ng tiyan at nagsimulang tumulo ang malalaking patak ng malamig na pawis sa mukha ko. Agad akong dinala ng asawa ko sa ospital kung saan nasuri na pumutok ang apendiks ko. Kritikal ang sitwasyon ko na nangailangan ng agarang operasyon. Wala akong nagawa at noon lang ako natakot nang ganoon katindi—kung hindi ako nakaraos, paano mabubuhay ang asawa’t anak ko sa isang bansang dayuhan? Sino ang tutulong sa kanila? Nakikita kung ano ang iniisip ko, hinawakan ng asawa ko ang kamay ko at sinabing, “Alam ko kung ano ang ipinag-aalala mo. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, at lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay. Nasa Kanya rin ang huling pasiya kung magiging tagumpay ang operasyon. Kailangan nating sumandig sa Diyos at, ano man ang kahinatnan ng operasyon, hindi natin masisisi ang Diyos, ngunit kailangan nating magpasakop sa Kanyang pamamahala at mga plano.” Tumango ako matapos marinig ang sinabi niya. Nang sumara na ang pinto sa operating room, pumikit ako at nagdasal sa Diyos. “O Makapangyarihang Diyos! Natatakot ako. Bigyan Mo sana ako ng pananampalataya para hindi na ako matakot. Handa akong sumandig sa Iyo.” Nabawasan ang takot ko pagkatapos kong magdasal, at naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos mula sa isang video: “Ang lahat ng mayroon ang tao—kapayapaan at kasiyahan, mga pagpapala at personal na kaligtasan—sa totoo lang ay nasa ilalim lahat ng kontrol ng Diyos, at ginagabayan Niya at pinagpapasyahan ang kapalaran ng bawat isang tao” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Totoo,” naisip ko. “Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at nasa Kanyang mga kamay ang buhay ko. Ang tagumpay ng operasyon sa akin ngayon ay nakasalalay sa pamamahala at mga plano ng Diyos, kaya sa pagpapabahala ko ng lahat sa Diyos, wala akong dapat ipag-alala.” Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng pananampalataya; napanatag ang balisa kong puso, at hindi na ako nag-alala tungkol sa posibleng kabiguan ng operasyon. Unti-unti akong nawalan ng malay nang umepekto ang pampamanhid. Nang magkamalay ako, sinabi sa akin ng doktor na nagtagumpay ang operasyon, at alam ko na napangalagaan ako ng Diyos. Paulit-ulit akong nag-alay ng papuri at pasasalamat sa Diyos.

Kalaunan, nakita ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Aang unang bagay na dapat maunawaan ng isang tao, kapag umapak siya sa mundong ito, ay kung saan nanggaling ang mga tao, bakit buhay ang mga tao, sino ang nagdidikta ng kapalaran ng tao, sino ang nagbibigay at may kapangyarihan sa pag-iral ng tao. Sa kaalamang ito tunay na nabubuhay ang isang tao, ang pangunahing batayan para sa kaligtasan ng tao, hindi ang pagkakatuto kung paano suportahan ang sariling pamilya, o kung paano makakamtan ang katanyagan at kayamanan, hindi ang matutuhan kung paano mamumukod-tangi sa karamihan ng tao o kung paano magkaroon ng isang mas marangyang pamumuhay, mas lalong hindi upang matutuhan kung paano mahihigitan o tagumpay na makipagpaligsahan sa iba. Bagaman ang iba’t ibang kasanayan para sa kaligtasan sa buhay na pinaggugugulan ng mga tao ng kanilang buhay para makabisado ay maaaring makapaghandog ng isang kasaganaan sa mga materyal na kaginhawahan, ang mga ito ay di-kailanman nakapagdadala sa puso ng isang tao ng tunay na kapayapaan at kasiyahan, sa halip ay patuloy na nagiging dahilan para mawala ng mga tao ang kanilang direksyon, mahirapang kontrolin ang kanilang mga sarili, mapalampas ang bawat pagkakataon na matutuhan ang kabuluhan ng buhay; at sila’y lumilikha ng pagkaligalig kung paano angkop na haharapin ang kamatayan. Sa ganitong paraan, nasisira ang mga buhay ng mga tao. Tinatrato ng Lumikha ang lahat nang patas, binibigyan ang bawat isa ng panghabambuhay na mga pagkakataon na maranasan at makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, subalit tanging kapag papalapit na ang kamatayan, kapag nakaamba na sa isang tao ang kawit ni kamatayan, doon lamang nakikita ng tao ang liwanag—at sa gayon ay huli na” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sumigla ang puso ko pagkatapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos at naunawaan ko na hindi lamang tayo nabubuhay sa mundong ito para mabuhay nang karaniwan upang mapakain ang ating pamilya at umunlad, o kainggitan at tingalain ng iba, na naghahangad na maging bantog at makinabang. Tayong mga tao ay mga nilikha ng Diyos at kapag ating pinaniwalaan at sinamba ang Diyos, hinanap at inunawa ang katotohanan, nakamit ang kaalaman tungkol sa Diyos, at malinaw na inunawa na ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay sa ating buhay at na ang ating kapalaran ay nasa Kanyang mga kamay, saka lamang natin tunay na masusunod ang Kanyang pamamahala at mga plano at magpapakabait at kikilos tayo ayon sa Kanyang mga salita. Iyan lamang ang paraan para mabuhay nang may kabuluhan at halaga; iyon lamang ang paraan para hindi mabuhay nang walang saysay sa mundong ito. Naalala ko kung ano ang dati kong pakiramdam, na ang pananampalataya sa Diyos ay isang simpleng klase ng paniniwala, at na ang pagkita ng pera para sa pamilya ko ang dapat kong gawin sa buhay ko. Nang magkaroon ako ng karamdamang muntik ko nang ikamatay, saka lamang ako namulat sa wakas. Magkano man ang kinikita natin o gaano man kataas ang ating katayuan, kapag nagkasakit tayo, hindi makakabawas ang mga bagay na iyon sa ating pagdurusa o takot at kawalan ng magagawa sa kaibuturan ng ating puso. Sa bingit ng kamatayan, hindi posibleng maibalik o mapahaba ng pera, kabantugan, at yaman ang ating buhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos—Siya ang nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas sa pamamagitan ng Kanyang mga salita nang magkasakit ako at takot na takot ako at wala akong magawa. Binigyan Niya ako ng isang bagay na masasandigan para panatag kong maharap noon ang lahat ng darating. Lalo na, kalinga at pangangalaga lamang ng Diyos ang nakatulong sa akin na makaraos sa aking operasyon nang walang aberya. Sa pamamagitan ng karanasang iyon tunay kong nadama na ang Diyos ay kapwa totoo at buhay, na Siya ay maaaring maging tulong at suporta natin anumang oras, at na Siya rin ang ating matatag na sandigan. Ang dapat nating pagsikapang matamo bilang mga tao habang nabubuhay tayo ay paniniwala sa Diyos, pagsamba sa Diyos, at dapat nating maunawaan ang pamamahala ng Diyos at magpasakop tayo rito. Iyan ang kailangang-kailangan ng ating espiritu, at iyan ang pinaka-makabuluhang buhay na dapat nating hangarin. Binago rin ng karanasang iyon ang aking maling paniwala na ang pananampalataya sa Diyos ay isang simpleng klase ng paniniwala at ipinasiya kong manampalataya na kaagapay ng asawa ko, basahin ang mga salita ng Diyos, at tahakin ang landas ng paghahanap sa katotohanan at makilala ang Diyos.

Nabalitaan ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagkasakit ako, kaya binisita nila ako sa ospital. Nang malaman nila na hindi ako makakapagtrabaho nang ilang panahon at walang mapagkukunan ng ikabubuhay ang pamilya namin, tinulungan nila akong mag-aplay para sa isang hardship grant at maibalik ang malaking bahagi ng aking ginastos sa pagpapagamot. Sa isang lipunang malamig at walang-pakialam, talagang nakadama ako ng sigla sa taos na pagtulong ng mga kapatid, na para bang bahagi kaming lahat ng iisang pamilya. Matapos manatiling nakikipag-ugnayan sa kanila nang ilang panahon, nakita ko na lahat sila ay lubhang mabubuting tao na umasa sa mga salita ng Diyos sa kanilang mga pakikitungo sa isa’t isa, na tinrato nila ang ibang mga tao nang tapat, matutuwid silang tao at marangal sa kanilang mga salita at kilos, at ang kanilang pagkatao at pamumuhay ang siyang nararapat para sa mga Kristiyano. Lubos silang kakaiba sa mga taong nakatrabaho ko—halos walang natitirang mga taong katulad nila sa mundo. Nadama ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay talagang maaaring baguhin ang mga tao at gabayan tayo sa tamang landas, at nadama ko na ang iglesiang ito ay puno ng pagmamahal at na binigyan nito ang mga tao ng malaking kasiglahan.

Iniisip ko ang nakaraan nang mabulag ako sa mga kasinungalingan ng gobyernong CCP at paulit-ulit akong tumangging hanapin o siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at humadlang pa ako sa pananampalataya ng asawa ko, ngunit hindi sumuko ang Diyos sa pagsisikap na iligtas ako. Gamit ang Kanyang mga salitang binasa sa akin ng mga kapatid at ang mga videong ipinalabas nila para sa akin, tinulutan ako ng Diyos na makita ang mga kasinungalingan ng gobyernong CCP at malinaw na makita ang masamang katotohanan sa likod ng mga ito. Nang mag-alala ako sa kahihinatnan ng operasyon sa akin at mamuhay ako sa takot, niliwanagan at ginabayan ako ng mga salita ng Diyos, binigyan ako ng mga iyon ng pananampalataya at lakas, at itinama ang aking mga maling opinyon. Nang hindi ako makatrabaho pagkatapos ng operasyon, tinulungan at sinuportahan ako ng Diyos sa pamamagitan ng mga kapatid. Naranasan ko ang pag-ibig at awa ng Diyos sa akin gayundin ang awtoridad at kahalagahan ng Kanyang mga salita, at tuwang-tuwa kong tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ngayon, madalas kaming dumalo ng asawa ko sa mga pagtitipon at magbasa ng mga salita ng Diyos, at nasiyahan at napuspos ng galak ang puso ko! Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas sa akin!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento