Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagkakatawang-tao ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagkakatawang-tao ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

2020-08-23

Ano ang likas na katangian ng problema ng hindi pagkilala ng tao sa mga katotohanang ipinahayag ni Cristo? Ano ang mga bunga ng hindi pagtrato ng tao kay Cristo bilang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito. Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan. … Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios” (Juan 8:44–47).

2020-07-05

Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang.