Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo
Ang Diyos ang Siyang namamahala sa lahat ng mga bagay, at ang nangangasiwa sa lahat ng mga bagay. Nilikha Niya ang lahat ng mayroon, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mayroon, at pinamamahalaan din Niya ang lahat ng mayroon at nagkakaloob sa lahat ng mayroon. Ito ang kalagayan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng mga bagay. Ang gayon ay ang pagkakakilanlan na taglay ng Diyos, at Siya ay natatangi sa gitna ng lahat ng mga bagay. Wala sa mga nilikha ng Diyos—maging sila man ay sa gitna ng sangkatauhan, o sa espirituwal na mundo—ay maaaring gumamit ng anumang mga pamamaraan o dahilan upang magpanggap o palitan ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos, sapagkat mayroon lamang isa sa gitna ng lahat ng mga bagay na taglay ang pagkakilanlang ito, kapangyarihan, awtoridad, at ang kakayahang mamahala sa lahat ng mga bagay: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng mga bagay; maaari Siyang tumayo sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng mga bagay; kaya Niyang ibaba ang Sarili Niya sa pamamagitan ng pagiging isang tao, sa pagiging isa sa gitna niyaong may laman at dugo, humarap nang malapitan sa mga tao at nakikibahagi sa kanila sa hirap at ginhawa; kasabay nito, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mayroon, at nagpapasya sa kapalaran ng lahat ng mayroon, at anong direksyon ang tatahakin nito; higit pa rito, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at ang patutunguhan ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na gaya nito ay dapat sambahin, talimahin, at kilalanin ng bawat buhay na mga nilalang. At kaya, sa alinmang grupo at uri sa gitna ng sangkatauhan ka kabilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paggalang sa Diyos, pagtanggap sa pamamahala ng Diyos, at pagtanggap sa pagsasa-ayos ng Diyos para sa iyong kapalaran ang tangi mong pagpipilian, at mahalagang pagpipilian, para sa bawat tao, para sa bawat buhay na nilalang. Sa pagiging natatangi ng Diyos, nakikita ng mga tao na ang Kanyang awtoridad, ang Kanyang matuwid na disposisyon, ang Kanyang diwa, at ang mga pamamaraan kung paano Siya naglalaan para sa lahat ng mga bagay ay natatangi; ang Kanyang pagiging natatangi ang nagpapasiya sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at ito ang nagpapasiya sa Kanyang kalagayan. At kaya, sa gitna ng lahat ng mga nilikha, kung ang sinumang buhay na nilalang sa espirituwal na mundo o sa gitna ng sangkatauhan ang magnais na tumayo sa lugar ng Diyos, magiging imposible ito, na animo’y pagtatangka na magpanggap na Diyos. Ito ang katotohanan. Ano ang mga kinakailangan ng sangkatauhan sa isang Lumikha at Namamahala na kagaya nito, na taglay ang pagkakakilanlan, ang kapangyarihan, at ang kalagayan ng Diyos Mismo? Ito ay dapat nang maliwanag sa inyong lahat na narito ngayong araw, at dapat matandaan ninyo, at ito ay parehong napakahalaga para sa Diyos at sa tao!
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento