Maaari ninyo bang ihayag ang katauhan ng Diyos ng panahon na akma sa wika na naaayon sa panahon? Sa pamamagitan ng inyong karanasan ng gawain ng Diyos, maaari ninyo bang detalyadong ilarawan ang katauhan ng Diyos? Paano ninyo mailalarawan ito nang agpang at angkop?
Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa inyong mga karanasan. Paano ninyo ipapasa ang mga namamasdan at karanasan sa mga nakakaawa, dukha, at debotong relihiyosong sumasampalataya na gutom at uhaw sa katwiran at naghihintay sa inyo nagabayan sila? Anong uri ng mga tauhan ang naghihintay sa inyo upang gabayan sila? Maaari ninyo bang isalarawan? Nababatid ninyo ang pasanin na inyong pinapasan, ang inyong iniatang na gawain, at inyong pananagutan? Nasaan ang inyong makasaysayang diwa ng misyon? Paano kayo magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na panahon?
Mayroon ba kayong dakilang diwa ng pagiging panginoon? Paano ninyo ipapaliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na panginoon ng lahat ng mga nilalang at lahat ng mga sangkap sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon kayo para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa inyo bilang kanilang pastol? Ang gawain ninyo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Paanong nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming taon. Sino ang nakaaalam kung paanong balisa silang umaasa, at paanong umaasam sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na magpapalahaw? Ang mga marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng pahinga ay tunay na nagdurusa ng gayong masamang kapalaran. Matagal na silang napagsarahan ng mga walang awang lubid at ang kasaysayan na nagyelo na sa lugar. Sino kahit minsan ang nakarinig ng huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita ng kanilang kaawa-awang itsura? Naisip ninyo ba kung gaano namighati at balisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga busabos na nilason. Kahit na nakaligtas sila sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal ng nilason ng balakyot? Nakalimutan ba ninyong isa kayo sa mga biktima? Dala ng inyong pag-ibig sa Diyos, hindi ba kayo handang magpunyagi upang iligtas ang mga taong nakaligtas? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagpupunyagi upang gantihan ang Diyos na inibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang laman at dugo? Paano ninyo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan sa inyong Diyos upang isabuhay ang inyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kayong pagpapasiya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makahulugang buhay ng isang taong banal at nagsisilbi sa Diyos?

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento