Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query pag-ibig. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post
Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query pag-ibig. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post

2020-10-11

Pagtakas mula sa “Lungga ng Tigre”


Ni Xiaoyou, China

Ako si Xiaoyou at ako ay 26 taong gulang. Dati akong Katoliko. Noong maliit pa ako, sumama ako sa aking ina sa simbahan para dumalo sa Misa, magbasa ng Biblia, mangumpisal at tumanggap ng Komunyon. Masyadong masigasig ang aking ina sa kanyang pananampalataya. Madalas siyang nagbibigay ng pagkain at iba pang mga bagay sa simbahan mula sa aming bahay, at nagbibigay rin siya ng pera. Gustung-gusto ng mga pinuno ng simbahan at mga madre ang aking ina.

2020-09-27

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, Estados Unidos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pangunahing gawain ng Diyos sa kapanahunang ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng diwa ng kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos” (“Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

2020-09-25

Paglaya Mula sa Bitag ng Usap-usapan

Ni Xiaoyun, Tsina

Ako ay isang dating opisyal ng hukbong-sandatahan. Isang araw noong 1999, ipinangaral ng isang Koreanong pastor ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa akin. Dahil sa aking taimtim na pagsisikap, di-nagtagal ay ako ang naging tuon sa pagsasanay ng pastor at ng kanyang pangunahing katulong. Noong tag-araw ng 2000, nagpunta ang pastor sa Yunnan para sa isang maikling pagmimisyon sa tag-araw kasama ang mahigit sa isang dosenang estudyante sa kolehiyo mula sa Korean Gospel Church. Hindi inaasahan, natakot dito ang gobyernong CCP.

2020-09-18

Nakikita Ko ang mga Kasinungalingan ng Gobyernong CCP at Inaakit Ako ng Pag-ibig ng Diyos na Bumalik sa Kanya

Ni Kemu, South Korea

“Minsan ko pang sinasabi sa iyo—tumigil ka sa pagkausap sa akin tungkol sa Diyos na iyan, at hindi ka na puwedeng magkaroon ng kaugnayan sa mga mananampalatayang iyon sa Diyos. Kapag nakita kong kinakausap mo sila ulit, dudurugin ko ang cell phone mo!”

“Bakit? Bakit mo hinahadlangan ang pananampalataya ko?” tanong ng asawa ko, na mukhang litung-lito.

2020-09-08

pagninilay sa ebanghelyo ngayong araw|Ano ang pagsunod sa tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang ilang tao ay hindi nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ito’y tinatawag na mga taong gustong maging makapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pag-aalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan.

2020-08-23

Ano ang likas na katangian ng problema ng hindi pagkilala ng tao sa mga katotohanang ipinahayag ni Cristo? Ano ang mga bunga ng hindi pagtrato ng tao kay Cristo bilang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito. Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan. … Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios” (Juan 8:44–47).

2020-08-17

Ano ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang kaalaman tungkol sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohiko?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng makilala ang Diyos? Ibig sabihin ay nakikilala ng tao ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos; ito ang pagkilala sa Diyos. Sinasabi mong nakikita mo na ang Diyos, ngunit hindi mo nauunawaan ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang Kanyang disposisyon, ni nauunawaaan ang Kanyang katuwiran. Wala kang pagkaunawa sa Kanyang pagka-mahabagin, at hindi mo alam kung ano ang gusto o kinamumuhian Niya. Hindi ito pagkakilala sa Diyos. Samakatuwid, nakakayang sundan ng ilang tao ang Diyos, ngunit hindi niyan ibig sabihin nananalig sila sa Diyos.

2020-08-09

Ang Panginoon Ay Nagpakita sa Silangan

Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”

2020-08-03

Paano pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang buong sansinukob?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapipigil ng sangkatauhan na itanong sa kanilang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan.

2020-08-01

Ang Misteryo ng Trinidad ay Inihayag

Ni Jingmo, Malaysia

Napakapalad ko noong 1997 na matanggap ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus at, noong ako ay binyagan, nagdasal at bininyagan ako ng pastor sa pangalan ng Trinidad (o tatlong persona sa iisang Diyos)—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Mula noon, sa tuwing nagdarasal ako, inalay ko ang aking panalangin sa pangalan ng Trinidad, ang mapagmahal na Ama sa langit, ang Tagapagligtas na Panginoong Jesus, at ang Banal na Espiritu. Ngunit laging may pag-aalinlangan sa puso ko. Paano nangyari na naging isa lang ang tatlo? Hindi ko ganap na maipahayag o maunawaan kung ano ang kahulugan ng Trinidad.

2020-07-21

Pinatototohanan mo na sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa tao, kaya paano ba talaga hinahatulan, dinadalisay at inililigtas ng Diyos ang tao?

Sagot:

Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

2020-07-09

Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para mailigtas at magawang perpekto ang mga tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na kinakailangan ay itinatalaga sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang mga kapanahunan, ang mga kinakailangan ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagiging lalong mas mataas. Kaya, isa-isang hakbang, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos ay nakakaabot sa rurok nito, hanggang napagmamasdan ng tao ang katunayan ng “pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,” at sa paraang ito ang mga kinakailangan sa tao ay mas tumataas pa, at ang mga pangangailangan sa tao na sumaksi ay mas tumataas.

2020-07-03

Kailan Babalik ang Panginoong Jesus? Paano natin Siya Sasalubungin?


Palala nang palala ang mga sakuna sa mga araw na ito at mayroong mga tao online na hayagang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon. Nabasa ito sa Biblia ng ilang tao, "Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam," at naniniwala sila na kung nagbalik na ang Panginoon ay walang makakaalam. Pag-isipan mo ito: Kung walang nakakaalam sa pagbabalik ng Panginoon, paano natin Siya masasalubong? Ano ang tunay na kahulugan ng "Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam"? Talaga bang nagbalik na ang Diyos o hindi? Ituloy mo ang pagbabasa upang matuto nang higit pa.

2020-07-01

Ano ang kaibhan sa pagitan ng matapat na tao at ng taong mapanlinlang?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lubos Kong kinalulugdan ang mga hindi nagkikimkim ng paghihinala tungkol sa iba at gustung-gusto Ko rin yaong mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; ang dalawang uri ng mga taong ito ang lubos Kong kinakalinga, dahil sa Aking paningin sila ay matapat na mga tao. Kung masyado kang mapanlinlang, magkakaroon ka ng mapagsaalang-alang na puso at mga kaisipan ng pagdududa kaugnay sa lahat ng bagay at lahat ng tao. Dahil dito, ang iyong pananampalataya sa Akin ay itinatayo sa pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ikaw ay mas mapapalayo sa tunay na pag-ibig. At kung kaya mong pagdudahan ang Diyos at sadyang naghahaka-haka tungkol sa Kanya, walang kaduda-dudang ikaw kung gayon ang pinakatusong tao.

2020-06-26

Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan | Sipi 2


"Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan" | Sipi 2


Ang mga pag-aari ng Diyos at pagiging Diyos, ang kakanyahan ng Diyos, ang Kanyang disposisyon—ang lahat ay ipinahayag sa Kanyang salita sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, habang nangyayari ang mga ito, darating sa punto na maiintindihan ng tao ang layunin sa likod ng mga salitang sinasabi ng Diyos, at maiintindihan ang pinagmumulan at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maiintindihan at mapapahalagahan ang hinahangad na epekto ng mga salita ng Diyos.

2020-06-25

Nakamit ng Tao ang Pagpapala ng Diyos dahil sa Kanyang Pagkamatapat at Pagkamasunurin

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, "Malaki ba ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham sa ating nabasa rito? Gaano ito kalaki? Mayroong isang napakahalagang pangungusap dito: "At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa," na nagpapakita na tinanggap ni Abraham ang pagpapala na hindi ibinigay sa sinumang dumating bago o pagkatapos.

2020-06-21

Pagtalo kay Satanas sa Labanan



Chang Moyang    Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ni Satanas ang mga tao na sumunod dito, susubukan at uutusan sila na sundin ang mga pagkaintindi ng laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit ang mga salita ng Diyos ay liliwanagan at paliliwanagin ang mga tao sa kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas.

2020-06-19

Ginabayan Ako ng Makapangyarihang Diyos sa Landas ng Pagkamit ng Paglilinis

Ni Gangqiang, USA

Noong 2007, dahil sa maraming kagipitan sa buhay ko, pumunta ako sa Singapore nang mag-isa para maghanap-buhay. Buong taon, napakainit ng klima sa Singapore, kaya araw-araw tumatagaktak ang pawis ko kapag nagtratrabaho. Napakahirap nito kaya nagdusa ako sa hindi mabigkas na paraan, at bukod pa riyan di-pamilyar na buhay iyon na walang sinumang kamag-anak o kaibigan, kaya inakala kong kabagot-bagot at nakapapagod ito.

2020-06-17

Mga Pagdurusa at mga Pagsubok—ang mga Pagpapala ng Pinapaboran



Wang Gang Lalawigan ng Shandong

Ako ay isang magsasaka at dahil ang aking pamilya ay mahirap, kailangan kong palaging maglakbay kung saan-saan upang makahanap ng mga pansamantalang trabaho upang kumita ng pera; akala ko kaya kong mapabuti ang aking buhay sa pamamagitan ng aking pisikal na paggawa. Gayunpaman, sa katotohanan, nakita kong walang mga garantiya para sa mga legal na karapatan ng mga migranteng manggagawang tulad ko; madalas na ibininbin ang aking sahod nang walang dahilan. Paulit-ulit akong dinaya at pinagsamantalahan ng iba.

2020-06-13

Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan | Sipi 2

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga pag-aari ng Diyos at pagiging Diyos, ang kakanyahan ng Diyos, ang Kanyang disposisyon—ang lahat ay ipinahayag sa Kanyang salita sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, habang nangyayari ang mga ito, darating sa punto na maiintindihan ng tao ang layunin sa likod ng mga salitang sinasabi ng Diyos, at maiintindihan ang pinagmumulan at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maiintindihan at mapapahalagahan ang hinahangad na epekto ng mga salita ng Diyos.