Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-07-01

Ano ang kaibhan sa pagitan ng matapat na tao at ng taong mapanlinlang?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lubos Kong kinalulugdan ang mga hindi nagkikimkim ng paghihinala tungkol sa iba at gustung-gusto Ko rin yaong mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; ang dalawang uri ng mga taong ito ang lubos Kong kinakalinga, dahil sa Aking paningin sila ay matapat na mga tao. Kung masyado kang mapanlinlang, magkakaroon ka ng mapagsaalang-alang na puso at mga kaisipan ng pagdududa kaugnay sa lahat ng bagay at lahat ng tao. Dahil dito, ang iyong pananampalataya sa Akin ay itinatayo sa pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ikaw ay mas mapapalayo sa tunay na pag-ibig. At kung kaya mong pagdudahan ang Diyos at sadyang naghahaka-haka tungkol sa Kanya, walang kaduda-dudang ikaw kung gayon ang pinakatusong tao.

—mula sa “Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang iba ay matino at maayos kung kumilos at tila lalong “pinong kumilos” sa presensiya ng Diyos, ngunit nagiging suwail at lubusang nawawalan ng lahat ng pagpipigil sa presensiya ng Espiritu. Ibibilang ba ninyo ang ganoong tao sa hanay ng mga matapat? Kung ikaw ay isang ipokrito at isa na bihasang makipagsosyalan, kung gayon ay sinasabi Kong ikaw ay tiyak na isa na nagwawalang-bahala sa Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng mga pagdadahilan at walang-kabuluhang mga pangangatwiran, kung gayon sinasabi Ko na ikaw ay isa na lubhang nasusuklam na magsagawa ng katotohanan. Kung marami kang mga itinatago na atubili kang ibahagi, at kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman. Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang tagapagsilbi sa tahanan ng Diyos, masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian. Dapat mong malaman kung mayroong totoong pananampalataya at totoong katapatan sa iyong kalooban, kung ikaw ay may tala ng pagdurusa para sa Diyos, at kung nakapagpasakop ka na nang ganap sa Diyos. Kung wala ka ng mga ito, kung gayon nananatili sa iyong kalooban ang pagiging masuwayin, ang panlilinlang, kasakiman, at pagdaing. Dahil ang iyong puso ay malayo sa katapatan, hindi ka kailanman nakatanggap ng positibong pagkilala mula sa Diyos at hindi kailanman nakapamuhay sa liwanag. Kung ano ang magiging kapalaran ng isa sa katapusan ay nakabatay sa kung siya ay may pusong matapat at simpula ng dugo, at kung siya ay may dalisay na kaluluwa. Kung ikaw ay isang taong lubhang hindi matapat, may pusong masama ang hangarin, at marumi ang kaluluwa, nakatitiyak ka na hahantong ka sa lugar kung saan ang tao ay pinarurusahan, tulad ng nakasulat sa talaan ng iyong tadhana.

—mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Gagamitin ng taong mapanlinlang ang kanyang mga taktika sa pandaraya kaninuman, kabilang na ang kanyang mga kamag-anak—maging mga anak niya. Gaano ka man kamatuwid sa kanya, dadayain ka pa rin niya. Ito ang tunay na mukha ng kanyang kalikasan—ganito ang kanyang kalikasan. Mahirap magbago at ganyan siya sa lahat ng oras. Paminsan-minsan, ang mga taong matapat ay maaaring magsabi ng isang bagay na tuso at mapanlinlang, nguni’t ang ganyang tao kadalasa’y medyo tapat; tinatanganan niya ang mga pangyayari nang hayagan at hindi nanlalamang nang di-makatarungan sa iba sa kanyang mga pakikitungo sa kanila. Kapag nakikipag-usap siya sa iba, hindi siya nagsasalita ng mga bagay-bagay para sadyaing subukan sila; nabubuksan niya ang kanyang puso at nakikipag-usap sa iba. Sinasabi ng bawa’t isa na siya ay talagang matapat, nguni’t may mga pagkakataon pa rin na nagsasalita siya nang may kaunting panlilinlang. Ito ay pagpapamalas lamang ng isang tiwaling disposisyon at hindi kumakatawan sa kanyang kalikasan, dahil hindi siya ganoong uri ng tao.

—mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Dahil sa pagkakaiba sa kalikasan sa pagitan ng matatapat na tao at mapanlinlang na mga tao, ang kanilang pag-uugali at paggawi ay lubos ding hindi magkapareho. Sa loob ng iglesia, ang matatapat na tao ay madaling gawing perpekto, samantalang ang mga mapanlinlang na tao ay hindi madaling gawing perpekto. Ito ay dahil nakahandang tanggapin ng matatapat na tao ang katotohanan at naisasagawa ang katotohanan, samantalang nahihirapan ang mga mapanlinlang na tao na isagawa ang katotohanan, tanggapin man nila ang katotohanan. Nagagawang ibigay ng matatapat na tao ang kanilang mga puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, samantalang hindi nagagawa ng mga mapanlinlang na tao. Naitatalaga ng matatapat na tao ang lahat upang gugulin ang kanilang mga sarili para sa Diyos, samantalang ang mga mapanlinlang na tao ay karaniwan nang nanghihingi ng kapalit at may mga kundisyon. Ang mga puso ng matatapat na tao ay dalisay at tapat, samantalang ang mga puso ng mga mapanlinlang na tao ay taksil at salawahan. Sinisikap nang husto ng matatapat na tao na mapalugod ang Diyos kapag kinakailangan Niya ng isang bagay sa kanila, habang ang mga mapanlinlang na tao ay walang malasakit sa anumang tungkuling ginagawa nila at sinasamantala ang bawat pagkakataon upang makapagpalusot. Ang matatapat na tao ay partikular pagdating sa pagtitiwala kapwa sa salita at pagkilos, at hindi sila nagtatangkang dayain ang Diyos o ang ibang tao, habang buong-kapangahasang dinadaya ng mga mapanlinlang na tao ang lahat, at sa kanila ang ganito ay mainam hangga’t natatamo nila ang kanilang sariling mga layunin. Ang matatapat na tao ay may mabuting kalooban kapag sila ay nakikibahagi sa iba, hindi sila nakikipagtawaran sa mga kalugihan o mga pakinabang, at itinataguyod nila ang katapatan na may pagdidiin sa damdamin, habang palaging nakikipagpaligsahan sa iba ang mga mapanlinlang na tao upang makalamang, at sila ay karaniwan nang nakikipaglaro sa mga tao. Nabubuksan ng matatapat na tao ang kanilang mga puso at nasasabi kung ano ang nasa kanilang mga puso sa kanilang mga pakikitungo sa iba, at nagiging tapat at malinis ang layunin, habang nagkikimkim ang mga mapanlinlang na tao ng masasamang balakin na inililihim nila sa ibang tao, at hindi nila nakakapalagayang-loob ang iba. Ang matatapat na tao ay tuwiran at prangka sa kanilang pananalita at pag-uugali, at makatotohanan at malumanay magsalita, samantalang ang mga mapanlinlang na tao ay paliguy-ligoy at nagkikimkim ng taksil na hangarin sa kanilang pananalita at pag-uugali, at iba ang kanilang sinasabi sa kanilang ginagawa. Ang matatapat na tao ay dalisay at bukas, inosente at aktibo, at sila ay iniibig kapwa ng Diyos at ng ibang tao, samantalang ang mga mapanlinlang na tao ay nagkikimkim ng masasamang motibo, ginagampanan nila ang isang papel ayon sa mga pangyayari, labis-labis ang kanilang pagpapakita, labis-labis ang kasinungalingan at pagiging ipokrito sa kanila, at kinasusuklaman sila kapwa ng Diyos at ng ibang tao. Ang lahat ng pagpapahiwatig na ito ay ang mga kaibahan sa pagitan ng matatapat na tao at mga mapanlinlang na tao.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Kung hindi matapat ang mga tao, hindi nalulugod ang Diyos sa kanila at hindi sila makapaninindigan sa karamihan. Ang matatapat na tao ay hindi lamang ang Diyos ang may gusto, kundi pati ang mga tao. Bakit gusto ng iba ang matatapat na tao? Ang isang aspeto ay dahil sila ay mapagkakatiwalaan. Kapag nakasama mo sila, kalmado ka at matatag, at wala kang pangamba. Hindi ka nababahala tungkol sa darating na mga problema, hindi ka nag-aalala na susubukan ka nilang linlangin o saktan. Ang mahalaga ay matutulungan ng matatapat na tao ang iba, masasabi nila ang nilalaman ng kanilang puso sa iba, at magiging kapaki-pakinabang sila sa iba. Dahil mahal ng matatapat na tao ang katotohanan at naisasagawa nila ito kapag nananalig sila sa Diyos, at mahal ng Diyos ang matatapat na tao, iniimpluwensyahan sila ng Banal na Espiritu. Kapag iniimpluwensyahan ng Banal na Espiritu ang matapat na tao matatamo nila ang biyaya ng Diyos, mauunawaan nila ang katotohanan, at mamumuhay sila na parang tunay na tao. Ito ang dahilan kaya gusto ng iba ang matatapat na tao. Dagdag pa rito, ang pakikisama sa matatapat na tao ay nagtutulot sa iyo na matututuhan kung paano kumilos sa harap ng ibang tao, paano umakto, paano magsagawa ng katotohanan, at sa huli’y mabuhay na parang normal na tao. Bakit ayaw ng mga tao sa mga taong mapanlinlang? Bakit kinamumuhian ng Diyos ang mga taong mapanlinlang? Ano ang mga pagpapahayag ng katiwalian ng mga taong mapanlinlang? Ano ang kanilang likas na pagkatao at diwa? Ano ang inihahatid nila sa iba? Ang taong mapanlinlang, mula sa diwa ng kanilang tiwaling disposisyon, ay napaka-makasarili. Ginagawa nila ang lahat para sa kanilang sarili, hinahangad lang nila ang sarili nilang kasiyahan, hindi nila iniisip ang iba, wala silang pakialam kung mabuhay man o mamatay ang iba. Ito ang pinaka-makasarili at kasuklam-suklam na klase ng tao. Kung ang isang taong hindi matapat ay gumamit ng kapangyarihan sa loob ng iglesia, may matatamo bang anumang pakinabang ang mga taong hinirang ng Diyos? Hindi niya iniisip kung may matatamo o wala ang mga taong hinirang ng Diyos sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kung matatamo ba nila ang katotohanan, makakapasok sila sa realidad, o makakapasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos at maliligtas o hindi. Ang iniisip niya ay, “Basta’t nasisiyahan ako at may katayuan, namumukod-tangi ako sa karamihan at nakokontrol ko ang iba, nasisiyahan ako at ayos iyon!” Basta’t nabibigyang-kasiyahan niya ang mga pagnanasa ng sarili niyang laman, tapos na ang gawain niya; hindi niya iniisip kung mabuhay man o mamatay ang mga taong hinirang ng Diyos. Hindi ba ito ang pinakamahalagang aspeto ng taong mapanlinlang? Kaya, ang buod ng diwa ng taong mapanlinlang ay pagiging makasarili, paghahangad ng kasiyahan ng laman para sa kanilang sarili, at kawalan ng malasakit sa damdamin ng iba.

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Hinahangad ng matatapat na tao ang katotohanan dahil mahal nila ang katotohanan. Ang mga tusong tao ay hindi mahal ang katotohanan. Gusto nila ng mga doktrina. Gusto nilang ipaliwanag ang mga bagay sa mga tao at gusto nilang magpasikat. Kaya, nakatuon sila sa pangangaral at pagsasalita. Ang mga tusong tao ay nag-aalala tungkol sa kanilang panlabas na anyo. Tulad ng mga Fariseo, nanalangin sila para makita sila ng iba. Nanalangin sila sa mga interseksyon para makikita sila kahit saan ng mga tao. Nagmukha silang napakadeboto sa panlabas, ngunit sa totoo sila’y naging mga lubos na manloloko at lubos na huwad. Mahal ng matatapat na tao ang katotohanan. Kapag nasa presensya ng Diyos, wala silang ibang naiisip maliban sa paghahanap ng katotohanan, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkakaroon ng kagustuhan na masiyahan ang Diyos-wala silang ninanais bukod sa mga ito. Hindi sila nagkikimkim ng lahat ng uri ng mga mautak na pakana, wala silang masyadong makasarili at kasuklam-suklam na mga ideya. Dalisay ang kanilang mga puso. Sa lahat ng bagay, paulit-ulit lang nilang iniisip ito: “Paano ko mapapasaya ang Diyos? Ano ang tunay na kalooban ng Diyos?” Kung hindi nila naiintindihan, patuloy silang nagdarasal at nagninilay tungkol dito hanggang sa makuha nila ito. Ang ganitong mga tao ay matatapat na tao. Ang matatapat na tao, sa kanilang mga panalangin sa harapan ng Diyos, hindi sila humihingi ng anumang bagay maliban sa paghahanap ng katotohanan. Kung hindi nila hinahanap ang katotohanan o nauunawaan ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga panalangin, dahil pakiramdam nila ay walang saysay at walang kuwenta na manalangin para sa iba pang bagay maliban sa mga bagay na ito. Hindi sila pumapayag na magsalita ng mga maling bagay. Iyong mga tusong tao ay hindi tulad nito. Lagi silang nagyayabang at nagpapasikat sa harapan ng Diyos, nagsasabi ng kanilang sariling pangangatuwiran, nagpapakita ng kanilang mga abilidad, at ipinagyayabang ang kanilang mga nagawa. Sa katunayan, ang lahat ng kanilang ginagawa ay para makita ng iba, gusto nila na matanggap sila ng iba, mapuri sila at mapakinggan sila. Ang lahat ng hindi naghahanap ng katotohanan, na hindi naghahangad na makuha ang kalooban ng Diyos at hindi nauuhaw sa katotohanan, ay mga tusong tao, mga taong mapagkunwari….

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento