Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-08-03

Paano pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang buong sansinukob?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapipigil ng sangkatauhan na itanong sa kanilang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagkat sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Siya Yaong hindi pa namasdan ng tao kailanman, Yaong hindi nakilala ng tao kailanman, na ang pag-iral ay hindi napaniwalaan ng sangkatauhan kailanman, gayunma’y Siya Yaong huminga ng hininga sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya Yaong tumutustos at nangangalaga sa sangkatauhan para sila mabuhay, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa ngayon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buhay nito. Tinataglay Niya ang kapangyarihan sa lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, lawa at ilog at ng lahat ng nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawat isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawa, at ang bawat isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya sa kanilang sarili mula sa Kanyang kapangyarihan? At sino ang makakaalpas mula sa Kanyang mga plano? Lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, at higit pa rito, lahat ng bagay ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kapangyarihan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Wala nang iba pa bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, at lalong walang makakatustos nang walang-humpay sa sangkatauhang ito.

—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Iyon ay dahil maaari lang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng tubig na nagbibigay-buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, marami ang nagawa na ng Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, marami na ang nagawa na nagbibigay ng buhay sa tao, at nagbayad na ng napakalaking halaga upang maaaring makamtan ng tao ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan ang tao ay nabubuhay na mag-uli. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng panahon. Siya na ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mayamang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak na muli, at tinutulungan siyang mabuhay nang may tapang sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay na ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing sandigan sa pag-iral ng tao, kung saan nagbayad na ang Diyos sa halagang walang karaniwang tao ang kailanman ay nakapagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang puwersa ng Kanyang buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilikhang nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at nagniningning ang makinang na liwanag nito, kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay nananatiling di-nagbabago magpakailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lumilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay nananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggagaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng utos ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bago nalikha ang sangkatauhang ito, ang kosmos—ang lahat ng planeta, ang lahat ng bituin sa kalangitan—ay umiiral na. Sa malawakang antas, ang mga bagay na ito sa kalangitan ay regular na umiikot, sa ilalim ng pagkontrol ng Diyos, sa kabuuan ng kanilang pag-iral, gaano man karami ang mga taon na iyon. Kung anong planeta ang pupunta sa kung saan sa kung anong partikular na oras; anong planeta ang gagawa ng anong gawain, at kailan; anong planeta ang iikot kasabay ng kung anong orbit, at kailan mawawala o mapapalitan—ang lahat ng bagay na ito ay nagaganap nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang mga posisyon ng mga planeta at ang mga agwat sa pagitan nila ay sumusunod sa mahigpit na mga disenyo, na maisasalarawan lahat sa tumpak na mga datos; ang mga landas na kanilang tinatahak, ang bilis at mga disenyo ng kanilang mga orbit, ang mga oras ng kanilang iba’t ibang posisyon ay tumpak na mabibilang at maisasalarawan ng espesyal na mga batas. Sa loob ng napakahabang panahon, ang mga planetang ito ay sumunod sa mga batas na ito, hindi kailanman lumilihis kahit kaunti. Walang kapangyarihan ang maaaring magpalit o magputol ng kanilang mga orbit o ng mga disenyong kanilang sinusundan. Sapagkat ang espesyal na mga batas na namamahala sa kanilang galaw at ang tumpak na mga datos na naglalarawan sa kanila ay itinadhana na ng awtoridad ng Lumikha, kusa nilang sinusunod ang mga batas na ito, sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Lumikha. Sa malawakang antas, hindi mahirap para sa tao ang matagpuan ang ilang disenyo, ilang datos, ganoon din ang ilang naiiba at di-maipaliwanag na mga batas o di-karaniwang kaganapan. Bagaman hindi tinatanggap ng sangkatauhan na ang Diyos ay umiiral, hindi tinatanggap ang katotohanan na ang Lumikha ang gumawa at may kapamahalaan sa lahat ng bagay, at bukod pa rito ay hindi kinikilala ang pag-iral ng awtoridad ng Lumikha, mas higit na natutuklasan ng mga taong siyentipiko, mga astronomo, at mga pisiko na ang pag-iral ng lahat ng bagay sa sansinukob, at ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagdidikta ng kanilang mga pagkilos, ay lahat pinamamahalaan at kinokontrol ng malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang nag-uudyok sa tao na harapin at tanggapin na may Isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disenyong ito ng pagkilos, nagsasaayos sa lahat ng bagay. Ang Kanyang kapangyarihan ay di-pangkaraniwan, at bagaman walang sinuman ang nakakakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namamahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawat sandali. Walang tao o puwersa ang maaaring makalampas sa Kanyang kapangyarihan. Dahil nahaharap sa ganitong katotohanan, dapat tanggapin ng tao na ang mga batas na ito na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay di-maaaring kontrolin ng mga tao, di-maaaring baguhin ninuman; at kasabay nito dapat tanggapin ng mga tao na di-maaaring ganap na maunawaan ng mga nilalang na tao ang mga batas na ito. At ang mga ito’y hindi natural na nangyayari, kundi ipinag-uutos ng isang Panginoon at Maestro. Ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos na maaaring maunawaan ng tao sa malawakang antas.

Sa pangmaliitang pananaw, lahat ng bundok, ilog, dagat, at malalaking lupain na nakikita ng tao sa lupa, lahat ng panahon na nararanasan niya, lahat ng bagay na naninirahan sa mundo, kasama na ang mga halaman, hayop, mikroorganismo, at mga tao, ay napapailalim sa kapangyarihan ng Diyos, at kontrolado ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Diyos, lahat ng bagay ay mabubuhay o mawawala ayon sa Kanyang mga iniisip, ang kanilang mga buhay ay pinamamahalaan lahat ng ilang batas, at sila’y lumalago at dumarami ayon sa mga ito. Walang tao o bagay na hindi saklaw ng mga batas na ito.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, gumuhit Siya ng mga hangganan para sa mga bundok, kapatagan, disyerto, burol, ilog, at lawa. Sa lupa ay may mga bundok, kapatagan, disyerto, burol, gayundin ang iba’t ibang anyo ng tubig. Hindi ba iba’t ibang tanawin ang mga ito? Ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng lahat ng iba’t ibang tanawing ito. Kapag binabanggit natin ang pagguhit ng mga hangganan, nangangahulugan ito na ang mga bundok ay may mga balangkas, ang mga kapatagan ay may mga sarili at kani-kanyang mga balangkas, ang mga disyerto ay may tiyak na saklaw, at ang mga burol ay may isang tiyak na dako. Mayroon ding tiyak na dami ng mga anyo ng tubig gaya ng mga ilog at mga lawa. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay hinati-hati Niya ang lahat nang buong linaw. … Sa loob ng iba’t ibang tanawing ito at heograpikal na mga kapaligiran na nilikha ng Diyos, pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay sa planado at maayos na paraan. Kaya lahat ng heograpikal na mga kapaligirang ito ay umiiral pa rin nang ilang libong taon, nang libu-libong taon pagkatapos malikha ito ng Diyos. Ginagampanan pa rin nito ang bawat mga papel nito. Bagama’t may tiyak na mga panahon na pumuputok ang mga bulkan, may mga tiyak na panahon na nangyayari ang paglindol, at mayroong mga malakihang pagpapalit ng lupa, tiyak na hindi hahayaan ng Diyos ang anumang uri ng kalupaan na mawala ang likas na kaukulan nito. Ito ay dahil lamang sa pamamahalang ito ng Diyos, ang Kanyang pamamahala at mahigpit na pagkaunawa sa mga batas na ito, na ang lahat ng ito—lahat ng ito na tinatamasa ng sangkatauhan at nakikita ng sangkatauhan—ay mabubuhay sa lupa sa maayos na paraan.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos—nakapirmi man sila sa isang lugar o nakakahinga sa kanilang ilong—lahat sila ay may mga batas na susundin para mabuhay. Bago pa man nilikha ng Diyos ang buhay na mga nilalang na ito nakapaghanda na Siya para sa kanila ng sarili nilang mga tahanan, sarili nilang kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang na ito ay may sariling nakapirming mga kapaligiran para mabuhay, sarili nilang pagkain, sarili nilang permanenteng mga tahanan, sarili nilang permanenteng mga lugar na angkop para sa kanilang ikabubuhay, mga lugar na may mga temperatura na angkop para sa kanilang pamumuhay. Sa gayong paraan hindi na sila gagala kung saan o pahinain ang pamumuhay ng sangkatauhan o makaapekto sa kanilang mga buhay. Sa ganito pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng nilalang. Ito ay upang ipagkaloob sa sangkatauhan ang pinakamabuting kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang sa loob ng bawat isa ay lahat mayroong pagkaing panustos-buhay sa loob ng kanilang sariling mga kapaligiran para sa pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagkaing iyon, sila ay nakapirmi sa loob ng kanilang katutubong kapaligiran para sa pamumuhay. Sa gayong uri ng kapaligiran, sila ay nabubuhay pa rin, nagpaparami, at nagpapatuloy alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos para sa kanila. Nang dahil sa ganitong uri ng mga batas, dahil sa pagtatalaga ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nakikipag-ugnayan na may pagkakasundo sa sangkatauhan, at ang sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nagtutulungan.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang buhay na nilikha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas, o bilang sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. Kapag ang isang uri ng buhay na nilalang ay masyadong marami sa bilang, nanakawin nito sa tao ang kanilang pagkain, sisirain ang mga pinagkukunan ng tubig ng mga tao, at sisirain ang kanilang mga bayan. Sa gayong paraan, ang pagpaparami ng sangkatauhan o ang kalagayan ng kanilang kakayahan para mabuhay ay dali-daling maapektuhan.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mula pa noong likhain sila ng Diyos, ang lahat ng bagay ay kumikilos alinsunod sa mga batas na itinakda ng Diyos at nagpapatuloy na umunlad nang maayos. Sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang lahat ng bagay ay maayos na umuunlad kaagapay ng pagiging buhay ng mga tao. Walang anumang bagay ang makababago sa mga kautusang ito, at walang anumang bagay ang makasisira sa mga kautusang ito. Nang dahil sa pamamahala ng Diyos kaya maaaring magparami ang lahat ng nilalang, at dahil sa Kanyang tuntunin at pamamahala kaya ang lahat ng nilalang ay mananatiling buhay. Ito ay upang sabihin na sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nagsisiiral, umuunlad, nawawala, at muling isisilang sa maayos na paraan.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi, ang kapalaran at hantungan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.

…………

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, gayon pa man ang kapalaran ng isang bayan o bansa ay kontrolado ng Diyos. Kinokontrol ng Diyos ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng tao at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bayan o bansa ang hindi saklaw ng kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, kung gayon dapat siyang humarap sa Diyos. Pangyayarihin ng Diyos na yaong sumusunod at sumasamba sa Kanya ay sumagana, at siya’y magdadala ng pagbagsak at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya.

—mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pag-iral ng espirituwal na daigdig ay mayroong hindi maihihiwalay na kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay; ito ang kanyang papel, at ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pag-iral nito ay mahalaga. Sapagka’t ito ay isang lugar na hindi naaaninaw ng limang pandama, walang makahahatol nang wasto kung ito ay umiiral o hindi. Ang mga pangyayari sa espirituwal na mundo ay matalik na nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan, bilang resulta nito ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay sobrang naimpluwensiyahan ng espirituwal na mundo. May kaugnayan ba ito sa kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ito. Kapag sinasabi ko ito, naiintindihan ninyo kung bakit ko tinatalakay ang paksang ito: Sapagka’t ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, at sa Kanyang pamamahala. Sa isang mundo na katulad nito—isang hindi nakikita ng mga tao—ito ang bawat kautusan ng langit, atas at sistema sa pamamahala nito ay higit na mas mataas kaysa sa mga kautusan at mga sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nilalang na nabubuhay sa mundong ito na mangangahas na labagin o salungatin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa pagiging-kataas-taasan at pamamahala ng Diyos? Sa mundong ito, may mga malinaw na mga atas administratibo, malinaw na mga panlangit na kautusan, at malinaw na mga alituntunin. Sa magkakaibang antas at sa magkakaibang lugar, ang mga tagapamahala ay mahigpit na namamalagi sa kanilang tungkulin at sumusunod sa mga patakaran at mga tuntunin, sapagka’t alam nila kung ano ang magiging kalalabasan sa paglabag sa mga kautusan ng langit, nalalaman nila nang malinaw kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan ang lahat ng bagay, kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng bagay, at, mangyari pa, malinaw nilang nakikita kung paano pinatutupad ng Diyos ang Kanyang mga panlangit na kautusan at mga batas. Ang mga ito ba ay kaiba sa materyal na mundo na tinitirhan ng sangkatauhan? Malaki ang kanilang pinagkaiba. Ito ay isang mundo na lubos na naiiba sa materyal na mundo. Yamang mayroong mga panlangit na kautusan, at mga batas, may kinalaman ito sa kapangyarihan, pamamahala ng Diyos, at, mangyari pa, sa disposisyon ng Diyos at sa kung anong mayroon at kung ano Siya.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakaugnay sa kapangyarihan ng Lumikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Lumikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Lumikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng bagay nagsisimulang maunawaan ng tao ang mga pagsasaayos ng Lumikha at ang Kanyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng pagkakaligtas nararamdaman niya ang pamamahala ng Lumikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan ng paggamit ng Lumikha sa Kanyang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha para sa lahat ng bagay at mga nabubuhay na nilalang at tunay na nasasaksihan kung paano pinapalitan ng mga pagsasaayos at paghahandang iyon ang lahat ng batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa sa lupa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na tanggapin na hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang ang kapangyarihan ng Lumikha, na walang puwersa ang maaaring makialam o magpalit sa mga pangyayari at mga bagay na itinadhana ng Lumikha. Sa ilalim ng mga banal na batas at mga patakarang ito na nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na kumakatawan sa awtoridad ng Lumikha?

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos ang Siyang namamahala sa lahat ng bagay, at ang nangangasiwa sa lahat ng bagay. Nilikha Niya ang lahat ng mayroon, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mayroon, at pinamamahalaan din Niya ang lahat ng mayroon at nagkakaloob sa lahat ng mayroon. Ito ang katayuan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng bagay. Ang gayon ay ang pagkakakilanlan ng kung anong mayroon ang Diyos, at Siya ay natatangi sa gitna ng lahat ng bagay. Wala sa mga nilikha ng Diyos—maging sila man ay sa gitna ng sangkatauhan, o sa espirituwal na daigdig—ang maaaring gumamit ng anumang mga pamamaraan o dahilan upang magpanggap o palitan ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, sapagkat mayroon lamang isa sa gitna ng lahat ng bagay na taglay ang pagkakilanlang ito, kapangyarihan, awtoridad, at ang kakayahang mamahala sa lahat ng bagay: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng bagay; maaari Siyang tumayo sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng bagay; kaya Niya Mismong magpakumbaba sa pamamagitan ng pagiging isang tao, sa pagiging isa sa gitna niyaong may laman at dugo, harap-harapang dumating sa mga tao at nakikibahagi sa kanila sa hirap at ginhawa; kasabay nito, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mayroon, at nagpapasya sa kapalaran ng lahat ng mayroon, at anong direksyon ang tatahakin nito; higit pa rito, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at ang patutunguhan ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na gaya nito ay dapat sambahin, sundin, at kilalanin ng bawat buhay na mga nilalang. At kaya, sa alinmang grupo at uri sa gitna ng sangkatauhan ka kabilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paggalang sa Diyos, pagtanggap sa pamamahala ng Diyos, at pagtanggap sa pagsasaayos ng Diyos para sa iyong kapalaran ang tangi mong pagpipilian, at mahalagang pagpipilian, para sa bawat tao, para sa bawat buhay na nilalang.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

——————————————————

Basahin ang mga salita ng Diyos at gumawa ng daily devotion in tagalog upang mapalapit sa Diyos anumang oras at magtatag ng isang maayos na relasyon sa Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento