Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-07-21

Pinatototohanan mo na sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa tao, kaya paano ba talaga hinahatulan, dinadalisay at inililigtas ng Diyos ang tao?

Sagot:

Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang ang Diyos ay naging tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, naghahatid Siya ng iba pang katotohanan sa tao, nagpapakita ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin na lupigin ang tao at iligtas mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang pangunahing gawain ng Diyos sa kapanahunang ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng diwa ng kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos” (“Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang Diyos ay may maraming pamamaraan sa pagperpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ipinahahayag ang ‘mga misteryo’ sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng pahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo—para maaaring maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal” (“Tanging Yaong mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa ang Maaaring Gawing Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nakikita natin na sa paghatol sa tiwaling sangkatauhan sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang maraming aspeto ng katotohanan at ang matuwid na disposisyon na ipinahahayag Niya para hatulan, ibunyag, at isumpa ang likas na kademonyohan ng tao, para linisin at baguhin ang satanikong disposisyon ng tao at iligtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Sa loob ng maringal at mabagsik na paghatol at pagkastigo ng Diyos, pakiramdam natin ay kaharap natin Siya; malinaw nating nakikita ang mahalagang kalikasan at mga aktuwal na katunayan ng pagtitiwali sa atin ni Satanas at tunay nating nauunawaan ang banal na diwa ng Diyos at ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi maaaring suwayin. Nagkakaroon tayo ng pusong may takot sa Diyos at ng tunay na pag-unawa tungkol sa Kanya habang inuunawa rin natin ang maraming katotohanan kasabay nito. Dahil dito, nagbabago ang ating disposisyon sa buhay, kaya sa wakas ay naisasabuhay natin ang tunay na wangis ng tao na matapat at sumusunod sa Diyos. Lahat ng salitang ipinahayag ng Diyos ay naglalahad ng maraming aspeto ng katotohanan sa sangkatauhan: ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ang mga hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala, ang impormasyon sa loob ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang mga layunin at kalooban ng Diyos sa pagliligtas Niya sa sangkatauhan, ang ugat ng kasalanan at ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan, ang hantungan at kahihinatnan ng mga tao, at iba pa. Ang mga katotohanang ito ay mga salitang nagbibigay sa atin ng buhay at ng daan tungo sa buhay na walang hanggan. Kapag binabasa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadarama natin ang mga ito na parang espadang magkabilaan ang talim, na may kamahalan at poot ng Diyos na nagmumula sa bawat salita at bawat taludtod. Itinuturo ng mga ito ang mga pagkaunawa tungkol sa Diyos na nasa kaibuturan ng ating puso, ang kasuklam-suklam nating mga layunin at lihis na mga intensyon sa ating pananampalataya, at maging ang satanikong mga lason na nakatago sa ating likas na pagkatao na lingid sa ating kaalaman ay nailalantad, para makita natin na lubos tayong ginawang tiwali ni Satanas. Nabubuhay tayo sa mga lason, pilosopiya, lohika at batas ni Satanas sa lahat ng aspeto. Ang ating puso ay puno ng kasamaan, kayabangan, kasakiman, panlilinlang, at iba pang mga satanikong disposisyon. Puro kademonyohan ang isinasabuhay natin; naging anak na tayo ni Satanas, ang supling ng malaking pulang dragon, na naghihimagsik at lumalaban sa Diyos. Matapos basahin ang mga salita ng paghatol at pahayag ng Diyos, namamangha tayo sa Kanya, nadarama natin ang Kanyang pagmamasid sa kaibuturan ng ating puso. Ang mga salita ng Diyos ay tumatama sa ating likas na kademonyohan sa bawat aspeto na para bang kaharap natin Siya, kung minsa’y pinaaalalahanan o binabalaan tayo, kung minsa’y kinagagalitan tayo, pinakikitunguhan tayo, o dinidisiplina tayo. Kung minsa’y puno ng galit ang mga mabagsik na salita ng Diyos, at doon ay nakikita natin ang katotohanan ng ating katiwalian, ipinadarama sa atin na wala tayong mapagtataguan at hiyang-hiya tayo. Kasabay nito, lubos nating nadarama na talagang ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, puno ng kapangyarihan at awtoridad, at na ang mga ito ay pahayag ng disposisyon ng Diyos at ng Kanyang buhay. Ang banal na diwa ng Diyos ay hindi maaaring dungisan, at ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi maaaring suwayin. Hindi natin mapipigilang magpatirapa at magsisi sa harap ng Diyos. Namumuhi tayo sa ating sariling likas na kademonyohan, puspos tayo ng pagsisisi at handa tayong tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Lubos tayong kumbinsido at determinado sa ating puso na magbagong-buhay para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ito ang resulta ng paghatol ng salita ng Diyos sa Kanyang mga hinirang na tao. Matapos maranasan ang gayong paghatol at pagkastigo, ang mga tunay na nananalig sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan ay maaaring magtamo ng katotohanan at magawang perpekto ng Diyos. Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan at hindi tunay na dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nakatalagang alisin ng Diyos.

Habang hinahatulan at inilalantad ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, naghahanda rin Siya ng iba’t ibang kalagayan at kaganapan para pakitunguhan at tabasan ang mga tao, subukan sila, at ilantad sila. Matapos maranasan ang mga katotohanan ng paghatol, pagkastigo, pagtutuwid at pagdidisiplina sa atin, nakikilala natin na napakahirap sugpuin ang ating likas na kademonyohan at satanikong disposisyon. Habang ginugugol natin ang ating sarili, nagdurusa at nagsasakripisyo tayo para sa Diyos, maaari pa rin tayong maghimagsik nang hindi sinasadya at lumaban sa Kanya. Sa ilalim ng Kanyang matuwid, maringal at mabagsik na paghatol, malinaw nating nakikita ang ating kasuklam-suklam na satanikong anyo na lumalaban sa Diyos. Nakikita natin na mga anak tayo ng impiyerno at hindi tayo nababagay na mabuhay sa piling ng Diyos. Nasasaktan ang ating puso. Nanginginig tayo sa takot at nagpapakita ng pagsisisi. Pinababayaan at isinusumpa natin ang ating sarili. Kapag tunay tayong nagsisisi sa harap ng Diyos, nahahabag Siya sa atin at pinagbibigyan tayo; pinaliliwanag, nililiwanagan, inaaliw, at sinusuportahan Niya tayo para maunawaan natin ang mabubuting intensyon ng pagliligtas ng Diyos sa atin at malaman natin ang Kanyang pagiging kaibig-ibig. Nagkukusa tayong mamuhay ayon sa katotohanan ng salita ng Diyos para aliwin Siya at bigyang-kasiyahan. Nililinaw sa atin ng paghatol at pagkastigo ng Diyos kung sino ang gusto Niya, sino ang inililigtas Niya, sino ang ginagawa Niyang perpekto, sino ang pinagpapala Niya, sino ang kinamumuhian Niya, sino ang inaalis Niya, at sino ang pinarurusahan at isinusumpa Niya, sa gayon ay tunay nating nauunawaan ang Kanyang matuwid na disposisyon. Matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, tunay nating nauunawaan na ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos ay paghatol sa tiwaling sangkatauhan; ang mga ito ay pagkastigo, pagsusuri, at paglilinis. Dapat ihayag ng Diyos ang Kanyang matuwid, maringal, mabagsik at hindi masusuway na disposisyon sa likas na kademonyohan ng sangkatauhan na lumalaban sa Diyos. Sa ganitong paraan lamang tayo maaaring magkaroon ng pusong may takot sa Diyos, mamuhay sa katotohanan, umibig sa Diyos, at sumunod at sumamba sa Kanya, isinasabuhay ang wangis ng isang tunay na tao para luwalhatiin at sumaksi para sa Diyos. Ito ang mga resulta ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Dapat nating maunawaang lahat ngayon na para sa lubos na tiwaling sangkatauhan, kailangang maging tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Kung hindi, hindi na maililigtas pa ang tiwaling sangkatauhan. Kung titigil lamang tayo sa Kapanahunan ng Biyaya sa ating pananampalataya at hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, nakatakda tayong alisin at wasakin. Sigurado iyan.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

————————————————
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento