Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Talaan2
2020-10-17
"Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X" | Sipi 198
2020-10-13
Mga Salita tungkol sa Matuwid na Disposisyon ng Diyos
Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit na ang lungsod ng Ninive ay puno ng mga taong tiwali, masama at marahas katulad niyaong sa Sodoma, ang kanilang pagsisisi ang nagsanhi sa Diyos para baguhin ang Kanyang puso at magpasya na hindi na sila wasakin. Dahil ang kanilang pagtugon sa mga salita at tagubilin ng Diyos ay nagpakita ng saloobing ganap na kabaliktaran niyaong sa mga mamamayan ng Sodoma, at dahil sa kanilang tapat na pagpapasakop sa Diyos at tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, gayon din sa kanilang tunay at matapat na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon, minsan pa ay ipinakita ng Diyos ang Kanyang taos-pusong awa at ipinagkaloob ito sa kanila.
2020-10-11
Pagtakas mula sa “Lungga ng Tigre”
Ni Xiaoyou, China
Ako si Xiaoyou at ako ay 26 taong gulang. Dati akong Katoliko. Noong maliit pa ako, sumama ako sa aking ina sa simbahan para dumalo sa Misa, magbasa ng Biblia, mangumpisal at tumanggap ng Komunyon. Masyadong masigasig ang aking ina sa kanyang pananampalataya. Madalas siyang nagbibigay ng pagkain at iba pang mga bagay sa simbahan mula sa aming bahay, at nagbibigay rin siya ng pera. Gustung-gusto ng mga pinuno ng simbahan at mga madre ang aking ina.
2020-10-09
Ang Pakikinig Mabuti sa Tinig ng Diyos Ay ang Susi sa Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon
Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger.
Ito’y iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag: "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."2020-10-07
Ang Kinakailangang Malaman sa Pagsalubong sa Panginoon: Ang Panginoong Jesus Ay Nagkatawang-tao Na at Lihim na Dumating
Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming tao, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa." "Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan.