Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-06-29

Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?


Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang parehong nagkatawang-taong Diyos at mga taong ginagamit ng Diyos ay nagtataglay ng normal na pagkatao at gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ano ba talaga ang pagkakaiba ng kanilang mga sangkap? At paano ba dapat natin aalamin ang nagkatawang-taong Diyos? Ibinunyag ang mga sagot sa maigsing video na ito.

——————————————
Dumarami na ang mga sakuna at lumitaw ang mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon. Maraming mga mananampalataya ang may pangitain na malamang na bumalik na ang Panginoon. Kaya, paano natin masasalubong ang pagbalik ng Panginoon at makamit ang kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw? Mangyaring i-click ang sermon tungkol sa kaligtasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento