Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ano ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan
Xiaohe Puyang City, Henan Province
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay |
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito. Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan. … Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios” (Juan 8:44–47).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang ilang tao ay hindi nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ito’y tinatawag na mga taong gustong maging makapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pag-aalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan.