Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho
Ni Liang Xin
Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema.