Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-07-15

Lahat ng Nagpapasakop sa Praktikal na mga Salita ng Espiritu ay Pinagpapala

"Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon" (Pahayag 14:4).

"Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27).

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Lahat niyaong nakakasunod sa kasalukuyang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit na sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi nakakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong nakakatanggap sa bagong liwanag, at nais Niya yaong mga tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakahuling gawain. Bakit sinabi na dapat kang maging isang dalagang malinis? Nagagawa ng isang dalagang malinis na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at nauunawaan ang mga bagong bagay, at higit sa rito, nagagawang isantabi ang dating mga pagkaintindi, at sinusunod ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupo ng mga taong ito, na tumatanggap ng pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang anyo ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupo ng mga taong ito" ("Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak").

——————————————
Dumarami na ang mga sakuna at lumitaw ang mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon. Maraming mga mananampalataya ang may pangitain na malamang na bumalik na ang Panginoon. Kaya, paano natin masasalubong ang pagbalik ng Panginoon at makamit ang kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw? Mangyaring i-click ang: Sermon tungkol sa kaligtasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento