Panimula
Sa Kanyang gawain sa mga huling araw, napakarami nang salitang ipinahayag ang Makapangyarihang Diyos na naisama sa aklat na: Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang aklat na ito ay napakaraming nilalaman, at napakahalaga at lubhang mahalaga ito sa kaalaman ng mga tao tungkol sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa.
Naranasan na namin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa loob ng mahigit 20 taon at naunawaan na namin ang maraming katotohanan at hiwagang nakapaloob sa Kanyang mga salita, may tunay na kaalaman na kami tungkol sa plano ng pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan (kabilang na ang tatlong yugto ng gawain), at higit pa riyan napahalagahan na namin higit sa lahat ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang mga binigkas at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay mahalaga sa pagtatamo ng mga tao ng kaligtasan at paglayo sa impluwensya ni Satanas sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa Diyos. Kung hindi nagdaraan ang tiwaling sangkatauhan sa pagdadalisay at pagpeperpekto ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, talagang hindi nila tunay na makikilala ang Diyos, at magiging katulad lang sila ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio, nagtatamasa ng biyaya ng Diyos ngunit hindi Siya kilala, naglilingkod sa Diyos ngunit sinusuway Siya, at muli pa nilang ipapako sa krus ang Cristo ng mga huling araw—ito ay isang katotohanang hindi maikakaila. Malay natin kung ilang lider, pastor at elder ng relihiyosong mundo ang tumutuligsa ngayon sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi ba ito ang totoong muling pagpapako kay Cristo sa krus? Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay mahalaga sa kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan at para magtamo sila ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung ang mga salitang sinabi man ng Diyos ay, sa panlabas na anyo, malinaw o malalim, ang mga iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao sa pagpasok niya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang doktrina at paniniwala para sa pagpapatakbo ng pang-araw-araw na buhay; ang daan, layunin, at direksyon na dapat daanan upang makatanggap ng kaligtasan; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagsasanhi sa tao na maging malakas at tumayo. Sagana ang mga iyon sa katunayan ng katotohanan ng normal na pagkatao tulad ng pagsasapamuhay nito ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan sa pamamagitan nito ang sangkatauhan ay nakakatakas mula sa kasamaan at nakakaiwas sa mga patibong ni Satanas, mayaman sa walang-pagod na pagtuturo, panghihikayat, pagpapalakas ng loob, at kaaliwan na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagliliwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay magsasabuhay at magtataglay ng lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay ay lahat sinusukat, at ang tanda sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa daan ng liwanag” (Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Dahil nagpahayag ng napakaraming salita ang Diyos, para mapadali ang pagsisikap ng mga tao na matamo ang katotohanan, ang kanilang pag-unawa sa mga salita ng Diyos at ang kanilang kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, nakapili kami mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ng ilang medyo klasiko at bantog na mga sipi ng mga salita ng Diyos para sa kasiyahan ng lahat ng nananalig sa Diyos at nagsisikap na matamo ang katotohanan, upang maging salawikain at realidad nila sa buhay ang mga salita ng Diyos. Samantalang namimili kami ng bantog na mga sipi ng mga salita ng Diyos, matindi naming nadama na bawat pangungusap ay napakahalaga. Bawat kabanata ng mga binigkas ng Diyos ay buung-buo, bawat salita at bawat pangungusap ng mga salita ng Diyos ay magkakaugnay at kumpleto; sa ilang lugar, talagang hindi madaling magdesisyon kung ano ang pipiliin at ano ang iiwanan, kaya kinailangan naming pumili ng isang malaking bahagi. Tinulutan kami nitong maramdaman ang kahagalahan ng bawat isa sa mga salita ng Diyos at na talagang si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay—totoo talaga iyon! Ang klasikong mga salita ng Diyos na pinili para sa aklat na ito ay angkop lamang na sipiin at piliin kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos, at siyempre pa angkop din ang mga ito sa indibiduwal na espirituwal na mga debosyon o sa pagbigkas ng mga klasikong sipi. Kung nais ng isang tao na saliksikin at tingnan ang ilang aspeto ng katotohanan, hindi sapat na basahin lang ang ilang klasikong salita para lubos na magkamit ng mga resulta; pinakamabuting basahin ang buu-buong kabanata ng mga salita ng Diyos batay sa piniling mga sipi, at saka lamang magkakamit ng mas magagandang resulta ang isang tao. Masasabi na ang aklat na ito, ang Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw, ay isang gabay para sa mga naghahangad sa pagpapakita ng Diyos upang sikaping sundan ang Kanyang mga yapak, at magagabayan kayo nito papasok sa tarangkahan ng kaharian ng langit. Matapos basahin nang masinsinan ang aklat na ito, pasasalamatan ninyo at pupurihin ang biyaya ng Diyos. Sa gayo’y taos-puso naming inaasam na lahat ng naghahangad sa katotohanan at naghihintay sa pagpapakita ng Diyos ay hindi magsasayang ng oras sa pagtanggap sa aktuwal na mga binigkas ng Diyos sa mga huling araw—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—upang magpiging dito ang inyong mga mata, nang maimulat nito ang inyong mga mata at mapuspos kayo ng kasiyahan, at sa gayo’y makilala ninyo ang tinig ng Diyos, makabalik kayo sa Kanyang harapan at magtamo ng buong pagliligtas ng Diyos. Ito ang tanging layon namin sa paglalathala ng aklat na ito.
Hulyo 28, 2019
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento