Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang.
Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni’t ito’y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo" ("Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan").
——————————————
Ang kahulugan ng “Ako at ang Ama ay iisa” ay nabunyag. Ang katotohanan ay na ang Panginoong Jesus ay hindi ang Anak ng Diyos bagkus ang nagkatawang-taong Diyos, ang Diyos Mismo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento