Ngayon ang mga sakuna tulad ng mga lindol, taggutom, at pagbaha ay palaging nangyayari. Sa pagharap sa mga sakunang ito, maraming tao ang nakakaramdam ng kawalang magawa at maaari lamang magpatuloy sa pagdarasal sa Diyos upang magkumpisal at magsisi, umaasa na makamit ang awa ng Diyos at proteksyon sa gitna ng mga sakuna at sa huli ay makaligtas. Ngunit ang ilan ay nalilito, "Bagaman tayo ay nagdarasal at nagkukumpisal sa Panginoon, madalas pa rin tayong nagsasabi ng mga kasinungalingan at nagkakasala. Ito ay malinaw na hindi totoong pagsisisi. Kaya paano natin makakamit ang awa ng Diyos? Paano natin mapipigilan ang pagkakasala at makamit ang tunay na pagsisisi? "Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya, " Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Talaan2
2020-08-25
2020-08-23
Ano ang likas na katangian ng problema ng hindi pagkilala ng tao sa mga katotohanang ipinahayag ni Cristo? Ano ang mga bunga ng hindi pagtrato ng tao kay Cristo bilang Diyos?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito. Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan. … Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios” (Juan 8:44–47).
2020-08-21
Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor
2020-08-19
Repleksyon sa Ebanghelyo : Anong Uri ng Pananampalataya ang Maaaring Makatanggap ng Pagsang-ayon ng Diyos?
Bawat Kristiyano ay alam ang pariralang "pananampalataya sa Diyos." Ngunit nagawa ba natin na isaalang-alang kung bakit tayo dapat maniwala sa Diyos? Ilan sa mga tao ay maaaring sabihin na sila ay naniniwala sa Diyos dahil sa kanilang espirituwal na kahungkagan; ang ilan ay maaaring sabihin na naniniwala sila sa Diyos para mapagaling ang kanilang karamdaman, habang ang iba maaaring sabihin na naniniwala sa Diyos para makaiwas sa mga sakuna at makapunta sa langit. Kung gayon, ang ganito bang mga pananaw ay naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano nga ba ang totoong pananampalataya sa Diyos? Anong uri ng pananampalataya ang maaaring makatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos? Itong pelikulang "Pananalig sa Diyos" ay gagabayan tayo na maunawaan ang totoong kahulugan ng pananampalataya sa Diyos at matutulungan tayo na mahanap ang tamang landas upang matanggap ang papuri ng Diyos at makapasok sa Kaharian ng Langit.
2020-08-17
Ano ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang kaalaman tungkol sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohiko?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang ibig sabihin ng makilala ang Diyos? Ibig sabihin ay nakikilala ng tao ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos; ito ang pagkilala sa Diyos. Sinasabi mong nakikita mo na ang Diyos, ngunit hindi mo nauunawaan ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang Kanyang disposisyon, ni nauunawaaan ang Kanyang katuwiran. Wala kang pagkaunawa sa Kanyang pagka-mahabagin, at hindi mo alam kung ano ang gusto o kinamumuhian Niya. Hindi ito pagkakilala sa Diyos. Samakatuwid, nakakayang sundan ng ilang tao ang Diyos, ngunit hindi niyan ibig sabihin nananalig sila sa Diyos.