Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2017-07-22

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 5



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 5

Patuloy na nagbabago ang mga bundok at mga ilog, umaagos ang mga batis sa daanan ng mga ito, at di-gaanong nagtatagal ang buhay ng tao kaysa daigdig at himpapawid. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang walang-hanggang binuhay-na-muling buhay, walang-hanggang nabubuhay sa pagdaan ng mga henerasyon!
Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Kanyang mga kamay, si Satanas ay nasa ilalim ng Kanyang mga paa.

Ngayon dahil ito sa itinadhanang pagpili ng Diyos na nailigtas na Niya tayo mula sa paghawak ni Satanas. Talagang Siya ang ating Manunubos. Ginagawa sa loob natin ang walang-hanggang binuhay-na-muling buhay ni Cristo, kaya natatadhana tayong maugnay sa buhay ng Diyos, maaaring makasama Siya nang harapan, kainin Siya, inumin Siya, at tamasahin Siya. Ito ang matiyaga at di-makasariling katapatan ng Diyos.

Lumilipas ang taglamig tungo sa tagsibol, dumadaan sa hangin at matinding lamig. Sinasalubong ng gaano karaming pasakit sa buhay, mga pag-uusig at mga kapighatian, mga pagtanggi at mga paninira ng mundo, mga ikinasang paratang ng pamahalaan, hindi nababawasan ang pananampalataya ng Diyos ni ang paninindigan. Buong-puso para sa kalooban ng Diyos, para sa pamamahala at plano ng Diyos na maisakatuparan, isinasantabi Niya ang Kanyang sariling buhay. Para sa buong bayan Niya, puspusang nagsisikap Siya, maingat na nagpapakain at nagdidilig. Gaano man kamangmang, gaano man tayo kaligalig, kailangan lamang nating sumunod sa harap Niya, at babaguhin ang ating dating pagkatao ng muling-pagkabuhay na buhay ni Cristo. Para sa mga panganay na anak na ito, walang kapagurang nagpapagal Siya, lumiliban sa pagkain at pagtulog. Ilang araw at gabi, sa gaano karaming mga nakapapasong init at nagyeyelong lamig, buong-puso Siyang nagmamasid sa Sion.

Ang mundo, tahanan, gawain ay lubusang ipinagpaliban, nang kusang-loob, nang walang mga makamundong kasiyahan na humihipo sa Kanya. Ang mga salita mula sa Kanyang bibig ay humahagupit sa atin, inilalantad ang mga bagay na nakatago nang malalim sa ating mga puso. Paano tayong hindi mahihikayat? Ang bawat pangungusap na lumalabas sa Kanyang bibig ay nagkakatotoo anumang oras sa atin. Ang ating bawat pagkilos, pampubliko at pribado, walang hindi Niya nalalaman, hindi nakikita, nguni’t lahat ay tunay na lilitaw sa harapan Niya, sa kabila ng ating mga sariling plano at pagsasaayos.

Nakaupo sa harapan Niya, nasisiyahan ang ating mga Espiritu, panatag at mahinahon, laging nararamdamang hungkag sa loob, totoong may pagkakautang sa Diyos. Isa itong di-malirip at mahirap na kababalaghan. Sapat na napatutunayan ng Banal na Espiritu na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang totoong Diyos! Di-mapagdududahan! Tayo, itong pangkat ng mga tao, ay totoong napaka-pinagpala! Kung hindi dahil sa biyaya at awa ng Diyos, dapat tayong mapunta sa kapahamakan at sumunod kay Satanas. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin!

Ah! Ang Makapangyarihang Diyos na praktikal na Diyos! Ikaw itong nagbubukas ng aming espirituwal na mga mata, kaya namasdan na namin ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo. Walang katapusan ang tanawin ng kaharian. Maging mapagbantay at naghihintay. Hindi maaaring malayo pa ang araw na iyon.

Umaalimpuyo ang mga apoy ng digmaan, natatangay ang usok ng baril, umiinit ang panahon, nagbabago ang klima, lalaganap ang isang salot, at dapat mamatay ang mga tao, na may kaunting pag-asa na manatiling buháy.

Ah! Ang Makapangyarihang Diyos na praktikal na Diyos! Ikaw ang aming matibay na tore. Ikaw ang aming kanlungan. Nag-uumpukan kami sa ilalim ng mga pakpak Mo, at hindi kami maaabot ng kalamidad. Ito ang Iyong pagka-Diyos na pag-iingat at pangangalaga.


Nagtataas kaming lahat ng aming mga tinig, upang umawit ng mga papuri, mga papuring umaalingawngaw sa buong Sion! Nakapaghanda na para sa atin ng maluwalhating hantungan ang Makapangyarihang Diyos na praktikal na Diyos. Maging mapagbantay—mapagbantay! Hindi na maaaring malayo pa ang oras.

Rekomendasyon:  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento