Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Pagbubunyag ng Katotohanan. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post
Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Pagbubunyag ng Katotohanan. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post

2020-09-27

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, Estados Unidos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pangunahing gawain ng Diyos sa kapanahunang ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng diwa ng kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos” (“Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

2020-09-25

Paglaya Mula sa Bitag ng Usap-usapan

Ni Xiaoyun, Tsina

Ako ay isang dating opisyal ng hukbong-sandatahan. Isang araw noong 1999, ipinangaral ng isang Koreanong pastor ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa akin. Dahil sa aking taimtim na pagsisikap, di-nagtagal ay ako ang naging tuon sa pagsasanay ng pastor at ng kanyang pangunahing katulong. Noong tag-araw ng 2000, nagpunta ang pastor sa Yunnan para sa isang maikling pagmimisyon sa tag-araw kasama ang mahigit sa isang dosenang estudyante sa kolehiyo mula sa Korean Gospel Church. Hindi inaasahan, natakot dito ang gobyernong CCP.

2020-08-11

May Paraan upang Lutasin ang Kayabanga

Xiaochen Lunsod ng Zhengzhou, Probinsiya ng Henan

Nakamamatay na kahinaan ko ang kayabangan. Madalas ko dating ipakita ang aking mayabang na disposisyon, laging iniisip na mas mahusay ako kaysa sa ibang tao. Lalo na nang inayos ko ang mga artikulo o nakipag-usap ako sa aking kasosyo tungkol sa trabaho, lagi akong mayabang at hindi nakikinig nang may pagpapakumbaba sa ibang mga opinyon. Ang kawalan ko ng kakayahang makipagtulungan nang may pagkakasundo sa mga kasosyo ko ang madalas magdulot ng mga problema sa trabaho. Kinausap ako ng mga kapatid tungkol sa usaping ito nang maraming beses, at madalas din akong nagbabasa tungkol sa paglalantad ng Diyos sa mayabang na kalikasan ng mga tao. Pero dahil hindi ko pa nakakamit ang tunay na pagkakaunawa sa sarili kong kalikasan at diwa at hindi ko rin tunay na makamuhian ito, nawawalan ako ng kontrol tuwing mahaharap ako sa naaayong kapaligiran. Pagkaraan, makararamdam din ako ng pagkainis, pero dahil hindi na ito maibabalik, ang tangi ko na lang magagawa ay patuloy na subukang unawain ito. Kaya nangyari ito nang paulit-ulit. Pakiramdam ko ay lubos akong napapahiya at walang magawa.

2020-07-21

Pinatototohanan mo na sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa tao, kaya paano ba talaga hinahatulan, dinadalisay at inililigtas ng Diyos ang tao?

Sagot:

Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

2020-07-09

Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para mailigtas at magawang perpekto ang mga tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na kinakailangan ay itinatalaga sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang mga kapanahunan, ang mga kinakailangan ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagiging lalong mas mataas. Kaya, isa-isang hakbang, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos ay nakakaabot sa rurok nito, hanggang napagmamasdan ng tao ang katunayan ng “pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,” at sa paraang ito ang mga kinakailangan sa tao ay mas tumataas pa, at ang mga pangangailangan sa tao na sumaksi ay mas tumataas.

2020-05-02

Pagsisimula sa Landas ng Paniniwala sa Diyos

Rongguang Lungsod ng Harbin, Lalawigan ng Heilongjiang

Noong 1991, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nagsimula akong sumunod sa Makapangyarihang Diyos dahil sa isang sakit. Nang panahong iyon hindi ko alam ang anumang bagay tungkol sa paniniwala sa Diyos, ngunit ang kawili-wiling bagay ay, kapag kumakain at umiinom ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nasisiyahan ako rito. Naramdaman ko na ang Kanyang mga salita ay napakabuti, at kapag umawit o manalangin ako madalas akong mapukaw ng Banal na Espiritu hanggang sa punto ng pag-iyak.

2020-03-10

Mula sa Salita ng Makapangyarihang Diyos, Natagpuan Ko ang Direksyon ng Aking Buhay



Ako ay si Novo, Ako ay isang Pilipino. Mula pagkabata ko, naniwala ako sa Diyos kasama ang aking ina. Nagsisimba ako kasama ang aking mga kapatid para makinig sa mga sermon. Kahit na naniwala ako sa Panginoon nang maraming taon, naramdaman ko na para akong isang hindi mananampalataya. Sa aking puso, pinag-iisipan ko kung paano kumita ng mas maraming pera at magkaroon ng mas magandang buhay sa buong araw.

2020-03-08

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo



Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning

Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinangaan ang mga kapatid na makatatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na makaririnig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

2020-02-27

Mga Patotoo sa Kaligtasan: Tanging ang Pagmamahal ng Diyos ang Tunay


Xiaodong    Lalawigan ng Sichuan

Sinabi ng Diyos, “Ang sambayanang Tsino na naging tiwali sa loob ng libu-libong taon ay nagpatuloy na sumulong hanggang ngayon. Ang lahat ng uri ng mga mikrobyo ay patuloy na lumalawak at kumakalat sa bawat dako gaya ng salot; sa pagtingin lamang sa mga kaugnayan ng mga tao ay sapat upang makita kung ilang mikrobyo ang nasa mga tao. Sukdulang napakahirap para sa Diyos na paunlarin ang Kanyang gawain sa lugar na gayong kahigpit ang pagkakasara at nahawaan-ng-mikrobyo.

2020-02-21

Gawa ng Diyos|Ang layunin at kabuluhan ng bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos


(1) Ang layunin at kabuluhan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eva, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.

2019-11-18

Tagalog Christian Movie 2018 - "Paghihintay" Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)


Tagalog Christian Movie 2018 - "Paghihintay" Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)


"Paghihintay" (2) - Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon?

2019-11-10

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?

Ebanghelyo, Panginoon, Diyos,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?


Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama.

2019-06-15

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Kabanata 78

Diyos, katotohanan, pananampalataya, kapangyarihan,


Nasabi Ko na dati na Ako ang gumagawa ng gawain, hindi ang sinumang tao. Sa Akin, ang lahat ay maluwag at masaya, nguni’t sa inyo ibang-iba ang mga bagay-bagay at anuman ang inyong ginagawa ay sukdulang mahirap. 

2019-06-05

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia


Biblia, Jehova, Kasulatan, Langit, patotoo,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia


Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. 

2019-06-02

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Matatanggap ba natin ang Panginoon sa pikit-matang pag-iingat sa mga huwad na Cristo at pagtangging hanapin at siyasatin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon?

Iglesia, Panginoon, katotohanang, buhay, Jesus,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Matatanggap ba natin ang Panginoon sa pikit-matang pag-iingat sa mga huwad na Cristo at pagtangging hanapin at siyasatin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon?


Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2-3).

"Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit" (Mateo 5:3).

2019-05-21

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Ebanghelyo, Jesus, katotohanan, buhay, pananampalataya,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin


Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan

Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya.

2019-04-25

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Kailangang makilala ng isang tao ang kaibhan sa pagitan ng daan tungo sa pagsisisi sa Kapanahunan ng Biyaya at ng daan tungo sa buhay na walang hanggan sa mga huling araw

Jesus, Ebanghelyo, kalooban ng Diyos, panalangin, kaligtasan,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Kailangang makilala ng isang tao ang kaibhan sa pagitan ng daan tungo sa pagsisisi sa Kapanahunan ng Biyaya at ng daan tungo sa buhay na walang hanggan sa mga huling araw


VII. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao na ang Inihahatid Lamang ng Cristo ng mga Huling Araw ang Daan tungo sa Buhay na Walang Hanggan

3. Kailangang makilala ng isang tao ang kaibhan sa pagitan ng daan tungo sa pagsisisi sa Kapanahunan ng Biyaya at ng daan tungo sa buhay na walang hanggan sa mga huling araw.

2019-03-26

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang kaibhan sa pagitan ng paraan ng paggawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng paraan ng paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?

Diyos, Biyaya, pananampalataya, pag-ibig, Jesus,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang kaibhan sa pagitan ng paraan ng paggawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng paraan ng paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Noong Kanyang unang pagkakatawang-tao, kinakailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at palayasin ang mga demonyo dahil ang Kanyang gawain ay ang tumubos. Upang tubusin ang buong lahi ng tao, Siya’y kinailangang maging maawain at mapagpatawad.

2019-03-24

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?

Biyaya, Panginoong Jesus, Diyos, Ebanghelyo, Jesus,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

“At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).

2019-03-18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?

Biyaya, Panginoon, Biblia, Jehovah, Diyos,


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).