Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-03-08

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo



Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning

Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinangaan ang mga kapatid na makatatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na makaririnig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

Ito ay noong nailathala ang Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay Aklat 1-3. Noong narinig ko ang una, pakiramdam ko ang lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu ay mahusay na nagsalita. Noong narinig ko ang pagbabahagi ni Cristo sa pangalawang aklat (ito ay bago may nakapagsabi sa akin na ang mga ito ay ang pagbabahagi ni Cristo), inisip ko na ang tagapagsalitang ito ay isa lamang na lider sa ilalim ng tao na ginamit ng Banal na Espiritu, at lalo na nang ibinahagi ni Cristo ang tungkol sa problema kung paano tingnan ang kaalaman, hindi ko narinig ang masigasig na reaksyon ng aking mga kapatid, kung kaya sigurado ako na ang hula ko ay tama, at pakiramdam ko na ang tagapagsalitang ito ay hindi kasing-husay ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, hindi ako nakinig nang mabuti. Pagkatapos kong marinig ang pangatlong aklat, pagkatapos ng pagbabahagi ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, narinig ko si Cristo na sinasabi, “Tungkol sa pagbabahagi ng kapatid na lalaki ngayon lang…” at lalo akong naging sigurado na ang tagapagsalitang ito ay isang lider sa ilalim ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, dahil sa ating mundo, ang mga lider ay palaging unang nagsasalita, at saka magsasalita ang mga mas nakabababa sa kanila. Kaya, isinara ko ang speaker, habang iniisip, “Pakikinggan ko ito mamaya kapag may oras ako.” Sa araw na nalaman ko na ito ay pagbabahagi ni Cristo mismo, nagulat ako, at sa wakas ay seryoso akong nakinig sa bawat salita sa sermon.

Pagkatapos nito, nagsimula akong nagnilay-nilay: Bakit ko ninais na marinig mismo ang pagbabahagi ni Cristo, ngunit nang sa wakas Siya ay nangusap sa amin, hindi ko ito makikilala? Sinimulan kong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos na kaugnay ng aking sitwasyon, at nakita ko na sinabi ng Diyos: “Inaasam ng lahat ng tao na makita ang totoong mukha ni Jesus, at lahat ay nagnanasang makapiling Niya. Sa palagay Ko hindi sasabihin ng sinumang kapatid na ayaw nilang makita o makapiling si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus—bago ninyo nakita ang nagkatawang-taong Diyos—malamang na tinatanggap ninyo ang lahat ng uri ng mga ideya, halimbawa, tungkol sa anyo ni Jesus, sa Kanyang paraan ng pagsasalita, sa Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Ngunit kapag nakita na ninyo Siya talaga, ang inyong mga ideya ay mabilis na magbabago. Bakit ganito? Nais ba ninyong malaman? Hindi maaaring kaligtaan ang pag-iisip ng tao, na totoo—ngunit higit pa riyan, ang diwa ni Cristo ay hindi nababago ng tao. Iniisip ninyo na si Cristo ay isang imortal o isang matalinong tao, ngunit walang sinumang nagtuturing sa Kanya bilang isang normal na tao na may banal na diwa. Sa gayon, marami sa mga yaon na nananabik araw at gabi na makita ang Diyos ay sa totoo lamang mga kaaway ng Diyos, at hindi Niya kaayon. Hindi ba ito isang pagkakamali sa panig ng tao? Kahit ngayon kayo ay nag-iisip pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay sapat na upang gawin kayong karapat-dapat na mamasdan ang mukha ni Cristo, ngunit pinapayuhan Ko kayo na sangkapan ang inyong mga sarili ng mas maraming bagay na praktikal! Sapagkat noong araw, ngayon, at sa hinaharap, marami sa mga yaon na nakakaugnay ni Cristo ay nabigo o mabibigo; lahat sila ay gumaganap ng papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito ay talagang dahil mayroon sa inyong mga pagkaunawa na isang Diyos na mataas at karapat-dapat sa paghanga. Subali’t ang katotohanan ay hindi gaya ng mga inaasam ng tao. Hindi lamang sa hindi mataas si Cristo, kundi Siya ay lubhang maliit; hindi lamang sa Siya ay isang tao, kundi Siya ay isang pangkaraniwang tao…. At dahil dito, tinatrato Siya ng mga tao gaya ng pagtrato nila sa isang karaniwang tao; karaniwan lang ang pagtrato nila sa Kanya kapag kasama nila Siya, at nagsasalita sa Kanya nang basta-basta, samantalang naghihintay pa rin para sa pagdating ng ‘totoong Cristo.’ Ipinalalagay ninyo ang Cristo na nakarating na bilang isang karaniwang tao at ang Kanyang mga salita bilang mga salita ng isang karaniwang tao. Sa kadahilanang ito, hindi kayo nakatanggap ng anuman mula kay Cristo, at sa halip ay ganap na nailantad ang inyong kapangitan sa liwanag” (“Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kumpara sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay naisip ko kung paano naipakita ang sarili kong masamang disposisyon noong sa wakas ay narinig ko ang pagbabahagi ni Cristo. Ninais kong marinig ang mga sermon at pagbabahagi ni Cristo sa sarili kong mga tainga, subalit noong narinig ko sa wakas ang pagbabahagi ni Cristo, ipinagwalang-bahala ko ito. Nakita ko si Cristo bilang isang ordinaryong mortal lamang. Ito ay dahil hindi ko naunawaan ang diwa ni Cristo, ganap na hindi ko naunawaan na si Cristo ay nananatiling mapagpakumbaba at nagtatago, at nagkaroon ako ng napakaraming kaisipan at pagkaunawa tungkol kay Cristo. Inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay malamang na limitado sa mga kapatid na kaagad na nakakaabot sa Kanya, na ang iba ay hindi pinapayagan na marinig ang Kanyang pagbabahagi sa sarili nilang mga tainga; inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay sasamahan ng publikong paghahayag ni Cristo ng Kanyang pagkakakilanlan; inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay dapat mabigkas sa tinig na kakaiba at sa maraming eleganteng daloy ng mga talata, na para bang isang hindi ordinaryong tao; inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay sasamahan ng tuwang-tuwa at masigabong mga sigaw ng aking mga kapatid; at kung ito ay ang lalaking ginamit ng Banal na Espiritu at pagkatapos ay si Cristo naman na nagsasalita, na si Cristo dapat ang unang magsasalita, at ang lalaking ginamit ng Banal na Espiritu ang huling magsasalita… Nilimitahan ko ang gawain at mga salita ni Cristo sa mga hangganan ng aking imahinasyon, dahil inisip ko si Cristo sa isang partikular na paraan. Noong ang mga katibayan ay sumasalungat sa kung paano ko inisip ang mga ito, itinuring ko si Cristo bilang isang ordinaryong tao at ang mga salita ni Cristo bilang mga salita ng isang ordinaryong tao, at bagama’t ang iba ay maraming nakuhang pakinabang mula sa pagbabahagi, wala akong napakinabangan, at sa halip, tuluyan kong inilantad ang aking pagiging arogante, bilib sa sarili, paghamak sa katotohanan, kalikasan na malasatanas, at nagawa ko ang aking sarili na tanggihan at tutulan si Cristo.

Sa kalaunan, nakita ko sa salita ng Diyos: “Lagi ninyong inaasam na makita si Cristo, ngunit hinihikayat Ko kayo na huwag masyadong taasan ang pagpapahalaga ninyo sa inyong sarili; maaaring makita ng sinuman si Cristo, ngunit sinasabi Ko na walang sinumang karapat-dapat na makita si Cristo. Dahil ang kalikasan ng tao ay punung-puno ng kasamaan, kayabangan, at pagkasuwail, sa sandali ng pagkakita kay Cristo, wawasakin ka at susumpain ka hanggang sa kamatayan ng iyong kalikasan” (“Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Hindi kayo nagpipitagan sa harap ng katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Maaari kayang makuha ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo matatalos ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos? … Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin para maunawaan na hindi ko makikilala ang tinig ng Diyos dahil ako ay masyadong arogante, masyadong rebelde, at masyadong mapagmataas, masyadong madaling matukso para makinig nang mabuti at tumango bilang pagsang-ayon sa mga nasa posisyon at katayuan, habang minaliit ko ang mga walang posisyon at katayuan, kung kaya’t kahit na nangusap sila alinsunod sa katotohanan, hindi ko ito maririnig. Noong nakinig ako sa pagbabahagi, hindi ako nakatuon sa katotohanan at hindi ko hinangad na matamo ang katotohanan, at sa halip, itinuon ko ang aking pag-iisip sa haka-haka at imbestigasyon. Wala akong ibinunyag maliban sa pagiging arogante at pagiging rebelde, mga pagkaunawa at imahinasyon. Isang taong kagaya ko na arogante, rebelde at tumatanggi sa katotohanan, isang taong kagaya ko na walang kabanalan o paghahangad para sa katotohanan, paano ko posibleng maririnig at malalaman ang tinig ng Diyos? Paano ako karapat-dapat na makita si Cristo?

Sa pamamagitan ng pagbubunyag na iyon naunawaan ko sa wakas na kahit na gusto kong makita si Cristo, hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo dahil napakalalim ng kasamaan ni Satanas sa akin, likas akong arogante at rebelde, wala akong katotohanan at walang pagmamahal sa katotohanan, hindi ko nauunawaan ang diwa ni Cristo, humahatol ako batay sa mga walang kabuluhang pagkiling, masyadong marami akong pagkaunawa at mga kaisipan, at ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay isa pa ring malabong Diyos, imahe ng isang makapangyarihan at magaling magsalitang pigura. At kapag tunay kong nakita si Cristo, ang aking mga pagkaunawa ay maaaring magka-ugat at ang aking pagiging arogante ay maaaring tumubo sa anumang oras, sa gayon sinisira ako ng likas kong pagiging rebelde. Ngayon, kinakailangan kong bigyan ang aking sarili ng katotohanan, hangarin na maunawaan ang aking masamang kalikasan at ang diwa ni Cristo sa mga salita ng Diyos, at maging isang tao na nakauunawa at sumasamba kay Cristo.

——————————————————
Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento