Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-03-26

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang kaibhan sa pagitan ng paraan ng paggawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng paraan ng paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?

Diyos, Biyaya, pananampalataya, pag-ibig, Jesus,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ano ang kaibhan sa pagitan ng paraan ng paggawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng paraan ng paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Noong Kanyang unang pagkakatawang-tao, kinakailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at palayasin ang mga demonyo dahil ang Kanyang gawain ay ang tumubos. Upang tubusin ang buong lahi ng tao, Siya’y kinailangang maging maawain at mapagpatawad.
Ang gawain na Kanyang ginawa bago Siya napako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na nagbabadya ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at kadungisan. Dahil ito ay Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang magpagaling ng maysakit, at dahil doon nagpakita ng mga palatandaan at kababalaghan, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon; dahil ang Kapanahunan ng Biyaya ay sumentro sa pagkakaloob ng biyaya, sinagisag ng kapayapaan, kasiyahan, at materyal na mga biyaya, lahat ng palatandaan ng pananampalataya ng mga tao kay Jesus. Ibig sabihin, ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagkakaloob ng biyaya ay likas na abilidad ng katawang-tao ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga ito’y gawa ng Espiritung naging totoo sa katawang-tao.

mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawaing tinupad ni Jesus ay naaayon sa mga pangangailangan ng tao sa kapanahunang iyon. Ang Kanyang gagawin ay tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga pagkakasala, kaya’t ang Kanyang disposisyon ay lubos na isa ng kapakumbabaan, pagtitiis, pag-ibig, kabanalan, pagtitiyaga, habag, at kagandahang-loob. Pinagpala Niyang mayaman ang sangkatauhan at dinalhan sila ng masaganang biyaya, at lahat ng mga bagay na maaari nilang tamasahin, Kanyang ibinigay sa kanila para sa kanilang kasiyahan: kapayapaan at kaligayahan, ang Kanyang pagpapaubaya at pag-ibig, Kanyang kaawaan at kagandahang-loob. Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng mga bagay na nagpapasaya: Ang kanilang mga puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanilang mga espiritu ay inaliw, at sila ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari nilang matamo ang mga bagay na ito ay ang kinahinatnan ng kapanahunan kung kailan sila nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay sumailalim sa pagtitiwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa buong sangkatauhan ay nangailangan ng masaganang biyaya, walang-hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan, upang makarating sa bunga nito. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog na pantakip ukol sa kasalanan ng sangkatauhan, iyan ay, si Jesus. Ang alam lamang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito sa kabuuan ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya’t, bago sila matubos, kinailangan nilang matamasa ang maraming uri ng biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus sila nakatamo ng karapatang makatanggap ng kapatawaran at magtamasa sa kasaganaan ng biyaya na ipinagkaloob sa pamamagitan ni Jesus-gaya ng sinabi ni Jesus, “Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang pahintulutan ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan.” … Habang mas minamahal ni Jesus ang sangkatauhan, pinatatawad ang kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at kagandahang-loob, ang sangkatauhan ay mas nagkakaroon ng kakayahan na maligtas, na matawag na mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Si Satanas ay hindi maaring makialam sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gaya ng pakikitungo ng isang mapagkalingang ina sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila ni hinamak man sila, kundi Siya ay puno ng kaaliwan; hindi kailanman sumiklab ang Kanyang galit sa kanilang kalagitnaan, kundi nagtiis sa kanilang mga pagkakamali at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, anupa’t sinabing, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpu’t pitong beses.” Kaya binago ng puso Niya ang mga puso ng iba. Sa ganitong paraan nakatanggap ang mga tao ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.

mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Banal na Espiritu ay gumagawa alinsunod sa kapanahunan, hindi lamang dahil gusto o ayon sa nakatakdang mga panuntunan. Nagbago ang kapanahunan, at ang isang bagong kapanahunan ay dapat may dalang bagong gawain. Totoo ito sa bawa’t yugto ng gawain, at kaya ang Kanyang gawain ay hindi kailanman nauulit. Sa Kapanahunan ng Biyaya, tinupad ni Jesus ang karamihan sa gawaing iyon, tulad ng pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapatong ng Kanyang mga kamay sa tao upang ipanalangin ang tao, at pagpapala sa tao. Gayunman, ang ipagpatuloy pa ang gayon ay walang saysay sa kasalukuyan. Ang Banal na Espiritu ay gumawa sa ganoong paraan noong panahong iyon, dahil iyon ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay pinakitaan ng sapat na biyaya para tamasahin. Hindi na kinailangang magbayad ang tao ng anumang halaga at maaaring tumanggap ng biyaya hangga’t siya ay may pananampalataya. Lahat ay trinato nang may lubhang kagandahang-loob. Ngayon, ang kapanahunan ay nagbago, at ang gawain ng Diyos ay nakakasulong nang higit pa; sa pamamagitan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, ang pagiging-suwail ng tao at ang mga karumihan sa kalooban ng tao ay maaalis. Dahil ito ang yugto ng pagtubos, kinailangang tuparin ng Diyos ang gayong gawain, na nagpapakita sa tao ng sapat na biyaya para matamasa ng tao, para matubos ang tao mula sa kasalanan, at sa pamamagitan ng biyaya mapatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan. Ang yugtong ito ay ginawa upang ilantad ang mga kasamaan sa kalooban ng tao sa pamamagitan ng pagkastigo, paghatol, ng pagpalo gamit ang mga salita, pati na rin ng disiplina at pagbubunyag ng mga salita, upang pagkatapos ay maligtas sila. Ito ay gawaing mas malalim kaysa pagtubos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang tao ay nagtamasa ng sapat na biyaya at nakaranas na ng biyayang ito, at kaya hindi na ito matatamasa ng tao. Ang gayong gawain ay lipas na ngayon at hindi na dapat gawin. Ngayon, ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Pagkatapos hatulan ang tao, kastiguhin at dalisayin, bunga nito ang kanyang disposisyon ay nababago. Hindi ba ito ay dahil sa mga salitang Aking sinambit? Ang bawa’t yugto ng gawain ay tinutupad ayon sa pag-unlad ng lahat ng sangkatauhan at kasabay ng kapanahunan. Lahat ng gawain ay may kanyang kabuluhan; ito ay ginagawa para sa pangwakas na pagliligtas, para ang sangkatauhan ay magkaroon ng isang magandang hantungan sa hinaharap, at para ang tao ay mahati ayon sa kanilang mga uri sa katapusan.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

mula sa Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging rebelyoso ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kalikuan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng mga bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging rebelyoso ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging rebelyoso, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha.

mula sa “Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hindi kayang baguhin ng mga tao ang kanilang disposisyon sa kanilang ganang mga sarili; sila ay kailangang sumailalim sa paghatol at pagkastigo at masakit na pagpipino ng mga salita ng Diyos, o pakikitunguhan, didisiplinahin, at pupungusin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Pagkatapos lamang noon na matatamo nila ang pagiging masunurin at pagiging tapat sa Diyos, at hindi tangkaing linlangin Siya at makitungo sa Kanya nang basta-basta na lamang. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos na nagkakaroon ang mga tao ng isang pagbabago sa disposisyon. Yaong lamang mga sumailalim sa paghahayag, paghahatol, pagdidisiplina, at pakikitungo sa pamamagitan ng Kanyang mga salita ang hindi na mangangahas na gumawa ng mga bagay nang walang pakundangan, at magiging kalmado at mahinahon. Ang pinakamahalagang punto ay ang nagagawa nilang sundin ang mismong mga salita ng Diyos at sundin ang gawain ng Diyos, at maging ito man ay hindi nakaayon sa mga paniwala ng tao, kaya nilang isantabi ang mga ito at sadyang sundin.

mula sa “Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos ay maraming mga pamamaraan sa pag-perpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba't-ibang mga bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga misteryo” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming mga pamamaraan-sa pamamagitan ng pagbubunyag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo-para maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal.

mula sa “Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Opisyal nang sinimulan ng Diyos ngayon ang pagperpekto sa mga tao. Upang gawing ganap, kailangang sumailalim ang mga tao sa pagbubunyag, paghatol, at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at maranasan ang mga pagsubok at kapinuhan ng Kanyang mga salita (kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo). Bilang karagdagan, kailangang magawang matagalan ng mga tao ang pagsubok ng kamatayan. Iyon ay, ang sinuman na tunay na ipinatutupad ang kalooban ng Diyos ay nagagawang maglabas ng papuri mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso sa gitna ng paghatol ng Diyos, pagkastigo, at mga pagsubok, at nagagawang lubos na sundin ang Diyos at kalimutan ang mga sarili, kaya iniibig ang Diyos na may isang puso ng katapatan, may isang paninindigan, at kadalisayan; ang gayon ay isang taong ganap, at ito rin ang gawain na gustong gawin ng Diyos, at siyang kung anong gustong isakatuparan ng Diyos. Hindi makaguguhit ng konklusyon nang basta-basta ang mga tao tungkol sa mga pamamaraan ng paggawa ng Diyos, at makakaya lamang nilang hangarin ang pagpasok sa buhay. Ito ang saligan.

mula sa “Tungkol sa Mga Hakbang ng Gawain ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagka-perpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamatuwid, matinding galit, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagka-perpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang mga tao, at itinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila na kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya gagawing perpekto? Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagamat nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa katuturan ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa laman, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos-at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng kapinuhan; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos.

mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, pagsumpa; ang kaligtasan ay kailangang mayroong taglay na pag-ibig, awa, at, higit pa rito, ng mga salita ng kasiyahan, at kailangang taglayin ang walang hanggang mga pagpapala na ipinagkakaloob ng Diyos. Ang mga tao ay naniniwala na kapag inililigtas ng Diyos ang tao ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila at tulutan sila na ibigay ang kanilang mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala at biyaya. Iyon ay upang sabihin, kapag hinihipo Niya ang mga tao inililigtas Niya ang mga ito. Ang kaligtasan na kagaya nito ay kaligtasan kung saan ang isang pakikipagkalakalan ay ginagawa. Kapag pinagkalooban pa lamang sila ng Diyos ng sandaang beses saka pa lamang lalapit ang tao sa ilalim ng pangalan ng Diyos, at magsisiskap na gumawang mabuti para sa Diyos at dalhan Siya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay dumating upang gumawa sa lupa nang upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan-walang kabulaanan dito; kung hindi, tiyak na hindi Siya darating upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Sa nakaraan, ipinakikita ng Kanyang mga paraan sa pagliligtas ang sukdulang pag-ibig at awa, anupa’t ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay walang kagaya ng nakaraan: Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol nang upang ang tao ay lalong mas lubusang maligtas. Kung gayon, lahat ng iyong natatanggap ay pagkastigo, paghatol, at walang awang paghampas, ngunit talastasin na sa walang pusong paghampas na ito ay wala ni kakatiting na kaparusahan, talastasin na hindi alintana kung gaano man kabagsik ang Aking mga salita, kung ano ang sumapit sa iyo ay kakaunting mga salita lamang na lumilitaw na talagang walang puso sa iyo, at talastasin na, gaano man katindi ang Aking galit, kung ano ang darating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo, o ilagay ka sa kamatayan. Hindi ba ito lahat katotohanan? Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong kapinuhan at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang makatuwirang paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong kapinuhan ay nang upang linisin ang tao, ang masasakit na mga salita at ang pagtutuwid ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan. At kaya, ang kasalukuyang paraan ng pagliligtas ay hindi kagaya noong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang makatuwirang paraan ng paghatol ay ililigtas ka, at isang mabuting kasangkapan sa pagbubukod-bukod sa bawat isa sa inyo ayon sa uri, at ang malulupit na pagkastigo ay magdudulot sa inyo ng pinakadakilang kaligtasan--at ano ang masasabi ninyo sa harap ng pagkastigong ito at paghatol? Hindi ba ninyo natatamasa ang pagliligtas mula umpisa hanggang katapusan? ... Pag-isipan ninyo ito: Kung ang Aking layunin sa pagdating ay upang hatulan at parusahan kayo, at hindi upang iligtas kayo, maaari kayang nagtagal ang inyong mga araw? Magawa ninyo kayang, ang mga makasalanang nilalang na ito ng laman at dugo, makatagal hanggang sa kasalukuyan? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng pagpaparusa sa inyo, bakit kailangan Kong maging katawang-tao at magsimula sa gayong kalaking proyekto? Hindi ba kakailanganin lamang ng isang salita upang parusahan kayong mga mortal lamang? Magbabalak pa ba Akong wasakin ka pagkatapos Kitang parusahan? Hindi mo pa rin ba paniniwalaan ang mga salita Kong ito? Maililigtas Ko ba ang tao sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at awa? O magagamit Ko lamang ang pagkakapako sa krus upang iligtas ang tao? Ang Akin bang matuwid na disposisyon ay hindi higit na kaaya-aya sa paggawa sa tao na maging lubos na masunurin? Hindi ba nito nagagawang lalong ganap na maligtas ang tao?

Bagamat ang Aking mga salita ay maaaring maging mahigpit, ang mga ito ay sinasabing lahat para sa kaligtasan ng tao, sapagkat Ako ay nagsasabi lamang ng mga salita at hindi pinarurusahan ang laman ng tao. Ang mga salitang ito ay naging dahilan sa tao upang mabuhay sa liwanag, upang malaman na ang liwanag ay umiiral, upang malaman na ang liwanag ay napakahalaga, lalong higit pa upang malaman kung gaano kapaki-pakinabang ang mga salitang ito sa tao, at upang malaman na ang Diyos ay kaligtasan. Bagamat nakapagsalita Ako ng maraming mga salita ng pagkastigo at paghatol, ang mga ito ay hindi nangyari sa inyo sa gawa. Ako ay dumating upang gawin ang Aking gawain, upang sabihin ang Aking mga salita, at bagamat mahigpit ang Aking mga salita, ang mga ito ay sinasalita sa paghatol sa iyong katiwalian at pagiging mapaghimagsik. Ang layunin sa paggawa Ko nito ay nananatiling upang iligtas ang tao sa sakop ni Satanas, upang gamitin ang aking mga salita upang iligtas ang tao; ang Aking layunin ay hindi upang saktan ang tao sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang aking mga salita ay mahigpit nang upang ang mga resulta ay makamit mula sa Aking gawain. Sa pamamagitan lamang ng paggawa sa ganitong paraan maaaring makilala ng tao ang kanilang mga sarili at maaaring humiwalay mula sa kanilang mapaghimagsik na disposisyon.

mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: "Ano ang kaibhan sa pagitan ng paraan ng paggawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng paraan ng paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?"

   Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento