Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kapag ang Mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa Mga Ugat nito Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa
Kayong lahat ay personal na nakasaksi sa gawaing nagawa Ko sa kalagitnaan ninyo, kayo mismo ang nakarinig sa mga salitang Aking winika, at nalalaman ninyo ang Aking saloobin tungo sa inyo, kaya dapat ay nalalaman ninyo kung bakit Ko ginagawa ang gawaing ito sa inyo.
Sasabihin Ko sa inyo ang katotohanan—kayo ay walang iba kundi mga kasangkapan para sa Aking gawain ng paglupig sa mga huling araw; kayo ay mga kagamitan para sa pagpapalawak ng Aking gawain sa kalagitnaan ng mga bansang Gentil. Ako ay nagsasalita sa pamamagitan ng inyong di-pagkamatuwid, inyong karumihan, inyong paglaban at inyong pagkasuwail upang mas madaling mapalawak ang Aking gawain para ang Aking pangalan ay lumaganap sa kalagitnaan ng mga bansang Gentil, iyan ay, upang lumaganap sa gitna ng alinmang mga bansa sa labas ng Israel. Ito ay upang ang Aking pangalan, Aking mga pagkilos, at Aking tinig ay maaaring kumalat sa kabuuan ng mga bansang Gentil, sa gayon lahat ng bansang yaon na hindi sa Israel ay maaaring malupig Ko at maaaring sambahin Ako, magiging Aking mga banal na lupain sa labas ng mga lupain ng Israel at Egipto. Ang pagpapalawak ng Aking gawain sa katunayan ay pagpapalawak ng Aking gawain ng paglupig, pagpapalawak ng Aking banal na lupain. Ito ay pagpapalawak ng Aking mapanghahawakan sa lupa. Dapat kayong maging malinaw na kayo ay mga nilalang lamang sa gitna ng mga bansang Gentil na Aking nilulupig. Kayo sa orihinal ay walang katayuan ni anumang halagang mapapakinabangan, walang paggagamitang anuman. Ito ay dahil lamang sa iniangat Ko ang mga uod ng langaw mula sa bunton ng dumi ng hayop upang maging mga halimbawa para sa Aking paglupig sa mundo, upang maging tanging mga “sangguniang mga materyales” para sa Aking paglupig sa mundo. Sa pamamagitan lamang nito kaya kayo ay naging mapalad upang makaugnay Ako, at magtipong kasama Ko ngayon. Dahil sa inyong mababang katayuan kaya napili Ko kayo na maging mga halimbawa, mga huwaran para sa Aking gawain ng paglupig. Sa kadahilanang ito lamang kaya Ako ay gumagawa at nagsasalita sa kalagitnaan ninyo, at kaya Ako ay namumuhay at nananahang kasama ninyo. Dapat ninyong malaman na dahil lamang sa Aking pamamahala at sa Aking sukdulang pagkamuhi sa mga uod ng langaw na ito sa bunton ng dumi ng hayop kaya Ako ay nagsasalita sa kalagitnaan ninyo, at ito ay hanggang sa punto na Ako ay galit na galit. Ang Aking paggawa sa kalagitnaan ninyo ay hindi kailanman katulad ng paggawa ni Jehova sa Israel, at sa partikular ay hindi katulad ng paggawa ni Jesus sa Judea. Kalakip ang matinding pagpaparaya na Ako ay nagsasalita at gumagawa, at may galit pati na rin paghatol na Aking nilulupig ang mga kulang-kulang na ito. Hindi ito kagaya ng pangunguna ni Jehova sa Kanyang bayan sa Israel. Ang Kanyang gawain sa Israel ay pagkakaloob ng pagkain at ng buhay na tubig, at Siya ay puspos ng kahabagan at pag-ibig para sa Kanyang bayan sa Kanyang pagkakaloob ng mga iyon. Ang gawain ngayon ay ginagawa sa isang bansang hindi hinirang, na isinumpa. Walang masaganang pagkain, ni mayroong pagpapainom ng buháy na tubig para sa uhaw. Higit pa, walang tustos ng sapat na materyal na mga bagay; mayroon lamang sapat na paghatol, sumpa, at pagkastigo. Ang mga uod ng langaw na ito sa bunton ng dumi ng hayop ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa pagkakamit ng mga burol ng baka at tupa, ang malaking kayamanan, at ng pinakamagagandang bata sa buong lupain na ipinagkaloob Ko sa Israel. Ang makabagong Israel ay nag-aalay ng baka at tupa at ginto at pilak na mga bagay na itinutustos Ko sa kanila sa dambana, hinigitan pa ang ikapu na kinakailangan ni Jehova sa ilalim ng batas, kaya nabibigyan Ko sila ng higit pa, mahigit sa isandaang ulit niyaong nakamit ng Israel sa ilalim ng batas. Ang ipinagkakaloob Ko sa Israel ay hinihigitan pa yaong nakamit kapwa nina Abraham at Isaac. Tutulutan Ko ang pamilya ng Israel na maging mabunga at dumami, at Aking tutulutan ang Aking bayang Israel na kumalat sa buong mundo. Yaong Aking pinagpapala at kinakalinga ay ang hinirang na bayang Israel pa rin, iyan ay, ang bayan na nag-aalay ng lahat ng bagay sa Akin, na nagtatamo ng lahat ng bagay mula sa Akin. Ito ay sa dahilang pinananatili nila Ako sa isipan na isinasakripisyo nila ang kanilang mga bagong-silang na mga bisiro at mga tupa sa Aking banal na dambana at iniaalay ang lahat ng mayroon sila sa harap Ko, kahit hanggang sa punto ng pag-aalay ng kanilang bagong-silang na panganay na mga anak na lalaki bilang pag-asa sa Aking pagbabalik. At paano naman kayo? Ginagalit ninyo Ako, humihingi kayo sa Akin, ninanakaw ninyo ang mga sakripisyo niyaong mga nag-aalay sa Akin ng mga bagay-bagay at hindi ninyo nalalaman na sinasaktan ninyo ang damdamin Ko, sa gayon ang inyong nakakamit ay pagtangis at kaparusahan sa kadiliman. Napupukaw ninyo ang Aking galit nang maraming ulit at nagpapaulan Ako ng Aking nagbabagang mga apoy, at mayroon pa yaong mga nakatagpo ng isang “malagim na wakas”, na ang masasayang tahanan ay naging malungkot na mga libingan. Lahat ng mayroon Ako para sa mga uod ng langaw na ito ay walang-katapusang galit, at wala Akong hangarin ng mga pagpapala. Ito’y alang-alang lamang sa Aking gawain kaya Ako ay gumawa ng isang pagbubukod at iniangat kayo, at kaya Ako ay nagtitiis ng matinding kahihiyan upang gumawa sa kalagitnaan ninyo. Kung hindi lamang para sa kalooban ng Aking Ama, paano Ako mabubuhay sa parehong bahay kasama ng mga uod ng langaw na umiikot sa paligid ng bunton ng dumi ng hayop? Nakadarama Ako ng sukdulang pagkamuhi sa lahat ng inyong mga pagkilos at mga salita, at sa paanuman, sapagka’t may kaunti Akong “interes” sa inyong karumihan at pagkasuwail; ito ay naging “kinalabasan” ng Aking mga salita. Kung hindi Ako ay walang-pasubaling hindi na mananatili sa inyong kalagitnaan nang napakatagal. Kaya, dapat ninyong malaman na ang Aking saloobin tungo sa inyo ay isa lamang na pagdamay at awa, at na walang pag-ibig, tanging pagpaparaya lamang para sa inyo, sapagka’t ginagawa Ko lamang ito para sa Aking gawain. At inyong nakita ang Aking mga gawa dahil lamang sa napili Ko ang karumihan at pagkasuwail bilang “mga kagamitang panangkap”. Kung hindi walang-pasubaling hindi Ko ibubunyag ang Aking mga gawa sa mga uod ng langaw na ito; Ako ay gumagawa lamang sa inyo nang may pag-aatubili; hindi ito gaya ng kahandaan at pagpayag sa Aking gawain sa Israel. Ako ay nag-aatubiling nagsasalita sa gitna ninyo, taglay ang Aking galit. Kung hindi lamang para sa Aking mas malaking gawain, paano Ako maaaring magparaya sa patuloy na pagtingin sa gayong mga uod ng langaw? Kung hindi lamang alang-alang sa Aking pangalan matagal na sana Akong umakyat sa pinakamataas na kaitaasan at ganap na sinunog ang mga uod ng langaw na ito at ang bunton ng dumi ng hayop! Kung hindi lamang alang-alang sa Aking kaluwalhatian, paano Ko mapahihintulutan ang masasamang demonyong ito na lantarang labanan Ako na umiiling-iling ang kanilang mga ulo sa harap ng Aking mga mata? Kung hindi lamang para maisakatuparan nang maayos ang Aking gawain na wala ni katiting na hadlang, paano Ko maaaring mapahintulutan ang mga tila-uod ng langaw na mga taong ito na walang-pakundangan sa pag-abuso sa Akin? Kung ang isandaang tao sa isang nayon sa Israel ay tumayo upang labanan Ako na gaya nito, kahit na sila ay gumawa ng mga sakripisyo sa Akin buburahin Ko pa rin sila sa ilalim ng mga bitak sa lupa nang sa gayon ang mga tao sa ibang mga lungsod ay hindi na maghimagsik. Ako ay isang tumutupok na apoy at hindi Ko kinukunsinti ang pagkakasala sapagka’t ang mga tao ay nilikha Kong lahat. Anuman ang Aking sinasabi at ginagawa, dapat sumunod ang mga tao at hindi maaaring maghimagsik laban dito. Ang mga tao ay walang karapatang makialam sa Aking gawain, at sila sa partikular ay walang kakayahang suriin kung ano ang tama o mali sa Aking gawain at Aking mga salita. Ako ang Panginoon ng sangnilikha, at ang mga nilalang ay dapat na makamit ang lahat ng bagay na kailangan Ko na may pusong may paggalang sa Akin; sila ay hindi dapat mangatwiran sa Akin at sila ay lalong hindi dapat lumaban. Ginagamit Ko ang Aking awtoridad upang maghari sa Aking bayan, at lahat niyaong bahagi ng Aking sangnilikha ay dapat na sumunod sa Aking awtoridad. Bagaman ngayon kayo ay matapang at mapangahas sa harap Ko, sinusuway ninyo ang mga salita na itinuturo Ko sa inyo, at hindi kayo marunong matakot, kinakatagpo Ko lamang ang inyong pagkasuwail nang may pagpaparaya. Hindi Ako mawawalan ng pagtitimpi at maaapektuhan ang Aking gawain dahil ang maliliit na uod ng langaw ay ibinalikwas ang dumi sa bunton ng dumi ng hayop. Kinakaya Ko ang patuloy na pag-iral ng lahat ng Aking kinasusuklaman at mga bagay na Aking kinapopootan alang-alang sa kalooban ng Aking Ama, hanggang mabuo ang Aking mga pagbigkas, hanggang sa pinakahuli Kong sandali. Huwag mag-alala! Hindi Ako maaaring lumubog sa parehong antas ng isang di-kilalang uod ng langaw, at hindi Ko ikukumpara ang antas ng “mga kakayahan” sa iyo. Namumuhi Ako sa iyo, gayunman nakakaya Kong tiisin. Sinusuway mo Ako, gayunma’y hindi ka maaaring makatakas sa araw ng Aking pagkastigo sa iyo na naipangako sa Akin ng Aking Ama. Ang isa bang uod ng langaw na nilalang ay maikukumpara sa Panginoon ng buong sangnilikha? Sa panahon ng taglagas, ang nalalaglag na mga dahon ay bumabalik sa mga ugat nito, ikaw ay bumabalik sa tahanan ng iyong “ama”, at Ako ay bumabalik sa piling ng Aking Ama. Ako ay sinasamahan ng magiliw na pagmamahal ng Aking Ama, at ikaw ay sinusundan ng pagyurak ng iyong ama. Taglay Ko ang kaluwalhatian ng Aking Ama, at taglay mo ang kahihiyan ng iyong ama. Aking ginagamit ang pagkastigo na matagal Ko nang pinipigil upang samahan ka, at kinakatagpo mo ang Aking pagkastigo ng iyong maantang laman na naging tiwali na sa loob ng sampu-sampung libu-libong taon. Natapos Ko na ang Aking gawain ng mga salita sa iyo, kasama ang pagpaparaya, at nakapagsimula kang tuparin ang papel ng pagdurusa ng kapahamakan mula sa Aking mga salita. Ako ay lubos na nagagalak at gumagawa sa Israel; ikaw ay tumatangis at nagngangalit ang iyong mga ngipin at umiiral at namamatay sa putikan. Akin nang nababawi ang Aking orihinal na anyo at hindi na Ako nananatili sa dumi kasama mo, samantalang nabawi mo na ang iyong orihinal na kapangitan at ikaw ay naglulungga pa rin sa paligid ng bunton ng dumi ng hayop. Kapag ang Aking gawain at mga salita ay natapos na, ito ay magiging araw ng kagalakan para sa Akin. Kapag ang iyong paglaban at pagkasuwail ay natapos na, ito ay magiging araw ng iyong pagtangis. Ako ay hindi magkakaroon ng kahabagan para sa iyo, at hindi mo na Ako makikitang muli. Hindi na Ako magkakaroon ng “pakikipag-usap” sa iyo, at hindi mo na Ako makakatagpo. Aking kamumuhian ang iyong pagkasuwail, at ikaw ay mangungulila sa Aking pagiging kaibig-ibig. Pababagsakin kita, at mangungulila ka sa Akin. Masaya Akong lilisan mula sa iyo, at mamamalayan mo ang iyong pagkakautang sa Akin. Kailanman ay hindi na kita makikitang muli, nguni’t lagi kang aasa sa Akin. Kamumuhian kita sapagka’t nilalabanan mo Ako sa kasalukuyan, at mangungulila ka sa Akin, dahil sa kasalukuyan ay kinakastigo kita. Hindi Ako handang mamuhay sa tabi mo, ngunit mapait mong hahangarin iyon at tatangis hanggang sa kawalang-hanggan, sapagka’t pagsisisihan mo ang lahat ng bagay na iyong ginagawa sa Akin. Pagsisisihan mo ang iyong pagkasuwail at iyong paglaban, at isusubsob mo pa ang iyong mukha sa lupa sa pagsisisi, at ikaw ay babagsak sa harapan Ko at susumpa na hindi na susuway sa Akin. Subali’t sa iyong puso basta mahal mo Ako at hindi mo na kailanman maririnig ang Aking tinig, dapat Kong gawin kang nahihiya sa iyong sarili.
Nakikita Ko na ngayon ang iyong di-mapigil na laman na manlilinlang sa Akin, at Ako ay mayroon lamang isang maliit na babala para sa iyo. Ako ay sadyang hindi kikilos sa pamamagitan ng pagkastigo upang “maghintay” sa iyo. Dapat mong malaman kung anong papel ang ginagampanan mo sa Aking gawain, at sa gayon Ako ay masisiyahan. Bilang karagdagan dito, kung lalabanan mo Ako o gagastusin ang Aking pera, o kakainin ang mga sakripisyo para sa Akin, si Jehova, o kayong mga uod ng langaw ay nagkakagatan sa isa’t isa, o mayroong di-pagkakasundo o paglabag sa pagitan ninyong tila-asong mga nilalang–wala Akong pakialam sa anuman sa mga iyan. Kailangan lamang ninyong malaman kung anong uri ng mga bagay kayo, at Ako ay masisiyahan. Bukod sa mga bagay na ito, ayos lamang kung handa kayong gumamit ng mga espada o mga sibat sa isa’t isa o labanan ang isa’t isa gamit ang inyong mga salita. Wala Akong pagnanais na makialam sa mga bagay na yaon, at wala Ako kahit katiting na kinalaman sa mga usapin ng tao. Hindi sa hindi Ako nagmamalasakit tungkol sa mga di-pagkakasundo sa pagitan ninyo, nguni’t dahil sa hindi Ako isa sa inyo, sa gayon, hindi Ako nakikibahagi sa mga usapin na nasa pagitan ninyo. Ako Mismo ay hindi isa sa sangnilikha at hindi Ako mula sa sanlibutan, kaya, kinamumuhian Ko ang magulong buhay sa gitna ng mga tao at yaong walang-kaayusan, di-wastong mga kaugnayan sa pagitan ng mga tao. Tangi Kong kinamumuhian yaong maiingay na pulutong ng mga tao. Gayunman, nalalaman Ko nang malalim ang mga karumihan sa mga puso ng bawat isang nilalang, at bago Ko kayo nilikha, alam Ko na ang di-pagkamatuwid na umiral sa kailaliman ng puso ng mga tao, at alam Ko ang lahat ng pandaraya at kabuktutan sa mga puso ng tao. Kaya kahit na walang anumang mga bakas kapag gumagawa ang mga tao ng di-matuwid na mga bagay, nalalaman Ko pa rin na ang di-pagkamatuwid na nananatili sa inyong mga puso ay humihigit sa kayamanan ng lahat ng bagay na Aking nilikha. Bawat isa sa inyo ay nakaakyat na sa tuktok ng maraming tao; nakaakyat na kayo upang maging mga ninuno ng masa. Kayo ay sukdulang di-makatwiran, at kayo ay naghuhuramentado sa gitna ng lahat ng uod, naghahanap ng maginhawang dako at nagtatangkang lamunin ang mga uod na mas maliliit kaysa inyo. Kayo ay malisyoso at masama sa inyong mga puso, hinihigitan ang mga multo na nakalubog sa pusod ng dagat. Kayo ay namumuhay sa ilalim ng dumi ng hayop, ginagambala ang mga uod mula sa ibabaw hanggang ilalim hanggang sa wala ng katahimikan ang mga ito, nakikipag-away sa isa’t isa sa isang sandali at pagkatapos ay kakalma. Hindi ninyo alam ang inyong lugar, gayunma’y naglalaban-laban pa rin kayo sa isa’t isa sa dumi ng hayop. Anong mapapala ninyo mula sa ganyang pakikipagtunggali? Kung totoong mayroon kayong paggalang sa Akin sa inyong mga puso, paano ninyo magagawang mag-away-away sa Aking likuran? Kahit na gaano pa kataas ang iyong katayuan, hindi ba’t ikaw ay isa pa ring umaalingasaw na maliit na uod sa dumi ng hayop? Makakaya mo bang magpatubo ng mga pakpak at maging isang kalapati sa himpapawid? Kayo, mga umaalingasaw na maliliit na uod ay nagnanakaw ng mga handog mula sa altar Ko, si Jehova; sa paggawa noon, kaya ba ninyong masagip ang inyong nasira at bumagsak na reputasyon at maging ang hinirang na bayan ng Israel? Kayo ay mga walang-kahihiyang sawing-palad! Ang mga sakripisyong yaon sa dambana ay inialay sa Akin ng Aking bayan, nagpapahayag ng “mabubuting damdamin” mula sa mga yaon na may takot sa Akin. Ang mga iyon ay para sa Aking pagkontrol at para sa Aking paggamit, kaya paano mangyayaring ninanakawan ninyo Ako ng maliliit na kalapating kaloob ng mga tao? Hindi ka ba natatakot na maging isang Judas? Hindi ka ba natatakot na ang iyong lupain ay magiging isang “bukid ng dugo”? Ikaw na walang-kahihiyang bagay! Iyong iniisip na ang mga kalapating inihandog ng mga tao ay upang maging pansustansya lahat sa tiyan mo na uod ng langaw? Ang naibigay Ko sa iyo ay ang ikinasisiya Ko at handang ibigay sa iyo; ang hindi Ko naibigay sa iyo ay nasa ilalim ng Aking paghahari, at hindi mo maaaring basta nakawin ang Aking mga handog. Ang Isa na gumagawa ay Ako, si Jhova–ang Panginoon ng sangnilikha, at kaya nag-aalay ng mga sakripisyo ang mga tao ay dahil sa Akin. Iniisip mo bang ito ay kabayaran para sa lahat ng pag-aabalang ginagawa mo? Tunay na wala kang kahihiyan! Para kanino ka ba nag-aabala? Hindi ba’t para ito sa iyong sarili? Bakit mo ninanakaw ang Aking mga sakripisyo? Bakit ka nagnanakaw ng pera mula sa Aking supot ng salapi? Hindi ba ikaw ang “anak ni Judas Iscariote”? Ang Akin, ang mga sakripisyo ni Jehova, ay para matamasa ng mga saserdote. Kayo ba ay mga saserdote? Nangangahas kayong basta kainin ang Aking mga sakripisyo at inihahain pa ninyo ang mga iyon sa hapag; kayo ay walang kwenta! Ikaw na walang kwentang sawing-palad! Ang Akin, ang apoy ni Jehova ay susunugin ka!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento