Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-07-19

Sa mga Huling Araw, ang Panginoon ay Magpapakita sa Atin sa Ganitong Paraan

Maraming mga tao ang nananabik para sa Panginoon na bumaba kasama ng mga ulap at i-rapture sila sa kaharian ng langit. Ngayon ang mga sakuna ay palaki ng palaki, ngunit hindi pa nila nasasalubong ang Panginoon, kaya hindi nila mapigilang mag-alala: Anong nangyayari? Maaari ba na ang Panginoon ay nagbalik sa ibang paraan ngunit hindi natin ito nalalaman?
Sa katunayan, sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, dapat nating isipin mula sa maraming aspeto ang tungkol sa paraan kung paano magpapakita ang Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng Espiritu, ginamit si Moises upang ipahayag ang mga batas at mga kautusan, at patnubayan ang mga buhay ng mga Israelita. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagtubos sa mga tao at binigyan ang mga tao ng daan ng pagsisisi. Mula sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya, malalaman natin na ang Diyos ay nagpapakita upang gumawa hindi lamang sa isang paraan kundi sa dalawang paraan. Isa ay ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagpapakita sa tao at gumagamit ng tao upang gawin ang Kanyang gawain; ang isa pang paraan ay ang Diyos ay personal na nagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao upang gumawa. Dahil mayroong dalawang paraan upang magpakita ang Panginoon sa mga tao, kung gayon may mali ba kapag hinihintay lamang natin ang espirituwal na katawan ng Panginoon na dumating kasama ng mga ulap sa mga huling araw? Ngayon natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, ngunit hindi pa natin nakikita ang Panginoon na dumarating kasama ng mga ulap. Kailangan natin itong pag-isipan: Yamang hindi dumating ang Panginoon kasama ng mga ulap, magpapakita ba Siya sa atin sa katawang-tao? Medyo malapit na.

Minsan ay sinabi sa atin ng Panginoon: "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25).

Ang mga talatang ito ay nagsasabi tungkol sa "ang Anak ng tao" o "ang Anak ng tao ay darating." Ang pariralang ito na Anak ng tao ay tumutukoy sa Isa na may normal na pagkatao, tulad ng Panginoong Jesus na may mga emosyon, na kumain, uminom, natulog at lumakad tulad ng isang normal na tao, at may banal na diwa at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo. Sa pamamagitan ng paghahanap, makikita natin na sa mga huling araw, ang Panginoon ay babalik sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao.

Marahil ay nalilito ka: Kung ang Panginoon ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magkakaroon Siya ng isang normal na kaanyuhan ng tao, kaya paano natin Siya makikilala at masasalubong? Mangyaring basahin ang artikulong ito at mahahanap mo ang paraan.

Mangyaring i-click ito at basahin: Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento