Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikaapat na Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sapagkat ang kakanyahan ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tangingsa pamamagitan ng Diyos ka makalalakad sa maliwanag, sa tamang daan patungo sa buhay; tanging sa pamamagitan ng Diyos mo malalaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan ng Diyos mo maisasabuhay ang totoong buhay, matataglay ang katotohanan, malalaman ang katotohanan, at tanging sa pamamagitan ng Diyos mo makakamit ang buhay mula sa katotohanan.
Tanging ang Diyos Mismo ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at ilisya ka mula sa kapinsalaan at kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang anuman ang makapagliligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa: Ito ay pinagpapasyahan ng kakanyahan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging Diyos responsable sa bandang huli para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na hindi matatamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagtataglay ng isang kakanyahan ng Diyos na tulad nito, walang tao o bagay ang may kakayahan na iligtas at akayin ka. Ito ang kahalagahan ng kakanyahan ng Diyos sa tao."
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento