Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-10-10

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos - Kabanata 40

katotohanan, Cristo, buhay, pananampalataya sa Diyos,

 Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos - Kabanata 40


Bakit napakabagal ninyo? Bakit napakamanhid ninyo? Ang mga ilang paalala ay hindi nakakagising sa inyo; ito ay lubhang nakakaasiwa para. sa Akin. Tunay na hindi Ko matiis na makita ang Aking mga anak na gaya nito. Paano ito mababata ng Aking puso?  A! Kailangan Ko kayong turuan sa pamamagitan ng Aking sariling kamay. Ang Aking paglakad ay patuloy na bumibilis. Aking mga anak! Magmadali at tumayo at makipagtulungan sa Akin. Sinong taos na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin sa kasalukuyan? Sinong may kakayahang lubos na ihandog ang kanilang mga sarili nang wala ni katiting na pagrereklamo? Kayo ay laging masyadong manhid at mapurol ang isip! Ilan ang may kakayahang mapagsaalang-alang sa Aking mga damdamin, at sinong tunay na makatatarok sa Espiritu ng Aking mga salita? Ang tanging magagawa Ko ay sabik na maghintay at umasa; nakikita na ang inyong bawat pagkilos ay hindi makakapagbigay-kasiyahan sa Aking puso, ano ang Aking masasabi? Aking mga anak! Ang bawat bagay na ginagawa ngayon ng Ama ay para sa Aking mga anak. Bakit hindi makakayang unawain kahit kailan ng Aking mga anak ang Aking puso, at bakit ang Aking mga anak ay palaging pinag-aalala Ako, ang iyong Ama? Kailan lalago ang Aking mga anak, na hindi Ako bibigyan ng alalahanin, at hahayaan Ako na pagtiwalaan ang Aking mga anak? Kailan magagawa ng Aking mga anak ang makapamuhay nang nagsasarili, makatayo, at mapagaan ang mga pasanin sa balikat ng Ama? Ako ay tahimik lamang na lumuluha para sa Aking mga anak, at Aking ibinubuhos ang lahat para sa katuparan ng plano ng pamamahala ng Diyos at upang iligtas ang Aking mga anak, ang Aking mga minamahal. Wala na Akong ibang pagpipilian pa.

Ang Aking mga pangako ay nagaganap at nahahayag sa harap ng inyong mga mata. Bakit ayaw ninyong isaalang-alang ang Aking puso? Bakit? Bakit? Magpahanggang sa ngayon, nabilang mo na ba: Ilang bagay ang iyong ginawa na nagbigay-kasiyahan sa Aking puso, o mga bagay na nagpalusog at nagpakain sa iglesia? Maingat mo itong bulay-bulayin at huwag maging pabaya. Huwag palampasin ang bawat sitwasyon na puno ng katotohanan. Hindi ka pwedeng magtuon lamang sa panlabas at ipagwalang-bahala ang nilalaman. Sa lahat ng pagkakataon dapat mong suriin kung ang bawat salita at paghakbang mo at ang bawat pagkilos mo ay dumaan sa paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo at kung ikaw ay nahubog tungo sa larawan ng isang bagong tao—hindi sa panggagaya, kundi paglalabas ng pagpapahayag ng buhay mula sa kalaliman ng kaloob-looban. Huwag antalahin ang iyong buhay upang maiwasan ang pagdurusa ng mga kawalan. Magmadali at solusyunan ang sitwasyong ito, bigyang-kasiyahan ang Aking puso, at itatak sa isipan ang mga prinsipyo ng iyong asal: Gawin ang mga bagay-bagay nang may pagkamakatuwiran at pagiging-tama at bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Huwag maging pabaya. Tatandaan mo ba iyan?

Rekomendasyon: pananampalataya sa Diyos
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento