Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-09-29

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Tagalog Christian Song | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Tagalog Christian Song | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


"Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"

I
Diyos ay naging tao, 
isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.

Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa
na 'di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran,
para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Ibig sabihi'y tutubusin ng D'yos 
ang tao mula sa krus.

Ito'y halagang binayaran ng buhay,
na 'di kayang bayaran ng mga nilalang.
Dahil taglay Niya ang diwa ng Diyos,
Kaya Niya ang gawain at pagdurusang ito.
Walang nilalang ang makakagawa 
ng ginagawa Niya.
Ito ang gawain ng Diyos
sa Kapanahunan ng Biyaya,
isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon.

II
Muling naging tao ang Diyos 
sa Kapanahunan ng Kaharian,
sa paraang ginawa Niya iyon noong una.
Kanyang salita'y ipinapahayag pa rin Niya,
ginagawa ang dapat Niyang gawin 
nang walang pasubali.
Nagtitiis at nagpaparaya rin Siya
sa pagsuway at kamangmangan ng tao,
laging ipinapahayag ang Kanyang disposisyon
at kalooban kasabay niyon.

Kaya, mula nang likhain ang tao hanggang ngayon,
disposisyon at kalooban ng Diyos
kung ano ang mayroon at kung ano Siya
ay lagi nang ipinapaalam sa lahat,
hindi sadyang itinago kailanman.
Ang totoo'y walang pakialam ang tao
sa ginagawa't kalooban ng Diyos.
Kaya nga, ito mismo ang dahilan
kaya wala silang gaanong alam 
tungkol sa Kanya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mangyaring tumawag sa amin kung may mga katanungan ka. Messenger: https://m.me/kingdomsalvationtl

   Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento