Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Pinagmumulan ng Kasaganaan ng Kidlat ng Silanganan
Sa bawat pagkakataon na mababanggit ang Kidlat ng Silanganan, maraming mga kapatid sa Panginoon ang nakadarama ng pagkalito: Bakit kaya habang ang relihiyosong komunidad sa kabuuan ay lalong nagiging mapanglaw at malala, habang ang bawat denominasyon ay lalo pang binabantayan at nagigingkonserbatibo sa pagkondena at pagtataboy sa Kidlat ng Silanganan, ang Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nagiging hindi mapanglaw at hindi umuunti, kundi dumadaluyong na tulad ng hindi mapigilang mga gumugulong na alon, na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mainland China?
Ngayon na lumawak pa ito sa lampas ng mga hangganan ng China tungo sa mga banyagang bansa at mga rehiyon, habang tinatanggap ito ng mas marami pang tao sa buong mundo?
Nahaharap sa katotohanang ito, ang mga taong relihiyoso ay lubusang nalilito, samantalang sa katotohanan ay simple lamang ang dahilan: Ang itinatawag ng bawat sekta ng relihiyon sa Kidlat ng Silanganan ay ang nagbalik na Tagapagligtas na si Jesus ng mga huling araw, na nakasakay sa "puting alapaap" pababa mula sa kalangitan; ito’y ang Diyos Mismo na nagbalik sa katawang-tao at tunay at aktuwal! Ang dala ng Makapangyarihang Diyos na si Cristo ng mga huling araw ay ang gawain ng paghatol na nagpapabago sa disposisyon ng tao at naglilinis sa kanya, upang makamit ng sangkatauhan ang kaligtasan at maging perpekto. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis, nagliligtas, at gumagawang perpekto sa sangkatauhan. Sa kadahilanang ito, kahit na tinututulan, inaatake, inuusig, nilalapastangan, o kinokondena ng bawat sekta ng relihiyon sa buong mundo ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw o ang Kanyang gawain, walang sinuman at walang puwersa na makahahadlang o makapipigil sa ninanais Niyang makamit. Ang awtoridad, kapangyarihan, at Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay hindi mapapantayan ng anumang puwersa ni Satanas.
Maraming tao ang naniniwala na ang anumang bagay na kinokondena ng karamihan ng mga tao ay hindi maaaring ang totoong daan, ngunit naaayon ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Isiping muli ang Kapanahunan ng Biyaya noong nagkatawang-tao ang Diyos para simulan ang Kanyang bagong gawain sa Judea. Mula simula hanggang sa katapusan Siya ay inusig, nilapastangan, at kinondena ng komunidad ng relihiyon ng mga Judio. Ginawa nila ang lahat ng kaya nilang gawin upang maipapatay ang Panginoong Jesus. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa Roma para ipadakip ang Panginoong Jesus at ipinako nila sa krus ang mahabaging Panginoong Jesus. Maging sa pagkabuhay na muli at pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesus, umimbento pa rin sila ng lahat ng uri ng mga tsismis at pinaratangan at siniraan sina Juan, Pablo, at iba pang mga apostol at mga alagad, tinatawag silang "ang Sekta ng mga Nazareno" at "mga erehe at mga kulto." Ginawa ng komunidad ng relihiyon ng mga Judio ang lahat ng posibleng bagay upang tugusin at usigin ang mga alagad ng Panginoong Jesus. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay palaging kinakasangkapan at ginagamit ang mga pandaraya ni Satanas; paanong mahahadlangan o masisira ni Satanas ang Kanyang gawain? Dahil sa walang-pakundangang pang-uusig at pagpapatalsik ng Imperyo ng Roma kung kaya’t ang mga alagad ay napilitang tumakas papunta sa iba’t ibang mga bansa at gayundin na ang pagliligtas ng Panginoong Jesus ay kumalat at lumawak sa mga hangganan ng mundo. Mga kapatid isaalang-alang natin: Bakit napakaraming mga tao ang kumalaban sa Panginoong Jesus at sumalungat sa Kanyang paraan noon? Iyon ba ay dahil sa maaaring hindi dala noon ng Panginoong Jesus ang totoong daan? Iyon ba ay dahil sa maaaring ang ipinapalaganap noon ng mga alagad at mga apostol ng Panginoong Jesus ay hindi ang pagliligtas ng Diyos? Iyon kaya ay dahil sa ang tinalikuran at kinalaban ng mga tao ay hindi ang landas ng Diyos? Tiyak na hindi natin maaaring timbangin ang totoong daan batay sa kung ilang tao ang nag-eendorso nito? Huwag isipin na ang isang bagay ay ang maling daan dahil sa kinakalaban ito ng karamihan sa mga tao. Basta’t ito ay gawain ng Diyos, kahit na sinasalungat ito at tinatalikuran ito ng buong mundo, ang totoong landas na dinala ng Diyos ay hindi maaaring ikaila; walang mga eksepsyon. Kung naniniwala tayo sa Diyos at sumusunod sa Kanya sa loob ng maraming taon ngunit hindi nauunawaan ang gawain ng Diyos, madali para sa atin ang malinlang at matali ng iba’t ibang paimbabaw na mga kamalian at mga tsismis na ipinakakalat sa paligid ni Satanas. Ang pagiging tagasunod ni Satanas mula sa pagiging isang mananampalataya, ang paglingkuran ang Diyos ngunit kalabanin din Siya, hindi ba’t ito ay nagdudulot lamang ng pighati at kalungkutan sa isang tao? Maraming tao ang hindi pinag-aaralan ang totoong daan nang may mapagpakumbaba at nagsasaliksik na puso, sumusunod lang sila sa kawan at ginagawa kung ano ang ginagawa ng lahat. Kahit paano pang hatulan o atakihin ng mga tao ang Diyos at ang Kanyang gawain, inuulit lamang nila ang mga salita ring iyon at pabulag na sumusunod. Lubhang mapanganib ang bagay na ito. Kung ipipilit nila ang ganitong paraan sa huli ay matatagpuan nila ang kanilang sarili sa isang landas na wala nang pagbalik. Matagal na panahon na, noong ipinangaral ng mga alagad ng Panginoong Jesus ang ebanghelyo sa templo at naharap sa oposisyon mula sa mga tao, isang lalaking nagngangalang Gamaliel, isang guro ng batas, ang nanghikayat sa mga mamamayang Judio, "At ngayo’y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak: Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios" (Mga Gawa 5:38-39). Hindi ba dapat din itong magsilbing isang babala sa mga mananampalataya ngayon? Ngayon, sa mga huling araw na ito, ang Diyos ay minsan pang nagkatawang-tao sa China—isang bansa kung saan ang mga ateista at rebolusyonaryo ay humahawak ng kapangyarihan at ang mismong pugad ng malaking pulang dragon—upang simulan ang Kanyang gawain ng paghatol na nagsisimula sa Kanyang bahay. Ang Diyos ay nagpapahayag ng mga katotohanan upang hatulan at linisin ang sangkatauhan, na ang layunin ay ang lubusang iligtas ang tao mula sa madilim na impluwensya ni Satanas. Sa huli, sila ay dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian at magkakamit ng magandang hantungan. Gayunman, ang makasaysayang trahedya ng pagkalaban ng mga Judio sa Panginoong Jesus ay minsan pang lumitaw sa eksena. Habang ginagawa ng Diyos ang Kanyang bagong gawain sa mga huling araw na kumakalaban sa mga paniwala ng mga tao mula sa iba't ibang sekta ng relihiyon, hindi tinatanggap ng mga taong ito ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Sa halip, nagpapakalat sila ng lahat ng uri ng maling aral at nakakalinlang na mga tsismis. Sinisiraan nila ang Diyos na nagkatawang-tao at ang Kanyang gawain, kinokondena ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw bilang "masamang kulto" o "heresiya." Sila ay umaabot pa sa pakikipagsabwatan sa gobyerno ng Komunistang Tsina upang usigin at dakpin ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang kanilang mga gawa ay walang ipinagkaiba sa gawa ng mga taong nasa komunidad ng relihiyon ng mga Judio na minsang nagparatang nang walang katotohanan at umusig sa Panginoong Jesus. Gayon pa man, ang totoong daan, kung tutuusin, ay ang totoong daan. Ang gawain ng Diyos, kung tutuusin, ay ang gawain ng Diyos. Kahit paano pa tutulan at ikondena ng iba’t ibang sekta ng relihiyon ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ang mabubuting balita ng Kanyang kaharian ay lumaganap pa rin sa buong mainland China, niyayanig ang komunidad ng mga relihiyon at ang buong mundo sa pinakagitna nito.
Kaya, bakit napakaraming mga mananampalataya ang kumakalaban sa totoong daan? May dalawang pangunahing dahilan dito: 1.) Hindi nauunawaan ng mga tao ang direksiyon ng gawain ng Banal na Espiritu at hindi nila naiintindihan ang katagang, "Ang gawain ng Diyos ay palaging kumikilos nang pasulong." Wala silang kaalam-alam na dapat nilang hanapin ang kasalukuyang gawain ng Diyos; sinusukat lamang nila ang bagong gawain ng Diyos batay sa ginawa ng Diyos sa nakaraan. Kung hindi sila sang-ayon sa nakikita nila, ituturing nila ang bagong gawain ng Diyos bilang "heretikal" o "isang masamang kulto." 2.) Ang mga tao ay may arogante at mapagmalinis na mga disposisyon. Hindi nila talagang hinahanap ang bagong gawain ng Diyos nang may mapagpakumbabang puso. Sa halip, buong katigasan ng ulo silang kumakapit sa kanilang sariling mga pananaw at naniniwala na ang kanilang sariling mga opinyon ay katulad ng mga opinyon ng Diyos at lubusan nilang hindi tinatanggap ang katotohanan. Dahil dito, nang sinimulan ng Diyos ang Kanyang bagong kapanahunan, ang dahilan kung bakit ang lahat ng Kanyang bagong gawain ay naharap sa oposisyon mula sa mga tao ay hindi dahil sa anumang kamalian sa paraan ng Diyos at hindi ito dahil sa anumang kamalian sa Kanyang bagong gawain. Sa halip, ito ay dahil sa hindi naiintindihan ng mga tao ang gawain ng Diyos at ito ay dahil sa hindi nila magawang hanapin ang katotohanan dahil sa kanilang pagka-arogante at pagmamalinis. Magiging kahibangan at nakakatawa kung hahatol tayo na hindi ito ang totoong daan dahil lamang sa sinalungat at tinalikuran ng karamihan sa mga mananampalataya ang bagong gawain ng Diyos. Tiyak na walang-hanggan ang ating kapinsalaan kung mawawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw bilang resulta nito at walang duda na ito ay magiging isang hindi maaaring matubos at mortal na pagkakamali.
Kung gayon, paano natin talagang malalaman ang pagkakaiba sa pagitan ng totoong daan at ng maling daan? Ibinigay sa atin ng salita ng Diyos ang mga prinsipyo kung paano natin malalaman ang pagkakaiba. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na: "Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinakalantay na alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong makita kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag ng katotohanan, na nagbibigay-patotoo, at kung ano ang maibibigay nito sa iyo. Ang pag-alam sa pagitan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspekto ng pangunahing kaalaman, ang pinakasaligan ay ang pagsabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagkat ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay paniniwala sa Espiritu ng Diyos. Kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang laman na ito ay kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, iyon ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at laman, ngunit dahil ang lamang ito ay nagmula sa Espiritu, at ang Salita ay naging laman, anuman ang pinaniniwalaan ng mga tao ay ang likas na sangkap ng Diyos. Kaya, sa pagkilala kung ito ay tunay na daan o hindi, dapat mong tiyakin kung ito ba ay gawain ng Banal na Espiritu o hindi, bago mo makilala kung ito ba ay tunay na daan o hindi. Ang katotohanang ito ay disposisyon ng normal na pagkatao, na kung saan ay iniatas ng Diyos sa tao nang lalangin Niya siya sa pasimula, lahat ng normal na pagkatao (kasama ang katinuan ng tao, iniisip, karunungan, at ang pangunahing kaalaman ng pagiging tao). Kaya naman, kailangan mong makita kung dinadala ba ng daan na ito ang tao sa buhay ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan ayon sa katotohanan ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay talagang napapanahon o hindi. Kung mayroong katotohanan, maaaring nitong dalhin ang tao sa karaniwan at tunay na karanasan; higit pa rito, ang tao ay magiging lubos na karaniwan, ang katinuan ng tao ay lubos na magiging ganap, ang buhay ng tao sa laman at ang espirituwal na buhay ay magiging lubos na maayos, at ang emosyon ng mga tao ay magiging lubos na karaniwan. Ito ang ikalawang alituntunin. Mayroong isa pang prinsipiyo, kung ang tao ay may nadaragdag na kaalaman sa Diyos o hindi, kung ang pagdanas ng ganitong gawain at katotohanan ay may kakayahang pumukaw ng pag-ibig sa loob niya para sa Diyos, at madala siya upang maging malapit sa Diyos o hindi. Sa ganito malalaman kung ito ay tunay na daan o hindi. Ang pinakamahalaga ay kung ang daan na ito ay makatotohanan sa halip na kathang-isip lamang, at kung ito ay nagbibigay ng buhay sa tao o hindi. Kung ito ay kaayon sa mga prinsipyong ito, maaaring magawa ang konklusyon na ang daan na ito ang tunay na daan” (“Tanging ang mga Kilala ang Diyos at Kanyang mga Gawa ang Makapagbibigay Kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mayroong tatlong bagay mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na dapat nating isaisip upang malaman natin kung ang isang bagay ay ang totoong daan:
Unang-una, tingnan kung naglalaman ito ng gawain ng Banal na Espiritu, na isang mahalagang punto. Sapagkat kung ito ang totoong daan, kung gayon ito ang gawain ng Diyos Mismo, kaya’t tiyak na naglalaman ito ng gawain ng Banal na Espiritu at sasang-ayunan ng Banal na Espiritu. Ang dahilan kung bakit naniniwala ang mga tao sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang laman na ito ang pinakadiwa ng Espiritu ng Diyos, kaya’t ang lahat ng ginagawa Niya ay ang gawain ng Banal na Espiritu at taglay nito ang pagpapatibay ng Banal na Espiritu. Dahil dito, ang mga tao ay naniniwala sa Kanya at sumusunod sa Kanya. Ito ay katulad lamang noong isinasagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain: Kahit na sa ibabaw ay tila isang karaniwan at ordinaryong tao lamang Siya, gayunman sa pamamagitan ng Kanyang salita at Kanyang gawain ay nakikita ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at ang pagpapanatili ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil sa nakikita ng buong sangkatauhan na ang salita at gawain ng Panginoong Jesus ay puno ng awtoridad at kapangyarihan. Kaya Niyang bigyan ng paningin ang isang taong bulag, palakarin ang taong paralisado, at pinagaling Niya ang mga ketongin. Kaya Niyang gamitin ang limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang limang libong tao at kaya pa Niyang buhayin ang patay. Kaya Niyang pagmasdan ang kaibuturan ng mga puso ng tao upang ilantad ang kanilang pinakamadidilim na lihim. Dagdag pa rito, kaya Niyang ikuwento ang mga hiwaga ng langit sa sangkatauhan. Pagkatapos Siyang sundan ng mga tao, nagkakaroon sila ng kapayapaan at kagalakan sa kanilang mga puso. Ang dahilan kung bakit sumusunod ang mga tao sa Panginoong Jesus at kinikilala na Siya ang Mesiyas ay dahil sa ang lahat ng ginagawa Niya ay ang gawain ng Banal na Espiritu. Makikita natin na basta’t ito ang totoong daan, maglalaman ito ng gawain ng Banal na Espiritu. Samakatuwid, kapag iniisip kung ang isang bagay ay ang totoong daan, kailangan muna nating tingnan kung ito ay naglalaman ng gawain ng Banal na Espiritu.
Ang ikalawang aspeto na dapat nating timbangin kapag iniisip kung ang isang bagay ay ang totoong daan ay tingnan kung ito ay naglalaman ng katotohanan at kung kaya nitong dahan-dahang baguhin ang disposisyon ng buhay ng isang tao upang gawing lalo pang normal ang kanilang pagkatao. Alam nating lahat na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at na bawat yugto ng Kanyang bagong gawain ay nakabatay sa katotohanan na ipinahahayag ng Diyos sa tao, na nagsasaad ng landas na dapat gawin sa bagong kapanahunan. Tinitiyak ng Diyos sa tao na matutustusan ang kanyang mga pangangailangan sa buhay upang unti-unti niyang maipamuhay ang normal na pagkatao at upang dahan-dahan siyang bumalik sa orihinal na wangis noong nilikha ng Diyos ang tao. Ito ay isang halatang katangian ng totoong daan. Katulad ito noong sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Noong panahong iyon, nagpahayag Siya ng maraming katotohanan para maisagawa ng mga tao, at tinuruan silang mahalin ang iba gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili, na pasanin ang krus, pagkaitan ang kanilang sarili, at patawarin ang iba nang pitumpu’t pitong beses. Inutusan ng Panginoong Jesus ang mga tao na sambahin ang Diyos sa espiritu at katotohanan. Bawat tunay na mananampalataya ay maaaring magkaroon ng ilang pagbabago sa kanilang panlabas na pag-uugali sa pamamagitan ng mga aral ng Panginoong Jesus. Sa pamamagitan ng Panginoong Jesus maaari silang kumilos nang may pagpapakumbaba at pagtitiyaga at dahil dito ay magtataglay ng ilang pagkakatulad sa isang normal na tao. Samakatuwid, basta’t ito ang totoong daan, magkakaroon ng pagpapahayag ng katotohanan. Magagawa nitong lalo pang maging normal ang diwa ng isang tao, at lalo siyang magiging katulad ng nararapat sa isang tunay na tao.
Ang ikatlong aspeto na kailangan nating isaalang-alang sa pagninilay sa totoong daan ay ang tingnan kung ang daan ay makapagbibigay sa mga tao ng karagdagang kaalaman tungkol sa Diyos at kung makakapukaw ito sa kanila ng pag-ibig sa Diyos at lalo pang maglalapit sa kanila sa Diyos. Alam nating lahat na yamang ito ang totoong daan, kung gayon ito ang gawain ng Diyos Mismo at hindi maiiwasan na ang Kanyang gawain ay nagpapahayag ng Kanyang disposisyon gayundin ng lahat ng kung sino ang Diyos at kung anong mayroon ang Diyos. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, likas nilang nararating ang isang tunay na pang-unawa sa Diyos, na lumilikha ng isang pusong mapagmahal sa Diyos sa kanilang kalooban. Ito ay katulad lamang sa Kapanahunan ng Kautusan kung kailan nagpahayag ang Diyos na Jehova ng mga batas upang gabayan ang buhay ng mga tao sa mundo. Mula sa kanilang karanasan sa Kanyang gawain, nakilala nila na ang Diyos na Jehova ang nag-iisang tunay na Diyos. Dagdag pa dito, nakilala nila ang kamahalan at mga sumpa ng Diyos at na ang Kanyang disposisyon ay hindi dapat na masaktan, na lumikha sa kanilang kalooban ng isang mapitagang puso para sa Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa upang gawin ang isang yugto ng gawain upang tubusin ang sangkatauhan. Sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa gawain ng Panginoong Jesus, nakilala ng mga tao ang mapagmahal at mahabaging disposisyon ng Diyos. Nakita rin ng mga tao na ang Diyos ay isang Espiritu noon gayunman ay kaya ring magpakumbaba sa anyo ng tao, na kaya Niyang gumawa ng mga himala, magpagaling ng karamdaman at magpalayas ng mga demonyo…. At ang lahat ng gawaing ito na ginawa ng Panginoong Jesus ay naghatid sa mga tao ng bagong pagkaunawa sa Diyos, na naging inspirasyon sa pagsamba sa Diyos sa mga puso ng mga tao. Samakatuwid, kung ito ang totoong daan ipapaunawa pa nito sa mga tao ang tungkol sa Diyos at magiging inspirasyon sa mas malawak na pagkaunawa tungkol sa disposisyon ng Diyos.
Kahit patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, basta't ito ang gawain ng Diyos Mismo at ang totoong daan, tiyak na tataglayin at ipapahayag nito ang tatlong nabanggit na mga katangian. Ibig sabihin, ang totoong daan ay tiyak na magtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, magpapahayag ng katotohanan, at bibigyan ang mga tao ng mas malawak na pang-unawa sa Diyos at mas ilalapit sila sa Kanya. Kung gayon, kung tinitingnan natin ang pagkakaiba ng totoong daan sa pamamagitan ng pagtimbang sa tatlong pamantayang ito, makikita natin kung ano ang tama at mali, kaya makakaagapay tayo sa kasalukuyang gawain ng Diyos sa tamang oras, makakamit ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at makakamit rin ang mas malalaking pangako at pagpapala ng Diyos.
Sa mga huling araw na ito, ang Diyos ay gumagawa na naman ng bagong gawain, na kinapapalooban ng pagpapahayag ng Kanyang mga salita upang magawa ang Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis sa tiwaling sangkatauhan. Ang gawaing ito ay ginagawa ayon sa Kanyang plano at batay sa mga aktuwal na pangangailangan ng mga tao sa mga huling araw. Ito ay isang bago, mas mataas na gawain na nakabatay sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus. Kung tayo ay naghahanap at nag-aaral na mabuti nang may pusong tahimik, makikita natin na ang yugtong ito ng bagong gawain ng Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, kundi higit pa rito ay nagpapahayag ng katotohanan at magtutulot sa atin na magkaroon ng mas tunay, komprehensibo, at praktikal na pang-unawa sa disposisyon ng Diyos at sa lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos. Sa ibaba, ibabahagi natin ang tungkol sa ating mga karanasan at pagkaunawa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw batay sa paggamit nitong tinalakay na tatlong aspeto bilang mga pamantayan sa pagsasaalang-alang sa totoong daan.
Unang-una, ang totoong daan ay naglalaman ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na at itinatag ang Kapanahunan ng Kaharian, nagsagawa ng bagong gawain, ipinahayag ang Kanyang salita upang hatulan at linisn ang mga tao, at tinustusan ang sangkatauhan ng bagong mga panlaan para sa buhay. Ang matatapat sa kalipunan ng bawat grupo at sekta ng relihiyon ay, isa-isang, nagbalik sa Makapangyarihang Diyos sa ilalim ng Kanyang pangalan. Kahit gaano ang pagtutol, kahit ano pa ang lumitaw na mga hadlang, ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw ay dumadaluyong pa ring tulad ng mga alon ng karagatan at lumaganap sa buong mainland China. Lahat ng mga tao ay dumadaloy tungo sa banal na bundok sa isang masayang tanawin. Kahit tayong lahat ay mula sa iba’t ibang mga denominasyon, gayunman sama-sama tayong nabubuhay nang may pagkakasundo, tinutulungan ang bawat isa. Walang mga pangkat dito at ang buhay sa iglesia ay puno ng sigla. Nadarama ng mga kapatid dito na hindi kailanman sapat ang ating mga pulong, at may mga himnong aawitin at ikasisiya at mga panalangin na nagbibigay liwanag sa atin. Sa bawat pagkakataon na nagtitipon tayo natatanggap nating lahat ang mga bagong paglalaan mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikilala natin ang sarili nating mga pagkukulang, at mula sa salita ng Diyos ay natatagpuan natin ang landas tungo sa pagsasagawa. Ang ating mga kapatid ay puno ng pananampalataya at nakakayanan ang atas ng Diyos nang may katapatan. Ang ating tiwaling disposisyon ay pabagu-bago ng antas, at maaari tayong mamuhay nang sabay-sabay nang normal at mahalin ang isa’t isa ayon sa salita ng Diyos. Kapag nakakaharap natin ang ibang mga pananaw, nagagawa nating lahat na isantabi ang sarili nating mga pananaw at pakinggang mabuti ang mga ideya ng ibang mga tao, at nagpapasakop tayo sa awtoridad ng katotohanan sa salita ng Diyos sa Iglesia. Kahit na sa yugtong ito ng gawain ay hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya na pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, gayon pa man, makikita natin mula sa gawain ng Makapangyarihang Diyos na ang Kanyang mga salita ay makapangyarihan at nagtataglay ng awtoridad. Kung nagpapasakop tayo sa gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sa gayon tayo ay makatatanggap ng pagliliwanag at pagpapalinaw mula sa Banal na Espiritu at magagawa nating ihiwalay ang ating sarili mula sa ating mga walang-tiyak at mahinang kalagayan, at buong aktibong magagampanan ang ating tungkulin bilang isang nilikhang nilalang upang isaalang-alang ang mga hangarin ng Diyos. Sa gayon, maaaring kalimutan ng ating mga kapatid ang mga makalaman na kasiyahan at magmadali sa pagpunta sa bawat lugar para sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos nang ating buong puso. Paano man tayo pinakikitunguhan ng iba't ibang sekta ng relihiyon, o kung tayo man ay tinatanggihan, o inuusig, o binubugbog, o isinusumpa, handa tayong tiisin ang anumang hirap at tulad ng dati ay patuloy pa rin nating isinasagawa ang kagustuhan ng Diyos at ipinapangaral ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Makikita ng isang tao ang awtoridad at kapangyarihan ng Makapangyarihang Diyos mula sa aktuwal na pag-uugali ng ating mga kapatid. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay naglalaman ng gawain ng Banal na Espiritu at inaayunan ng Banal na Espiritu. Gayunman para sa mga taong hindi nakakaagapay sa bagong gawain ng Diyos, ang iba’t ibang sekta ng relihiyon na yon ay naiingit at nakikipagtalo; ginagawa nila ang lahat ng maaaring gawin upang takutin ang iba. Nabubuhay sila sa mga kalagayan kung saan ay maaaring pareho ang ginagawa nilang gawain, ngunit hindi para sa parehong mga dahilan at lahat ng ito ay sapat upang patunayan na ang relihiyosong komunidad ay wala nang gawain ng Banal na Espiritu. Dahil ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naglalaman ng gawain ng Banal na Espiritu, ito kung gayon ay mistulang puno ng sigla, samantalang ang iba't ibang sekta ng relihiyon ay mapanglaw, malungkot, at nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu, naninindigan sa lubos na kabaligtaran ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kaya't, kitang-kita kung alin ang totoong daan at alin ang lumang daan.
Pangalawa, ang totoong daan ay naglalaman ng katotohanan at maaaring ipakita sa mga tao ang landas ng pagsasagawa sa bagong kapanahunan at maaaring tulutan ang mga tao na magkaroon ng mga bagong panlaan sa buhay. Ang kanilang disposisyon sa buhay ay sumasailalim sa mas marami pang pagbabago at ang kanilang pagkatao ay lalong nagiging normal. Sa Kanyang gawain ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng maraming katotohanan sa iba’t ibang larangan. Kinabibilangan ito ng mga katotohanan tungkol sa pagkaunawa sa gawaing ginagawa ng Diyos at gayun din ang mga katotohanan kung paano magsagawa at pumasok sa bagong kapanahunan. Halimbawa kabilang dito: ang layunin ng pamamahala ng Diyos; ang mga prinsipyo sa likod ng Kanyang gawain; ang mga katotohanan sa loob ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya; kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol; ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos; kung paanong naging ganito ngayon ang sangkatauhan; kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan; kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan; ano ang magiging hitsura ng kahahantungan ng sangkatauhan; ano ang magiging wakas para sa iba't ibang uri ng mga tao; anong uri ng mga pananaw ang dapat mayroon ang mga mananampalataya; ano ang dapat hanapin ng kanilang paniniwala sa Diyos; kung bakit dapat magpasakop sa Kanya ang mga nananampalataya sa Diyos; kung bakit ang pagmamahal sa Diyos ang tanging daan tungo sa tunay na pananampalataya sa Diyos; at kung paano paglingkuran ang Diyos sa paraan na tumutugon sa Kanyang mga layunin. Ang pagpapahayag ng Diyos ng mga katotohanang ito ay nagtulot sa atin na magkaroon ng mas mabuting pang-unawa sa mga layunin ng Diyos, at nagtulot din sa atin na magkaroon ng mas mabuting pang-unawa tungkol sa ating kalikasan at sangkap at ang katotohanan ng ating pagkatiwali. Dagdag pa rito, tinulutan tayo ng mga katotohanang ito na makita nang malinaw ang landas upang baguhin ang ating disposisyon. Sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain at salita ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan natin sa wakas ang halu-halong aspeto ng ating dating pananampalataya at kinikilala natin na kahit natanggap na natin ang pagtubos at sapat na biyaya ng Diyos, gayon pa man matindi pa rin ang hangarin nating magpanukala ng mas pisikal na kasiyahan at mga materyal na pagpapalang mula sa Diyos at kung paano makakamit ang mga kayamanan ng ating mga pangarap sa pamamagitan ng Diyos. Dagdag pa rito, kahit na nagmamadali tayo sa paggawa para sa Diyos, ginagawa natin ito para pagpalain at putungan ng korona. Ginagawa natin ito sa ngalan ng personal na katanyagan at pakinabang at nagmamadali tayo para sa ating sariling kapakinabangan. Hindi natin ginagawa ang mga bagay na ito para gampanan ang ating tungkulin bilang isang nilikhang nilalang. Gaano man karami ang biyaya o gaano man karami ang mga pagpapalang makamit natin mula sa Diyos, kung ang anumang bagay na ginagawa ng Diyos ay nabibigo kahit sa munting paraan sa pagtugon sa ating mga paniwala, kaagad tayong tumututol at nagrereklamo sa Diyos. Umaabot pa tayo sa punto na hayagang kinakalaban ang Diyos o iniiwan pa ang Diyos. Matagal nang nawala ang ating orihinal na konsensya at kakayahang mangatwiran sa harapan ng Diyos. Masyado tayong ginawang tiwali ni Satanas kaya’t lubusang nawala sa atin ang ating pagkakawangis sa tao. Ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay nagtutulot sa atin na magkaroon ng tunay na pagkaunawa sa ating sariling katiwalian at nakikita natin na tayo ay makasarili, kasuklam-suklam, at nagkukulang sa pagkatao. Kasabay nito, nauunawaan natin ang kahalagahan ng gawain ng pagliligtas ng Diyos na ginagawa sa atin, at nauunawaan natin na ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay pinag-isipang mabuti. Sa ganitong paraan, ang ating mga espiritu ay nagsisimulang magising nang dahan-dahan at ang ating konsensya at kakayahang makapag-isip nang may katwiran ay nagsisimulang manumbalik sa bawat araw. Hindi na natin hinahangad na bigyang kasiyahan ang ating sariling laman, hindi na nakikita ang Diyos sa diwa ng pakikipagtransaksyon. Sa halip, hangad na lamang nating bigyang kasiyahan ang mga layunin ng Diyos at iniaalay sa Diyos ang lahat ng mayroon tayo. Sa ganitong paraan, tayo, bilang mga nilikhang nilalang, ay dahan-dahang nakakamit muli ang isang normal na pakikipag-ugnayan sa Manlilikha. Tayo ay nagiging lalong mapagmahal sa Diyos, mas masunurin at mas mapagsamba, at sa huli nagsisimula tayong magmukhang tulad ng nararapat sa isang tao. Sa madaling salita, ang Makapangyarihang Diyos ay nagbibigay sa atin, na mga tao ng mga huling araw, ng mga katotohanan na kailangang-kailangan natin. Ipinapakita Niya sa atin ang direksiyon ng daan sa bagong kapanahunan, tinutulutan Niya tayong makamit ang pinakatunay na mga paglalaan na kailangan natin sa buhay. Lahat ng ito ay nagpapatunay na ang paraan ng Makapangyarihang Diyos ang totoong daan.
Pangatlo, ang totoong daan ay nagbibigay sa tao ng bagong pang-unawa tungkol sa Diyos. Mga kapatid, kung personal ninyong mababasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at talagang makakaugnayan ang mga taong tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi mahirap matuklasan na ang mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagkaroon ng bagong kaalaman at ng mas naiibang pang-unawa tungkol sa Diyos sa paraan ng kanilang paghahanap sa mga katotohanan ng Makapangyarihang Diyos. Sa pammagitan ng pagdanas sa gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos at nakikita na ang likas na disposisyon ng Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng pagmamahal at awa, kundi ng kamahalan at ng poot din, at ang Kanyang disposisyon ay hindi nagpaparaya sa anumang pagkakasalang nagawa ng sangkatauhan. Sa pagdanas sa gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin kung paano inililigtas ng Diyos ang tao sa bawat hakbang, kung paano ginagamit ng Diyos ang Kanyang karunungan para lupigin si Satanas, at sa gayon ay nagkakaroon tayo ng ilang praktikal na kaalaman tungkol sa pagkamakapangyarihan, karunungan, pagiging kahanga-hanga at hindi maarok na katangian ng Diyos. Dagdag pa rito, nagkakaroon din tayo ng mas praktikal na pagkaunawa tungkol sa mabait na layunin ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, ang Kanyang dalisay na pagmamahal sa sangkatauhan at ang Kanyang sangkap na kabanalan at kariktan. Ang pagdanas sa gawain at salita ng Makapangyarihang Diyos ay tumutulong sa paglutas sa maraming maling paniwala natin tungkol sa Diyos at tinutulungan tayong matanto na ang Diyos ay hindi nabibilang sa alinmang bansa o etnikong grupo; Ang Diyos ang Manlilikha, ang Diyos ng lahat ng tao. Nauunawaan rin natin na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma at hindi nahahangganan ng mga patakaran. Mula dito ay makikita na ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay makapagbibigay sa tao ng mas malalim na pang-unawa tungkol sa Diyos kaysa sa posible noong Kapanahunan ng Biyaya; ito ay isang pagkaunawa na mas praktikal at mas komprehensibo. Ang sariling gawain lamang ng Diyos ang maaaring magkaroon ng ganitong epekto at tanging ang Diyos Mismo ang makapagpapahayag sa sangkatauhan ng Kanyang disposisyon at ng lahat ng kung sino Siya at kung ano ang mayroon Siya. Walang duda na ang paraan ng Makapangyarihang Diyos ang totoong daan.
Bilang buod, ang Kidlat ng Silanganan, na tinutulan at kinondena ng relihiyosong komunidad, ay ang Panginoong Jesus na nagbalik sa katawang-tao sa mga huling araw—ito ang Diyos Mismo na kakaiba. Kung gayon, kahit gaano pa ang naging pagtutol at pag-atake dito ng iba’t ibang sekta ng relihiyon at kahit gaano pa ang ginawang panghahamak at pagkondena ng mga puwersa ni Satanas, hindi nila nagawang hadlangan kahit sa pinaka-kaunti ang paglawak ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa loob lamang ng humigit-kumulang sa sampung taon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay kumalat sa buong mainland China. Ang salita ng Diyos at ang pangalan ng Diyos ay kumalat sa daan-daang milyong mga sambahayan. Kabilang sa iba’t ibang mga denominasyon, ang mga taong naghahanap sa katotohanan at tunay na nagnanais sa Diyos ay nagbalik sa harapan ng Makapangyarihang Diyos. Milyun-milyong tao ang nasisiyahan sa salita ng Diyos, tinatanggap ang paghatol, paglilinis, pagliligtas at pagperpekto ng Diyos, at pinapupurihan ang kahanga-hangang mga gawa ng Diyos. Ang Diyos ay nakagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay sa China at nagkamit ng isang grupo ng mga tao na may isang puso at isang isipan sa Kanya. Ang gawain ng Diyos ay nagwakas sa Kanyang pagkaluwalhati at mabilis itong kumikilos mula sa Silangan—China—tungo sa kanluraning daigdig at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nakapagtayo ng mga sangay sa dose-dosenang mga bansa, na lubos na katuparan ng propesiya ng Panginoong Jesus: "Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mat 24:27). Aking mga espirituwal na kasamahan, ibaba ninyo nang mabilis ang inyong ipinapalagay na mga paniwala at sa halip ay hangarin na marinig ang tinig ng Diyos, mangyaring masigasig na lumapit sa harapan ng Diyos: Hinihintay ng Makapangyarihang Diyos ang iyong pagbabalik!
Mula sa Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento