Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Ang Awtoridad ng Diyos (II)
Ngayon ipagpapatuloy natin ang ating pagsasamahan tungkol sa temang “Diyos Mismo, Ang Natatangi.” Nagkaroon na tayo ng dalawang pagsasamahan sa paksang ito, una tungkol sa awtoridad ng Diyos, at ang ikalawa tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos.
Matapos pakinggan ang dalawang pagbabahaging ito, nagkaroon ba kayo ng bagong pag-unawa sa pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos? Ang mga kabatiran bang ito ay nakatulong upang magtamo kayo ng isang mas tunay na kaalaman at katotohanan sa pag-iral ng Diyos? Ngayon plano kong palawakin ang paksang “Awtoridad ng Diyos.”
Pagkaunawa sa Awtoridad ng Diyos mula sa Pangmalawakan at Pangmaliitang mga Perspektibo
Ang awtoridad ng Diyos ay natatangi. Ito ang katangiang pagpapahayag ng, at ang espesyal na diwa ng, pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Walang nilalang o di-nilalang ang mayroong ganitong katangiang pagpapahayag at ganoong espesyal na diwa; tanging ang Manlilikha lamang ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng awtoridad. Na ibig sabihin, tanging ang Manlilikha lamang—ang Diyos Ang Natatangi—ang ipinahahayag sa ganitong paraan at mayroong ganitong diwa. Bakit pinag-uusapan ang awtoridad ng Diyos? Paano naiiba ang awtoridad ng Diyos Mismo sa awtoridad na nasa isip ng tao? Ano ang espesyal tungkol dito? Bakit lalo pang mahalaga na pag-usapan ito dito? Dapat maingat na isaalang-alang ng bawat isa sa inyo ang problemang ito. Para sa nakararaming tao, ang “awtoridad ng Diyos” ay isang malabong ideya, isang bagay na napakahirap maunawaan, at anumang talakayan tungkol dito ay malamang na maging malabo. Kaya walang paltos na magkakaroon ng isang puwang sa pagitan ng kaalaman sa awtoridad ng Diyos na maaaring ariin ng tao, at sa diwa ng awtoridad ng Diyos. Upang matulayan ang puwang na ito, dapat unti-unting makilala ng tao ang awtoridad ng Diyos sa pamamagitan ng tunay na mga tao, mga pangyayari, mga bagay, o di-pangkaraniwang mga bagay na maaabot ng tao, na maaaring maunawaan ng mga tao. Bagaman ang pariralang “awtoridad ng Diyos” ay tila hindi maarok, ang awtoridad ng Diyos ay hindi naman mahirap unawain. Siya ay nasa sa tao bawat minuto ng kanyang buhay, inaalalayan siya sa araw-araw. Kaya, sa araw-araw na buhay ng bawa’t tao tiyak na makikita at mararanasan niya ang pinakanadaramang aspeto ng awtoridad ng Diyos. Ang pagkadaramang ito ay sapat nang katibayan na ang awtoridad ng Diyos ay tunay na umiiral, at ganap nitong hinahayaan ang isang tao na makilala at maunawaan ang katotohanan na ang Diyos ay nag-aangkin ng ganitong awtoridad.
Nilikha ng Diyos ang lahat, at matapos malikha ang mga ito, Siya ay may dominyon sa lahat ng ito. Bukod sa pagkakaroon ng dominyon sa lahat ng bagay, Siya ang may kontrol sa lahat ng bagay. Ano ang ibig sabihin nito, ang ideya na “ang Diyos ay may kontrol sa lahat ng bagay”? Paano ito maipapaliwanag? Paano ito magagamit sa tunay na buhay? Paano ninyo makikilala ang awtoridad ng Diyos sa pag-unawa sa katotohanan na “ang Diyos ay may kontrol sa lahat ng bagay”? Mula sa mismong pariralang “ang Diyos ay may kontrol sa lahat ng bagay” dapat nating makita na ang kinokontrol ay hindi isang bahagi lamang ng mga planeta, isang bahagi ng sangnilikha, mas lalong hindi ang isang bahagi ng sangkatauhan, kundi lahat ng bagay: mula sa malalaki hanggang sa mikroskopiko, mula sa nakikita at hindi nakikita, mula sa mga bituin sa sansinukob hanggang sa mga buhay na bagay sa mundo, ganoon na rin sa mga mikroorganismo na hindi nakikita ng mata lamang o ng mga nilalang na may mga ibang anyo. Ito ang tumpak na kahulugan ng “lahat ng bagay” na “kinokontrol ng Diyos,” ang saklaw kung saan ginagamit ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ang lawak ng Kanyang dakilang kapangyarihan at pamamahala.
Bago nalikha ang sangkatauhan, ang kosmos—ang lahat ng planeta, ang lahat ng bituin sa kalangitan—ay umiiral na. Sa pangmalawakang antas, ang mga makalangit na bagay na ito ay regular na umiikot, sa ilalim ng pagkontrol ng Diyos, sa panahon ng kanilang buong pag-iral, datapwat kayrami ng mga taong iyon. Kung anong planeta ang pupunta saan at anong partikular na oras; anong planeta ang gagawa ng anong ginagampanan na gawain, at kailan; anong planeta ang iikot kasabay ng anong orbit, at kailan mawawala o mapapalitan—ang lahat ng ito ay nagaganap nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang mga posisyon ng mga planeta at ang mga agwat sa pagitan nila ay sumusunod sa istriktong mga disenyo, na ang lahat ay maisasalarawan sa tumpak na mga datos; ang landas na kanilang tinatahak, ang bilis at mga disenyo ng kanilang mga orbit, ang mga oras ng kanilang iba’t ibang posisyon ay tumpak na mabibilang at maisasalarawan ng espesyal na mga batas. Sa loob ng napakahabang panahon, ang mga planetang ito ay sumunod sa mga batas na ito, ni hindi kailanman lumilihis kahit kaunti. Walang kapangyarihan ang maaaring magpalit o magputol ng kanilang mga orbit o ng mga disenyong kanilang sinusundan. Sapagkat ang espesyal na mga batas na namamahala ng kanilang galaw at tumpak na mga datos na naglalarawan sa kanila ay naitalaga na ng awtoridad ng Manlilikha, kusa nilang sinusunod ang mga batas na ito, sa ilalim ng dakilang kapangyarihan at kontrol ng Manlilikha. Sa pangmalawakang antas, hindi mahirap para sa tao ang matagpuan ang ilang mga disenyo, ilang mga datos, ganoon din ang ilang naiiba at di-maipaliwanag na mga batas o kamangha-manghang mga bagay. Bagaman hindi tinatanggap ng sangkatauhan na ang Diyos ay umiiral, hindi tinatanggap ang katotohanan na ang Manlilikha ang gumawa at may dominyon sa lahat ng bagay, at dagdag pa ang pag-iral ng awtoridad ng Manlilikha, mas higit na natutuklasan ng mga taong siyentipiko, mga astronomo, at mga pisisista na ang pag-iral ng lahat ng bagay sa sansinukob, ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagdidikta ng kanilang mga pagkilos, ay lahat pinamamahalaan at kinokontrol ng malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang pumipilit sa tao na harapin at kilalanin na may isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disenyong ito ng pagkilos, nagsasaayos sa lahat ng bagay. Ang Kanyang kapangyarihan ay di-pangkaraniwan, at bagaman walang sinuman ang maaaring makakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namahahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawa’t sandali. Walang tao o puwersa ang maaaring makalampas sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Sa pagkakaharap sa ganitong katotohanan, dapat makilala ng tao na ang mga batas na ito na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay di-maaaring makontrol ng mga tao, di-maaaring mapalitan ninuman; kasabay nito dapat tanggapin ng tao na di-maaaring ganap na maunawaan ng mga nilalang na tao ang mga batas na ito. At ang mga ito’y hindi natural na nangyayari, subalit nadidiktahan ng isang Panginoon at Maestro. Ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos na maaaring maramdaman ng tao sa pangmalawakang antas.
Sa maliit na antas, lahat ng bundok, ilog, dagat, at anyong-lupa na nakikita ng tao sa lupa, lahat ng panahon na nararanasan niya, lahat ng bagay na naninirahan sa mundo, kasama na ang mga halaman, mga hayop, mga mikroorganismo, at mga tao, ay napapailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, kontrolado ng Diyos. Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan at kontrol ng Diyos, ang lahat ng bagay ay mabubuhay o mawawala ayon sa Kanyang mga pag-iisip, ang kanilang mga buhay ay napapamahalaan lahat ng ilang mga batas, at sila’y lumalago at dumarami ayon sa mga ito. Walang sinumang tao o bagay ang nakatataas sa mga batas na ito. Bakit ganoon? Ang tanging sagot ay, dahil sa awtoridad ng Diyos. O, sa ibang paraan, dahil sa mga pag-iisip ng Diyos at mga salita ng Diyos; dahil sa ang Diyos Mismo ang gumagawa ng lahat ng ito. Na ibig sabihin, ang awtoridad ng Diyos at isip ng Diyos ang nagbubunsod sa mga batas na ito; sila ay magbabago at magpapalit ayon sa Kanyang mga pag-iisip, at ang mga pagbabago at mga pagpapalit na ito ay nangyayari o nawawala lahat para sa kapakanan ng Kanyang plano. Halimbawa na ang mga epidemya. Ang mga ito ay lumalaganap nang walang babala, walang sinuman ang nakakaalam sa pinagmulan ng mga ito o ang eksaktong dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito, at kapag ang isang epidemya ay naaabot ang isang tiyak na lugar, yaong mga tinamaan ay di-maaaring makatakas sa kalamidad. Nauunawaan ng pantaong siyensiya na ang epidemya ay idinudulot ng paglaganap ng mapanira at mapanganib na mga mikrobyo, at ang bilis ng mga ito, saklaw at paraan ng paghahatid ay di-maaaring mahulaan o makontrol ng pantaong siyensiya. Bagaman nilalabanan ang mga ito ng sangkatauhan sa bawat posibleng paraan, hindi nila maaaring makontrol kung sinong mga tao o hayop ang hindi maaaring di-maapektuhan kapag lumaganap ang epidemya. Ang tanging magagawa lamang ng mga tao ay ang subukang hadlangan, labanan, at saliksikin ang mga ito. Subalit walang nakakaalam kung ano ang ugat na mga sanhi na magpapaliwanag sa simula o katapusan ng anumang indibidwal na epidemya, at walang sinumang makakakontrol sa mga ito. Sa harap ng pagtaas at paglaganap ng isang epidemya, ang unang hakbang na maisasagawa ng mga tao ay ang bumuo ng isang bakuna, ngunit kadalasan ang epidemya ay namamatay ng sariling kusa nito bago pa maging handa ang bakuna. Bakit namamatay ang mga epidemya? May ilang nagsasabi na ang mga mikrobyo ay nakontrol na, ang iba ay nagsasabi na sila’y nangamatay dahil sa mga pagbabago ng panahon…. Kung ang mga ligaw na haka-hakang ito ay mapapatunayan, walang maibibigay na paliwanag ang siyensiya, walang tiyak na sagot. Ang hinaharap ng sangkatauhan ay hindi lamang ang mga haka-hakang ito ngunit ang kawalan ng pagkaunawa ng sangkatauhan at takot sa mga epidemya. Walang sinumang nakakaalam, sa huling pagsusuri, kung bakit ang mga epidemya ay nagsisimula o kung bakit nagtatapos. Sapagkat ang sangkatauhan ay may pananampalataya lamang sa siyensiya, ganap na umaasa rito, ngunit hindi kinikilala ang awtoridad ng Manlilikha o tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan, kailanma’y hindi sila magkakaroon ng sagot.
Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng bagay ay umiiral at namamatay dahil sa Kanyang awtoridad, dahil sa Kanyang pamamahala. May ilang mga bagay na dumarating at umaalis nang tahimik, at hindi masasabi ng tao kung saan nanggaling ang mga ito o maunawaan ang mga patakarang sinusunod ng mga ito, lalong hindi ang maunawaan ang mga dahilan kung bakit dumarating at umaalis ang mga ito. Bagaman ang tao ay maaaring makapagpatunay, makarinig, o makaranas ng lahat ng nangyayari sa gitna ng lahat ng bagay; bagaman lahat sila ay may dinadala sa tao, at bagaman ang tao sa ilalim ng kanyang kamalayan ay nakakaunawa sa hindi karaniwan, sa kapanayan, sa kakatwaan ng iba’t ibang di-pangkaraniwang mga pangyayari, wala pa rin siyang alam tungkol sa kalooban ng Manililikha at ng Kanyang isip na siyang nasa likod ng mga ito. Maraming kuwento sa likod ng mga ito, maraming natatagong katotohanan. Dahil sa ang tao ay nalihis nang malayo mula sa Manlilikha, dahil sa hindi niya tinatanggap ang katotohanan na ang awtoridad ng Manlilikha ang namamahala sa lahat ng bagay, kailanma’y hindi niya malalaman at mauunawaan ang lahat ng nangyayari sa ilalim ng dakilang kapangyarihang ito. Sa mas malaking bahagi, ang kontrol at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay lumalampas sa mga hangganan ng imahinasyon ng tao, ng kaalaman ng tao, ng pagkaunawa ng tao, ng kung ano ang makakamit ng pantaong siyensiya; hindi ito maaaring katunggaliin ng mga kakayahan ng nilikhang sangkatauhan. May ilang tao ang nagsasabi, “Yamang hindi mo mismo nasaksihan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, paano ka makapaniniwala na ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang awtoridad?” Ang pagkakita ay hindi palaging pagkapaniwala; ang pagkakita ay hindi palaging nakakakilala at nakakaunawa. Kaya saan nagmumula ang “paniniwala”? Masasabi ko nang may katiyakan, “Ang paniniwala ay nagmumula sa antas at lalim ng pagkaunawa ng tao, sa karanasan ng tao, ang realidad at ugat na mga dahilan ng mga bagay.” Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay umiiral, ngunit hindi mo makilala, at mas lalong di-makita, ang katotohanan ng kontrol ng Diyos at dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, samakatwid sa puso mo hindi mo kailanman tatanggapin na ang Diyos ay may ganitong uri ng awtoridad at ang awtoridad ng Diyos ay natatangi. Kailanma’y hindi mo tunay na matatanggap na ang Manlilikha ay iyong Panginoon, iyong Diyos.
Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha
Lahat kayo ay matatanda na. Ang ilan sa inyo ay nasa katanghaliang-gulang; ang ilan ay nakapasok na sa matandang edad. Mula sa isang di-mananampalataya tungo sa isang mananampalataya, at mula sa simula ng paniniwala sa Diyos sa pagtanggap sa salita ng Diyos at pagdanas sa gawa ng Diyos, gaano karaming kaalaman na ang nakamtan ninyo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Anong mga pananaw ang natamo ninyo sa kapalaran ng tao? Maaari bang makamit ng tao ang lahat ng kanyang mga inaasam sa buhay? Ilang bagay sa loob ng ilang dekada ng inyong buhay ang naisakatuparan ninyo ayon sa inyong ninais? Ilang mga bagay ang hindi nangyari gaya ng inasahan? Ilang mga bagay ang dumating bilang kaaya-ayang mga sorpresa? Ilang mga bagay ang hinihintay pa ng mga tao na maaaring magdala ng bunga—walang malay na naghihintay sa tamang sandali, naghihintay sa kalooban ng Langit? Ilang mga bagay ang nagpaparamdam sa mga tao na wala silang magawa at bigo? Ang bawat isa ay puno ng pag-asa tungkol sa kanilang kapalaran, at umaasa na ang lahat sa kanilang buhay ay aayon sa kanilang ninanais, na hindi sila mangangailangan ng pagkain o pananamit, na ang kanilang swerte ay kamangha-manghang aangat. Walang sinuman ang nagnanais ng isang buhay na dukha at api, puno ng paghihirap, dinadagsa ng mga kalamidad. Subalit hindi maaaring mahulaan ng mga tao o makontrol ang lahat ng ito. Marahil para sa iba, ang nakaraan ay isang pagkakahalu-halo ng mga karanasan; hindi kailanman nila natutunan kung ano ang kalooban ng Langit, ni wala silang pag-intindi kung ano ito. Isinasabuhay nila ang kanilang buhay nang hindi nag-iisip, tulad ng mga hayop, nabubuhay sa araw-araw, walang iniintindi tungkol sa kapalaran ng sangkatauhan, tungkol sa kung bakit ang mga tao ay buhay o kung paano dapat silang mamuhay. Ang mga taong ito ay nakarating sa katandaang gulang na walang natamong pagkaunawa sa tadhana ng tao, at hanggang sa sandali na sila’y mamatay wala silang ideya kung ano ang tungkol sa buhay. Ang mga ganoong tao ay patay; sila’y mga nilalang na walang espiritu; sila’y mga hayop. Bagaman nabubuhay kasama ang lahat ng bagay, ang mga tao ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa maraming paraang pagbibigay-lugod ng mundo sa kanilang materyal na mga pangangailangan, kahit na nakikita nilang patuloy na sumusulong ang materyal na mundong ito, ang kanilang sariling karanasan—kung ano ang nadarama at nararanasan ng kanilang mga puso at kanilang mga espiritu—ay walang kinalaman sa mga materyal na bagay, at walang anumang materyal ang kapalit nito. Ito ay isang pagkilala sa kaibuturan ng sariling puso, sa isang bagay na hindi maaaring makita ng mata lamang. Ang pagkilalang ito ay namamalagi sa pag-unawa at pakiramdam ng tao sa buhay ng tao at kapalaran ng tao. At palagi nitong pinangungunahan ang sarili sa agam-agam na ang di-nakikitang Panginoon ay pinaplano ang lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay para sa tao. Sa gitna ng lahat ng ito, hindi maaaring hindi tanggapin ang mga paghahanda at pagsasaayos ng tadhana; sa parehong panahon, hindi maaaring hindi tanggapin ang landas na inilatag ng Manlilikha, ang kapangyarihan ng Manlilikha sa kapalaran ng sinuman. Ito ang hindi maikakailang katotohanan. Anuman ang pag-iisip at pag-uugali ng isang tao tungkol sa kapalaran, walang makapagbabago sa katotohanang ito.
Saan ka pupunta araw-araw, ano ang gagawin mo, sino o ano ang iyong makakatagpo, ano ang sasabihin mo, ano ang mangyayari sa iyo—maaari bang mahulaan ang alinman sa mga ito? Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang lahat ng pangyayaring ito, higit lalo ang makontrol kung paano ito magaganap. Sa buhay, ang mga di-nakikitang pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, at ito’y mga pang-araw-araw na pangyayari. Ang araw-araw na malaking mga pagbabago at ang mga paraan ng pagkakaganap ng mga ito o ang mga disenyo ng pagpapakita ng mga ito, ay palagiang mga paalala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang sapalaran, na ang mga pagsasanga-sanga ng mga ito at ang pagiging di-maiiwasan ng mga ito, ay hindi mababago ayon sa kagustuhan ng tao. Bawa’t pangyayari ay naghahatid ng isang tagubilin mula sa Manlilikha ng sangkatauhan, at nagpapadala rin ito ng mensahe na hindi maaaring makontrol ng mga taong nilalang ang kanilang sariling kapalaran; kasabay nito ang bawa’t pangyayari ay isang pagsalungat sa padalus-dalos, walang-saysay na ambisyon at mga pagnanasa ng sangkatauhan na ilagay sa sariling mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang mga ito’y malalakas na sunud-sunod na sampal sa sangkatauhan, pinupwersa ang mga tao na isaalang-alang kung sino ang mamamahala at kokontrol sa kanilang kapalaran sa katapusan. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay paulit-ulit na nahahadlangan at nadudurog, likas na natatamo ng mga tao ang isang walang-malay na pagtanggap sa kung ano ang inilaan ng kapalaran, ang pagtanggap sa realidad, sa kalooban ng Langit at sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Mula sa pang-araw-araw na malalaking pagbabago tungo sa mga kapalaran ng buong buhay ng mga tao, walang hindi ibinubunyag ang plano ng Manlilikha at Kanyang dakilang kapangyarihan; walang anumang hindi nagpapaabot ng mensahe na "ang awtoridad ng Manlilikha ay hindi malalampasan," ang hindi nagpapadala ng walang hanggang katotohanan na "ang awtoridad ng Manlilikha ay pinakamataas."
Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakaugnay sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Manlilikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Manlilikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng bagay nagsisimulang maunawaan ng tao ang mga pagsasaayos ng Manlilikha at Kanyang dakilang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng kaligtasan nararamdaman niya ang pamamahala ng Manlilikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan na isinasagawa ng Manlilikha ang Kanyang dakilang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha para sa lahat ng bagay at may buhay at tunay na sumasaksi sa kung paanong ang mga pagsasaayos at paghahandang 'yon ay humahalili sa lahat ng maka-lupang batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na kilalanin na ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang, na walang puwersa ang maaaring makialam sa o magpalit ng mga pangyayari at mga bagay na itinadhana ng Manlilikha. Sa ilalim ng mga banal na batas at mga patakarang ito nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na kumakatawan sa awtoridad ng Manlilikha? Bagaman nakikita ng tao, sa layunin ng mga batas, ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at Kanyang ordinasyon para sa lahat ng pangyayari at lahat ng bagay, ilang mga tao ang nakakaunawa sa prinsipyo ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa sansinukob? Ilang tao ang tunay na makakaalam, makakikilala, makatatanggap at magpapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at kaayusan ng kanilang sariling kapalaran? Sino, matapos maniwala sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, ang tunay na naniniwala at kumikilala na ang Manlilikha ang nagdidikta rin ng kapalaran ng buhay ng tao? Sino ang tunay na makauunawa sa katotohanan na ang kapalaran ng tao ay nakapatong sa palad ng Manlilikha? Ang uri ng pag-uugali na dapat taglay ng sangkatauhan hinggil sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, kapag naharap siya sa katotohanan na pinamamahalaan at kinokontrol Niya ang kapalaran ng sangkatauhan, ay isang kapasyahan na dapat gawin ng bawat tao sa sarili niya na ngayon ay nahaharap sa katotohanan na ito.
Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao
Sa kurso ng buhay ng isang tao, ang bawat tao ay dumarating sa isang serye ng mga mapanganib na sitwasyon. Ang mga ito ang pinakapangunahin, at ang pinakamahalaga, na mga hakbang na tutukoy sa kapalaran sa buhay ng isang tao. Ang susunod ay isang maikling pagsasalarawan ng mga milyahe na dapat daanan ng tao sa kurso ng kanyang buhay.
Kapanganakan: Ang Unang Sugpungan
Kung saan ipinanganak ang isang tao, sa anong pamilya siya naipanganak, ang kanyang kasarian, kaanyuhan, at oras ng kapanganakan: ang mga ito ay mga detalye ng unang sugpungan sa buhay ng isang tao.
Walang sinuman ang makakapili hinggil sa mga bahaging ito sa sugpungang ito; ang lahat ng ito ay matagal nang itinadhana ng Manlilikha. Ang mga ito ay hindi naimpluwensiyahan ng panlabas na kapaligiran sa anumang paraan, at walang mga kadahilanang ginawa ng tao ang maaaring makapagpabago sa mga katotohanang itinakda ng Manlilikha. Kapag ipinanganak ang isang tao, nangangahulugan ito na natupad na ng Manlilikha ang unang hakbang ng kapalaran na Kanyang naisaayos para sa taong iyon. Dahil matagal na Niyang itinakda ang lahat ng detalyeng ito, walang sinuman ang may kapangyarihan upang baguhin ang alinman sa mga ito. Maging ano pa man ang kalalabasan ng kapalaran ng isang tao, ang mga kondisyon ng kapanganakan ng isang tao ay naitadhana, at nananatiling ganoon na nga; ang mga ito’y hindi sa anumang paraan naimpluwensiyahan ng sariling kapalaran sa buhay, ni sa anumang paraan naapektuhan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilika dito.
1. Isang Bagong Buhay ang Isinisilang mula sa mga Plano ng Manlilikha
Alin sa mga detalye ng unang sugpungan—ang lugar ng kapanganakan, pamilya, kasarian, pisikal na kaanyuan, ang oras ng kapanganakan ng isang tao—ang maaaring piliin ng isang tao? Nang walang alinlangan, ang sariling kapanganakan ay isang pasibo na pangyayari: Ang isang tao’y ipinapanganak nang hindi kinukusa, sa isang tiyak na lugar, at isang tiyak na oras, sa isang tiyak na pamilya, kasama ang isang tiyak na pisikal na anyo; ang isang tao’y hindi kinukusang nagiging miyembro ng tiyak na sambahayan, nagmamana ng tiyak na puno ng pamilya. Ang isang tao’y walang pagpipilian sa unang sugpungang ito ng buhay, ngunit naisilang sa isang kapaligirang nakapirmi na ayon sa mga plano ng Manlilikha, sa isang partikular na pamilya, na may partikular na kasarian at kaanyuhan at sa partikular na oras na malapit na nakaugnay sa kurso ng buhay ng isang tao. Ano ang magagawa ng isang tao sa kritikal na sugpuang ito? Sa kabuuan, ang isang tao’y walang pagpipilian tungkol sa isa man sa mga detalye hinggil sa sariling kapanganakan. Kung hindi dahil sa pagtatadhana ng Manlilikha at sa Kanyang paggabay, ang isang buhay na bagong silang sa mundong ito ay hindi malalaman kung saan pupunta, o kung saan siya maninirahan, hindi magkakaroon ng mga ugnayan, hindi mabibilang saanman, walang tunay na tahanan. Subalit dahilan sa maselang pagsasaayos ng Manlilikha, nasisimulan nito ang paglalakbay sa kanyang buhay nang may lugar na matitigilan, mga magulang, isang lugar na kabibilangan nito, at mga kamag-anak. Sa buong prosesong ito, ang pagdating ng bagong buhay na ito ay napagpasyahan na ng mga plano ng Manlilikha, at lahat ng aariin nito ay ibibigay sa kanya ng Manlilikha. Mula sa isang lumulutang na katawan na walang anuman sa pangalan nito ay unti-unting magiging isang laman-at-dugo, nakikita at nahahawakang nilalang na tao, isa sa mga nilikha ng Diyos, na nag-iisip, humihinga, at nakadarama ng init at lamig, na maaaring makibahagi sa lahat ng karaniwang mga gawain ng isang nilikhang nilalang sa materyal na mundo, at dadaan sa lahat ng bagay na dapat maranasan sa buhay ng isang nilikhang tao. Ang nauna nang pagtatakda ng Manlilikha sa kapanganakan ng isang tao ay nangangahulugan na Kanyang igagawad sa taong iyon ang lahat ng bagay na kinakailangan para mabuhay; na ang taong iyon ay isinilang din ay nangangahulugan na matatanggap niya mula sa Manlilikha ang lahat ng bagay para mabuhay, na mula sa puntong iyon siya ay mabubuhay sa ibang kaanyuhan, na ibinigay ng Manlilikha at napapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha.
2. Bakit ang mga Iba’t ibang Tao ay Isinisilang sa Ilalim ng Iba’t ibang mga Kalagayan
Ang mga tao kadalasan ay gustong isipin na kung sila’y muling ipinanganak, ito’y sa isang tanyag na pamilya; na kung sila’y mga babae, magiging kamukha nila si Snow White at mamahalin sila ng lahat, na kung sila ay mga lalaki, sila’y magiging si Prince Charming, na walang anumang kinakailangan, na napapasunod nila ang buong mundo. Kadalasan may mga yaon na nasa ilalim ng maraming ilusyon tungkol sa kanilang kapanganakan at kadalasan hindi nasisiyahan dito, naghihinanakit sa kanilang pamilya, sa kanilang kaanyuhan, sa kanilang kasarian, pati na rin sa oras ng kanilang kapanganakan. Subalit hindi kailanman mauunawaan ng mga tao kung bakit sila ipinanganak sa isang partikular na pamilya o kung bakit ganoon ang hitsura nila. Hindi nila alam na kahit na saan sila ipinanganak o kung ano ang hitsura nila, sila ay gumaganap ng iba’t ibang papel at tumutupad ng iba’t ibang misyon sa pamamahala ng Manlilikha—ang layuning ito ay hindi kailanman magbabago. Sa mga mata ng Manlilikha, ang lugar na pinanganakan, ang kasarian, ang pisikal na kaanyuhan ng isang tao, ay lahat pansamantalang mga bagay. Ang mga ito ay isang serye ng maliliit na tala, maliliit na simbolo sa bawa’t bahagi ng Kanyang pamamahala sa buong sangkatauhan. At ang tunay na hantungan at katapusan ng isang tao ay hindi napagpapasyahan ng kanyang kapanganakan sa anumang partikular na bahagi, kundi ng misyon na kanyang tinutupad sa bawa’t buhay, ayon sa paghatol sa kanila ng Manlilikha kapag ang Kanyang plano sa pamamahala ay kumpleto na.
Sinasabi na may sanhi ang bawat kalalabasan, na walang kalalabasan na walang sanhi. Kung kaya’t ang kapanganakan ng isang tao ay talagang nakatali kapwa sa kasalukuyang buhay at sa nakaraang buhay niya. Kapag winakasan ng kamatayan ng isang tao ang kanilang kasalukuyang termino ng buhay, samakatwid ang kapanganakan ng isang tao ay panimula ng isang bagong yugto; kung ang lumang yugto ay kumakatawan sa dating buhay ng isang tao, samakatwid ang bagong yugto ay natural na kanilang kasalukuyang buhay. Dahil sa ang kapanganakan ng isa’y nakakabit sa kanyang nakaraang buhay at sa kasalukuyang buhay niya, ang lugar, pamilya, kasarian, kaanyuhan, at iba pang mga kadahilanan, na nauugnay sa kapanganakan ng isang tao, ay lahat kinakailangang may kaugnayan sa kanila. Ito ay nangangahulugan na ang mga kadahilanan ng kapanganakan ng isang tao ay hindi lamang naiimpluwensiyahan ng dating buhay ng isang tao, kundi pinagpapasyahan na ang hantungan ng isang tao sa kasalukuyang buhay. Ito ang kadahilanan sa sari-saring uri ng mga iba’tibang kalagayan kung saan naipapanganak ang mga tao: Ang ilan ay ipinanganak sa isang mahirap na pamilya, ang iba ay sa mayayaman na pamilya. Ang ilan ay sa pangkaraniwang angkan, ang iba’y sa tanyag na lahi. Ang ilan ay ipinanganak sa timog, ang iba sa hilaga. Ang ilan ay ipinanganak sa desyerto, ang iba luntiang kalupaan. Ang kapanganakan ng ilang tao ay sinamahan ng mga pagbubunyi, tawanan, at mga pagdiriwang, ang iba’y nagdadala ng mga luha, kalamidad at aba. Ang ilan ay ipinanganak upang pakaingat-ingatan, ang iba’y maihagis tulad ng mga panirang-damo. Ang ilan ay ipinanganak nang may pinong hitsura, ang iba’y mga baluktot. Ang ilan ay magandang tingnan, ang iba ay pangit. Ang ilan ay ipinanganak nang hatinggabi, ang iba’y sa ilalim ng liyab ng araw sa tanghaling tapat. … Ang mga kapanganakan ng iba’t ibang uri ng tao ay ipinapasya ng kanilang mga kapalaran na inihanda ng Manlilikha para sa kanila; ang kanilang mga kapanganakan ang nagpapasya ng kanilang mga kapalaran sa kasalukuyang buhay gayundin sa mga papel na kanilang gagampanan at sa mga misyon na kanilang tutuparin. Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, itinadhana Niya; walang sinuman ang makakatakas sa kanilang naitadhanang kalagayan, walang makakapagbago sa mga kalagayan ng [a] kanilang kapanganakan, at walang sinuman ang makakapili ng kanilang sariling kapalaran.
Paglaki: Ang Ikalawang Sugpungan
Depende sa kung anong uri ng pamilya sila naipanganak, ang mga tao ay lumalaki sa iba’t-ibang pantahanang kapaligiran at natututo ng iba’t ibang aral mula sa kanilang mga magulang. Ito ang nagpapasya sa mga kalagayan kung saan ang isang tao ay nagkakagulang, at ang paglaki[b] ay kumakatawan sa ikalawang mahalagang sugpungan ng buhay ng isang tao. Siyempre, wala ring mapagpipilian ang mga tao sa sitwasyong ito. Ito rin ay nakapirmi, naisaayos na.
1. Ang Mga Kalagayan Kung saan Lumalaki ang Isang Tao ay Naipirmi Na ng Manlilikha
Hindi maaaring piliin ng isang tao kung kaninong magandang halimbawa o impluwensya ang kalalakhan niya. Ang isang tao’y hindi makakapili kung anong kaalaman o kakayahan ang maaari niyang makuha, anong mga pag-uugali ang mahuhubog sa kanya. Ang isang tao’y walang kapasyahan kung sino ang magiging mga magulang o mga kaanak niya, anong uri ng kapiligiran ang kalalakhan niya; ang mga ugnayan sa ibang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa kanyang kapaligiran, at kung paano sila nakakaimpluwensya sa kanyang pag-unlad, ang lahat ay lampas sa kanyang kontrol. Kung gayon, sino ang nagpapasya ng mga ito? Sino ang nagsasaayos ng mga ito? Yamang ang mga tao ay walang pagpipilian sa bagay na ito, yamang hindi nila maaaring pagpasyahan ang mga bagay na ito para sa kanilang mga sarili, at yamang malinaw na hindi ito natural na nabubuo, nangangahulugan na ang paghuhubog ng lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Manlilikha. Tulad ng pagsasaayos ng Manlilikha sa mga partikular na kalagayan sa kapanganakan ng bawa’t tao, Kanya ring isinasaayos ang tiyak na mga kalagayan na kinalalakhan ng isang tao, hindi man kailangang sabihin. Kung ang kapanganakan ng isang tao ay nagdadala ng mga pagbabago sa mga tao, mga pangayayari, at mga bagay sa paligid niya, samakatwid ang paglago at kaunlaran ay kinakailangang makaapekto rin sa kanila. Halimbawa, may ilang mga tao na ipinanganak sa mahirap na mga pamilya, subalit lumalaki na napapaligiran ng kayamanan; ang iba ay ipinanganak sa mayayamang mga pamilya subalit naging sanhi ng pagbagsak ng mga kayamanan ng kanilang pamilya, at sa ganoon sila ay lumaki sa mahirap na mga kapaligiran. Walang kapanganakan ng isang tao ang napapamahalaan ng isang nakapirming tuntunin, at walang taong lumalaki sa ilalim ng isang di-maiiwasan, nakapirming hanay ng mga pangyayari. Ang mga ito ay hindi mga bagay na maaaring isipin o kontrolin ng isang tao; ang mga ito ay bunga ng kapalaran ng isang tao at itinakda ng kapalaran niya. Mangyari pa, mahalagang tandaan na sila ay itinadhana ng Manililikha para sa kapalaran ng isang tao, na sila ay napagpasiyahan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at ng Kanyang mga plano, para sa kapalaran ng taong iyon.
2. Ang Iba’t ibang Kalagayan na Kinalalakihan ng mga Tao ay Nagbubunsod ng Iba’t ibang Papel na Ginagampanan
Ang mga kalagayan sa kapanganakan ng isang tao ang nagtatatag sa pangunahing antas ng kapaligiran at mga pangayayari na kinalalakihan niya, at mga kalagayang kinalalakihan niya ay bunga rin ng mga pangayayari ng kanyang kapanganakan. Sa panahong ito nagsisimulang matutunan ng isang tao ang wika, at nagsisimulang makatagpo at matuto ang isip niya ng maraming bagong bagay, sa proseso kung saan siya ay patuloy na lumalago. Ang mga bagay na naririnig ng isang tao sa pamamagitan ng mga tainga niya, nakikita ng mga mata niya, at natututunan ng kanyang isip ang unti-unting nagpapayaman at nagpapagalaw sa kanyang panloob na mundo. Ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na kanyang nakakaugnay, ang katinuan, kaalaman, at mga kasanayan na natututunan niya, at ang mga paraan ng pag-iisip na nakakaimpluwensiya, naitanim sa kanyang isip, o naituro, lahat gagabay at makakaimpluwensya sa kapalaran ng isang tao sa buhay. Ang wikang natutunan ng isang tao habang lumalaki at ang paraan ng pag-iisip ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kapaligiran kung saan iginugol ng tao ang kanyang kabataan, at ang kapaligirang iyon ay binubuo ng mga magulang, mga kapatid, at ibang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na nasa paligid niya. Kung kaya, ang daloy ng kaunlaran ng isang tao ay itinatalaga ng kapaligiran na kinalalakihan niya, at nakasalalay din sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na nakakaugnay ng isang tao sa kapanahunang ito. Yamang ang mga kondisyon kung saan lumalaki ang isang tao ay matagal nang naitalaga noong una pa man, ang kapaligirang kinapamuhayan niya sa panahon ng prosesong ito ay, natural din na naitalaga na. Hindi ito ipinapasya ng mga pinipili at mga kagustuhan ng isang tao, subalit ito ay naipapasya ayon sa mga plano ng Manlilikha, maingat na itinalaga ng pagsasaayos ng Manlilikha, ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha hinggil sa kapalaran ng isang tao sa buhay. Kung kaya’t ang mga taong nakakatagpo ng sinumang tao sa proseso ng kanyang paglaki, at ang mga bagay na nararanasan niya, ay di-maiiwasang nakakabit lahat sa pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha. Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang iba’t ibang uri ng mahirap na unawaing mga pakikipag-ugnayan, ni makontrol o maarok ang lalim ng mga iyon. Maraming iba’t ibang bagay at maraming iba’t ibang tao ang may kabuluhan sa kapaligiran na kinalalakhan ng tao, at walang sinumang tao ang may kakayanang magsaayos at pagtugmain ang ganoong kalawak na sistema ng mga koneksyon. Walang tao o bagay maliban sa Manlilikha ang maaaring kumontrol sa anyo, presensiya, at pagkawala ng lahat ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, at tanging isa lamang na malawak na sistema ng mga koneksyon ang humuhubog sa pag-unlad ng isang tao ayon sa itinadhana ng Manlilikha, humuhubog sa iba’t ibang kapaligiran na kinalalakhan ng mga tao, at lumilikha ng iba’t ibang gagampanang papel na kailangan para sa gawaing pamamahala ng Manlilikha, paglalatag ng mga matatatag, matitibay na mga saligan para tuparin nang matagumpay ang kanilang mga misyon.
Pagsasarili: Ang Ikatlong Sugpungan
Matapos dumaan ang isang tao sa pagkabata at kabataan at unti-unti at di-maiiwasang marating ang pagkahinog sa gulang, ang susunod na hakbang ay ganap na pamamaalam niya sa kanyang kabataan, pagpapaalam nila sa kanilang mga magulang, at pagharap sa kinabukasan bilang isang nagsasariling may sapat na gulang. Sa puntong ito[c] dapat nilang harapin ang lahat ng tao, pangyayari, at bagay na kailangang harapin ng isang taong may sapat na gulang, harapin ang lahat ng koneksyon sa tanikala ng kanilang buhay. Ito ang ikatlong sugpungan na kailangang mapagdaanan ng isang tao.
1. Matapos ang Pagiging Nagsasarili, Nagsisimulang Maranasan ng Isang Tao ang Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha
Kung ang kapanganakan at paglaki ay ang “panahon ng paghahanda” para sa paglalakbay sa buhay ng isang tao, ang paglalatag ng panulukang-bato ng kapalaran ng isang tao, samakatwid ang pagsasarili ay ang pambungad na pakikipag-usap sa sarili sa kapalaran sa buhay ng isang tao. Kung ang kapanganakan ng isang tao at ang paglaki niya ay kayamanan na kanilang naimpok para sa kanilang kapalaran sa buhay, samakatwid ang pagsasarili ng isang tao ay kapag sinisimulan na niyang gastusin o dagdagan ang yamang iyon. Kapag nilisan ng isang tao ang kanyang mga magulang at nagsarili, ang panlipunang mga kondisyon na kakaharapin niya, at ang uri ng trabaho o karera na makukuha niya ay kapwa iniatas ng kapalaran at walang kinalaman sa kanyang mga magulang. May ilang tao na pumipili ng isang pangunahing kurso sa kolehiyo at nagtatapos sa pagkatagpo ng isang kasiya-siyang trabaho kapag makapagtapos siya, gumagawa ng matagumpay na unang hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay. May ilang mga tao na natututo at nagiging dalubhasa sa maraming iba’t ibang kasanayan ngunit kailanman ay hindi makahanap ng trabaho na angkop sa kanila o matagpuan ang kanilang posisyon, mas higit lalo ang magkaroon ng karera; sa simula pa ng kanilang paglalakbay sa buhay natatagpuan nila ang kanilang mga sarili na nahahadlangan sa bawat liko, dinadagsa ng mga ligalig, ang kanilang mga tanawin ay malungkot at ang kanilang buhay ay hindi tiyak. Ang ilang mga tao ay masigasig sa kanilang pag-aaral, ngunit halos napapalampas ang lahat ng kanilang mga pagkakataon na makatanggap ng mas mataas na pinag-aralan, at tila itinadhanang kailanma’y hindi makamit ang tagumpay, ang kanilang kauna-unahang hangarin sa lakbayin sa kanilang mga buhay ay nalulusaw sa manipis na hangin. Hindi alam[d] kung ang dadaanan ay patag o mabato, nararamdaman nila sa kauna-unahang pagkakataon kung paanong puno ng mga pagbabago ang tadhana ng tao, kung kaya’t itinuturing ang buhay nang may pag-asa at pangamba. May ilang mga tao na, kahit hindi gaanong nakapag-aral, ay nakakapagsulat ng mga aklat at nakakatamo ng kaunting katanyagan; ang ilan, bagaman halos ganap na walang pinag-aralan, ay nagkakaroon ng pera mula sa negosyo at sa gayon ay nasusuportahan ang kanilang mga sarili…. Anumang trabaho ang piliin ng isang tao, paano man siya kumita: may kontrol ba ang mga tao tungkol sa kung sila ba ay gagawa ng tamang pagpili o maling pagpili? Sang-ayon ba sila sa kanilang mga pagnanais at mga kapasyahan? Karamihan sa mga tao ay nagnanais na makapagtrabaho nang kakaunti at kumita nang mas malaki, na hindi magtrabaho sa ilalim ng araw at ng ulan, manamit nang maganda, magningning at kuminang sa lahat ng dako, pangibabawan ang iba, at magdala ng karangalan sa kanilang mga ninuno. Ang mga hangarin ng tao ay napakaperpekto, subalit kapag ginawa na nila ang unang mga hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay, unti-unti nilang naiintindihan kung gaano ka-imperpekto ang tadhana ng tao, at sa kauna-unahang pagkakataon tunay nilang nauunawaan ang katotohanan na, bagaman maaaring makagawa ang isang tao ng mapangahas na mga plano para sa sariling kinabukasan, bagaman ang isang tao’y maaaring magtanim sa isip ng matapang na mga pantasya, walang sinuman ang may kakayahan o may kapangyarihan na isakatuparan ang kanyang sariling mga pangarap, walang sinuman ang nasa posisyon na kontrolin ang kanyang sariling kinabukasan. Palaging magkakaroon ng ilang agwat sa pagitan ng mga pangarap ng isang tao at ng mga realidad na dapat niyang harapin; ang mga bagay ay hindi kailanman ayon sa ninanais ng isang tao, at sa harap ng ganoong mga realidad hindi kailanman makakamit ng mga tao ang kasiyahan o katiwasayan. May ilang mga tao na gagawin ang anumang maaaring gawin, magpupunyagi nang husto at gagawa ng malaking mga sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga pinagkakakitaan at hinaharap, bilang pagtatangka na baguhin ang kanilang sariling kapalaran. Subalit sa katapusan, kahit na matupad nila ang kanilang mga pangarap at mga pagnanais sa pamamagitan ng kanilang sariling marubdob na paggawa, hindi nila kailanman mababago ang kanilang mga kapalaran, at gaano man kasidhi nilang subukin, hindi nila kailanman malalampasan ang itinakda sa kanila ng tadhana. Kahit ano pa ang mga pagkakaiba sa kakayahan, IQ, at paghahangad, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na hindi tumitingin sa pagkakaiba ng malaki o maliit, ng mataas o mababa, ng pinaparangalan o hinahamak. Ang hanapbuhay na sinisikap na matamo, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at gaano karami ang naiimpok niyang kayamanan sa buhay ay hindi napapagpasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, kundi ng itinadhana ng Manlilikha.
2. Pag-iwan sa Sariling mga Magulang at Seryosong Pag-uumpisa na Gampanan ang Sariling Papel sa Teatro ng Buhay
Kapag umabot ang isang tao sa ganap na gulang, maaari na niyang iwanan ang kanyang mga magulang at magsarili na, at dito sa puntong ito tunay na makakapag-umpisang gampanan ng isang tao ang sariling papel, na ang sarili niyang misyon sa buhay ay hindi na malabo at unti-unting nagiging maliwanag. Sa pangalan lamang nananatiling malapit na nakatali ang isang tao sa sariling mga magulang, subalit dahil ang sariling misyon at ang papel na ginagampanan niya ay walang kinalaman sa sarili niyang ina at ama, sa katunayan ang malapit na bigkis ay dahan-dahang napapatid habang ang isang tao ay unti-unting nagsasarili. Mula sa perspektibong byolohiko, hindi pa rin maiwasan ng mga tao ang umasa sa kanilang mga magulang sa mga nakatagong kamalayan, subalit sa tahasang pagsasalita, kapag sila’y malaki na, mayroon na silang mga buhay na ganap na nakahiwalay mula sa kanilang mga magulang, at gagampanan nila ang mga papel na kanilang natanggap nang nagsasarili. Maliban sa kapanganakan at pagpapalaki ng anak, ang tungkulin ng mga magulang sa buhay ng isang bata ay ang bigyan lang sila ng isang pormal na kapaligiran na kalalakihan nila, pagkat wala maliban sa itinadhana ng Manlilikha ang may kaugnayan sa kapalaran ng tao. Walang sinuman ang makakakontrol kung anong uri ang magiging kinabukasan ng isang tao; ito ay nauna nang naitadhana, at kahit na ang sariling mga magulang ay hindi mababago ang kapalaran ng isang tao. Kung patungkol sa kapalaran, ang bawa’t isa ay nagsasarili, at bawa’t isa ay may sariling kapalaran. Kung kaya walang mga magulang ninuman ang makakapagpatigil sa kapalaran sa buhay ng isang tao o makaka-impluwensya sa papel na gagampanan ng isang tao sa buhay. Maaaring masabi na ang pamilya kung saan naitadhanang maisilang ang isang tao, at ang kapaligiran na kinalalakihan niya, ay mga kondisyon lamang upang matupad niya ang sariling misyon sa buhay. Hindi ipinapasya ng mga ito, sa anumang paraan, ang kapalaran ng isang tao sa buhay o ang uri ng tadhana kung saan tinutupad ng isang tao ang kanyang misyon. Kung kaya’t walang mga magulang ninuman ang makakatulong sa kanya na matupad ang misyon niya sa buhay, walang kaanak ninuman ang makakatulong sa kanya na akuin ang sariling papel sa buhay. Kung paano isasagawa ng isang tao ang sariling misyon at sa anong uri ng pamumuhay sa kapaligiran niya isasaganap ang sarili niyang papel ay ganap na itinadhana na ng sariling kapalaran sa buhay. Sa ibang mga salita, walang ibang walang pinapanigang mga kondisyon ang makakaimpluwensya sa misyon ng isang tao, na itinadhana ng Manlilikha. Ang lahat ng tao ay nagkakagulang ayon sa kanilang sariling kinalakihang mga kapaligiran, pagkatapos, unti-unti, sa bawat hakbang, ay tumutungo sa sariling mga landas sa buhay, tinutupad ang mga tadhana na binalak para sa kanila ng Manlilikha, nang natural, hindi sinasadyang pumapasok sa malawak na karagatan ng sangkatauhan at inaako ang sariling mga papel sa buhay, kung saan masisimulan nila ang pagtupad sa kanilang mga katungkulan bilang mga nilalang para sa kapakanan ng pagtatadhana ng Manlilikha, para sa kapakanan ng Kanyang kapangyarihan.
Pag-aasawa: Ang Ikaapat na Sugpungan
Habang tumatanda ang isang tao at nagkakagulang, lalo siyang lumalayo mula sa sariling mga magulang at sa kapaligiran kung saan siya ipinanganak at pinalaki, at sa halip siya ay nagsisimulang humanap ng direksyon para sa sarili niyang buhay at kamtin ang mga layunin niya sa buhay sa paraan ng pamumuhay na iba sa sariling mga magulang. Sa panahong ito, hindi na kailangan ng isang tao ang sariling mga magulang, ngunit sa halip ay isang kapareha na makakasama niya sa buhay: isang asawa, isang tao kung kanino nakabigkis ang kanyang sariling kapalaran. Sa paraang ito, ang unang malaking pangyayari na kakaharapin niya pagkatapos ng pagsasarili ay ang pag-aasawa, ang ikaapat na sugpungan na dapat daanan ng isang tao.
1. Ang Isa ay Walang Pagpipilian tungkol sa Pag-aasawa
Ang pag-aasawa ay isang napakahalagang pangyayari sa buhay ninuman; ito ay panahon na nagsisimulang tunay na akuin ng isang tao ang iba’t ibang uri ng mga katungkulan, unti-unting nagsisimula na ganapin ang iba’t ibang uri ng misyon. May maraming ilusyon ang mga tao tungkol sa pag-aasawa bago nila ito maranasan, at lahat ng ilusyong ito ay magaganda. Inaakala ng mga kababaihan na ang kanilang kabiyak ay magiging si Prince Charming, at inaakala ng mga kalalakihan na sila’y magpapakasal kay Snow White. Ang mga pantasyang ito ay nagpapakita na ang bawat tao ay may tiyak na mga kinakailangan para sa pag-aasawa, mga sarili nilang hinihingi at pamantayan. Bagaman sa masamang kapanahunang ito, ang mga tao ay tuluy-tuloy na binobomba ng baluktot na mga mensahe tungkol sa pag-aasawa, na lumilikha ng mas marami pang karagdagang kinakailangan at nagbibigay sa mga tao ng lahat ng uri ng pasanin at kakaibang mga saloobin, alam ng sinumang nakaranas ng pag-aasawa na anuman ang pagkakaunawa ng isang tao dito, anuman ang saloobin niya tungkol dito, ang pag-aasawa ay hindi isang bagay na pininipili ng isang indibidwal.
Maraming tao ang nakakaharap ng isang tao sa kanyang buhay, subalit walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang magiging kapareha niya sa pag-aasawa. Bagaman ang lahat ay may kani-kanilang sariling mga palagay at personal na pananaw tungkol sa paksa ng pag-aasawa, walang sinuman ang maaaring makahula kung sino sa wakas ang magiging kanilang tunay na kabiyak, at walang saysay ang sariling mga haka-haka. Matapos makatagpo ang isang taong gusto mo, maaari mong habulin ang taong iyon; subalit kung interesado ba ang taong iyon sa iyo, kung siya ba ay maaaring maging kapareha mo, ay hindi ikaw ang magpapasya. Ang nilalayon ng iyong pagsinta ay hindi kinakailangan ang taong iyong makakabahagi sa iyong buhay; samantala may isang kailanman’y hindi mo inaasahang darating nang tahimik sa iyong buhay at magiging iyong kapareha, magiging pinakamahalagang elemento sa iyong kapalaran, ang iyong kabiyak, kung kanino nakabigkis nang mahigpit ang iyong kapalaran. Kung kaya, bagaman milyun-milyon ang pag-aasawa sa mundo, bawat isa ay iba: Gaano karaming mga pag-aasawa ang hindi kasiya-siya, gaano karami ang maligaya; gaano karami ang masusukat sa Silangan at Kanluran, gaano karami sa Hilaga at Timog; gaano karami ang perpektong mga tambalan, gaano karami ang pantay na ranggo; gaano karami ang maligaya at nagkakasundo, gaano karami ang nasasaktan at nagdadalamhati; gaano karami ang kinaiinggitan ng iba, gaano karami ang mali ang pagkakaintindi at minamaliit; gaano karami ang puno ng kaligayahan, gaano karami ang lumuluha at sanhi ng kawalan ng pag-asa.… Sa hindi mabibilang na mga pag-aasawang ito, ibinubunyag ng mga tao ang katapatan at panghabambuhay na pangako sa pag-aasawa, o pagmamahal, pagkagiliw, at kawalan ng kakayahang maghiwalay, o pagbibitiw at kawalan ng pag-unawa, o pagkakanulo dito, pati na ng pagkamuhi. Kung ang pag-aasawa mismo ay magdadala ng kaligayahan o sakit, ang misyon ng bawat isa sa pag-aasawa ay itinadhana ng Manlilikha at hindi mababago; bawat isa ay dapat tupdin ito. At ang indibidwal na kapalaran na nasa likod ng bawat pag-aasawa ay hindi nagbabago; matagal na itong itinadhana ng Manililikha.
2. Ang Pag-aasawa ay Isinilang sa mga Kapalaran ng Dalawang Magkapareha
Ang pag-aasawa ay isang mahalagang sugpungan sa buhay ng isang tao. Ito ay bunga ng kapalaran ng isang tao, isang mahalagang kawing sa kapalaran niya; ito ay hindi itinatag sa pagkukusa o mga kagustuhan ng sinumang tao, at hindi naiimpluwensiyahan ng anumang panlabas na mga kadahilanan, ngunit ganap na ipinapasya ng mga kapalaran ng dalawang panig, sa pamamagitan ng mga pagsasaayos at pagtatadhana ng Manlilikha hinggil sa mga kapalaran ng magkapareha. Sa ibabaw nito, ang layunin ng pag-aasawa ay ipagpatuloy ang sangkatauhan, ngunit ang katotohanan ang pag-aasawa ay walang iba kundi isang ritwal na dinadaanan ng isang tao sa proseso ng pagtupad sa sariling misyon. Ang mga papel na ginagampanan ng mga tao sa pag-aasawa ay hindi lamang sa pag-aaruga sa susunod na henerasyon; ang mga ito ay iba’t ibang papel na inaako ng isang tao at ng mga misyon na dapat niyang tupdin sa proseso ng pagpapanatili sa isang pag-aasawa. Yamang ang sariling kapanganakan ay nakakaimpluwensiya sa pagbabago sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa paligid ng isang tao, ang pag-aasawa niya ay hindi rin maiiwasang makaapekto sa kanila, at saka, babaguhin sila sa iba’t ibang di-magkakatulad na paraan.
Kapag ang isang tao ay nagsasarili, sinisimulan niya ang kanyang sariling paglalakbay sa buhay, na umaakay sa kanya sa bawat hakbang patungo sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na kaugnay ng kanyang pag-aasawa; at kasabay nito, ang kaparehang bubuo sa pag-aasawahang ito ay papalapit, sa bawat hakbang, tungo sa parehong mga tao, pangyayari at mga bagay. Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, ang dalawang di-magkaanu-ano na makikibahagi sa magkaugnay na kalaparan ay unti-unting pumasok sa pag-aasawa at magiging, mahimala, isang pamilya, “dalawang balang na kumakapit sa parehong tali.” Kaya kapag ang isa ay pumasok sa pag-aasawa, ang paglalakbay niya ay makakaimpluwensya at makakaantig sa kanyang kabiyak, at ganoon din ang paglalakbay ng kapareha sa buhay ay makakaimpluwensiya at makakaantig sa kanyang kapalaran sa buhay. Sa ibang salita, ang kapalaran ng mga tao ay magkakaugnay sa isa’t isa, at walang sinuman ang makakatupad ng misyon ng isang tao sa buhay o makakaganap sa kaniyang papel nang walang ugnayan sa iba. Ang sariling kapanganakan ay may kinalaman sa malaking tanikala ng mga ugnayan; ang paglaki ay kinasasangkutan din ng isang masalimuot na tanikala ng mga ugnayan; at katulad nito, ang pag-aasawa ay di-maiiwasang umiral at mapanatili sa isang malawak at masalimuot na sapot ng mga koneksyon ng tao, sinasangkot ang bawat kaanib at nakakaimpluwensiya sa kapalaran ng bawat isang bahagi nito. Ang pag-aasawa ay hindi bunga ng mga pamilya ng kapwa miyembro, ang mga kalagayan na kinalakhan nila, ang kanilang mga anyo, ang kanilang mga edad, ang kanilang mga katangian, ang kanilang mga talento, o anumang mga kadahilanan; sa halip, ito ay nagmumula sa isang pinagsaluhang misyon at isang magkaugnay na kapalaran. Ito ang pinanggalingan ng pag-aasawa, isang bunga ng kapalaran ng tao na pinagtugma at isinaayos ng Manlilikha.
Supling: Ang Ikalimang Sugpungan
Pagkatapos mag-asawa, ang isa tao’y nagsisimula nang pangalagaan ang susunod na henerasyon. Walang masasabi ang isang tao kung gaano kadami at anong uri ng mga anak na mayroon siya; ito rin ay pinagpapasyahan ng kapalaran ng isang tao, itinadhana ng Manililikha. Ito ang ikalimang sugpungan na dapat madaanan ng isang tao.
Kapag ang isang tao ay ipinanganak upang punan ang papel ng anak ng iba, samakatwid nag-aalaga siya ng susunod na henerasyon upang punan ang papel ng magulang ng iba. Ang paghahaliling ito ng mga papel ang magpaparanas sa kanya ng iba-ibang aspeto ng buhay mula sa iba-ibang mga perspektibo. Binigyan din nito ang isang tao ng iba-ibang pulutong ng mga karanasan sa buhay, kung saan makikilala niya ang pareho ring dakilang kapangyarihan ng Manililikha, gayundin ang katunayan na walang sinuman ang maaaring makialam o magpalit sa pagtatadhana ng Manlilikha.
1. Walang Kontrol ang Isang Tao sa Mangyayari sa Sariling Supling
Ang kapanganakan, paglaki, at pag-aasawa ay lahat naghahatid ng iba’t ibang uri at iba’t ibang antas ng kabiguan. Ilang mga tao ang di-nasisiyahan sa kanilang mga pamilya o sa kanilang pisikal na anyo; ilang mga tao ay hindi gusto ang kanilang mga magulang; ang ilan ay nagdaramdam o kaydaming di-sinasang-ayunan sa kapaligiran na kinalakihan nila. At karamihan sa mga tao, sa lahat ng kabiguang ito ang pag-aasawa ang pinaka-hindi kasiya-siya. Kahit gaano pa di-kasiya-siya ang kapanganakan ng isang tao, ang paglaki niya, o pag-aasawa niya, alam ng bawat isang dumaan na sa mga ito na hindi mapipili ng isang tao kung saan at kailan siya ipapanganak, ano ang hitsura niya, sino ang kanyang mga magulang, at sino ang kanyang kabiyak, ngunit dapat tanggapin lang ang kalooban ng Langit. Subalit kapag dumating na ang panahon upang mag-aruga ang mga tao ng susunod na henerasyon, kanilang ipapanukala ang lahat ng kanilang di-natupad na mga pagnanais sa unang bahagi ng kanilang buhay sa kanilang mga inapo, umaasa na ang kanilang mga supling ay makakabawi sa lahat ng kabiguan na naranasan nila sa unang bahagi ng kanilang mga buhay. Kung kaya nagpapasasa ang mga tao sa lahat ng uri ng mga pantasiya tungkol sa kanilang mga anak: na ang kanilang mga anak na babae ay lalaki na nakamamanghang mga dilag, na ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging makikisig na ginoo; na ang kanilang mga anak na babae ay magkakaroon pinag-aralan at makakaroon ng mga talento at ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging mga napakatalinong mag-aaral at maningning na atleta; na ang kanilang mga anak na babae ay magiging magiliw, mabait, at matino, ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging matalino, mahusay, at madaling makaramdam. Inaasahan nila na mapababae o mapalalaki ang kanilang anak, igagalang ng mga ito ang nakakatanda sa kanila, magiging maalalahanin sa kanilang mga magulang, mamahalin at pupurihin ng lahat. … Sa puntong ito, ang pag-asa sa buhay ay bumubukal nang panibago, at nag-aalab ang bagong mga pagsinta sa puso ng mga tao. Alam ng mga tao na sila’y walang kapangyarihan at walang-pag-asa sa buhay na ito, na hindi na sila magkakaroon ng ibang pagkakataon, ng ibang pag-asa, mamumukod tangi sa iba, at wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang kanilang mga kapalaran. At kaya kanilang ipinapanukala ang lahat ng kanilang pag-asa, ang kanilang di-natupad na mga pagnanais at mga mithiin, sa susunod na henerasyon, umaasa na ang kanilang supling ay makakatulong sa kanila na makamit ang kanilang mga pangarap at matupad ang kanilang mga naisin; na ang kanilang mga anak na babae at mga anak na lalaki ay magdadala ng karangalan sa pangalan ng pamilya, magiging importante, mayaman, o bantog; sa madaling salita, nais nilang makita na pumapailanlang ang tagumpay ng kanilang mga anak. Ang mga plano at mga pantasya ng mga tao ay perpekto; hindi ba nila alam na ang bilang ng mga anak na mayroon sila, ang anyo ng kanilang mga anak, mga kakayahan, at iba pa, ay hindi nila mapagpapasyahan, na ang mga kapalaran ng kanilang mga anak ay wala sa kanilang mga palad? Ang mga tao ay hindi mga panginoon ng kanilang sariling kapalaran, ngunit umaasa sila na mababago nila ang mga kapalaran ng mga mas nakababatang henerasyon; wala silang kapangyarihan na takasan ang kanilang sariling mga kapalaran, ngunit sinusubukan nilang kontrolin yaong sa kanilang mga anak na lalaki at mga anak na babae. Hindi kaya nasosobrahan ang tiwala nila sa kanilang mga sarili? Hindi ba ito kahangalan at kamangmangan ng tao? Ang lahat ay gagawin ng mga tao para sa kapakanan ng kanilang supling, subalit sa katapusan, kung gaano kadami ang anak na mayroon ang isang tao, at kung ano ang uri ng mga anak mayroon sila, ay hindi tumutugon sa kanilang mga plano at mga naisin. Ang ilang mga tao ay walang pera subalit nagkakaanak ng marami; ang ilang mga tao ay mayaman, ngunit walang anak. Ang ilan ay gusto ng isang anak na babae ngunit tinanggihan ang ganoong nais; ang ilan ay gusto ng isang anak na lalaki ngunit bigong magkaanak ng lalaki. Para sa ilan, ang mga anak ay isang pagpapala; para sa iba, sila ay isang sumpa. Ang ilang mga mag-asawa ay matatalino, ngunit nagkakaanak ng hangal na mga bata; ilang mga magulang ay masisipag at matapat, ngunit ang mga anak ay lumaking mga tamad. Ang ilang mga magulang ang mabait at matuwid subalit may mga anak na naging mapanlinlang at malupit. Ang ilang mga magulang ay matino ang isip at katawan subalit nagkakaanak ng mga maykapansanan. Ilang mga magulang ay pangkaraniwan at di-matagumpay datapwat may mga anak na nakakatamo ng mga mahahalagang bagay. Ang ilang mga magulang ay mababa ang kinalalagyan datapwat may mga anak na umangat sa kabantugan. …
2. Pagkatapos Palakihin ang Susunod na Henerasyon Nakakatamo ang mga Tao ng Bagong Pagkaunawa ng Kapalaran
Karamihan sa mga tao na nag-aasawa ay ginagawa ito sa mga edad tatlumpu, at sa puntong ito ng buhay, ang isang tao’y walang anumang pagkaunawa sa tadhana ng tao. Subalit kapag ang mga tao ay nagsimulang magpalaki ng mga anak, habang ang kanilang supling ay lumalaki, minamasdan nila ang bagong henerasyon na inuulit ang buhay at lahat ng karanasan ng nakaraang henerasyon, at nakikita nila na ang kanilang sariling mga nakaraan na nasasalamin sa kanila at natatanto na ang daan na nilalakaran ng mas batang henerasyon, tulad din ng sa kanila, ay hindi maaaring planuhin at piliin. Nahaharap sa ganitong katotohanan, wala silang pagpipilian kundi aminin na ang bawat kapalaran ng tao ay naitadhana; at nang hindi ganap na natanto ito unti-unti nilang isinasantabi ang sarili nilang mga pagnanais, at ang mga kinahihiligan ng kanilang mga puso ay nalulunod at namamatay…. Sa panahong ito, ang isang tao ay nakalampas na, sa pinakamalaking bahagi, sa mahahalagang pagsubok sa buhay at nakamit na ang isang bagong pagkaunawa ng buhay, nagkaroon ng isang bagong saloobin. Gaano karami ang maaaring asahan sa hinaharap ng isang tao sa ganitong edad at ano ang mga posibilidad nila? Sinong limampung-taong-gulang na babae ang nangangarap pa rin kay Prince Charming? At sinong limampung-taong-gulang na lalaki ang naghahanap pa rin sa kanyang Snow White? Sinong nasa katanghaliang-gulang na babae ang umaasa pa rin na mula sa pagiging pangit na sisiw ng pato siya ay magiging isang sisne? Ang karamihan ba sa mga nakakatandang lalaki ay mayroong parehong mithiin tulad ng mga kabataang lalaki? Sa kabuuan, lalaki man o babae ang isang tao, ang sinumang namumuhay sa edad na ito ay malamang may makatwiran, praktikal na saloobin sa pag-aasawa, pamilya, at mga anak. Ang ganoong tao ay talagang walang natitirang pagpipilian, walang simbuyo na hamunin ang kapalaran. Sa ganang karanasan ng tao, sa sandaling nakarating ang isang tao sa edad na ito, siya ay natural na bumubuo ng ganitong saloobin: “Dapat tanggapin ng isang tao ang kapalaran; ang mga anak niya ay may sariling suwerte; ang kapalaran ng tao ay itinadhana ng Langit.” Karamihan sa mga tao na hindi nakakaunawa ng katototohanan, matapos malampasan ang lahat ng malaking pagbabago, mga pagkasiphayo, at mga paghihirap sa mundong ito, ay ibubuod ang kanilang mga pananaw sa buhay ng tao sa dalawang salita: “Yao’y kapalaran!” Bagaman ang pariralang ito ay nagbubuod sa makamundong konklusyon at pagkatanto ng mga tao tungkol sa kapalaran ng tao, bagaman ipinapahayag nito ang kawalang kakayanan ng sangkatauhan at masasabi na naging matalim at tumpak, ito’y napakalayo sa isang pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at ito ay talagang hindi pamalit sa isang kaalaman sa awtoridad ng Manililkha.
3. Ang Paniniwala sa Kapalaran ay Hindi Pamalit sa Isang Kaalaman sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha
Matapos maging isang tagasunod ng Diyos nang napakaraming mga taon, mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng inyong kaalaman sa kapalaran at yaong sa makamundong mga tao? Tunay ba ninyong nauunawaan ang pagtatadhana ng Manlilikha, at tunay ba ninyong nakikilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha? May ilang mga tao ang may malalim, taos-pusong nadaramang pagkaunawa sa pariralang “yao’y kapalaran,” subalit hindi sila nananalig man lamang sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi naniniwala na ang kapalaran ng tao ay inihanda at isinaayos ng Diyos, at hindi pumapayag na pasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga ganoong tao ay para bang natangay ng agos ng dagat, hinampas ng mga alon, lumulutang sa agos, walang magawa kundi ang maghintay nang walang kibo at isuko ang kanilang mga sarili sa kapalaran. Ngunit hindi nila nakikilala na ang kapalaran ng tao ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nila maaaring matalos ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa sarili nilang pagkukusa, at sa gayon makamit ang kaalaman sa awtoridad ng Diyos, pasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos, huminto sa paglaban sa kapalaran, at mamuhay sa ilalim ng pangangalaga, proteksyon, at paggabay ng Diyos. Sa ibang salita, ang pagtanggap sa kapalaran ay hindi katulad ng pagpapasakop sa kapangyarihan ng Manlilikha; ang paniniwala sa kapalaran ay hindi nangangahulugang tinatanggap, kinikilala, at alam ng isang tao ang kapangyarihan ng Manlilikha; ang paniniwala sa kapalaran ay ang pagkilala lang sa katotohanang ito at sa panlabas na pambihirang pangyayari, na iba sa pag-alam kung paano pinamamahalaan ng Manlilikha ang kapalaran ng sangkatauhan, mula sa pagkilala na ang Manlilikha ang pinagmumulan ng dominyon sa lahat ng kapalaran ng lahat ng bagay, at higit pa mula sa pagpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha para sa kapalaran ng sangkatauhan. Kapag ang isang tao ay naniniwala lamang sa kapalaran—kahit malalim ang saloobin niya dito—ngunit hindi sa gayon nakakaalam, nakakakilala, napapasailalim, at tinatanggap ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa kapalaran ng sangkatauhan, samakatwid ang buhay niya magkagayunpaman ay magiging isang trahedya, isang buhay na isinasabuhay nang walang saysay, isang kawalan; siya ay hindi pa rin mapapasailalim sa dominyon ng Manlilikha, upang maging isang nilikhang nilalang sa pinakatotoong kahulungan ng parirala, at tamasahin ang pagsang-ayon ng Manlilikha. Ang isang tao na tunay na nakatatalos at nakakaranas sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay dapat aktibo, hindi walang-kibo o nasa kawalang-kakayahang estado. Habang sabay na tinatanggap na lahat ng bagay ay itinadhana, siya ay dapat magtaglay ng isang tumpak na kahulugan ng buhay at kapalaran: na ang bawat buhay ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Manlilkha. Kapag ang isang tao ay lumingon sa daan na kanyang tinahak, kapag ginugunita niya ang bawat yugto ng kanyang paglalakbay, makikita niya na sa bawat hakbang, nakakapagod man o magaan ang landas ng isang tao, ang Diyos ay gumagabay sa daanan ng isang tao, pinaplano ito. Ang maingat na mga pagsasayos ng Diyos, ang Kanyang maingat na pagpaplano, ang umakay sa tao, nang di niya nalalaman, tungo sa ngayon. Upang matanggap ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, upang matanggap ang Kanyang pagliligtas—anong dakilang kayamanan yaon! Kapag ang saloobin ng isang tao sa kapalaran ay pagsasawalang-kibo, pinapatunayan nito na siya ay tumututol sa lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanya, na siya ay walang isang masunuring saloobin. Kapag ang saloobin ng isang tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay aktibo, samakatwid kapag nilingon niya ang sarili niyang paglalakbay, kapag tunay na maunawaan niya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, siya ay magiging mas seryosong magnanais na pasailalim sa lahat na isinasaayos ng Diyos, magkakaroon ng mas higit na pagpupunyagi at pagtitiwala na hayaan ang Diyos na isaayos ang kanyang kapalaran, huminto sa pagrerebelde laban sa Diyos. Pagkat nakikita ng isang tao na kapag hindi niya naiintindihan ang kapalaran, kapag hindi niya nauunawaan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, kapag nangangapa siya nang pasulong nang kusang-loob, pasuray-suray at pagiray-giray, sa kalituhan, ang paglalakabay ay napakahirap, masyadong nakakasakit ng damdamin. Kung kaya’t kapag nakilala ng mga tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin ito at tanggapin ito, na magpaalam sa masasakit na araw nang sinubukan nilang magtatag ng isang mabuting buhay sa sarili nilang dalawang mga kamay, sa halip na ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa kapalaran at tuntunin ang kanilang tinatawag na mga layunin sa buhay sa sarili nilang kaparaanan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya Siya nakikita, kapag hindi niya malinaw na nakikilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang-halaga, kahabag-habag. Saanman naroroon ang isang tao, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanapbuhay niya at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala lamang sa kanya ng walang-katapusang sakit ng damdamin at di-maibsang pagdurusa, kung kaya hindi niya kayang lumingon. Tanging kapag tinanggap lamang ng isang tao ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, pasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at hahanapin ang tunay na buhay ng tao, na siya ay unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, mapapagpag ang lahat ng kahungkagan sa buhay.
4. Tanging Yaong mga Nagpapasailalim sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ang Maaaring Makatamo ng Tunay na Kalayaan
Dahil hindi kinikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may panlalaban, kasama ang isang suwail na saloobin, at palaging nais na isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasang walang-kabuluhan na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit hindi kailanman sila magtatagumpay; sila ay nahahadlangan sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay. Ano ang sanhi ng sakit na ito? Dahil ba sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay di-masuwerteng naipanganak? Malinaw na alinman ay hindi totoo. Sa ilalim nito, ito ay dahil sa mga daan na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay. May ilang mga tao na maaaring hindi natanto ang mga bagay na ito. Subalit kapag tunay mong alam, kapag tunay mong nakilala na ang Diyos ay may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, kapag tunay mong nauunawaan na ang lahat na naplano at napagpasyahan ng Diyos para sa iyo ay isang malaking benepisyo, at isang malaking proteksyon, pagkatapos ang iyong sakit ay unti-unting gagaan, at ang buo mong pagkatao ay magiging maalwan, malaya, napalaya. Batay sa mga estado ng karamihan sa mga tao, bagaman sa panariling antas hindi nila nais na manatiling namumuhay tulad ng dati, bagaman nais nila ng kaluwagan mula sa kanilang sakit, talagang hindi nila maaaring tunay na mauunawaan ang praktikal na kahalagahan at kahulugan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa kapalaran ng tao; talagang hindi nila makilala at nagpapasakop sa kapangyarihan ng Manlilikha, mas lalo pang hindi alam kung paano hahanapin at tatanggapin ang mga pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha. Kung kaya kapag hindi talaga makilala ng mga tao ang katotohanan na ang Manlilikha ay may dakilang kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay na pantao, kung hindi sila tunay na makapagpapasakop sa dominyon ng Manlilikha, samakatwid magiging mahirap para sa kanila ang mahimok ng, at mapigilan ng, paniniwala na “ang kapalaran ng isang tao ay nasa sa kanyang mga kamay,” magiging mahirap para sa kanila na ipagpag ang sakit ng kanilang matinding pakikibaka laban sa kapalaran at sa awtoridad ng Manlilikha, at di-na kailangang sabihin pa na magiging mahirap din para sa kanila ang maging tunay na napalaya at nakalagan, maging mga taong sumasamba sa Diyos. May isang pinakasimpleng paraan upang mapalaya ang sarili mula sa ganitong katayuan: ang magpaalam sa dating sariling paraan ng pamumuhay sa buhay, na magsabi ng paalam sa sariling dating mga layunin sa buhay, lagumin at suriin ang sariling dating istilo ng pamumuhay, pilosopiya, mga pagsusumikap, mga pagnanais, at mga minimithi, at pagkatapos ay ihambing sila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos sa tao, at tingnan kung tugma ang alinman sa kanila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos, kung may alinman sa kanila ang naghahatid ng mga tamang prinsipyo sa buhay, nagdadala sa isang tao sa isang mas malaking pagkaunawa sa katotohanan, at hinahayaan siya na mamuhay kasama ang sangkatauhan at na kalarawan ng tao. Kapag paulit-ulit mong siniyasat at maingat na sinuri ang iba’t-ibang mga layunin sa buhay na kinakamit ng mga tao at ang kanilang sari-saring magkakaibang paraan ng pamumuhay, matutuklasan mo na ni isa sa kanila ay hindi akma sa orihinal na layon ng Manlilikha nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Lahat sila ay naglalayo sa mga tao mula sa dakilang kapangyarihan at pangangalaga ng Manlilikha; lahat sila ay mga hukay na kinababagsakan ng sangkatauhan, at siyang nagbubulid sa kanila sa impiyerno. Matapos mong makilala ito, ang gawain mo ay isantabi ang iyong lumang pagtanaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mag-alaga sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyo, subukan lamang na magpasailalim sa mga pagsasaayos at paggabay ng Diyos, na magkaroon ng walang pagpipilian, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos. Madali itong pakinggan, ngunit isang bagay na mahirap gawin. May ilang mga tao ang maaaring matiis ang sakit nito, ang iba’y hindi. May ilan na handang sumunod, ang iba ay hindi. Yaong mga hindi handa ay kulang sa pagnanais at sa kapasiyahan na gawin ito; sila ay malinaw na nakababatid sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, alam na alam na ang Diyos ang Siyang nagpaplano at nagsasaayos ng kapalaran ng tao, gayunman ay patuloy na sumisipa at nakikibaka, hindi pa rin handang ilagay ang kanilang mga kapalaran sa palad ng Diyos at magpasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at dagdag pa, naghihinanakit sila sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos. Kung kaya palaging magkakaroon ng ilang mga tao na nagnanais makita ang kanilang mga sarili kung ano ang kaya nilang gawin; nais nilang baguhin ang kanilang mga kapalaran sa sarili nilang dalawang mga kamay, o makamit ang kaligayahan sa ilalim ng kanilang sariling kapangyarihan, na makita kung malalampasan nila ang hangganan ng awtoridad ng Diyos at pangibabawan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang kalungkutan ng tao ay hindi ang paghahanap ng tao ng maligayang buhay, hindi sa hinahangad niya ang katanyagan at tagumpay o mga pakikibaka laban sa kanyang sariling kapalaran sa kalituhan, subalit pagkatapos niyang makita ang pag-iral ng Manlilikha, matapos niyang matutunan ang katotohanan na ang Manlilikha ang may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, maaaring hindi pa rin niya maiwasto ang kanyang mga paraan, hindi maalis ang kanyang mga paa sa pusali, ngunit pinatitigas ang kanyang puso at nagpupumilit sa kanyang mga pagkakamali. Mas nanaisin pa niyang magpatuloy sa paghahaplit sa putikan, matigas ang ulong nakikipagpaligsahan sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, tinututulan ito hanggang sa mapait na katapusan, wala ni katiting na pagsisisi, at tanging kapag siya’y nakahigang wasak at nagdurugo saka siya nagpapasyang sumuko at bumalik. Ito ang tunay na pighati ng tao. Kaya sinasabi ko, yaong pinipili ang magpasailalim ay matatalino, at yaong pinipili ang tumakas ay sutil.
Kamatayan: Ang Ikaanim na Sugpungan
Matapos ang kayraming pagtutulakan at pagmamadalian, napakaraming mga pagkadismaya at mga kabiguan, matapos ang napakaraming galak at kalungkutan at mga tagumpay at mga kabiguan, matapos ang napakaraming di-malilimutang mga taon, matapos ang pagmamasid sa mga panahon na umiikot muli’t muli, dumadaan ang isang tao sa mahahalagang pangyayari sa buhay nang hindi napapansin, at lahat sa isang iglap natatagpuan niya ang kanyang sarili na tumatanda na. Ang mga marka ng panahon ay nakatatak sa lahat ng bahagi ng katawan ng isang tao: Ang isa tao’y hindi na makatayo nang tuwid, ang itim na buhok sa ulo ay nagiging puti, ang mga maliliwanag at malinaw na mga mata ay nagdidilim at nanlalabo, ang makinis, malambot na balat ay nagiging kulubot at batik-batik. Ang pandinig ng isa ay humihina, ang mga ngipin ay lumuluwag at nalalaglag, ang mga reaksyon ay naaantala, ang mga kilos ay bumabagal…. Sa puntong ito, ang isang tao ay ganap na nakapagpaalam na sa masidhing mga taon ng kanyang kabataan at pumasok na sa takipsilim ng kanyang buhay: ang katandaan. Susunod, kakaharapin ng isa ang kamatayan, ang huling sugpungan sa buhay ng tao.
1. Tanging ang Manlilikha ang may Kapangyarihan sa Buhay at Kamatayan ng Tao
Kung ang kapanganakan ng isa ay naitadhana ng nakaraan niyang buhay, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng tadhanang yaon. Kung ang kapanganakan ng isang tao ay simula ng isang misyon sa buhay na ito, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng misyong yaon. Yamang ang Manlilikha ang nagtadhana ng isang nakapirming hanay ng mga pangayayari para sa kapanganakan ng isang tao, malinaw na Siya rin ang nagsaayos ng isang pirming hanay ng mga pangyayari para sa kamatayan niya. Sa ibang salita, walang sinuman na ipinanganak na nagkataon lang, walang kamatayan ang hindi inaasahan, at kapwa ang kapanganakan at kamatayan ay kinakailangang konektado sa nakaraan at kasalukuyang buhay ng isang tao. Ang mga pangyayari ng kapanganakan at kamatayan niya ay kapwa itinadhana ng Manililikha; ito ang tadhana ng isang tao, ang kapalaran ng isang tao. Gaya ng maraming masasabi tungkol sa kapanganakan ng isa, ang kamatayan ng bawat tao ay magaganap sa ilalim ng magkakaibang hanay ng espesyal na mga pangyayari, kung kaya may magkakaibang haba ng buhay ang mga tao at magkakaibang kaparaanan at mga oras ng kanilang mga kamatayan. May ilang mga tao na malakas at malusog ngunit namamatay nang maaga; ang mga iba ay mahina at masasaktin ngunit nabubuhay hanggang sa tumanda, at namamatay nang mapayapa. Ang ilan ay namamatay sa di-natural na mga sanhi, ang iba’y sa natural. Ang ilan ay tinatapos ang kanilang mga buhay nang malayo sa tahanan, ang iba’y ipinipikit ang mga mata kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang ilang tao ay namamatay sa himpapawid, ang iba’y sa ilalim ng lupa. Ang ilan ay lumulubog sa ilalim ng tubig, ang iba’y nawawala sa mga kapahamakan. Ang ilan ay namamatay sa umaga, ang iba sa gabi. … Ang lahat ay nagnanais ng isang tanyag na kapanganakan, isang maningning na buhay, at isang maluwalhating kamatayan, subalit walang sinuman ang makakawala sa sarili niyang tadhana, walang sinuman ang maaaring makatakas sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Ito ang kapalaran ng tao. Maaaring gawin ng tao ang lahat ng uri ng mga plano para sa kanyang kinabukasan, subalit walang sinuman ang maaaring makapagplano ng kaparaanan at panahon ng kanyang kapanganakan at ng kanilang pag-alis mula sa mundo. Bagaman ginagawa ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya upang iwasan at tutulan ang pagdating ng kamatayan, datapwat ganoon pa rin, lingid sa kanila, ang kamatayan ay tahimik na darating. Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan sila mamamatay o kung paano sila mamamatay, lalong hindi alam kung saan magaganap iyon. Nang walang alinlangan, hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi isang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Manlilikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, subalit isang kinahinatnan ng kapangyarihan ng awtoridad ng Manlilikha.
2. Ang Hindi Nakakaalam sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ay Hindi Patatahimikin ng Takot sa Kamatayan
Kapag ang isa ay pumasok sa katandaan, ang hamon na kinakaharap niya ay hindi ang paglalaan para sa isang pamilya o pagtatatag niya ng maringal na mga ambisyon sa buhay, kundi kung paano mamamaalam sa sariling buhay, kung paano kakatagpuin ang pagtatapos ng sariling buhay, kung paano tutuldukan ang sariling pag-iral. Bagaman sa ibabaw tila ang mga tao ay nagbibigay ng kaunting atensyon sa kamatayan, walang sinuman ang maaaring makaiwas na siyasatin ang paksa, pagkat walang sinuman ang nakakaalam kung may isa pa ngang mundo sa malayong gilid ng kamatayan, isang mundo na hindi maaaring mahiwatigan o maramdaman ng mga tao, isa na wala silang alam. Ito ang sanhi ng takot ng tao na tuwirang harapin ang kamatayan, takot na kaharapin ito ayon sa nararapat, at sa halip gagawin nila ang lahat upang maiwasan ang paksa. At kung kaya pinupuno nito ang mga tao ng pangamba tungkol sa kamatayan, at nagdadagdag ng belo ng misteryo sa di-maiiwasang katotohanang ito ng buhay, naglalagay ng isang walang-puknat na anino sa bawat puso ng tao.
Kapag nararamdaman ng isang tao na ang kanyang katawan ay nanghihina na, kapag nadarama niya na siya ay papalapit na sa kamatayan, nakakaramdam siya ng malabong pangamba, isang di-maipahayag na takot. Ang takot sa kamatayan ay nagpapadama sa isang tao ng mas matindi pang kalungkutan at kawalang-magawa, at sa puntong ito tinatanong niya sa sarili: Saan nanggaling ang tao? Saan papunta ang tao? Sa ganito ba mamamatay ang tao, na ang buhay ay madaling lumipas sa kanya? Ito ba ang yugto na nagtatakda sa katapusan ng buhay ng tao? Ano, sa katapusan, ang kahulugan ng buhay? Ano ang halaga ng buhay, sa wakas? Tungkol ba ito sa katanyagan o karangyaan? Tungkol ba ito sa pagpapalaki ng isang pamilya? ... Kahit ano pa ang napag-iisipan tungkol sa tiyak na mga katanungang ito, kahit gaano kalalim ang takot ng isa sa kamatayan, sa mga kaibuturan ng puso ng bawat tao may palaging isang pagnanais na siyasating maigi ang mga misteryo, isang damdamin ng kawalang pagkaunawa sa buhay, at kahalo ng mga ito, pagkasentimental tungkol sa mundo, isang pag-aatubili na lumisan. Marahil walang sinuman ang makakapagbigkas nang malinaw kung ano ang kinatatakutan ng tao, kung ano ang nais siyasatin ng tao, kung ano ang dinaramdam niya at kung ano ang pinag-aatubilihan niyang iwan. …
Dahil sa takot nila sa kamatayan, ang mga tao ay masyadong nag-aalala; dahil sa takot nila sa kamatayan, kaydaming hindi nila mabitawan. Kapag sila ay mamamatay na, may ilang mga tao ang naliligalig tungkol sa ganito o sa ganoon; nag-aalala sila tungkol sa kanilang mga anak, mga minamahal nila sa buhay, kanilang kayamanan, na para bang sa pamamagitan ng pag-aalala mabubura nila ang paghihirap at pangamba na dinadala ng kamatayan, na para bagang sa pagpapanatili ng isang uri ng pagkakalapit sa nabubuhay maaari nilang matakasan ang kawalang-magawa at kalungkutan na sumasama sa kamatayan. Sa kailaliman ng puso ng tao doon nakahimlay ang isang unang takot, isang takot na malayo mula sa mga minamahal, na hindi na kailanman muling makikita ng mga mata ang mga bughaw na kalangitan, na kailanman hindi na matitingnan ang materyal na mundo. Ang isang nalulungkot na kaluluwa, sanay na kasama ang mga minamahal, ay nag-aatubili na pakawalan ang hawak nito at lumisan, na nag-iisa, tungo sa isang di-nakikilala, hindi pamilyar na mundo.
3. Ang Buhay na Iginugol sa Paghahanap ng Katanyagan at Yaman ay Iiwan ang Isang Tao na Nalilito sa Harap ng Kamatayan
Dahil sa dakilang kapangyarihan at pagtatadhana ng Manlilikha, ang isang nalulungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang anuman sa pangalan niya ay magkakaroon ng mga magulang at isang pamilya, ng pagkakataon na maging kaanib ng sangkatauhan, ng pagkakataon na maranasan ang buhay ng tao at makita ang mundo; at matatamo rin ang pagkakataon na maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, malaman ang kahanga-hangang paglikha ng Manlilikha, at higit sa lahat, malaman at mapasailalim sa awtoridad ng Manlilikha. Subalit karamihan sa mga tao ay hindi tunay na iniintindi ang pambihira at madaling lumipas na pagkakataong ito. Ang isa tao’y umuubos ng isang panghabambuhay na halaga ng enerhiya sa paglaban sa kapalaran, ginugugol ang lahat ng kanyang panahon sa pagiging abala para buhayin ang kanyang pamilya at nagpapabalik-balik sa pagitan ng kayaman at katayuan. Ang mga bagay na pinakaiingat-ingatan ng mga tao ay ang pamilya, salapi, at katanyagan; tinitingnan nila ang mga bagay na ito bilang pinakamahahalagang mga bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa kanilang mga kapalaran, datapwat itinutulak pa rin nila sa likod ng kanilang mga isip ang mga katanungan na pinakamahalagang suriin at unawain: bakit buhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao, ano ang kahalagahan at kahulugan ng buhay. Sa kanilang buong buhay, gaano man karaming taon ang mga iyon, nagiging abala lang sila sa paghanap ng katanyagan at mabuting kapalaran, hanggang sa ang kabataan nila ay lumipas, hanggang sila ay maging matanda na at kulubot; hanggang sa makita nila na hindi mahihinto ng katanyagan at mabuting kapalaran ang pagdausdos tungo sa pagkahuklob, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso; hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang malilibre mula sa batas ng kapanganakan, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, na walang sinuman ang maaaring makatakas kung ano ang inilaan sa kanila ng kapalaran. Tanging kapag napilitan lamang silang harapin ang huling sugpungan ng buhay na tunay na mauunawaan nila na kahit na magmay-ari ang isang tao ng milyones na ari-arian, kahit marami siyang pribilehiyo at may mataas na ranggo, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan, bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya. Kapag ang isa ay may mga magulang, naniniwala siya na ang kanyang mga magulang ay ang lahat; kapag ang isa ay may ari-arian, naiisip niya na ang salapi ay pangunahing sandigan niya, na ito’y bagay na mahalaga sa buhay; kapag ang mga tao ay may katayuan, mahigpit ang pagkapit nila dito at ipagsasapalaran nila ang kanilang mga buhay dahil dito. Tanging kapag papakawalan na ng mga tao ang mundong ito na matatanto nilang ang mga bagay na pinaggugulan ng kanilang mga buhay na kamtin ay parang lumilipas lang na mga ulap, wala dito ang maaari nilang mapanghawakan, wala dito ang maaari nilang isama, wala dito ang maaaring maglibre sa kanila mula sa kamatayan, wala dito ang maaaring magbigay ng makakasama o aliw sa isang malungkot na kaluluwa sa pagbabalik nito; at lalong wala dito ang maaaring magbigay sa tao ng kaligtasan, magpahitulot sa kanilang mapangibabawan ang kamatayan. Ang katanyagan at mabuting kapalaran na natamo ng isang tao sa materyal na mundo ay maaaring makapagbigay sa kanya ng panandaliang kasiyahan, lumilipas na pagtatamasa, isang huwad na pakiramdam ng kaluwagan, dahilan para mawala sa landas ang isang tao. At kung kaya ang mga tao, habang sila’y kumukuwag-kuwag sa malawak na dagat ng sangkatauhan, nananabik sa kapayapaan, kaginhawahan, at kapanatagan ng puso, ay muli’t muling nadadala sa ilalim ng mga alon. Kapag kailangan pa ng mga tao na malaman kung ang mga katanungan na pinakamahalagang maunawaan—kung saan sila nanggaling, bakit sila buhay, saan sila papunta, at iba pa—sila ay naaakit ng katanyagan at mabuting kapalaran, inililigaw, nakokontrol ng mga ito, tuluyan nang nawala. Mabilis lumipas ang panahon; ang mga taon ay dumadaan sa isang kisapmata; bago pa matanto ng isang tao, siya ay nakapagpaalam na sa pinakamaiinam na taon ng kanyang buhay. Kapag siya ay malapit nang lumisan mula sa mundo, unti-unti niyang matatanto na ang lahat sa mundo ay inaanod, na walang sinuman ang maaari makahawak sa mga pag-aari niya; sa gayon tunay na nararamdaman ng isang tao na siya ay walang kahit anong pag-aari, tulad ng isang tumataghoy na sanggol na kalalabas lang sa mundo. Sa puntong ito, siya ay napipilitang pag-isipan kung ano ang nagawa niya sa buhay, ano ang kabuluhan ng pagiging buhay, ano ang kahulugan nito, bakit naparito siya sa mundo; at sa puntong ito, mas ninanais niyang malaman kung tunay na may buhay sa kabilang buhay, kung tunay na umiiral ang Langit, kung talagang mayroong kabayaran…. Habang mas papalapit ang isang tao sa kamatayan, mas ninanais niyang maunawaan kung tungkol saan talaga ang buhay; habang mas papalapit siya sa kamatayan, tila mas hungkag ang puso niya; habang mas papalapit siya sa kamatayan, mas nararamdaman niya ang kawalang-magawa; at kaya ang takot niya sa kamatayan ay palaki nang palaki sa bawat araw. May dalawang kadahilanan kung bakit ang mga tao ay kumikilos sa ganitong paraan habang papalapit sila sa kamatayan: Una, malapit nang mawala sa kanila ang katanyagan at kayamanan kung saan nila iniasa ang kanilang buhay, na iiwan na nila ang lahat na nakikita sa mundo; at ikalawa, kakaharapin na nila, nang mag-isa, ang isang hindi pamilyar na mundo, isang misteryoso, di-kilalang mundo na kung saan sila ay natatakot pumunta, kung saan wala silang mga mahal sa buhay at walang susuporta. Dahil sa dalawang kadahilanang ito, lahat ng humaharap sa kamatayan ay di-mapalagay, nakakaranas ng sindak at isang pakiramdam ng kawalang-magawa na hindi nila kailanman naranasan. Tanging kapag ang mga tao ay talagang nakarating na sa puntong ito na matatanto nilangang unang bagay na dapat maunawaan ng isang tao, kapag umapak siya sa mundong ito, ay kung saan nanggaling ang mga tao, bakit buhay ang mga tao, sino ang nagdidikta ng kapalaran ng tao, sino ang nagbibigay at may kapangyarihan sa pag-iral ng tao. Ang mga ito ang tunay na mahahalaga sa buhay, ang pangunahing batayan para sa kaligtasan ng tao, hindi ang pagkakatuto kung paano suportahan ang sariling pamilya, o kung paano makakamtan ang kantayagan at kayamanan, hindi ang matutunan kung paano mamukod-tangi sa karamihan ng tao o mabuhay sa isang mas marangyang pamumuhay, mas lalong hindi upang matutunan kung paano mahihigitan o matagumpay na makikipagpaligsahan sa iba. Bagaman ang iba’t-ibang kasanayang para sa kaligtasan sa buhay na pinaggugugulan ng mga tao na makabisado sa kanilang buhay ay maaaring makapaghandog ng isang kasaganaan sa mga materyal na kaginhawaan, sila ay di-kailanman nakapagdadala sa puso ng isang tao ng tunay na kapayapaan at kasiyahan, sa halip ay patuloy na nagiging dahilan para mawala ng mga tao ang kanilang direksyon, mahirapan sa pagkontrol ng kanilang mga sarili, mapalampas ang bawat pagkakataon na matutunan ang kabuluhan ng buhay; at sila’y naglilikha ng mga ligalig ng gulo tungkol sa kung paano ang wastong pagharap sa kamatayan. Sa ganitong paraan, ang mga buhay ng tao ay nawawasak. Tinatrato ng Manililikha ang lahat nang patas, binibigyan ang bawat isa ng panghabambuhay na mga pagkakataon na maranasan at makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, datapwat tanging kapag papalapit na ang kamatayan, kapag nakaamba sa isang tao ang kawit ni kamatayan, doon lamang nakikita ng isa ang liwanag—at sa gayon ay huli na.
Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa pagtugis sa salapi at katanyagan; mahigpit nilang hawak ang mga kapiranggot na ito, iniisip na ang mga ito ang tanging mga paraan ng suporta, na parang kung mayroon sila nito maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malilibre sa kamatayan. Subalit kung malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at kawalang-magawa, na walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi maaaring mabili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na ang pera ay di-maaaring makabili ng buhay, na di mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao kahit na nang isang minuto, nang isang segundo. Habang mas nararamdaman ng mga tao ito, mas lalo nilang ninanais na patuloy na mabuhay; habang mas nararamdaman ng mga tao ito, mas kinatatakutan nila ang pagsapit ng kamatayan. Tanging sa punto lang na ito tunay na mapagtatanto nila na ang kanilang mga buhay ay hindi sa kanila, na hindi sa kanila upang makontrol, at na walang sinuman ang makapagsasabi kung siya ay mabubuhay o mamamatay, na ang lahat ng ito ay labas sa kanyang kontrol.
4. Sumailalim sa Dominyon ng Manlilikha at Mahinahon na Harapin ang Kamatayan
Sa sandali na ipanganak ang isang tao, sinisimulan ng isang malungkot na kaluluwa na danasin ang buhay sa mundo, na danasin ang awtoridad ng Manlilikha na isinaayos ng Manlilikha para dito. Di man kailangang sabihin, para sa tao, sa kaluluwa, ito ay isang napakahusay na pagkakataon na magkaroon ng kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, na makilala ang Kanyang awtoridad at personal na maranasan ito. Nabubuhay ang mga tao sa ilalim ng mga batas na inilatag para sa kanila ng Manlilikha, at para sa sinumang makatwirang tao na may konsensya, ang umayon sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at alamin ang Kanyang awtoridad sa loob ng ilang dekada ng kanilang buhay sa mundo ay hindi isang bagay na mahirap gawin. Kaya napakadali sana para sa isang tao ang makilala, sa pamamagitan ng kanyang sariling mga karanasan sa buhay sa nakaraang ilang dekada, na lahat ng kapalaran ng tao ay itinadhana, at maunawaan o ibuod kung ano ang kahulugan ng maging buhay. Kasabay ng pagyakap ng isang tao sa mga aral ng buhay, unti-unti niyang mauunawaan kung saan nanggaling ang buhay, na maintindihan kung ano ang tunay na kinakailangan ng puso, ano ang makapagdadala sa kanya sa tunay na landas ng buhay, ano ang misyon at layunin sa buhay ng tao ang nararapat; at unti-unting makikilala niya na kung hindi niya sasambahin ang Manlilikha, kung hindi siya pasasailalim sa Kanyang dominyon, samakatwid kapag haharapin niya ang kamatayan—kapag ang isang kaluluwa ay haharap nang muli sa Manlilikha—ang puso niya ay mapupuno ng walang hanggang takot at kawalang-kaalwanan. Kapag ang isang tao ay nabuhay sa mundo ng sandakot na mga dekada at hindi pa malaman kung saan nanggaling ang buhay ng tao, hindi pa rin nakilala kung sa kaninong palad nakalagay ang kapalaran ng tao, samakatwid hindi nakapagtataka na hindi niya makakayang harapin ang kamatayan nang mahinahon. Ang isang tao na nakatamo ng kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha matapos makaranas ng ilang dekada ng buhay, ay isang tao na may tamang pagpapahalaga sa kahulugan at halaga ng buhay; isang tao na may malalim na kaalaman sa layunin ng buhay, na may tunay na karanasan at pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha; at higit pa, isang tao na nagpapasailalim sa awtoridad ng Manlilikha. Nauunawaan ng ganoong tao ang kahulungan ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, nauunawaan na dapat sambahin ng tao ang Manlilikha, na lahat ng pag-aari ng tao ay nagmumula sa Manlilikha at babalik sa Kanya balang-araw di-kalayuan sa hinaharap; nauunawaan ng ganoong tao na ang Manlilikha ang nagsasaayos ng kapanganakan ng tao ay may kapangyarihan sa kamatayan ng tao, at ang kapwa kamatayan at buhay ay itinadhana ng awtoridad ng Manlilikha. Kung kaya, kapag tunay na naiintindihan ng isang tao ang mga bagay na ito, siya ay natural na makakaharap sa kamatayan nang mahinahon, isasantabi ang lahat ng makamundong pag-aari niya nang mahinahon, tatanggapin at masayang magpapasailalim sa lahat ng susunod, at malugod na tatanggapin ang huling sugpungan ng buhay na isinaayos ng Manlilikha sa halip na walang taros na katakutan at labanan ito. Kung titingnan ng isang tao ang buhay bilang isang pagkakataon para maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at makilala ang Kanyang awtoridad, kung makikita niya na ang kanyang buhay ay isang pambihirang pagkakataon upang ganapin sa sariling tungkulin bilang isang nilikhang tao at tuparin ang kanyang misyon, sa gayon siya ay talagang mayroong wastong pagtingin sa buhay, mamumuhay ng isang buhay na pinagpala at ginagabayan ng Manlilikha, lalakad sa liwanag ng Manlilikha, makikilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, mapapasailalim sa Kanyang dominyon, magiging isang saksi sa Kanyang mahimalang mga gawain at sa Kanyang awtoridad. Di man kailangang sabihin, ang ganoong tao ay talagang minamahal at tinatanggap ng Manlilikha, at tanging ang ganoong tao ang maaaring magkaroon nang mahinahong saloobin para sa kamatayan, magagalak na salubungin ang huling sugpungan ng buhay. Si Job ay malinaw na nagkaroon ng ganitong uri ng saloobin ukol sa kamatayan; siya ay nasa posisyon na masayang tinanggap ang huling sugpungan ng buhay, at nang madala ang kanyang paglalakbay sa buhay tungo sa isang maayos na katapusan, nang makumpleto ang kanyang misyon sa buhay, bumalik siya sa tabi ng Manlilikha.
5. Ang mga Pagsusumikap at mga Natamo ni Job sa Buhay ang Nagpahintulot sa Kanya upang Mahinahong Harapin ang Kamatayan
Sa Bibliya nasusulat ang tungkol kay Job: “Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan” (Job 42:17). Ito’y nangangahulugan na nang si Job ay namatay, wala siyang mga panghihinayang at di-nakaramdam ng sakit, subalit natural na lumisan sa mundong ito. Gaya ng batid ng lahat, si Job ay isang tao na may takot sa Diyos at iniwasan ang kasamaan nang siya’y nabubuhay pa; pinapurihan ng Diyos ang kanyang matuwid na mga gawa, inalala siya ng mga tao, at ang kanyang buhay, higit kaninuman, may kahalagahan at kahulugan. Tinamasa ni Job ang mga pagpapala ng Diyos at tinawag Niya siyang matuwid sa lupa, at siya’y sinubukan din ng Diyos, at tinukso ni Satanas; naging saksi siya ng Diyos at narapat na matawag na isang matwid na tao. Sa panahon ng ilang dekada matapos siyang subukan ng Diyos, namuhay siya ng isang buhay na mas higit pang mahalaga, makahulugan, makatwiran, at mapayapa kaysa dati. Dahil sa kanyang matuwid na mga gawain, sinubukan siya ng Diyos; dahil sa kanyang matuwid na mga gawain, nagpakita sa kanya ang Diyos at diretsong nakipag-usap sa kanya. Kung kaya, sa panahon ng mga taon matapos masubukan naunawaan at napahalagahan ni Job ang buhay sa isang mas kongkretong paraan, nagkamit ng isang malalim na pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, nagtamo ng isang mas tumpak at tiyak na kaalaman kung paano ang Manlilikha ay nagbibigay at nag-aalis ng Kanyang mga pagpapala. Itinatala ng Biblia na ang Diyos na si Jehova ay nagkaloob ng mas higit na mga pagpapala kay Job kaysa sa dati Niyang ibinigay dito, naglagay kay Job sa mas mainam pang posisyon upang kilalanin ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at harapin ang kamatayan nang mahinahon. Kung kaya si Job, nang siya’y tumanda na at kaharapin ang kamatayan, tiyak na hindi nangamba tungkol sa kanyang mga ari-arian. Wala siyang mga alalahanin, walang pinanghihinayangan, at syempre hindi natakot sa kamatayan; pagkat ginugol niya ang lahat ng kanyang buhay sa paraang may takot sa Diyos, pagwaksi sa kasamaan, at walang dahilan upang mag-alala tungkol sa sarili niyang katapusan. Ilang mga tao ngayon ang maaaring gumawi sa lahat ng kaparaanang ginawa ni Job nang kanyang harapin ang sarili niyang kamatayan? Bakit walang sinuman ang nakakapagpanatili ng ganoong kasimpleng panlabas na tikas? May isa lamang kadahilanan: Isinabuhay ni Job ang kanyang buhay sa pansariling pagsusumikap sa paniniwala, pagkilala, at pagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at dahilan sa paniniwala, pagkilala, at pagpapasailalim na ito kung kaya naipasa niya ang mahalagang mga sugpungan ng buhay, isinabuhay ang kanyang mga huling taon, at binati ang panghuling sugpungan ng kanyang buhay. Di-alintana kung ano ang naranasan ni Job, ang mga pagsisikap niya at mga layunin sa buhay ay masasaya, hindi masasakit. Siya ay maligaya hindi dahil sa mga pagpapala o pagpupuri na iginawad sa kanya ng Manlilikha, kundi mas mahalaga pa, dahil sa kanyang mga pagsusumikap at mga layunin sa buhay, dahil sa unti-unting kaalaman at tunay na pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha na kanyang natamo sa pamamagitan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at dagdag pa, dahil sa nakamamanghang mga gawain Niya na naranasang personal ni Job sa panahon na napailalim siya sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at ang mainit at di-malilimutang mga karanasan at mga alaala ng pakikipamuhay, pakikipagkilala, at palitang pagkakaunawaan sa pagitan ng tao at ng Diyos; dahil sa kaalwanan at kaligayahan na nagmula sa pagkakilala sa kalooban ng Manlilikha; dahil sa paggalang na lumitaw matapos na makita na Siya ay dakila, kamangha-mangha, kaibig-ibig, at matapat. Ang dahilan kung bakit naharap ni Job ang kamatayan nang walang paghihirap ay dahil batid niya na, sa pagkamatay, siya’y babalik sa tabi ng Manlilikha. At ang mga pinagsikapan at mga natamo niya sa buhay ang magpapahintulot sa kanya na harapin ang kamatayan nang manhinahon, harapin ang posibilidad na babawiin ng Manlilikha ang kanyang buhay, nang may panatag na puso, at dagdag pa, na makakatindig, hindi nadungisan at malaya sa alalahanin, sa harap ng Manlilikha. Maaari kayang matamo ng mga tao sa kasalakuyan ang ganitong uri ng kaligayahan na naangkin ni Job? Kayo ba sa inyong sarili ay nasa posisyon na gawin ito? Yamang ang mga tao sa kasalukuyan ay gayon, bakit hindi sila maaaring mabuhay nang maligaya, tulad nang ginawa ni Job? Bakit hindi nila matakasan ang paghihirap mula sa takot sa kamatayan? Kapag nahaharap sa kamatayan, may ilang mga tao ang napapaihi; ang iba’y nanginginig, nahihimatay, tinutuligsa ang Langit at pati na ang tao, nananaghoy at tumatangis pa. Ang mga ito’y hindi biglaang mga reaksiyon na nangyayari kapag papalapit na ang kamatayan. Pangunahing kumikilos ang mga tao sa ganitong nakakahiyang mga paraan sapagkat, sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sila ay takot sa kamatayan, sapagkat wala silang malinaw na kaalaman at pagkilala sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos, mas lalong hindi tunay na magpapasailalim sa mga iyon; sapagkat walang gusto ang mga tao kundi isaayos at pamahalaan ang lahat ng sarili nila mismo, na kontrolin ang sarili nilang kapalaran, ang sarili nilang mga buhay at kamatayan. Hindi kataka-taka, samakatwid, na ang mga tao kailanman ay hindi matatakasan ang takot sa kamatayan.
6. Tanging sa Pagtanggap sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha na Maaaring Makabalik ang Isang Tao sa Kanyang Tabi
Kapag ang isang tao ay walang malinaw na pagkaunawa at karanasan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos, ang kaalaman niya tungkol sa kapalaran at sa kamatayan ay tiyak na magiging magulo. Hindi malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng ito ay nasa sa palad ng Diyos, hindi natatanto na ang Diyos ang may kontrol at may kapangyarihan sa mga ito, hindi nakikilala na hindi maaaring isantabi o matakasan ang ganoong kapangyarihan; at sa gayon kapag nahaharap sa kamatayan ay walang katapusan sa kanilang huling mga salita, alalahanin, at panghihinayang. Sila ay nadadaganan ng sobrang bagahe, sobrang pag-aatubili, sobrang pagkalito, at mga sanhi lahat ng ito upang sila’y matakot sa kamatayan. Para sa sinumang isinilang sa mundong ito, ang kanilang kapanganakan ay kinakailangan at ang kanilang kamatayan ay hindi maiiwasan, at walang sinumang makakapasa sa kursong ito. Kung nais ninuman na lisanin ang mundong ito nang hindi nasasaktan, kung nais ng isang tao na makaharap ang huling sugpungan ng buhay na walang pag-aatubili o pag-aalala, ang tanging paraan ay ang umalis nang walang mga panghihinayang. At ang tanging paraan ng pag-alis na walang mga panghihinayang ay ang makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, makilala ang Kanyang awtoridad, at pasailalim sa mga ito. Tanging sa ganitong paraan maaaring manatiling malayo mula sa mga alitan ng tao, mula sa kasamaan, mula sa pang-aalipin ni Satanas; tanging sa ganitong paraan maaaring mamuhay ang isang tao tulad ni Job, ginabayan at pinagpala ng Manliklikha, isang buhay na malaya at napalaya, isang buhay na may kahalagahan at kahulugan, isang buhay na tapat at bukas-puso; tanging sa ganitong paraan maaaring magpasailalim ang isang tao, tulad ni Job, na masubukan at mabawian ng Manlilikha, magpasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha; tanging sa ganitong paraan maaaring sambahin ng isang tao ang Manlilikha nang buong buhay niya at tamuhin ang Kanyang papuri, gaya ng ginawa ni Job, at marinig ang Kanyang tinig, makita ang Kanyang pagpapakita; tanging sa ganitong paraan maaaring mamuhay at mamatay ang isang tao nang maligaya, tulad ni Job, na walang sakit, walang alalahanin, walang mga panghihinayang; tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay sa liwanag, tulad ni Job, daanan ang bawat sugpungan ng buhay nang magaan, maayos na makumpleto ang sariling paglalakbay sa liwanag, matagumpay na makamtan ang sariling misyon—na maranasan, matutunan, at makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha bilang isang nilalang—at mamatay sa liwanag, at magpakailanman tumindig sa tabi ng Manlilikha bilang isang taong nilalang, na pinuri Niya.
Huwag Mong Palalampasin ang Pagkakataon na Makilala ang Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha
Ang anim na sugpungan na isinalarawan sa itaas ay mahahalagang aspeto na ibinigay ng Manlilikha na dapat daanan ng bawat normal na tao sa kanyang buhay. Bawat isa sa mga sugpungan ito ay tunay; wala ni isa man dito ang maaaring madaya, at lahat ay nagdadala ng isang pagkakaugnay sa pagtatadhana ng Manlilikha at ng Kanyang dakilang kapangyarihan. Sa gayon para sa isang tao, bawat isa sa mga sugpungang ito ay isang mahalagang tsekpoint, at kung paanong makalusot sa bawat isa sa mga ito nang maayos ay isang lubhang seryosong katanungan na kinakaharap ninyong lahat ngayon.
Ang sandakot ng mga dekada na bumubuo sa buhay ng tao ay hindi mahaba at hindi rin maikli. Ang dalawampu’t taon sa pagitan ng kapanganakan at pagkahinog ng gulang ay lumilipas sa isang kisapmata, at bagaman sa puntong ito sa buhay ang isang tao ay itinuturing na may sapat na gulang, ang mga tao sa grupo ng edad na ito ay walang alam tungkol sa buhay ng tao at kapalaran ng tao. Habang nagkakaroon sila ng mas maraming karanasan, sila’y unti-unting dumarating sa kalagitnaang edad. Ang mga tao sa kanilang edad tatlumpu at apatnapu ay nagtatamo ng isang umuusbong na karanasan ng buhay at kapalaran, subalit ang kanilang mga ideya tungkol sa mga bagay na ito ay masyado pa ring malabo. Pagsapit sa edad na apatnapu saka pa lamang nagsisimulang nauunawaan ng ilang tao ang sangkatauhan at ang sansinukob, na nilikha ng Diyos, na maintindihan ang tungkol sa buhay ng tao, ang tungkol sa kapalaran ng tao. May mga ilang tao, bagaman matagal na silang tagasunod ng Diyos at ngayon ay nasa kalagitnaang gulang na, ang hindi pa rin nag-aangkin ng isang tamang kaalaman at kahulugan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas lalong walang tunay na pagpapasailalim. May ilang mga tao na walang pakialam maliban sa paghahangad na makatanggap ng mga pagpapala, at bagaman maraming taon na na silang nabubuhay, hindi nila alam o nauunawaan sa pinakamababa man lang ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa kapalaran ng tao, at kaya di-nakakapasok kaunti man sa praktikal na aral ng pagpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos. Ang mga ganoong tao ay lubusang hangal; ang mga ganoong tao ay namumuhay nang walang kabuluhan.
Kung ang buhay ng tao ay hinati-hati ayon sa antas niya sa karanasan sa buhay at sa kaalaman niya sa kapalaran ng tao, ito ay humigit-kumulang mahahati sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang kabataan, ang mga taon sa pagitan ng kapanganakan at kalagitnaang edad, o mula kapanganakan hanggang tatlumpung taon. Ang ikalawang bahagi ay ang pagkahinog ng gulang, mula kalagitnaang edad hanggang katandaan, o simula sa tatlumpu hanggang animnapung taon. At ang ikatlong bahagi ay ang katandaang yugto ng isang tao, mula sa edad ng katandaan, simula sa animnapung taon, hanggang sa lisanin niya ang mundo. Sa ibang mga salita, mula kapanganakan hanggang kalagitnaang edad, karamihan sa mga kaalaman ng tao sa kapalaran at sa buhay ay limitado sa paggaya sa mga ideya ng iba; halos wala nang tunay, praktikal na substansiya. Sa panahong ito, ang pagtingin niya sa buhay at kung paanong niya tatahakin ang kanyang daan sa mundo ay lahat mababaw at walang muwang. Ito ang panahon ng kabataan. Tanging matapos lamang malasap ng isang tao ang lahat ng galak at pighati ng buhay na matatamo niya ang isang tunay na pagkaunawa sa kapalaran, na unti-unti niyang makikilala—sa ilalim ng kanyang kamalayan, sa kaibuturan ng kanyang puso—na hindi maaaring mabaliktad ang kapalaran, at dahan-dahan na matanto na ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa kapalaran ng tao ay tunay na umiiral. Ito ang panahon ng pagkahinog ng gulang. Kapag ang isang tao ay huminto sa pakikibaka sa kapalaran, at kapag siya ay hindi na handang mapasali sa mga pag-aawayan, ngunit alam ang sariling kapalaran, nagpapasailalim sa kalooban ng Langit, binubuod ang sariling mga nagawa at mga pagkakamali sa buhay, at naghihintay sa paghatol ng Manlilikha sa sariling buhay—ito ang hinog na panahon ng isang tao. Bilang pagsasaalang-alang sa iba’t-ibang uri ng mga karanasan at mga natamo na nakamtan ng mga tao sa panahon ng tatlong kapanahunang ito, sa ilalim ng normal na mga kalagayan, ang bintana ng pagkakataon para sa isang tao upang makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay hindi napakalaki. Kung isang tao ay mabubuhay hanggang animnapung tao, siya ay may tatlumpung taon lamang o mahigit upang makilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos; kung nais niya ng mas mahabang panahon, yaon ay posible lamang kung ang buhay ng isang tao ay sapat ang haba, kung siya ay mabubuhay sa loob ng isang siglo. Sa gayon sinasabi ko, ayon sa normal na mga batas ng pag-iral ng tao, bagaman ito ay isang napakahabang proseso mula nang unang makatagpo ng tao ang paksa tungkol sa pag-alam sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha hanggang sa makilala niya ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at mula doon hanggang sa punto na kaya na niyang magpasailalim dito, kung talagang bibilangin niya ang mga taon, wala pang higit sa tatlumpu o apatnapung taon ang panahon kung saan siya ay may pagkakataon na matamo ang mga gantimpalang ito. At kadalasan, ang mga tao ay nadadala ng kanilang mga pagnanais at kanilang mga ambisyon na makatanggap ng mga pagpapala; hindi nila mabatid kung saan naroon ang diwa ng buhay ng tao, hindi naiintindihan ang kahalagahan ng pag-alam sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at sa gayon ay hindi nila pinahahalagahan ang ganitong kahalagang pagkakataon na pumasok sa mundo ng tao upang maranasan ang buhay ng tao, maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at hindi natatanto kung gaano kahalaga ito para sa isang nilikhang nilalang na makatanggap ng personal na paggabay ng Manlilikha. Sa gayon sinasabi ko, yaong mga taong nagnanais na agad na matapos ang gawain ng Diyos, yaong mga nagnanais na sana’y isaayos na agad ang katapusan ng tao sa lalong madaling panahon, sa gayon makikita nila kaagad ang Kanyang persona at agad na sila’y mapagpapala, ay may sala ng pinakamalubhang uri ng pagsuway at sukdulang kahangalan. At yaong mga nagnanais, sa panahon ng kanilang limitadong oras, na maintindihan ang natatanging pagkakataong ito na makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, ay ang mga matatalinong tao, ang napakatalinong mga tao. Ang dalawang magkaibang mga pagnanais na ito ay naglalantad ng dalawang malawak na magkaibang mga pagtingin at mga pagsusumikap: Yaong mga naghahanap ng mga pagpapala ay makasarili at napakasama; wala silang ipinakikitang pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos, hindi kailanman hinahangad na malaman ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi kailanman naghahangad na magpasakop dito, nais lang nilang mabuhay ayon sa kanilang kagustuhan. Sila ay masasamang taong nagwawalang-bahala; sila ang kategorya na mawawasak. Yaong mga naghahanap na makilala ang Diyos ay isinasantabi ang kanilang mga pagnanais, handang magpasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at mga pagsasaayos ng Diyos; sinusubukan nilang maging mga uri ng tao na masunurin sa awtoridad ng Diyos at nagpapalugod sa hangarin ng Diyos. Ang ganoong mga tao ay nabubuhay sa liwanag, namumuhay sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos; tiyak na sila’y papupurihan ng Diyos. Kahit ano pa, ang pagpili ng tao ay walang silbi, ang mga tao ay walang masasabi kung gaano katagal ang gawain ng Diyos. Mas mabuti para sa mga tao ang ilagay ang kanilang mga sarili sa awa ng Diyos, magpasailalim sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Kung hindi mo ilalagay ang iyong sarili sa Kanyang awa, ano ang magagawa mo? Mawawalan ba ang Diyos? Kung hindi mo ilalagay ang iyong sarli sa Kanyang awa, kung sinusubukan mong maging tagapamuno, ikaw ay gumagawa ng isang hangal na pagpipilian, at tanging ikaw lamang ang mawawalan sa katapusan. Kung makikipagtulungan lamang ang mga tao sa Diyos sa lalong madaling panahon, kung magmamadali lamang silang tanggapin ang Kanyang mga pagsasaayos, alamin ang Kanyang awtoridad, at unawain ang lahat ng ginawa Niya para sa kanila, doon lamang sila magkakaroon ng pag-asa, hindi mabuhay nang walang kabuluhan, makakamit nila ang kaligtasan.
Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na May Dakilang Kapangyarihan ang Diyos sa Kapalaran ng Tao
Matapos mapakinggan ang lahat ng aking nasabi, ang inyo bang pag-iisip tungkol sa kapalaran ay nagbago? Ano ang inyong pagkakaunawa sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao? Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos bawat tao ay aktibo o di-aktibong tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa kadami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa katapusan siya ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Manlilika para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Manlilikha, ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, ang may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na nagpapahintulot sa mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na regular na nagpapainog at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan mo ang lahat ng katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, mababaw man o taimtim; ang lalim ng iyong pagkaunawa ay nakabatay sa iyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at iyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang realidad ng katotohanan, kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kahusay na nakikilala ang diwa at disposisyon ng Diyos—ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa kung ang mga nilalang na tao ay nagpapasailalim sa kanila? Ang katotohanan ba na nag-aangkin ang Diyos ng awtoridad na ito ay ipinapasya ng kung ang sangkatauhan ay nagpapasailalim dito? Ang awtoridad ng Diyos ay umiiral kahit ano pa ang mga kalagayan; sa lahat ng sitwasyon, ang Diyos ang nagdidikta at nagsasaayos ng bawat kapalaran ng tao at lahat ng bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga naisin. Hindi ito mababago sapagkat nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring baguhin ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Kahit pa kinikilala at tinatanggap ng tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kahit pa nagpapasailalim dito ang tao, hindi binabago kahit kaunti lang ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Na ibig sabihin, kahit ano pa ang magiging saloobin ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito maaaring basta lang baguhin ang katotohanan na ang Diyos ang may kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay. Kahit na hindi ka nagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, inaatasan pa rin Niya ang iyong kapalaran; kahit na hindi mo makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, ang Kanyang awtoridad pa rin ang umiiral. Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pagpipilian ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, bawat saglit. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay kailanman di-papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi natatakdaan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ay ang di-mababagong kapalaran mula pa noong unang kapanahunan!
Ang Wastong Saloobin at Pagsasagawa para sa Isang Tao na Nagnanais Magpasailalim sa Awtoridad ng Diyos
Anong saloobin ang dapat taglay ng tao sa pag-alam at pagsasaalang-alang sa awtoridad ng Diyos, ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao? Ito ay tunay na problema na nasa harap ng bawat tao. Kapag nahaharap sa mga problema sa tunay-na-buhay, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at Kanyang dakilang kapangyarihan? Kapag hindi mo alam kung paano unawain, hawakan, at danasin ang mga problemang ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyon, iyong pagnanais, ang iyong realidad ng pagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una dapat mong matutunan ang maghintay; pagkatapos dapat mong matutunang humanap; pagkatapos dapat mong matutunan ang magpasailalim. Ang “paghihintay” ay nangangahulungan na paghihintay sa panahon ng Diyos, naghihintay sa mga tao, sa mga pangyayari, at sa mga bagay na Kanyang isinaayos para sa iyo, naghihintay para sa Kanyang kalooban na unti-unting ibunyag ang kanyang sarili sa iyo. Ang “paghahanap” ay nangangahulugan ng pagmamasid at pag-unawa sa maalalahaning mga intensyon ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na inilatag Niya, pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan nila, pag-unawa sa dapat makamit ng tao at mga paraang dapat nilang ipagpatuloy, pag-unawa sa kung anong mga resulta ang nais na makamtan ng Diyos sa mga tao at anong mga kabutihan ang nais Niyang makamit sa kanila. Ang “pagpapasailalim,” mangyari pa, ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinaayos ng Diyos, pagtanggap sa Kanyang dakilang kapangyarihan at, sa pamamagitan nito, ay makilala kung paano idinidikta ng Manlilikha ang kapalaran ng tao, kung paano Niya tinutustusan ang tao ng Kanyang buhay, kung paano Niya pinapagana ang katotohanan sa tao. Lahat ng bagay sa ilalim ng mga pagsasaayos at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay sumusunod sa natural na mga batas, at kung pagpasyahan mo na hayaan ang Diyos na isaayos at diktahan ang lahat para sa iyo, dapat mong matutunan ang maghintay, dapat matutunan ang humanap, dapat mong matutunan ang magpasailalim. Ito ang saloobin na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais magpasailalim sa awtoridad ng Diyos, ang pangunahing katangian na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais tanggapin ang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Upang magkaroon ng ganoong saloobin, ang mag-angkin ng ganoong katangian, dapat mas lalo kang magpunyagi; at tanging sa gayon lamang maaari kang pumasok sa tunay na realidad.
Ang Pagtanggap sa Diyos Bilang Iyong Natatanging Panginoon ay ang Unang Hakbang sa Pagtamo ng Kaligtasan
Ang mga katotohanan tungkol sa awtoridad ng Diyos ay mga katotohanan na dapat isaalang-alang nang seryoso ng bawat tao, dapat maranasan at maunawaan sa kanilang puso; pagkat ang mga katotohanang ito ay may kinalaman sa buhay ng bawat tao, sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap ng bawat tao, sa mahalagang sandaling ito na dapat pagdaanan ng bawat tao sa buhay, sa kaalaman ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa saloobin na dapat niyang taglay sa pagharap sa awtoridad ng Diyos, at natural, ang huling hantungan ng bawat tao. Sa gayon kinakailangan ng isang habambuhay na halaga ng enerhiya upang malaman at maunawaan ang mga yaon. Kapag sineryoso mo ang awtoridad ng Diyos, kapag tinanggap mo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, unti-unti mong matatanto at mauunawaan na ang awtoridad ng Diyos ay tunay na umiiral. Ngunit kung hindi mo kailanman kinikilala ang awtoridad ng Diyos, kailanman ay hindi tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan, kung gayon kahit ano pang dami ng mga taon na ikaw ay nabuhay, hindi ka makakatamo kahit bahagyang kaalaman ng dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kung hindi mo tunay na nakikilala at nauunawaan ang awtoridad ng Diyos, kung gayon kapag nakarating ka sa dulo ng daan, kahit na naniwala ka sa Diyos nang maraming dekada, wala kang maipapakita sa iyong buhay, ang iyong kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay tiyak na wala. Hindi ba’t ito’y isang napakalungkot na bagay? Sa gayon kahit gaano pa kalayo ang nalakbay mo sa buhay, kahit gaano ka pa katanda ngayon, kahit gaano pa katagal ang natitira sa iyong paglalakbay, una mong dapat kilalanin ang awtoridad ng Diyos at seryosohin ito, tanggapin ang katotohanan na ang Diyos ang iyong natatanging Panginoon. Ang makatamo nang malinaw, tamang kaalaman at pagkaunawa sa mga katotohanang ito tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay isang sapilitang leksiyon para sa lahat, ang susi sa pagkaalam sa buhay ng tao at pagtamo sa katotohanan, ay ang buhay at pangunahing leksiyon ng pagkilala sa Diyos na kinakaharap ng bawat isa bawat araw, at ang di-maaaring maiwasan ninuman. Kung nais ng ilan sa inyo na tahakin ang pinakamadaling daan upang makarating sa layuning ito, sa gayon sinasabi ko sa iyo, yaon ay imposible! Kung nais mong takasan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas higit na imposible iyon! Ang Diyos lamang ang tanging Panginoon ng tao, ang Diyos lamang ang tanging Maestro ng kapalaran ng tao, at kaya imposible para sa tao ang diktahan ang sarili niyang kapalaran, imposible para sa kanya na lampasan ito. Kahit gaano pa kagaling ang mga kakayahan ng tao, hindi niya maaaring maimpluwensyahan, mas lalong hindi niya maisasaayos, maihahanda at makokontrol, o mababago ang mga kapalaran ng iba. Ang natatanging Diyos Mismo lamang ang nagdidikta ng lahat ng bagay para sa tao, sapagkat Siya lamang ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad na tangan ang kapangyarihan sa ibabaw ng kapalaran ng tao; at sa gayon tanging ang Manlilikha ang natatanging Panginoon ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ang may tangan sa kapangyarihan hindi lamang sa ibabaw ng nilikhang sangkatauhan, ngunit kahit na sa di-nilikhang mga nilalang na hindi nakikita ng tao, sa mga bituin, sa kosmos. Ito ay isang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan, isang katotohanan na tunay na umiiral, na hindi maaaring mabago ninuman o ng anuman. Kung ang ilan sa inyo ay hindi pa rin nasisiyahan sa mga bagay sa kasalukuyan, naniniwala na ikaw ay may ilang espesyal na kasanayan o kakayahan, at iniisip pa rin na maaari kang maging masuwerte at mabago ang iyong kasalukuyang mga kalagayan o di-kaya ay matakasan ang mga ito; kung pagtangkaan mong baguhin ang iyong sariling kapalaran sa mga paraan ng pagpupunyagi ng tao, at sa gayon ay mamukod-tangi sa iba at manalo ng katanyagan at kayamanan; samakatwid sinasabi ko sa iyo, ginagawa mong mas hirap ang mga bagay para sa iyong sarili, humihingi ka lamang ng gulo, hinuhukay mo ang iyong sariling libingan! Isang araw, sa malao’t madali, matutuklasan mo na mali ang napili mo, na ang iyong mga pagpupunyagi ay nasayang. Ang iyong ambisyon, iyong pagnanais na makibaka laban sa kapalaran, at iyong sariling kapansin-pansing pag-uugali, ay magdadala sa iyo sa daan nang walang pabalik, at dahil dito ikaw ay magbabayad ng mapait na halaga. Bagaman sa kasalukuyan hindi mo nakikita ang kalubhaan ng kahihinatnan, habang iyong nararanasan at higit na pinapahalagahan nang mas malaliman ang katotohanan na ang Diyos ang Panginoon ng kapalaran ng tao, unti-unti mong matatanto kung ano ang aking sinasabi ngayon at ang tunay na mga implikasyon nito. Kung ikaw ba ay may tunay na puso at espiritu, kung ikaw ba ay isang tao na nagmamahal sa katotohanan, ito ay nababatay sa uri ng saloobin mayroon ka tungo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at tungo sa katotohanan. At natural, ito ang nagpapasya kung maaari mong tunay na malaman at maunawaan ang awtoridad ng Diyos. Kung kailanma’y hindi mo naramdaman sa iyong buhay ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at Kanyang mga pagsasaayos, lalong hindi ang kilalanin at tanggapin ang awtoridad ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging lubos na walang halaga, walang duda na ikaw ang layon ng pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos, salamat sa daan na iyong tinahak at ang pagpiling ginawa mo. Subalit yaong, sa gawain ng Diyos, ay kayang tanggapin ang Kanyang pagsubok, tangggapin ang Kanyang dakilang kapangyarihan, magpasailalim sa Kanyang awtoridad, at unti-unting makatamo ng tunay na karanasan ng Kanyang mga salita, ay makapagkakamit ng tunay na kaalaman ng awtoridad ng Diyos, tunay na pagkaunawa ng Kanyang dakilang kapangyarihan, at magiging tunay na tauhan ng Manlilikha. Tanging ang ganoong mga tao ang tunay na maliligtas. Sapagkat kanilang nakilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, sapagkat tinanggap nila ito, tunay at tumpak ang kanilang pagpapahalaga at pagpapasailalim sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Kapag sila ay naharap sa kamatayan, tulad ni Job, magkakaroon sila ng isang isip na hindi natatakot sa kamatayan, magpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos sa lahat ng bagay, na walang indibidwal na pagpipilian, na walang indibidwal na pagnanais. Tanging ang ganoong tao ang makakabalik sa tabi ng Manlilikha bilang isang tunay na nilalang na tao.
Marso 26, 2015
Mga Talababa:
a. Hindi isinasama ng orihinal na teksto ang “mga kalagayan ng.”
b. Ang nababasa sa orihinal na teksto ay “ito.”
c. Hindi isinasama ng orihinal na teksto ang “Sa puntong ito.”
d. Hindi isinasama ng orihinal na teksto ang “hindi alam.”
Mula sa: Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-ta
Ang pinagmulan: "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento