Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX(II)
Kailangan ninyong maunawaan na nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga nilalang, pinag-isipan Niya ito nang mabuti. Nagpaplano Siya sa paggawa ng mga bagay. Ngayon nakikita ninyo iyon, tama? (Ang mga pagsasaalang-alang ng Diyos sa iba’t-ibang uri ng mga tao ay totoong pinag-isipan. Para sa kapaligiran para mabuhay para sa iba’t-ibang uri ng mga tao, inihanda Niya ang mga uri ng mga ibon at mga hayop at ang mga uri ng isda, ilang mga kabundukan ilang mga kapatagan ang mapupunta doon. Ang lahat ng ito ay isinaalang-alang ng buong ingat at ng buong katiyakan.) Halimbawa, anong pagkain ang pangunahing kinakain ng mga taong puti? (Ito ay karaniwang mga pagkaing mataas sa protina—iba’t-ibang uri ng karne, mga produktong galing sa gatas, at mga produktong galing sa trigo.) Ang mga pagkain na kinakain ng mga taong puti ay ibang-iba kaysa doon sa mga pagkain na kinakain ng mga taong Asyano. Ang karaniwang kinakain ng mga taong puti pangunahin na ay ang karne, mga itlog, gatas, at mga manok. Ang mga butil kagaya ng tinapay at kanin ay kalimitang hindi pangunahing mga pagkain na inilalagay sa gilid ng plato. Kahit kapag kumakain ng salad, na kung saan ay gawa ito sa maraming mga gulay, naglalagay sila ng konting inihaw na karne ng baka o manok dito. Kahit kapag kumakain sila ng mga pagkaing gawa sa trigo, nagdadagdag sila ng keso, mga itlog, o karne dito. Iyon ay upang sabihin na, ang kanilang pangunahiing pagkain ay hindi lamang binubuo ng mga pagkaing gawa sa trigo o bigas; kumakain sila ng napakaraming karne at keso. Madalas silang uminom ng nagyeyelong tubig sapagkat kumakain sila ng mga pagkain na totoong mataas sa kalori. Kapag kinakain nila ang kanilang pagkain, bago maihain ang pagkain ang bawat isa ay umiinom muna ng nagyeyelong tubig, kaya ang mga taong puti ay totoong matipuno. Ito ang mga pinagkukunan para sa kanilang mga buhay, ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay ay inihanda para sa kanila ng Diyos, na nagtutulot sa kanila upang magkaroon ng gayong uri ng paraan ng pamumuhay. Ang gayong paraan ng pamumuhay ay kaiba sa mga paraan ng pamumuhay ng mga tao na iba ang mga kulay. Walang tama o mali sa ganitong paraan ng pamumuhay—ito ay likas, itinalaga ng Diyos at dahil sa pamamahala ng Diyos at Kanyang mga pagsasa-ayos. Ang uri ng lahing ito ay may tiyak na paraan ng pamumuhay at tiyak na pinagkukunan para sa kanilang ikabubuhay nang dahil sa kanilang lahi, dahil din sa kapaligiran para mabuhay na inihanda para sa kanila ng Diyos. Maaari ninyong sabihin na ang kapaligiran para mabuhay na inihanda ng Diyos para sa mga taong puti at ang pang-araw-araw na pagkain na nakukukha nila mula sa kapaligiran na iyon ay mayaman at sagana.
Inihanda din ng Diyos ang kinakailangang mga kapaligiran para mabuhay sa iba pang mga lahi. Mayroon ding mga taong itim—saan matatagpuan ang mga taong itim? Sila ay pangunahing matatagpuan sa gitna at timugang Aprika. Ano ang inihanda ng Diyos para sa kanila sa gayong uri ng kapaligiran para mabuhay? Ang mga tropikal na kagubatan, lahat ng uri ng mga ibon at mga hayop, gayundin ng mga disyerto, at lahat ng uri ng mga halaman na umaayon sa kanila. Mayroon silang mga pinagkukunan ng tubig, ang kanilang mga kabuhayan, at pagkain. Ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kanila. Anuman ang kanilang nagawa kailanman, ang kanilang paraan para mabuhay ay hindi naging isyu kailanman. Sakop din nila ang isang tiyak na lugar at isang tiyak na sukat sa isang panig ng mundo.
Ngayon pag-usapan natin ng konti ang tungkol sa mga taong dilaw. Ang mga taong dilaw ay pangunahing matatagpuan sa Silangan. Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kapaligiran at pangheograpiyang kalagayan ng Silangan at ng Kanluran? Sa Silangan, ang karamihan ng lupa ay mataba, at ito ay mayaman sa mga mina ng materyales at mineral. Iyon ay, ang lahat ng uri ng mga yaman sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng lupa ay sagana. At para sa grupo ng mga taong ito, para sa lahing ito, inihanda din ng Diyos ang kaukulang lupa, klima, at ang iba’t-ibang mga pangheograpiyang kapaligiran na angkop para sa kanila. Bagamat may malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng gayong kapaligiran na pangheograpiya at ang kapaligiran sa Kanluran, ang kinakailangang pagkain ng mga tao, ang mga kabuhayan, at ang mga pinagkukunan para mabuhay ay inihanda ng Diyos. Ito ay kaibang kapaligiran lang para tirhan kaysa sa kung anong mayroon ang mga puti sa Kanluran. Ngunit ano ng isang bagay na kailangang Kong matawagan kayo ng pansin, na kailangan Kong sabihin sa inyo)? Ang bilang ng lahing Silangan ay masyadong mataas, kaya nagdagdag ang Diyos ng maraming mga elemento sa kapirasong lupa na iyon na kaiba sa Kanluran. Sa bahaging iyon ng mundo, nagdagdag Siya ng maraming iba’t-ibang mga anyong lupa at lahat ng uri ng saganang mga materyales. Ang likas na yaman doon ay masyadong masagana; ang mga kalupaan ay naiiba din at magkakaiba, sapat para sa pag-aalaga ng napakakapal na bilang ng lahing Silangan. Ang isang bagay na kaiba sa Kanluran ay ang sa Silangan—mula sa timog hanggang sa hilaga, mula sa silangan hanggang sa kanluran—ang klima ay mainam kaysa sa Kanluran. Ang apat na kapanahunan ay malinaw na inilarawan, ang mga temperatura ay tumatangkilik, ang mga likas na yaman ay masagana, at ang likas na tanawin at ang mga uri ng kalupaan ay higit na mainam sa Kanluran. Bakit ginawa ito ng Diyos? Ang Diyos ay lumikha ng totoong makatwirang balanse sa pagitan ng mga taong puti at mga taong dilaw. Ano ang ibig sabihin nito? Ang bawat aspeto na tinatamasa ng mga taong puti ay higit na mainam kaysa kung ano ang tinatamasa ng mga taong dilaw. Ang kanilang pagkain at ang mga bagay na kanilang ginagamit ay higit na mas mainam. Gayunman, ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kaninumang lahi. Ibinigay ng Diyos sa mga taong dilaw ang isang mas maganda at mas mainam na kapaligiran para mabuhay. Ito ang balanse. Kaya ngayon naiintindihan na ninyo, tama?
Itinalaga na ng Diyos kung anong uri ng mga tao ang titira sa kung aling bahagi ng mundo at hindi maaaring humakbang palabas ang mga tao sa saklaw na ito. Ito ay kahanga-hangang bagay! Kahit na may mga digmaan o mga paglusob sa iba’t-ibang kapanahunan sa partikular na mga panahon, ang mga digmaang ito, ang gayong mga paglusob ay sukdulang di kayang wasakin ang mga kapaligiran para sa kaligtasan na itinalaga ng Diyos para sa bawat lahi. Iyon ay, ipinirmi ng Diyos ang isang tiyak na uri ng mga tao sa isang tiyak na bahagi ng mundo at hindi sila makalalabas sa saklaw na iyon. Kahit na ang mga tao ay may ilang uri ng ambisyon na baguhin o palawakin ang kanilang teritoryo, kung walang pahintulot ng Diyos, napakahirap nitong makamtam. Napakahirap nitong magtagumpay. Halimbawa, gusto ng mga taong puti na palawigin ang kanilang teritoryo at sinakop nila ang ilan pang ibang mga bansa. Sinalakay ng mga Aleman ang ilang mga bansa, sinakop ng Inglatera ang India. Ano ang kinalabasan? Sa huli sila ay nabigo. Ano ang ating nakikita mula sa kabiguan na ito? Kung ano ang itinalaga ng Diyos ay hindi pinahihintulutang masira. Kaya, gaano man katindi ng bilis ang maaaring makita ninyo sa paglawak ng Inglatera, sa huli ang kinalabasan ay kinailangan din nilang umatras at ang lupang iyon ay pagmamay-ari pa rin ng India. Yaong mga nakatira sa lupang iyon ay mga Indyano pa rin, hindi ang Briton. Ito ay dahil isa itong bagay na hindi ipinahihintulot ng Diyos. Ang ilan sa mga nagsasaliksik ng kasaysayan o pulitika ay naglaan ng mga sanaysay ukol rito. Nagbigay sila ng mga kadahilanan kung bakit nabigo ang Inglatera, sinasabi na marahil ang isang tiyak na lahi ay hindi maaaring malupig, o maaaring dahil sa ilang pantaong kadahilanan…. Ang mga ito ay hindi ang tunay na mga kadahilanan. Ang tunay na rason ay dahil sa Diyos—hindi Niya ito ipinahihintulot. Ang Diyos ay mayroong isang lahing naninirahan sa isang siguradong lugar at pinatitira sila doon, at kapag hindi sila pinahintulutan ng Diyos na lumipat hindi sila kailanman makalilipat. Kapag ang Diyos ay nagtatakda ng saklaw para sa kanila, sila ay maninirahan sa loob ng saklaw na iyon. Ang sangkatauhan ay hindi makahuhulagpos o makatatakas sa mga saklaw na ito. Ito ay tiyak. Gaano man kalakas ang mga hukbo na lumulusob o gaano man kahina yaong nilulusob, ang kanilang tagumpay sa huli ay nasa Diyos. Itinalaga na Niya ito at walang sinuman ang makababago nito. Ganito ipinamahagi ng Diyos ang iba’t-ibang mga lahi. Anong gawain ang ginawa ng Diyos upang ipamahagi ang mga lahi? Una, Siya ay naghanda ng mas malaking kapaligirang pangheograpiya, ang mas malaking kapaligiran, paglalaan ng iba’t-ibang mga lokasyon para sa mga tao, at sa gayon maraming salinlahi ang nabuhay doon. Ito ay maayos na—ang saklaw para sa kanilang paraan para mabuhay ay maayos na. At ang kanilang diyeta, ang kanilang mga buhay, kung ano ang kakainin, kung ano ang iinumin, kanilang mga kabuhayan—matagal nang isinaayos ng Diyos ang lahat ng iyon. At nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, gumawa Siya ng iba’t-ibang paghahanda para sa iba’t-ibang uri ng mga tao: May iba’t-ibang mga kayarian ng lupa, iba’t-ibang mga klima, iba’t-ibang mga halaman, at iba’t-ibang mga pangheograpiyang kapaligiran. At iba’t-ibang mga lugar ay mayroon pang iba’t-ibang mga ibon at mga hayop, ang iba’t-ibang mga tubig ay may sari-saring uri ng isda at mga pantubig na mga produkto, at maging ang mga uri ng mga insekto ay Diyos ang nagpasiya. Halimbawa, may mga uwak sa Asya ngunit malamang wala sa Estados Unidos. Ito ay totoong natatangi. At ang mga maya sa US ay iba kaysa sa mga maya sa Lupain ng Tsina. Ang mga bagay na tumutubo sa kontinente ng Amerika ay masyadong malaki lahat, masyadong mataas at masyadong matibay. Ang mga ugat ng mga puno sa kagubatan ay masyadong mababaw, ngunit tumutubo sila nang masyadong mataas. Maaari pa silang tumaas ng higit sa 100 talampakan, subalit ang mga puno sa mga kagubatan sa Asya ay hindi ganoon kataas ang karamihan. Nakatitiyak Ako na narinig na ninyong lahat ang ukol sa mga halamang sabila. Sa Japan ang mga ito ay masyadong makitid, masyadong manipis, ngunit ang mga halamang sabila sa US ay talagang malalaki. Ito ay naiiba. Ito ay magkaparehong halaman na may magkaparehong pangalan, ngunit sa kontinente ng Amerika ito ay medyo malaki—mayroon talagang pagkakaiba. Ang mga pagkakaiba sa ganitong iba’t-ibang mga aspeto ay maaaring hindi makita o mahalata ng mga tao, ngunit nang nililikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, Kanyang inilarawan ang mga ito at naghanda ng iba’t-ibang mga pangheograpiyang kapaligiran, iba’t-ibang mga kalupaan, at iba’t-ibang buhay na mga bagay para sa iba’t-ibang lahi. Sapagkat nilikha ng Diyos ang iba’t-ibang uri ng mga tao, nalalaman Niya ang mga pangangailangan ng bawat isa sa kanila at kung ano ang kanilang mga uri ng pamumuhay. Kaya, anumang nilikha ng Diyos ay totoong mabuti. Ngayon naliwanagan na kayo dapat diyan.
Pagkatapos pag-usapan ang ilan sa mga bagay na ito, ngayon mayroon na ba kayong kamalayan ukol sa pangunahing paksa na katatalakay pa lang natin? Mayroon na ba kayong pagkaunawa ukol rito? Mayroong dahilan sa pagsasabi Ko tungkol sa mga bagay na ito sa loob ng mas malawak na paksa—ngayon dapat ay mayroon na kayong pangkalahatang ideya ukol rito. Maaari ninyong sabihin sa akin kung gaano ninyo naintindihan. (Ang buong sangkatauhan ay inalagaan lamang ng mga kautusan na ipinasiya ng Diyos para sa lahat ng mga bagay. Nang ipinapasiya ng Diyos ang mga kautusang ito, inilaan Niya sa iba’t-ibang lahi na may iba’t-ibang mga kapaligiran, iba’t-ibang uri ng pamumuhay, iba’t-ibang mga pagkain, at iba’t-ibang mga klima at mga temperatura. Ito ay upang ang buong sangkatauhan ay makapanahan sa lupa at mabuhay. Mula rito ay nakikita Ko ang plano sa pamamahala ng Diyos at ang Kanyang metikulosong pagsasaayos gayundin ang Kanyang karunungan at pagka-perpekto.) (Nang upang maalagaan ang sangkatauhan, ipinasiya ng Diyos ang mga kautusang ito para sa atin at naghanda ng kapaligirang pangheograpiya gayundin ng iba’t-ibang mga pagkain. At nang upang tayo ay mas maayos na mabuhay sa loob ng ganitong mga uri ng kapaligiran naghanda Siya ng iba’t-ibang mga puwang upang matirhan. Mula rito ay nakikita Ko na ang gawain at mga plano ng Diyos ay talagang eksakto, at nakikita Ko ang Kanyang pag-ibig sa ating mga tao.) May idadagdag pa bang anuman ang sinuman? (Ang mga kautusan at mga saklaw na ipinasiya ng Diyos ay hindi maaaring baguhin sa anumang paraan ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Lahat ito ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala.) Sa pagtingin mula sa pananaw ng mga kautusang ipinasiya ng Diyos para sa paglago ng lahat ng mga bagay, hindi ba ang buong sangkatauhan, anuman ang maging uri, nabubuhay sa ilalim ng pagtutustos ng Diyos—hindi ba sila nabubuhay lahat sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos? Kung ang mga kautusang ito ay nasira o kung hindi itinatag ng Diyos ang ganitong mga uri ng kautusan para sa sangkatauhan, ano ang kanilang maaasahan? Pagkatapos mawala ng mga tao ang kanilang mga pangunahing kapaligiran para mabuhay, magkakaroon ba sila ng anumang pagkukunan ng pagkain? Posible na ang mga pinagkukunan ng pagkain ay magiging suliranin. Kung mawala ng mga tao ang mga pinagkukunan ng kanilang pagkain, iyon ay, hindi sila makakukuha ng anumang makakain, posibleng hindi sila makatatagal kahit isang buwan lang. Ang kakayahan para mabuhay ng mga tao ay magiging problema. Kaya ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos para mabuhay ang mga tao, para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-iral at pagpaparami ay napakahalaga. Ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos sa lahat ng mga bagay nakaugnay nang malapit at hindi maihihiwalay sa kakayahan ng mga tao upang mabuhay. Ito ay hindi maihihiwalay sa kanilang kakayahang mabuhay. Kung ang kakayahang mabuhay ng mga tao ay maging suliranin, makapagpapatuloy pa ba ang pamamahala ng Diyos? Iiral pa ba ang pamamahala ng Diyos? Kaya ang pamamahala ng Diyos ay kasamang umiiral ng kakayahang mabuhay ng buong sangkatauhan na Kanyang inaalagaan, at maging anuman ang inihahanda ng Diyos para sa lahat ng mga bagay at ginagawa para sa mga tao, lahat ng ito ay kinakailangan sa Kanya, at ito ay napakahalaga sa kakayahan ng mga tao na mabuhay. Kapag ang mga kautusang ito na ipinasiya ng Diyos para sa lahat ng mga tao ay nilayuan, kapag ang mga kautusang ito ay nilabag o pinutol, ang lahat ng mga bagay ay hindi na iiral pa, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay hindi na makapagpapatuloy na iiral, at maging ang kanilang pang-araw-araw na kabuhayan, at maging sila. Sa kadahilanang ito, Ang pamamahala ng Diyos sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi na rin iiral pa. Ito ay isang bagay na dapat makita nang malinaw ng mga tao.
Ang lahat ng ating tinalakay, ang bawat isang bagay, ang bawat piraso ay matalik na nakaugnay sa kakayahang mabuhay ng bawat isang tao sa kaligtasan. Maaari ninyong sabihing, “ang Iyong sinasabi ay masyadong malaki, hindi namin ito nakikita,” at marahil ay may mga tao na makapagsasabi “Ang Iyong sinasabi ay walang kinalaman sa akin.” Gayunman, huwag ninyong kalilimutan na kayo ay nabubuhay bilang bahagi lamang ng lahat ng mga bagay; kayo ay kabilang sa lahat ng mga bagay sa loob ng pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng mga bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan. Hindi alintana kung anong lahi ka o kung anong piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para mabuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa patakaran ng Diyos at ng Kanyang pamamahala. Sinasabi ng ilang mga tao: “Hindi ako magsasaka, hindi ako nagtatanim ng mga halaman para mabuhay. Hindi ako umaasa sa kalangitan para sa aking pagkain, kaya masasabi ko na hindi ako nabubuhay sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos. Ang gayong uri ng kapaligiran ay hindi nakapagbigay sa akin nang anuman.” Ngunit hindi ito tama. At bakit hindi? Sinasabi mo na hindi ka nagtatanim ng mga halaman para sa iyong ikinabubuhay, ngunit hindi ka ba kumakain ng mga butil? Hindi ka ba kumakain ng karne? Hindi ka ba kumakain ng mga itlog? Hindi ka ba kumakain ng mga gulay at prutas? Ang lahat ng iyong kinakain, lahat ng mga bagay na iyong kailangan, ay hindi maihihiwalay mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan. At ang pinaggagalingan ng lahat ng kinakailangan ng tao ay hindi naaaring mahiwalay mula sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, ito ang mga uri ng mga kapaligiran para mabuhay . Ang tubig na iyong iniinom, ang pananamit na iyong isinusuot, at ang lahat ng mga bagay na iyong ginagamit—alin sa mga ito ng hindi nakukuha mula sa lahat ng mga bagay? Sinasabi ng ilang mga tao: “May ilang mga bagay ang hindi nakukuha mula sa lahat ng mga bagay.” Kagaya ng ano? Bigyan mo Ako ng halimbawa. Sabi ng ilan: “Nakikita Mo, ang plastik ay hindi nakukuha mula sa lahat ng mga bagay. Ito ay isang bagay na kemikal, isang bagay na gawa ng tao.” Ngunit hindi ito tama. Bakit hindi? Ang plastik ay gawa ng tao, ito ay isang bagay na kemikal, ngunit saan nanggaling ang likas na sangkap? (Nanggaling sila mula sa mga bagay na dati nang nilikha ng Diyos.) Ang likas na mga sangkap ay nakuha mula sa mga materyales na nilikha ng Diyos. Ang mga bagay na iyong tinatamasa, na iyong nakikita, ang bawat isang bagay na iyong ginagamit ay nakuhang lahat mula sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, maging anuman ang lahi, maging anuman ang kabuhayan, o sa anumang uri ng kapaligiran para mabuhay na nakatira ang mga tao, hindi nila maihihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa mga pagtutustos ng Diyos. Kaya ang lahat ba ng mga bagay na ating tinalakay sa araw na ito ay may kaugnayan sa ating paksa na “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay”? Kaya ang mga bagay ba na ating tinalakay sa araw na ito ay maibibilang sa mas malaking paksa na ito? Dahil lang sa kaugnayang ito kaya Ko nasabi ang lahat ng ito. Marahil ang ilan sa Aking natalakay sa araw na ito ay medyo mahirap unawain at medyo mahirap pag-usapan. Gayunman, iniisip Ko na malamang ay mas medyo naiintindihan na ninyo ito ngayon.
Sa mga huling pagkakataon sa pagsasama, ang saklaw ng mga paksa na ating pinagsamahan ay higit pang malawak, at ang kanilang saklaw ay malapad, kaya kinakailangan ng ilang pagsisikap para maunawaan ninyong lahat. Ito ay dahil sa ang mga paksang ito ay mga bagay na nasagupa na noong una sa paniniwala ng mga tao sa Diyos. Dinirinig ito ng ilang mga tao bilang misteryo at ang ilang mga tao’y dinirinig ito bilang kuwento—aling pananaw ang tama? Mula sa anong pananaw ninyo dinirinig ang lahat ng ito?Ano ang inyong natamo mula sa lahat ng ito? Magsabi ang sinuman sa akin. (Ako ay nakakilala ng aspeto ng awtoridad ng Diyos at nakita rin ang Kanyang karangalan, at buhat doon nakikita ko ang Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan. Ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay naglalaman ng Kanyang maingat na mga pagsasaayos at mga plano para sa sangkatauhan. Minamahal Niya tayo at pinahahalagahan nang sobra na pinagkalooban pa Niya tayo ng ating pagkain nang may pagsuyo.) (Nakita natin ang mga pagkilos ng Diyos, gayundin ang kung gaano Niya kasistematikong isinaayos ang lahat ng mga bagay at na ang lahat ng mga bagay ay mayroong ng ganitong mga kautusan, at sa pamamagitan ng gayong mga salita mas lalo nating maiintindihan ang mga pagkilos ng Diyos at ang Kanyang metikulosong pagsasaayos para sa pagliligtas ng sangkatauhan.) Sa pamamagitan ng mga sandaling ito ng samahan, nakita niyo ba kung ano ang saklaw ng pamamahala ng Diyos para sa lahat ng mga bagay? (Ang buong sangkatauhan, lahat ng bagay.) Ang Diyos ba ay Diyos ng isang lahi? Siya ba ang Diyos ng isang uri ng mga tao? Siya ba ang Diyos ng isang maliit na bahagi ng sangkatauhan? (Hindi, hindi Siya ganoon.) Yamang hindi iyon ang kaso, sa kaalaman ng tao ukol sa Diyos, kung Siya lamang ang Diyos ng maliit na bahagi ng sangkatauhan, kung kayo ay naniniwala na ang Diyos ay Diyos lamang ninyo, tama ba ang pananaw na ito? Yayamang pinamamahalaan ng Diyos at namumuno sa lahat ng mga bagay, kailangang makita ng mga tao ang Kanyang mga pagkilos, ang Kanyang karunungan, at ang Kanyang pagiging makapangyarihan na nabunyag sa Kanyang pamumuno sa lahat ng mga bagay. Ito ay isang bagay na dapat makita ng tao. Kung sinasabi mong pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga nilalang, namumuno sa lahat ng mga nilalang, at namumuno sa buong sangkatauhan, ngunit kung wala kang pagkaunawa o kabatiran sa Kanyang pamumuno sa sangkatauhan, magagawa mo ba talagang kilalanin na pinamumuuan Niya ang lahat ng mga bagay? Magagawa mo ba? Maaari kang mag-isip sa iyong puso, “Magagawa ko, dahil nakikita ko na ang buhay kong ito ay pinamumunuang lahat ng Diyos.” Ngunit ganoon ba talaga kaliit ang Diyos? Hindi Siya ganoon! Nakikita mo lamang ang pagliligtas ng Diyos para sa iyo at ang Kanyang gawain sa iyo, at mula sa mga bagay na ito nakikita mo ang Kanyang pamumuno. Ito ay napakaliit na saklaw lamang at ito ay nakaapekto sa iyong dalisay na kaalaman ukol sa Diyos. Nililimitahan din nito ang iyong dalisay na kaalaman ukol sa pamumuno ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Kapag nilimitahan mo ang iyong kaalaman sa saklaw ng kung ano ang naipagkakaloob para sa iyo ng Diyos at ang Kanyang pagbibigay kaligtasan sa iyo, hindi mo na kailanman kikilalanin na pinamumunuan Niya ang lahat, na pinamumunuan Niya ang lahat ng mga bagay, at pinamumunuan Niya ang buong sangkatauhan. Kapag nabigo ka na makilala ang lahat ng ito, magagawa mo bang tunay na makilala ang katotohanan na pinamumunuan ng Diyos ang iyong tadhana? Hindi mo magagawa. Sa iyong puso ay hindi mo kailanman magagawang kilalanin ang gayong aspeto—hindi mo kailanman magagawang makilala ang gayong antas. Naiintindihan mo, tama? (Oo.) Ang totoo, nalalaman Ko kung hanggang saang antas ninyo nauunawaan ang mga paksang ito, ang nilalamang ito na aking sinasabi, kaya bakit palagi ko itong sinasabi? Ito ay dahil sa ang mga paksang ito ay mga bagay na dapat na maintindihan ng bawat isang sumusunod sa Diyos, bawat isang tao na nagnanais na mailigtas ng Diyos—dapat nilang malaman ang ukol sa mga paksang ito. Kahit na sa oras na ito, sa sandaling ito ay hindi mo pa maunawaan ang mga ito, ngunit balang araw, kapag ang iyong buhay at ang iyong karanasan sa katotohanan ay makarating sa isang tiyak na antas, kapag ang pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay ay makarating sa isang tiyak na antas at ang iyong tayog ay madagdagan ng isang tiyak na grado, ang mga salitang ito—ang mga paksang ito na Aking ipinababatid sa iyo sa samahan—sa gayon lamang nila tunay na maipagkakaloob at mapasisiya ang iyong paghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Kaya ang mga salitang ito ay maglalatag ng saligan, upang ihanda kayo para sa inyong pagkaunawa sa hinaharap na ang Diyos ang namumuno sa lahat ng mga bagay at para sa inyong pagkaunawa sa Diyos Mismo.
Gaano man karami ang pagkaunawa ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao ipinapasiya nito kung gaanong kalagayan ang Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso. Gaano man kadakila ang kaalaman ukol sa Diyos ang nasa kanilang mga puso ito ay kung gaano kadakila ang Kanyang katayuan sa kanilang mga puso. Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo, kung gayon ang Diyos sa iyong puso ay wala ding laman at malabo. Kung ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa loob ng iyong sariling saklaw, kung gayon siya ay isang sobrang liit na Diyos—ang Diyos na iyon ay walang kaugnayan sa tunay na Diyos at walang kinalaman sa Kanya. Kaya, ang pagkilala sa tunay na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang pagiging makapangyarihan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at ano Siya, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng mga bagay—ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa bawat buhay ng tao, mula sa bawat praktikal na buhay ng tao ng paghahanap sa katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa iyong sariling konting mga karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa iyong konting mga pagpapatotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin ko na ang iyong Diyos ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos. Tiyak na hindi Siya ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay hindi Diyos. Ito ay dahil sa ang Diyos na Aking tinutukoy ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan—ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng mga bagay, sa kakayahang mabuhay ng lahat ng mga bagay, at sa mga kautusang ng pagbabago sa lahat ng mga bagay. Kung hindi mo nakikita o kinikilala ang alinman sa mga pagkilos ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay, kung gayon hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga pagkilos. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kapag nagpatuloy kang nagsalita tungkol sa maliit na kung tawagi’y Diyos na kilala mo, ang Diyos na iyon na limitado sa iyong sariling mga palagay, at nasa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kapag nagpatuloy kang nagsalita sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung gagamitin mo lamang kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, tanggapin ang disiplina ng Diyos at Kanyang kaparusahan, at tanggapin ang Kanyang mga Biyaya sa iyong pagsasaksi para sa Kanya, iyon ay lubhang hindi sapat, at malayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi para sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung anong mayroon ang at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang iyong pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang Diyos ang naglalaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay, na pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa lahat ng mga bagay, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumasaksi para sa Diyos. Naiintindihan mo na ngayon ang lahat ng ito, tama? Ano ang Aking layunin sa pagsasabi ng lahat ng ito? Ito ay nang upang huwag ninyong tanggapin ito nang walang kaseryosohan, upang huwag kayong maniwala na ang mga paksang ito na aking sinalita ay walang kinalaman sa inyong personal na pagpasok sa buhay, at upang huwag ninyong tanggapin ang mga paksang ito bilang isang uri lamang ng kaalaman o doktrina. Kung pinakikinggan ninyo ito sa ganyang uri ng saloobin, hindi kayo makapagtatamo ng anumang bagay. Mawawala mo ang malaking oportunidad na ito na makilala ang Diyos. Kaya naiintindihan na ba ninyo ngayon?
Ano ang Aking layunin sa pagsasalita sa lahat ng mga bagay na ito? Ang Aking layunin ay para maipakilala sa tao ang Diyos, upang maipanunawa sa mga tao ang tunay na mga pagkilos ng Diyos. Sa sandaling maunawaan mo ang Diyos at malamanmo ang Kanyang mga pagkilos, sa gayon ka pa lang magkakaroon ng pagkakataon o posibilidad na makilala Siya. Kung, halimbawa, gusto mong maunawaan ang isang tao, paano mo sila uunawain? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang panlabas na kaanyuan? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kung ano ang kanilang suot, paano sila magdamit? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin kung paano sila maglakad? Ito ay sa pamamagitan ng pagtingin sa saklaw ng kanilang kaalaman? Tiyak na hindi ganoon. Kaya paano mo uunawain ang isang tao? Hahatulan mo ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga saloobin, sa pamamagitan ng kanilang pananalita at pag-uugali, sa pamamagitan ng kanilang ipinanahayag at kanilang ibinubunyag. Ito ang iyong paraan sa pagkilala sa isang tao, kung paano uunwain ang tao. Gayundin, kung gusto ninyong makilala ang Diyos, kung gusto ninyong maintindihan ang praktikal Niyang panig, ang Kanyang totoong panig, kailangang makilala ninyo Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkilos at sa pamamagitan ng bawat isang praktikal na bagay na Kanyang ginagawa. Ito ang pinakamahusay na paraan, at ito ang tanging paraan. Kaya naiintindihan na ba ninyo ngayon? Inihahayag ng Diyos ang Kanyang mga pagkilos sa gitna ng lahat ng mga bagay at sa gitna ng lahat ng mga bagay ay Siya ang namamahala at may hawak sa mga kautusan sa lahat ng mga bagay. Lubos na kinakailangan sa mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos.
Mula sa: Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX(II)"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Email: contact.tl@kingdomsalvation.org
Mga Hotline ng Ebanghelyo: +63-910-703-2766 / +63-935-847-3563
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento