Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII( IX)
Tungkol dito, matapos kong magwika nang napakarami, kaya ba ninyong sabihin na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay? (Oo.) Walang pasubali! Ito ay may kasiguraduhan. Ang pagbibigay ng Diyos sa lahat ng bagay ay sapat upang ipakita na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay, dahil Siya ang pinanggagalingan ng katustusan na nagbigay ng kakayahan sa lahat ng bagay na umiral, mamuhay, magpakarami, at magpatuloy. Bukod sa Diyos wala nang iba.
Nagbibigay Siya ng lahat ng pangangailangan ng lahat ng bagay at lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan, kahit pa ito ay ang mga pinakapangunahing mga pangangailangan, ano ang kailangan ng mga tao araw-araw, o ang katustusan ng katotohanan sa mga kaluluwa ng mga tao. Mula sa lahat ng perspektibo, pagdating sa pagkakakilanlan ng Diyos at sa Kanyang estado sa sangkatauhan, tanging ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay. Ito ay walang dudang totoo. Ang Diyos ang Hari, Panginoon, at Tagapagbigay ng materyal na mundong ito na kayang makita ng mga tao sa kanilang mga mata ay maaring maramdaman. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito ang pagkakakilanlan ng Diyos? Ito ay tila katotohanan. Kung kaya kapag nakakita ka ng mga ibong lumilipad sa langit, dapat mong malaman na nilikha ng Diyos ang mga bagay na kayang lumipad. Ngunit mayroong mga bagay na may buhay na lumalangoy sa tubig, at namumuhay rin sila nang ligtas sa maraming paraan. Ang mga puno at halaman na nanirahan sa lupa ay umusbong sa tagsibol at namunga ng prutas at nalalagasan ng mga dahon sa taglagas, at pagsapit ng taglamig, lahat ng mga dahon ay nalaglag na at sumailalim sa taglamig. Iyon ang kanilang paraan ng pamumuhay. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, bawat isa ay namumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang mga porma at iba’t ibang mga paraan at gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang ipakita ang kapangyarihan nito at anyo ng buhay. Hindi alintana kung anumang pamamaraan, lahat ng ito ay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Ano ang layon ng pamumuno ng Diyos sa iba’t ibang anyo ng buhay at mga nabubuhay na nilalang? Ito ba ay para sa kapakanan ng pamumuhay ng sangkatauhan? (Oo.) Kinokontrol Niya ang lahat ng mga kautusan ng buhay para sa kapakanan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Ipinapakita lamang nito kung gaano kahalaga ang pamumuhay ng sangkatauhan para sa Diyos. Nakikita mo na ba ito ngayon?
Ang sangkatauhan bilang may kakayahang manirahan nang ligtas at magparami nang normal ay isa sa mga pinakamahalaga sa Diyos. Kung gayon, palagiang nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan at sa lahat ng mga bagay. Nagbibigay Siya sa lahat ng bagay sa iba’t ibang paraan, at sa ilalim ng mga pagkakataon ng pagpapanatili ng kaligtasan ng buhay ng lahat ng mga bagay, pinahihintulutan Niya ang sangkatauhan na magtuloy na sumulong upang panatilihin ang normal na pag-iral ng sangkatauhan. Ang mga ito ay ang dalawang aspetong ating pinag-uusapan ngayon. Ano ang dalawang aspetong ito? (Mula sa prespektibong makro, nilikha ng Diyos ang kapaligirang tirahan para sa sangkatauhan. Iyon ang unang aspeto. Gayun din, inihanda ng Diyos ang mga materyal na bagay na kailangan ng sangkatauhan at kayang makita at mahawakan.) Napag-usapan natin sa ating pangunahing paksa sa pamamagitan ng dalawang aspetong ito. Ano ang ating pangunahing paksa? (Ang Diyos ay ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay.) Dapat kang magtaglay ngayon ng kaunting pagkakaunawa kung bakit aking tinatalakay ang nilalamang ito sa ilalim ng paksang ito. Mayroon na bang naging pagtalakay na hindi kaugnay ng pangunahing paksa? Wala, tama? Marahil pagkatapos na marinig ang mga bagay na ito, ang ilan sa inyo ay maaring magkaroon ng kaunting pagkakaunawa at maramdaman na ang mga salitang ito ay lubos na mahalaga, ngunit ang iba ay maaring magkaroon lamang ng kaunting literal na pagkakaunawa at maramdaman na ang mga salitang ito ay hindi mahalaga. Kahit na paano kayong mga naririto ay nauunawaan ito ngayon, sa tagal ng inyong karanasan darating ang araw na ang inyong pagkakaunawa ay darating sa isang puntong, iyon ay, kapag ang inyong pagkakakilala sa mga kilos ng Diyos at Diyos Mismo ay umabot sa isang tiyak na punto, gagamitin ninyo ang inyong sariling mga praktikal na mga salita upang ihatid ang isang napakalalim at totoong patotoo ng mga kilos ng Diyos.
Sa palagay Ko ang inyong pagkakaunawa ngayon ay simple pa rin at literal, ngunit kaya ba ninyong kahit, matapos makinig sa Akin ay makapagsabi ng tungkol sa dalawang aspetong ito, mapagtanto kung anong mga pamamaraan ang ginamit ng Diyos upang bigyan ang sangkatauhan o ano ang mga bagay na ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan? Mayroon ba kayong pangunahing konsepto pati na rin pangunahing pagkakaunawa? Ngunit ang mga ito ba na dalawang aspeto na Aking tinatalakay na kaugnay ng Biblia? (Hindi.) Ang mga ito ba ay kaugnay sa paghatol ng Diyos at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian? (Hindi.) Kung gayon bakit Ko pinag-usapan ang dalawang mga aspetong ito? Ito ba ay dahil kailangang maunawaan ng mga tao ang mga ito upang makilala ang Diyos? (Oo.) Ito ay napakahalaga na malaman ang mga ito at napakahalaga rin nito upang maunawaan ang mga ito. Huwag lamang maging limitado sa Biblia, at huwag lamang maging limitado sa paghatol ng Diyos at pagkastigo sa tao upang maunawaan ang lahat tungkol sa Diyos. Ano ang layon ng pagtalon Ko palabas ng saklaw ng pakikipag-usap ng Biblia at paglabas mula sa mga salita ng Diyos mula sa Kapanahunan ng Kaharian? Ito ay upang hayaan ang mga taong malaman na ang Diyos ay hindi lamang basta ang Diyos ng Kanyang mga napiling tao. Kasalukuyan mong sinusundan ang Diyos, at Siya ang iyong Diyos, ngunit para sa mga nasa labas ng mga tao na sumusunod sa Diyos, ang Diyos ba ang kanilang Diyos? Ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng tao sa labas na sumusunod sa Kanya? (Oo.) Kung gayon, ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng bagay? (Oo.) Kung gayon, ginagawa ba ng Diyos ang Kanyang gawain at ginagampanan lamang ang Kanyang mga kilos sa mga sumusunod sa Kanya? (Hindi.) Ang saklaw nito ay ang buong sansinukob. Mula sa maliit na perspektibo, ang saklaw nito ay ang buong sangkatauhan at lahat ng bagay. Mula sa malaking perspektibo, ito ang buong sansinukob. Kaya maari nating sabihin na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at ipinapamalas ang Kanyang mga gawa sa sangkatauhan. Ito ay sapat upang hayaang malaman ng mga tao ang lahat tungkol sa Diyos Mismo. Kung gusto ninyong makilala ang Diyos at tunay na makilala at maunawaan Siya, kung gayon ay huwag lamang maging limitado sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at huwag lamang maging limitado sa mga kuwento ng gawa ng Diyos na minsan Niyang ginampanan. Kung iyong susubukang makilala Siya sa ganoong paraan, kung gayon ay ikinukulong mo ang Diyos sa isang partikular na limitasyon. Nakikita mo ang Diyos bilang hindi mahalaga. Anong impluwensya ang dinadala sa iyo ng ganitong mga pangyayari? Hindi mo magagawang makilala ang kadakilaan ng Diyos at katas-taasang kapangyarihan, at hindi mo kailanman magagawang makilala ang kapangyarihan at walang hanggang kapangyarihan at ang saklaw ng Kanyang awtoridad. Ang nasabing pagkaunawa ay makakaimpluwensya sa iyong abilidad na matanggap ang katotohanan na ang Diyos ang Hari ng lahat ng mga bagay, pati na rin ang inyong kaalaman ng tunay na pagkakakilanlan ng Diyos at estado. Sa madaling sabi, kung ang iyong pagkakakilala sa Diyos ay limitado sa saklaw, ang iyong maaring matanggap ay limitado rin. Kaya dapat mong lawakan ang saklaw at buksan ang iyong mga pag-tanaw. Maging ito ay ang saklaw ng gawa ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pamumuno ng Diyos, o lahat ng bagay na pinamunuan at pinamahalaan ng Diyos, dapat mong malaman ang lahat ng ito at makilala ang mga kilos ng Diyos na nakapaloob doon. Sa pamamagitan ng nasabing paraan ng pang-unawa, mararamdaman mo nang hindi sinasadya na ang Diyos ay namumuno, namamahala at nagbibigay sa lahat ng mga bagay. Sa parehong panahon, tunay mo ring mararamdaman na ikaw ay isang bahagi ng lahat ng mga bagay at isa sa lahat ng mga bagay. Habang nagbibigay ang Diyos ng lahat ng bagay, tinatanggap mo rin na ang pamumuno at pagtutustos ng Diyos. Ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makapagkakaila. Lahat ng bagay ay sasailalim sa kanilang mga sariling kautusan, na siyang nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at ang lahat ng bagay ay mayroong sariling tuntunin ng pamumuhay nang ligtas, na siyang nasa ilalim din ng pamumuno ng Diyos, habang ang kapalaran ng sangkatauhan at ang kanilang kailangan ay malapit na kaugnay sa pamumuno ng Diyos at Kanyang pagtutustos. Kaya naman, sa ilalim ng kapangyarihan at pamumuno ng Diyos, ang sangkatauhan at ang lahat ng mga bagay ay magkakaugnay, nagtutulungan, at magkakahabi. Ito ang layon at kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Nauunawaan mo na ba ito ngayon? (Oo.) Kung inyong nauunawaan, kung gayon tapusin na natin ang ating pag-uusap dito ngayong araw. Paalam!
Ika-2 ng Pebrero, 2014
Mula sa: Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII( IX)"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Email: contact.tl@kingdomsalvation.org
Mga Hotline ng Ebanghelyo: +63-910-703-2766 / +63-935-847-3563
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento