Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Mga Salita ng Cristo ng mga Huling Araw. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post
Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Mga Salita ng Cristo ng mga Huling Araw. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post

2020-06-03

Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia?

Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia? Kung walang batayan sa biblia, hindi natin dapat paniwalaan ito kaagad.

Sagot: Anumang malalaking insidente ng gawain ng Diyos ay iprinopesiya sa Biblia, at marami-rami rin ang mga propesiyang nauugnay sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus at gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pero dapat nating maintindihan na sinasabi lang ng mga propesiya sa mga tao kung ano ang mangyayari. Paalala ang mga ito para maging mapagmatyag ang mga tao at maghanap at magsiyasat nang mabuti sa mga huling araw, para hindi sila abandonahin o alisin ng Diyos.

2020-05-27

Hinahanap Ko ang Landas upang Makilala ang Diyos


Xiaocao Lungsod ng Changzhi, Lalawigan ng Shanxi

Isang araw, nakita ko ang sumusunod na sipi na bahagi ng salita ng Diyos “Paano Nakilala ni Pedro si Jesus”: “Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. … Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus, natanto rin ni Pedro na ang Kanyang karakter ay iba roon sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag at hindi kailanman nagmamadali, hindi kailanman nagmamalabis ni minaliit ang isang paksa, at pinatakbo ang Kanyang buhay sa paraang kapwa karaniwan at kahanga-hanga.

2020-05-25

Paano Ako Muntik nang Maging Hangal na Dalaga



Ni Li Fang, China

Noong taglagas ng 2002, si Sister Zhao na mula sa aking denominasyon, ang Iglesia ng Katotohanan, ay isinama sa aking tahanan ang kanyang pamangking si Sister Wang, para sabihin sa akin ang magandang balita tungkol sa pagparito ng Panginoon. Matapos ang ilang araw na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa detalyadong pagbabahagi ni Sister Wang, naunawaan ko na, mula sa paglikha ng daigdig hanggang sa ngayon, ang Diyos ay nagampanan na ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan.

2020-05-23

Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos na Magpatotoo



Ni Xiao Min, Probinsya ng Shandong

Isinilang ako sa isang mahirap at di-maunlad na bahagi ng kanayunan at namuhay nang mahirap at maralita bilang isang bata. Upang magkaroon ng mas magandang buhay sa lalong madaling panahon, pagkatapos akong ikasal, nagsimula akong magtrabaho nang walang tigil. Gayunman, sa huli, nagkasakit ako dahil sa sobrang pagtatrabaho, at ang dati kong malakas at malusog na pangangatawan ay sinira ng mga karamdaman.

2020-05-20

Isang Awit ng Buhay sa Gitna ng Pagkawasak

Ni Gao Jing , Lalawigan ng Henan

Noong 1999, nagkapalad akong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakita ko ang awtoridad at kapangyarihang hawak ng mga ito, at nadama na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos. Sa pagkarinig sa mga salitang ipinahayag ng Lumikha sa sangkatauhan ay naantig ako na lampas sa kakayahan kong maipaliwanag, at sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang diwa ng kapayapaan at kagalakan sa kailaliman ng aking espiritu na dinadala sa tao ng gawain ng Banal na Espiritu. Mula sa sandaling iyon, ako ay lalong naging masugid na mambabasa ng mga salita ng Diyos.

2020-05-17

Ang Paggising ng Isang Nalinlang na Espiritu



Ni Yuan Zhi, Brazil

Ipinanganak ako sa isang maliit na lungsod sa Northern China at noong 2010, sumunod ako sa mga kamag-anak ko sa Brazil. Dito sa Brazil, may nakaibigan akong isang Kristiyano na isinama ako sa iglesia upang makinig ng ilang sermon, pagkaraan ng tatlong pagbisita ay wala pa rin akong natutuhan. Naging abala talaga ako sa trabaho pagkatapos niyon, kaya hindi na ako bumalik ulit sa iglesia hanggang sa isang araw noong Hunyo 2015, minsan pa akong isinama ng kaibigan ko sa iglesia.

2020-05-14

Sa Mga Panahon ng Suliranin, Pinagkalooban Ako ng Salita ng Diyos ng Lakas ng Loob

Ni Chen Hui, Probinsya ng Jiangsu

Nagmula ako sa isang karaniwang pamilya sa Tsina. Kabilang sa militar ang aking ama at dahil hinubog at inimpluwensyahan niya ako sa murang edad, naniwala akong ang tawag at tungkulin ng isang sundalo ay maglingkod sa inang bayan, sumunod sa mga utos at maglingkod nang walang pag-iimbot sa ngalan ng Partido Komunista at ng mga tao. Naging determinado rin akong maging isang sundalo at sumunod sa mga yapak ng aking ama.

2020-05-02

Pagsisimula sa Landas ng Paniniwala sa Diyos

Rongguang Lungsod ng Harbin, Lalawigan ng Heilongjiang

Noong 1991, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nagsimula akong sumunod sa Makapangyarihang Diyos dahil sa isang sakit. Nang panahong iyon hindi ko alam ang anumang bagay tungkol sa paniniwala sa Diyos, ngunit ang kawili-wiling bagay ay, kapag kumakain at umiinom ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nasisiyahan ako rito. Naramdaman ko na ang Kanyang mga salita ay napakabuti, at kapag umawit o manalangin ako madalas akong mapukaw ng Banal na Espiritu hanggang sa punto ng pag-iyak.

2020-04-14

Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang




Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga anak, iyong bumubuo sa mga tao, at iyong mga nagbibigay serbisyo. Pinaghiwa-hiwalay Ko sila sa iba’t ibang kategorya alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naipahayag, Aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

2020-04-11

Paano dapat maranasan ng isang tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para makatamo ng pagliligtas?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Upang ibuod ang pagtahak sa landas ni Pedro sa paniniwala sa Diyos, ito ay ang pagtahak sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas ng tunay na pagkilala sa sarili at pagbabago sa disposisyon ng isa. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa daan ni Pedro matatahak ng isa ang landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isa kung paano espesipiko na tahakin ang landas ni Pedro at kung paano ito isagawa.

2020-03-29

Espirituwal na Pakikidigma: Dalawang Buwang “Pagkakabilanggo” Sa Akin ng Aking Asawa

Gawa ni Baituo, South Korea

“Mahal, buti pa itago mo yung mga bank card. Kasalanan ko na bulag kong pinaniwalaan ang mga tsismis ng CCP at sinubukan kong hadlangan ang paniniwala mo sa Diyos, at kinuha ko pa sa ‘yo ang mga bank card. Hay, huwag na nga natin ‘yong pag-usapan. Mabuting bagay ang paniniwala sa Diyos. Ituloy mo lang ang paniniwala sa Diyos, at hindi na kita aabalahin pa.” Nang marinig kong sabihin ‘to sa ‘kin ng asawa ko, patuloy akong nag-alay ng pasasalamat at papuri sa Diyos sa puso ko. Kung iisipin yung nakalipas na dalawang buwan, kung hindi dahil sa paggabay ng Diyos, baka namumuhay pa rin ako ngayon bilang “ibinilanggo” ng aking asawa …

2020-03-25

Ang Patotoo ng isang Cristiano|Ang Muling Pagsilang



Yang Zheng Lalawigan ng Heilongjiang

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na makaluma sa kanilang pag-iisip. Ako ay mapagmataas simula pa sa murang edad at talagang malakas ang aking pagnanais para sa katayuan. Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng panlipunang impluwensya at isang tradisyonal na edukasyon, kinuha ko ang lahat ng uri ng mga patakaran ni Satanas sa aking puso para mabuhay.

2020-03-19

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Pagtuklas sa Misteryo ng Paghatol



Ni Enhui, Malaysia

Ang pangalan ko ay Enhui; Ako ay 46 na taong gulang. Nakatira ako sa Malaysia, at 27 taon na akong nananampalataya sa Panginoon. Noong Oktubre 2015, lumipat ako sa isang lungsod para magtrabaho. Ang mga kasamahan ko ay mayroon nang Facebook, na ginagamit nila para sa pagcha-chat, paghahanap ng mga bagong kaibigan, at pagpo-post. Nang makita nila na wala akong Facebook, ginawan nila ako nito, at unti-unti kong natutuhan kung paano mag-online at gamitin ito. Kapag may oras ako, tinitingnan ko ang mga pino-post ng ilang mga kapatid na lalaki at babae sa Panginoon at ibinabahagi ko ang mga ito at nila-like ang mga ito. Kung minsan nagpo-post ako tungkol sa pagbibigay-papuri sa Panginoon o ibinabahagi ang biyaya ng Panginoon sa mga tao sa aking friends group. Talagang kasiya-siya ang bawat araw.

2020-03-13

Humahalimuyak mula sa Pagdurusa ang Bango ng Pag-ibig



Xiaokai, Probinsya ng Jiangxi

Isa akong ordinaryong babaeng taga-probinsya, dahil sa pyudalistikong ideya ng pagpapahalaga lamang sa mga batang lalaki, hindi ko nagawang itaas ang aking ulo sa harap ng iba pa dahil sa kahihiyan ng di pagkakaroon ng anak na lalaki. Nang naghihirap na ako nang sobra, pinili ako ng Panginoong Jesus at, pagkaraan ng dalawang taon, tinanggap ko ang kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos. Bukod dito, naunawaan ko ang maraming katotohanan mula sa loob ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakamit ng aking puso ang tunay na paglaya.

2020-03-10

Mula sa Salita ng Makapangyarihang Diyos, Natagpuan Ko ang Direksyon ng Aking Buhay



Ako ay si Novo, Ako ay isang Pilipino. Mula pagkabata ko, naniwala ako sa Diyos kasama ang aking ina. Nagsisimba ako kasama ang aking mga kapatid para makinig sa mga sermon. Kahit na naniwala ako sa Panginoon nang maraming taon, naramdaman ko na para akong isang hindi mananampalataya. Sa aking puso, pinag-iisipan ko kung paano kumita ng mas maraming pera at magkaroon ng mas magandang buhay sa buong araw.

2020-03-09

Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Tagalog Gospel Movie | "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" - Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia? (Clip 6/6)


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya talaga bang hindi tayo maaaring magtamo ng buhay kapag lumayo tayo mula sa Biblia? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40).

2020-03-08

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo



Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning

Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinangaan ang mga kapatid na makatatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na makaririnig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

2020-03-04

Ang Puwersa ng Buhay na Hindi Kailanman Mapapawi

Dong Mei, Probinsya ng Henan

Isa akong ordinaryong tao. Hindi espesyal ang buhay na ipinamuhay ko. Tulad ng maraming naghahangad sa liwanag, sinubukan ko ang maraming paraan upang hanapin ang tunay na kahulugan ng pag-iral ng tao, sinisikap na bigyan ang aking buhay ng higit na kabuluhan. Sa huli, ang lahat ng aking mga pagsisikap ay walang kabuluhan.

2020-02-27

Mga Patotoo sa Kaligtasan: Tanging ang Pagmamahal ng Diyos ang Tunay


Xiaodong    Lalawigan ng Sichuan

Sinabi ng Diyos, “Ang sambayanang Tsino na naging tiwali sa loob ng libu-libong taon ay nagpatuloy na sumulong hanggang ngayon. Ang lahat ng uri ng mga mikrobyo ay patuloy na lumalawak at kumakalat sa bawat dako gaya ng salot; sa pagtingin lamang sa mga kaugnayan ng mga tao ay sapat upang makita kung ilang mikrobyo ang nasa mga tao. Sukdulang napakahirap para sa Diyos na paunlarin ang Kanyang gawain sa lugar na gayong kahigpit ang pagkakasara at nahawaan-ng-mikrobyo.

2020-02-25

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon



Hu Ke Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Sa tuwing nakita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Bawat pangungusap na nasabi Ko na ay naglalaman sa loob nito ng disposisyon ng Diyos. Makakabuti sa inyo na magbulay nang masusi sa mga salita Ko, at tiyak na pakikinabangan ninyo nang malaki ang mga ito” (“Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya.