Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Jehova. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post
Pinapakita ang mga post na pinagbukud-bukod ayon sa petsa para sa query Jehova. Pinagbukud-bukod ayon sa kabuluhan Ipakita lahat ng mga post

2020-10-05

Tagalog Christian Songs | Maging mga Saksi Tulad Nina Job at Pedro


Tagalog Christian Songs | Maging mga Saksi Tulad Nina Job at Pedro


Maaari mong sabihing ikaw ay nalupig,
ngunit kaya mo bang tumalima
hanggang sa kamatayan?
Dapat kang sumunod hanggang katapusan
anuman ang iyong hinaharap.
'Di dapat mawala ang iyong pananampalataya,
anumang kapaligiran,
anumang nangyayari sa paligid mo.

2020-09-23

"Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" | Sipi 78


Pagdating sa salitang “paghatol,” maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw.

2020-08-17

Ano ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang kaalaman tungkol sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohiko?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng makilala ang Diyos? Ibig sabihin ay nakikilala ng tao ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos; ito ang pagkilala sa Diyos. Sinasabi mong nakikita mo na ang Diyos, ngunit hindi mo nauunawaan ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang Kanyang disposisyon, ni nauunawaaan ang Kanyang katuwiran. Wala kang pagkaunawa sa Kanyang pagka-mahabagin, at hindi mo alam kung ano ang gusto o kinamumuhian Niya. Hindi ito pagkakilala sa Diyos. Samakatuwid, nakakayang sundan ng ilang tao ang Diyos, ngunit hindi niyan ibig sabihin nananalig sila sa Diyos.

2020-08-09

Ang Panginoon Ay Nagpakita sa Silangan

Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”

2020-08-01

Ang Misteryo ng Trinidad ay Inihayag

Ni Jingmo, Malaysia

Napakapalad ko noong 1997 na matanggap ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus at, noong ako ay binyagan, nagdasal at bininyagan ako ng pastor sa pangalan ng Trinidad (o tatlong persona sa iisang Diyos)—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Mula noon, sa tuwing nagdarasal ako, inalay ko ang aking panalangin sa pangalan ng Trinidad, ang mapagmahal na Ama sa langit, ang Tagapagligtas na Panginoong Jesus, at ang Banal na Espiritu. Ngunit laging may pag-aalinlangan sa puso ko. Paano nangyari na naging isa lang ang tatlo? Hindi ko ganap na maipahayag o maunawaan kung ano ang kahulugan ng Trinidad.

2020-07-09

Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para mailigtas at magawang perpekto ang mga tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na kinakailangan ay itinatalaga sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang mga kapanahunan, ang mga kinakailangan ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagiging lalong mas mataas. Kaya, isa-isang hakbang, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos ay nakakaabot sa rurok nito, hanggang napagmamasdan ng tao ang katunayan ng “pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,” at sa paraang ito ang mga kinakailangan sa tao ay mas tumataas pa, at ang mga pangangailangan sa tao na sumaksi ay mas tumataas.

2020-07-03

Kailan Babalik ang Panginoong Jesus? Paano natin Siya Sasalubungin?


Palala nang palala ang mga sakuna sa mga araw na ito at mayroong mga tao online na hayagang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon. Nabasa ito sa Biblia ng ilang tao, "Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam," at naniniwala sila na kung nagbalik na ang Panginoon ay walang makakaalam. Pag-isipan mo ito: Kung walang nakakaalam sa pagbabalik ng Panginoon, paano natin Siya masasalubong? Ano ang tunay na kahulugan ng "Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam"? Talaga bang nagbalik na ang Diyos o hindi? Ituloy mo ang pagbabasa upang matuto nang higit pa.

2020-05-17

Ang Paggising ng Isang Nalinlang na Espiritu



Ni Yuan Zhi, Brazil

Ipinanganak ako sa isang maliit na lungsod sa Northern China at noong 2010, sumunod ako sa mga kamag-anak ko sa Brazil. Dito sa Brazil, may nakaibigan akong isang Kristiyano na isinama ako sa iglesia upang makinig ng ilang sermon, pagkaraan ng tatlong pagbisita ay wala pa rin akong natutuhan. Naging abala talaga ako sa trabaho pagkatapos niyon, kaya hindi na ako bumalik ulit sa iglesia hanggang sa isang araw noong Hunyo 2015, minsan pa akong isinama ng kaibigan ko sa iglesia.

2020-04-02

Paano naaakay at natutustusan ng Diyos ang sangkatauhan hanggang ngayon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatutupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisapmata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buhay ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

2020-03-03

Ang relasyon sa pagitan ng bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.

2020-02-22

Ano ang mahahalagang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan din sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan.

2020-02-21

Gawa ng Diyos|Ang layunin at kabuluhan ng bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos


(1) Ang layunin at kabuluhan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eva, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.

2020-01-31

Isang Diskusyon sa Kung Ano ang Tunay na Pagsisisi

Isang Diskusyon sa Kung Ano ang Tunay na Pagsisisi

Ni Liu Shuo

Sa isang pagpupulong ng mga magkakatrabaho, sina Wang Wei, Ma Tao at Hu Zhi ay nakaupong tutok sa pag-aaral ng Biblia.

Ngumiti si Wang Wei at kinausap ang grupo, sinasabing, “Mga katrabaho, mag-umpisa tayo sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang mga bersikulo ng banal na kasulatan. Sinasabi ng Panginoong Jesus, ‘Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit’ (Mateo 4:17). ‘Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio’ (Marcos 1:15).

2020-01-28

Ang 5 Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus ay Naganap na


                                                          Ni Zheng Xun

Nalalapit na tayo sa katapusan ng mga huling araw, at marami sa ating mga kapatid na matiyagang naniniwala sa Diyos at naghihintay sa Kanyang muling pagbabalik ay malamang na iniisip ang tanong na ito: Ang sabi ng Panginoong Jesus sa Kabanta 22 bersikulo 12 ng Apocalipsis, “Narito, ako’y madaling pumaparito.

2020-01-25

Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo.

2020-01-09

(II) Mga Salita tungkol sa Paghahayag sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya

Kapanahunan ng Biyaya, Ipako sa Krus,  Tinubos, Jesus,

(II) Mga Salita tungkol sa Paghahayag sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya


22. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang-tao, at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya.

2020-01-05

I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan


I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan


(I) Mga Salita tungkol sa Paghahayag sa Gawain ng Kapanahunan ng Kautusan

16. Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon.

2020-01-01

Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan

ang katotohanan, paniniwala, karunungan ng Diyos, nilikha ng Diyos,

Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan


Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw.

2019-12-08

Gabay sa Pananampalataya - Pamamaraan Kung Paano Manalangin Upang Makinig ang Diyos

panalangin, paano manalangin, Ebanghelyo,

Pamamaraan Kung Paano Manalangin Upang Makinig ang Diyos


Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga.

2019-11-28

Ang Patotoo ng isang Cristiano - Nauunawaan Mo Ba ang 4 na Prinsipyo ng Epektibong Panalangin?

panalangin, Bibliya, Ebanghelyo,

Nauunawaan Mo Ba ang 4 na Prinsipyo ng Epektibong Panalangin?


Ni Yang Yang, China

Mga kapatid, alam natin na ang pananalangin sa Diyos ang pinakadirektang paraan ng mga Kristiyano upang makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, maliban sa mula umaga hanggang gabing panalangin, nananalangin din tayo sa iba pang mga panahon tulad ng kapag nagbabasa ng Bibliya, kapag nasa mga pagtitipon, kapag nag-oobserba ng Sabbath, o kapag humaharap sa mga kahirapan.