Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

2019-12-30

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Panimula

pananalig sa Diyos, Ebanghelyo, salita ng Diyos, Jesus,

Panimula


Sa Kanyang gawain sa mga huling araw, napakarami nang salitang ipinahayag ang Makapangyarihang Diyos na naisama sa aklat na: Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang aklat na ito ay napakaraming nilalaman, at napakahalaga at lubhang mahalaga ito sa kaalaman ng mga tao tungkol sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa.

2019-12-20

Iba pang mga Katotohanan ng Ebanghelyo - Ano ang tunay na panalangin?

panalangin, Panalangin sa Diyos, Ebanghelyo, kaligtasan, Pananampalataya sa Diyos,

Ano ang tunay na panalangin?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig.