Sa Ilalim ng Awtoridad ng Lumikha, Perpekto ang Lahat ng Bagay
Ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, kasama yaong mga makagagalaw at mga di-makagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—mabuti ang lahat ng ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, alinsunod sa Kanyang plano, ay nakaabot lahat sa rurok ng pagkaperpekto, at naabot na ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos.