Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-12-16

Salita ng Diyos - Sa Ilalim ng Awtoridad ng Lumikha, Perpekto ang Lahat ng Bagay

nilikha ng Diyos, gawa ng Diyos, Ebanghelyo,

Sa Ilalim ng Awtoridad ng Lumikha, Perpekto ang Lahat ng Bagay


Ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, kasama yaong mga makagagalaw at mga di-makagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—mabuti ang lahat ng ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, alinsunod sa Kanyang plano, ay nakaabot lahat sa rurok ng pagkaperpekto, at naabot na ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos. Isa-isang hakbang, ginawa ng Lumikha ang gawaing Kanyang hinangad gawin ayon sa Kanyang plano. Sunud-sunod, ang mga bagay na Kanyang hinangad na likhain ay lumitaw, at ang paglitaw ng bawat isa ay isang salamin ng awtoridad ng Lumikha, at pagbubuu-buo ng Kanyang awtoridad, at dahil sa mga pagbubuu-buong ito, walang magagawa ang lahat ng nilalang kundi maging mapagpasalamat para sa biyaya ng Lumikha, at sa tustos ng Lumikha. Habang ipinamalas ng mapaghimalang mga gawa ng Diyos ang kanilang mga sarili, lumobo ang mundong ito, paisa-isang piraso, sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, at nabago ito mula sa kaguluhan at kadiliman patungo sa kalinawan at kaliwanagan, mula sa animo’y patay na katahimikan patungo sa pagiging buhay na buhay at walang-hangganang kasiglahan. Sa lahat ng bagay ng sangnilikha, mula sa malaki hanggang sa maliit, mula sa maliit hanggang sa sukdulan ang liit, walang hindi nilikha sa pamamagitan ng awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha, at nagkaroon ng natatangi at likas na pangangailangan at halaga sa pag-iral ng bawat nilalang. Anuman ang mga pagkakaiba sa kanilang mga hugis at kayarian, kailangan silang magawa ng Lumikha para umiral sa ilalim ng awtoridad ng Lumikha. …

Kaya, ang lahat ng bagay sa ilalim ng awtoridad ng Lumikha ay tutugtog ng isang bagong pagkakaisang-himig para sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha, magsisimula ng isang maningning na pambungad para sa Kanyang gawain sa panibagong araw, at sa sandaling ito, ang Lumikha ay bubuklat din ng bagong pahina sa gawain ng Kanyang pamamahala! Ayon sa batas ng mga suloy ng tagsibol, paghinog ng tag-init, pag-aani sa taglagas, at pag-iimbak sa taglamig na itinakda ng Lumikha, ang lahat ng bagay ay aayon sa plano sa pamamahala ng Lumikha, at kanilang sasalubungin ang kanilang sariling bagong araw, bagong simula, at bagong takbuhin ng buhay, at sila’y di-maglalaong magpaparami nang sunud-sunod na walang katapusan para salubungin ang bawat araw sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng awtoridad ng Lumikha …

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Higit pang pansin: Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento