Ang dagliang-pagkuha ay ang mas pinahahalagahan ng karamihan sa mga Kristiyano. Lalo na sa mga huling araw, ang mga sakuna ay mas madalas na nangyayari at ang mga propesiya sa Pagbabalik ng Panginoon ay nangatupad na talaga, Napakaraming mga Kristiyano ang nananabik upang dagliang-makuha bago pa ang mga Kapighatian at makadalo sa pista kasama ng Panginoon. Ngunit sino ang mga maaaring dagliang-makuha bago ang mga Kapighatian? Ang lahat ba ng mga kapatid na babae at lalaki na naniniwala sa Panginoon ay dagliang-makukuha bago ang mga Kapighatian? ipinropesiya sa Pahayag, “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.” (Pahayag 3:20).
Mula dito ating nakikita na kapag bumalik na ang Panginoon, Ang Kanyang paunang gawain ay ang magsalita upang kumatok sa pintuan ng mga puso ng mga tao, at tanging ang mga maingat na nakikinig sa Kanyang tinig ang maaaring makatanggap sa Kanya--Sila ay yaong mga dagliang makukuha sa harapan Niya at makadadalo sa kapistahan kasama Niya.
Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia”. Narinig mo na ba ngayon ang mga salita ng Banal na Espiritu? Ang mga salita ng Diyos ay dumating sa iyo. Naririnig mo ba ito? Ginagawa ng Diyos ang gawain ng salita sa mga huling araw, at ang mga salitang iyan ay sa Banal na Espiritu, sapagkat ang Diyos ay ang Banal na Espiritu at maaari ring maging laman; samakatuwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, gaya ng mga sinabi sa nakaraan, ay ang mga salita ng Diyos na nagkatawang tao ngayon. "
————————————————————
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?
————————————————————
Ang tampok na pahina na ito ng Dagliang-pagkuha bago ang Kapighatian ay maghahatid sa atin ng kaalaman tungkol sa 4 na susing elemento na kinakailangan alamin ng mga Kristiyano. Panghawakan ang mga ito, ating malalaman kung paano ba dagliang-makuha bago ang Kapighatian at makadalo sa Kapistahan kasama ng Panginoon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento