Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-02-23

Pagkaunawa sa Buhay|Nakahanap na Ako ng Tunay na Tahanan



Ni Yangyang, Estados Unidos

Namatay ang ama ko noong tatlong taong gulang ako. Noong panahong iyon, kapapanganak pa lang ng ina ko sa aking nakababatang kapatid na lalaki, at sinabi ng lola ko, dahil sa pamahiin, na ang ina ko at ang aking nakababatang kapatid ang nagsanhi ng pagkamatay ng ama ko. Dahil walang mas magandang mapagpipilian, kinailangang dalhin ng ina ko ang nakababata kong kapatid sa bahay ng ama niya upang manirahan, kaya magmula sa pinakamaaga kong mga alaala nakatira ako kasama ng lolo at lola ko. Kahit na maayos ang pakitungo sa akin ng lolo at lola ko, nakaramdam pa rin ako ng kalungkutan at nais ko talagang makasama ang aking ina at nakababatang kapatid. Nag-asam ako ng kaparehong uri ng pagmamahal ng ina na natamo ng ibang mga bata. Ang totoo, hindi naman malaki ang hinihiling ko—ang nais ko lang ay isang tunay na pamilya, isang inang nagmamahal nang lubos sa akin, na kayang ibahagi sa akin ang kanyang tunay na nararamdaman. Pero kahit itong maliit na hiling na ito ay naging isang marangyang pag-asam, dahil nagawa ko lang makita ang ina ko tuwing katapusan ng linggo. Tuwing may problema ako sa paaralan, wala rin kailanman sa tabi ko ang ina ko; tila isa akong piraso ng damong nasa tabi ng kalsada na walang sinumang pumapansin. Sa pagdaan ng panahon, naging napakababa ng tingin ko sa sarili ko, pinigil ko ang lahat sa puso ko at hindi ko nagawang magkusang makisalamuha sa iba. Noong 16 na taong gulang ako, nangibang-bansa ang ilang tao sa nayon ko upang magtrabaho, at tinukso ako ng ideyang iyon. Naisip ko sa sarili ko: Hindi gaanong mabuti ang sitwasyon ko sa bahay. Kung mangingibang-bansa ako, puwede akong magtrabaho, at ibigay pa ang kaunti sa mga kikitain ko sa pamilya ko. Sa ganoong paraan matutulungan ko ang pamilya ko na mamuhay nang medyo mas maayos.

Noong Agosto 2000, pumunta ako sa Estados Unidos upang mamuhay mag-isa. Dito sa Amerika, maaga akong gumigising sa umaga at nagtratrabaho buong araw hanggang gabing-gabi na, at walang sinuman sa tabi ko na mababahaginan ko ng mga iniisip ko. Naging matatag ako sa panlabas, pero sa loob, naramdaman ko ang labis na kalungkutan at pag-iisa. Tuwing ganito ang nararamdaman ko, nangungulila talaga ako sa pamilya ko, at lalo lang akong naghahangad na magkaroon ng masayang pamilya.

Noong 21 taong gulang ako, nakilala ko ang asawa ko habang nagtratrabaho sa isang kainan. Mabuti siyang lalaki at mapagmahal sa mga magulang niya, kaya nagkaroon ako ng mabuting pagtingin sa kanya. Isang araw, napilayan ang paa ko habang hindi ako nag-iingat at, sa gulat ko, tumigil siya sa pagtratrabaho upang alaagan ako, na labis na umantig sa akin. Dahan-dahang akong nagsimulang umasa sa kanya. Noong Abril 2008, nagpakasal kami. Pakiramdam ko ay nakahanap na ako ng isang taong mapagkakatiwalaan ko ng buhay ko, at sa wakas pakiramdam ko ay mayroon na akong matatawag na sarili kong pamilya. Nakaramdam ako ng labis na kasiyahan sa puso ko, at sa wakas ay natupad na ang inasam ko nang napakaraming taon. Pagkatapos maikasal, nagsosyo kami ng hipag ko upang magsimula ng isang kumpanya ng mga gamit sa paggawa, pero dahil ako lang ang nag-iisa sa pamilya namin na marunong mag-Ingles, ako lang talaga ang nagpatakbo ng buong kumpanya. Pareho kong inaalagaan ang lahat ng tao sa pamilya ko at pinamamahalaan ang kumpanya. Sa ilang taon ng paghihirap, hindi ko lang natulungan ang asawa kong bayaran ang mga dati niyang utang, kundi nakapag-ipon din ako nang kaunti para sa pamilya ko. Noong simula, akala ko makukuha ko ang respeto ng pamilya ng asawa ko sa pamamagitan ng pagsisikap ko, pero dumating ang realidad na parang sampal sa mukha ko. Nang nagsimula nang magtagumpay nang kaunti ang negosyo, binalak naming mag-anak, pero hindi ako mabuntis. Kaya uminom ako ng maraming gamot at nagpatingin sa maraming doktor, pero wala akong makitang ni isang sinag ng pag-asa. Ang asawa ko ang panganay na lalaki sa kaniyang pamilya, at labis na nadismaya sa amin ang mga magulang niya at iba pang kamag-anak dahil hindi pa namin sila nabibigyan ng apo. Sa harap ng ganitong uri ng kagipitan, kapansin-pansing nagbago rin ang pagtingin sa akin ng asawa ko. Pagkatapos noon, nagbago rin ang pagtingin sa akin ng lahat sa pamilya ng asawa ko. Madalas nagsasalita ang nakatatandang kapatid na babae ng asawa ko ng mga bagay upang ibukod ako, at binabaluktot pa ang mga katotohanan upang magsabi ng masasamang bagay tungkol sa akin sa harap ng asawa ko. Pakiramdam ko ay naagrabyado ako, kaya sinabi ko sa asawa ko ang nararamdaman ko. Hindi lang sa wala siyang simpatiya sa akin, minsan ay sinisigawan niya rin ako, kung kaya lalo akong nakaramdam ng sakit at pagkaagrabyado. Kinalaunan, pumunta kami sa ospital para magpatingin uli, at sa wakas ay nalamang ang problema ay sa asawa ko pala. Pero hindi na ito importante, dahil matapos ang ilang taong pag-aaway, nagsimula nang masira ang relasyon nila. Magmula sa simula ng 2012, madalas umuuwi sa Tsina ang asawa ko upang magpatingin sa mga doktor at magnegosyo, umuuwi lang isang beses bawat anim na buwan. Tuwing bumabalik siya, ito ay para lang kumuha ng pera, sinasabi sa aking kailangan ng pera ng kumpanyang pinapatakbo niya sa Tsina upang matustusan ang mga gastos nito, pero lubos siyang walang pakialam sa akin. Sa ganitong paraan kami bahagyang nagsama nang mahigit tatlong taon, at lalong nagkaroon ng agwat sa pagsasama namin.

Noong Setyembre 2015, naghiwalay kami sa wakas. Ang naging pinakamasakit sa akin ay, nang pinaghahatian namin ang mga ari-arian namin, pinahintulutan pa ng asawa ko ang isang abogado na papirmahin ako ng isang kontratang nagsasabing, kapag hindi pinagtibay ng hukuman ang paghihiwalay namin, kakailanganin kong ibigay sa kanya ang lahat ng aking sariling pag-aari sa loob ng isang linggo. Sinabi sa akin ng isa pang abogado na pag-isipan itong mabuti: Kapag pinirmahan ko ang kontratang ito, lubhang makakapinsala ito sa akin, at sinabi niyang matutulungan niya akong sumulat ng isang kasunduang magbibigay sa akin ng sustento. Naramdaman kong labis akong nagkamali ng akala nang makita ko ang asawa kong napakalamig at malupit. Mula nang umibig ako hanggang sa magpakasal, ibinigay ko ang lahat sa asawa ko at sa pamilyang ito sa loob ng halos isang dekada, na hindi mapapantayan ng anumang halaga ng pera o materyal na pag-aari. Pero ngayon, dahil hindi ako mabuntis ng asawa ko, isinisi niya at ng pamilya niya ang lahat sa akin, at naging walang-puso sa akin, nang wala ni katiting na konsiderasyon sa mga nararamdaman ko. Ang nakuha kong kapalit ng ibinigay ko ay matinding sakit at kahihiyan. Pagod na ako. Ayoko nang magkaroon ng anumang kaugnayan sa pamilyang ito. Nais ko lang lisanin ang tahanang ito sa lalong madaling panahon at layuan ang mga taong itong labis na nanakit sa akin. Kaya, nang walang anumang pag-aalinlangan, pumirma ako.

Pagkatapos ng diborsyo ko, nakaramdam ako ng matinding kawalan ng magagawa. Hindi ko alam kung sinong mapapaniwalaan ko, at hindi ko alam kung sinong malalapitan ko upang ibahagi ang mga nararamdaman ko. Tuwing naiisip ko ang aking nabigong pag-aasawa, labis akong nalulungkot at nagdadalamhati. Muli kong sinuri ang kasalukuyan kong sarili. Upang magkaanak, uminom ako ng napakaraming gamot na may mga hormone kung kaya bumigat ako nang kalahati ng orihinal kong timbang. Takot na takot akong makita ng ibang tao sa ganitong kagipitan ngayon, sa mahirap na sitwasyong ito na kinalalagyan ko. Sa panlabas, nagpanggap akong malakas, pero sa puso ko ay nakaramdam ako ng matinding panghihina. Talagang inasam ko ang araw na magagawa kong mamuhay ng isang buhay kung saan mapapalaya ang espiritu ko. Magmula sa puntong ito ako nagsimulang magkaroon ng kagustuhang manalig sa Diyos.

Hindi nagtagal pagkatapos nito, nakita ko si Carmen habang namimili ng mga damit sa mall isang araw. Napakamasigasig niya sa pagtulong sa akin, at nagpalitan kami ng mga numero ng telepono. Pagkatapos, nakita ko ang isang mensaheng ipinaskil niya sa WeChat, at natuklasan kong isa siyang Kristiyano. Madalas nagbabahagi sa akin si Carmen tungkol sa pagmamahal ng Diyos sa tao, at labis na naantig ang puso ko. Unti-unti kong natuklasan na naging handa na ako, na laging sarado sa iba mula simula, na buksan ang puso ko at makisalamuha sa ibang tao. Habang nakikilala namin ni Carmen ang isa’t isa, bumuhos ang lahat ng pagdurusang naramdaman ko sa puso ko nitong mga nakaraang maraming taon. Talagang naunawaan ni Carmen ang pagdurusa ko, at ibinahagi niya sa akin ang isang kaparehong karanasang napagdaanan niya. Pakiramdam ko ay nakakilala ako ng isang taong tunay na nagmamahal, at pinainit nito ang puso ko. Isang araw, inanyayahan ako ni Carmen sa tahanan ng isa pang kapatid na babae kung saan nakilala ko sina Brother Kevin at iba pang mga kapatid na babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang kasama ko sila, naramdaman kong lubha silang kakaiba sa mga taong nakilala ko noon. Tuwing kasama ko ang ibang tao, kahit pa mga kamag-anak o kaibigan ko sila, pakiramdam ko ay hindi talaga ako nauunawaan kapag binubuksan ko ang puso ko sa kanila. Sa kabaligtaran, nag-aalala akong pagtawanan nila ang mga kasawian ko, kaya hindi ko na ginustong ibahagi ang mga nararamdaman ko kaninuman. Subali’t, noong kasama ko sina Carmen at ang mga iba pang ito, napakapayapa ng pakiramdam ko, dahil nauwaan nilang lahat ang pagdurusa ko, at ibinahagi rin nila sa akin ang kanilang mga sariling karanasan. Hindi ko kailanman naguni-guni kung gaano katapat kong mabubuksan ang puso ko at makakausap ang lahat dito noong unang beses ko silang nakilala at kung paano namin ibinahaging lahat ang mga karanasan namin sa isa’t isa. Pakiramdam ko ay itinuring akong kamag-anak ng lahat ng kapatid na ito nang higit sa sarili kong pamilya, na isang bagay na hindi ko kailanman natamasa noon sa buong buhay ko sa mundong ito sa loob ng nakaraang ilang dekada, at labis na naantig ang kalooban ko.

Kalaunan, nagsama-sama kaming lahat upang panoorin ang musikal na pelikulang Kuwento ni Xiaozhen mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at naantig ang puso ko. Napakatotoo ng kuwento sa pelikula: Bilang isang bata, inosente at dalisay na nakipaglaro sa mga kaibigan niya ang bida sa pelikula, pero noong lumaki na sila at nagsimula nang magkaroon ng di-magkakatugmang interes, nagsimulang magbago ang puso ng lahat. Nagsimula silang magpakana laban sa isa’t isa, at naging magkakalaban pa at inaway ang isa’t isa. Wala nang pagmamahal o pagkakaibigang masasabi. Hindi ko napigilang isipin ang lahat ng mga taong iyong magkasama kaming naghirap ng asawa ko. Subali’t, dahil hindi kami magkaroon ng anak, nagkalamat ang relasyon namin, at sa huli nilabanan pa ako ng asawa ko para sa bawat isang sentimo pagdating ng oras para hatiin ang mga ari-arian namin. Napaisip ako kung gaano talaga kasama ang mga tao; tuwing nakataya ang kanilang mga sariling interes, nakakalimutan ang lahat ng nararamdaman. Sa kabutihang palad, nahanap kalaunan ng bida ang Diyos, at bumalik sa pamilya ng Diyos, kung saan tanging ang Diyos ang Siyang maaasahan niya, at hindi na siya nalungkot, at hindi na rin siya nakaramdam ng hirap sa pagpapasya at kawalan ng magagawa. Lubha akong naantig matapos makita ito, napuno ng luha ang mga mata ko. Naisip ko sa sarili ko: “Noong bumalik si Xiaozhen sa Diyos, tinanggal niya ang maskarang sinuot niya upang mabuhay; tunay siyang nabuhay sa presensiya ng Diyos, nakuha ang pagliligtas Niya, at nagawang mamuhay ng isang napalaya at malayang buhay. Tiyak na ililigtas din ako ng Makapangyarihang Diyos, upang mamuhay ako nang kasingsaya ni Xiaozhen.” Sa pelikula, narinig kong sabihin ng Makapangyarihang Diyos: “Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos na buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung bakit sila nilikha, subali’t takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o suporta, nguni’t atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at determinadong mamuhay nang walang dangal sa mundong ito kahit pa mahirapan sila, wala nang malasakit sa kanilang mga kaluluwa. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Sa ngayon, ang gayong paniniwala ay hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng ‘ama,’ at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik” (“Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkarinig ko sa mga salitang ito, para bang tinatawag ako ng ina ko, at tila ba nagbalik na ako sa tabi ng ina ko, kung saan naramdaman ko ang walang kaparis na init sa puso ko. Iyon pala, noon pa nasa tabi ko ang Diyos na minamasdan ako, hinihintay ang aking pagbabalik. Hindi na ako nag-iisa. Alam ng Diyos ang suliranin ko at mga pangangailangan ko. Sa oras ng pinakamatinding pangangailangan ko, kung kailan pinakanasasaktan ang espiritu ko, sa pamamagitan ng mga kapatid na ito na nangangaral ng ebanghelyo sa akin, dinala Niya akong muli sa tahanan ng Diyos, kung saan tinanggap ko ang pagliligtas ng Diyos at tinamasa ang pagmamahal ng Diyos para sa akin. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay para akong isang nawawalang batang nahanap na sa wakas ang tahanan niya, na nahanap na ang pamilya nila, at napakaligaya ko talaga!

Pagkatapos nito, nagsimula akong mamuhay ng buhay iglesia at, sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, naramdaman kong nahanap ko ang isang bagay na talagang maaasahan ko, at na mayroon na ako ngayong layunin at direksyon sa buhay ko. Subali’t, dahil napakaliit lang ng naunawaan ko tungkol sa katotohanan, tuwing naiisip ko ang tungkol sa nabigo kong pag-aasawa, nakakaramdam pa rin ako ng sakit sa puso ko. Kinamuhian ko ang naging pakikitungo sa akin ng pamilya ng asawa ko, at tuwing naiisip ko ito, nasasadlak ako sa sakit. Kaya, nanalangin ako sa Diyos tungkol sa mga problema ko, at naging bukas ako sa mga kapatid at nagbahagi sa kanila tungkol sa mga problema ko, hinahanap ang katotohanan upang malutas ang mga ito. Isang araw, ibinahagi sa akin ni Brother Kevin ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Naraanan na ng tao ang mga panahong ito na kasama ang Diyos, ngunit hindi niya alam na ang Diyos ang namumuno sa tadhana ng lahat ng bagay at buhay na nilalang, ni kung paano ipinaplano at pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Naging mailap ito sa tao noon pa man hanggang ngayon. Bakit? Hindi dahil tagung-tago ang mga gawa ng Diyos, ni dahil kailangan pang maisakatuparan ang Kanyang plano, kundi dahil napakalayo ng puso’t espiritu ng tao sa Diyos, hanggang sa patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas kahit sinusunod niya ang Diyos—at hindi pa rin niya alam iyon. Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at utos ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na kanyang pinagmulan: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos ay nagbahagi si Brother Kevin tungkol dito, sinasabi sa akin: “Ang dahilan kung kaya puno ng sakit ang mga buhay natin ay dahil tinatanggap natin ang mga ideya, pananaw at mga kasabihan sa buhay ni Satanas, at dahil tayo ay pinipinsala at ginagawang tiwali ni Satanas. Sa katunayan, nagawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan nang libu-libong taon. Sa loob na ng matagal na panahon, nasanay na tayo sa lahat ng bagay na itinanim sa atin ni Satanas. Inaasahan natin upang mabuhay ang mga patakaran ni Satanas sa pananatiling buhay, na ginagawa tayong bulag sa lahat ng bagay maliban sa ating mga pakinabang, na makasarili, kasuklam-suklam at walang konsensya. Nagawa ng pamilya ng dati mong asawa na pakitunguhan ka sa paraang ginawa nila dahil kontrolado rin sila ng mga pyudal na pag-iisip gaya ng ‘Ipagpatuloy ang lahi ng isang tao,’ ‘Mayroong tatlong paraan upang maging masamang anak, ang hindi magkaroon ng mga anak na lalaki ang pinakamasama,’ at ‘Magpalaki ng mga anak upang maalagaan pagtanda’ na itinanim na sa kanila ni Satanas. At noong hinahati ng asawa mo ang ari-arian ninyo, hindi niya inisip ni bahagya ang maraming taon ninyong pagsasama bilang mag-asawa, at ito rin ay pagiging apektado at kontrolado niya ng mga tuntunin ng pananatiling buhay gaya ng ‘Una ang pera’ at ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,’ at naging makasarili siya at manhid. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas, sadyang hindi magawa ng mga taong magkasundo sa isa’t isa, at walang kaligayahang masasabi sa mga buhay namin. Ang lahat ng pagdurusang nararanasan natin ay dala ng pagpapahirap ni Satanas. Ang lahat ng mga pamilya natin ay pinapahirapan din ni Satanas, ang buong sangkatauhan ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, at walang magagawa tungkol sa pamiminsala ni Satanas. Samakatuwid, kung walang paggabay ng Diyos, ang mga taong nabubuhay sa mga pilosopiya at kasabihan ni Satanas ay namumuhay ng mga buhay na walang tunay na saya at kaligayahan. Ang pinakakinakailangan natin sa mga buhay natin ay hindi materyal na yaman o pagmamahal ng mga pamilya natin, kundi pagliligtas ng Diyos. Ang kinakailangan natin ay ang matustusan ng salita ng Diyos. Tanging ang Diyos lang ang makakaakay sa atin upang makawala sa pagtitiwali at pagpapahirap ni Satanas, at magbabalik ng ating konsensya at katwiran, na bibigyan tayo ng kakayahang mamuhay gaya ng mga tunay na tao at magkamit ng kalayaan at pagpapalaya.” Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ni Brother Kevin, bigla kong napagtanto: Hindi lang pala ako ang namuhay sa sakit, kundi nalinlang at nagawang tiwali ni Satanas ang buong sangkatauhan, at lahat tayo ay nagpupumiglas sa sakit. Sa pamamagitan lamang ng pagharap sa Diyos at pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos makakawala ang mga tao mula sa pagpapahirap ni Satanas, at malalampasan ang pagdurusang ito. Ito lang ang tanging paraan upang magkamit ng kaligayahan at kalayaan. Nang maunawaan ko ito, parang napakalinaw ng isip ko, at pakiramdam ko ay napakalaya ko.

Nang maunawaan ko ang pinakasanhi ng kung bakit nabubuhay sa sakit ang tao, napagtanto kong ang hinanakit sa pagitan ko at ng pamilya ng dati kong asawa ay dahil sa pagpapahirap ni Satanas, at naging handa pa akong subukang patawarin sila at tumigil sa pagkimkim ng sama ng loob laban sa kanila. Nang nagsimula akong isagawa ang salita ng Diyos, mas malaking kasiyahan ang naramdaman ko sa puso ko. Isang araw noong Agosto 2016, nakasalubong ko sa kalye ang dati kong asawa. Binati namin ang isa’t isa at malinaw kong nadama sa puso ko na hindi na ako naghihinanakit sa kanya, dahil alam kong nabubuhay siya nang may pagpapahirap ni Satanas, na nalinlang at pinahirapan siya ni Satanas. Kung nagkaroon ako ng pagkakataon, ipapalaganap sa kanya ko ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, upang magawa niya ring humarap sa Diyos at tanggapin ang pagliligtas ng Lumikha. Sa sandaling iyon, nadama kong tunay na kaibig-ibig ang Diyos, at na ang salita ng Diyos ang katotohanan. Hangga’t humaharap tayo sa Diyos at tinatanggap ang Kanyang pagliligtas, mapapalaya natin ang mga sarili natin mula sa mga gapos ni Satanas at makakamit ang kalayaan at pagpapalaya, at mamumuhay ng masasaya at pinagpalang buhay.

Tuwing pinapanood ko ang sayawan at kantahang video na Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan, napakasaya ko, at pakiramdam ko ay perpektong ipinapahayag ng mga salita ng himnong ito ang nararamdaman ko: “Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya. Makilala Ka’y karangalan ko, puso ko’y alay sa IYo tunay na Diyos, ibinigay ko ang aking puso sa Iyo. Lambak ng Luhang ma’y dinaanan, rikit ng Diyos kita. Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko’y galing Sa IYo. Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso’y kapit sa Kanya. Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko’y umigkas.” Kapag inaalala ko ang landas na natahak ko, anuman ang naranasan ko sa daan, laging nasa tabi ko ang Diyos na binabantayan ako at, sa huli, inakay Niya ako pabalik sa pamilya Niya. Ngayon, tinatamasa ko araw-araw ang pagdidilig at pagtutustos ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Nawala na ang sakit na naramdaman ko sa loob, at nakahanap na ako ng direksyon sa buhay ko at nakamit ang tunay na kalayaan at kaligayahan. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin. Magsusumikap akong hanapin ang katotohanan at gampanan ang tungkulin ko bilang isang nilikha sa abot ng makakaya ko upang suklian ang pagmamahal ng Diyos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento