Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2020-02-20

Paano naligtas si noe sa baha?

Sinabi ng Panginoong Jesus, "At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:37-39).

Noong kapanahunan ni Noe, sangkot ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain at hindi naiisip ang tungkol sa pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ang pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilunok sila ng sakuna ng malaking baha. Tanging ang pamilya ni Noe na may walong kasapi ang nakinig sa salita ng Diyos, pumasok sa arka, at nakaligtas. Ngayon, dumating na ang mga huling araw. Palalim nang palalim ang kasamaan ng sangkatauhan. Iginagalang ng lahat ang kasamaan at karahasan.... Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, dumating ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Ito ang huling pagkakataong nililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan ngayon upang makamit ang kaligtasan ng Diyos at makapasok sa arka ng mga huling araw? Panoorin natin ang pelikulang Dumating Na ang mga Araw ni Noe at hanapin ang landas upang makapasok sa arka ng mga huling araw.


 

——————————————
Malaman ang higit pa:Pangako ng Diyos kay abraham

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento