(Pinagmumulan: Megapixl) |
Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay
Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: "At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan." Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, "Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan"? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nasusulat ito: "At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti."
Ibig sabihin, nagkaroon na ngayon ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at napaghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, "at nagkagayon." Inilalarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilalarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat nagawa ng Diyos? Paano ba sinanhi ng Diyos ang mga bagong bagay na ito na maibunga? Sa pansariling patunay, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuan nito.
Sa tatlong mga talata sa itaas, natutuhan natin ang mga pangyayari ng tatlong malalaking kaganapan. Lumitaw itong tatlong malalaking kaganapan, at binigyang buhay, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at dahil sa Kanyang mga salita na, magkakasunod, lumitaw ang mga ito sa harapan ng Diyos. Kaya makikita na ang "Nagsasalita ang Diyos, at matutupad ito; Iniuutos Niya, at maitatatag ito" ay hindi mga salitang walang-bisa. Itong diwa ng Diyos ay kumpirmado agad sa sandali na ang Kanyang mga iniisip ay nabubuo, at kapag ibinubuka ng Diyos ang Kanyang bibig para magsalita, lubos na nasasalamin ang Kanyang diwa.
Magpatuloy tayo sa huling pangungusap ng talatang ito: "At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon." Habang nagsasalita ang Diyos, ang lahat ng bagay na ito ay nagkaroon ng buhay ayon sa mga kaisipan ng Diyos, at sa isang sandali, ang iba’t ibang uri ng mga maselang maliliit na anyo ng buhay ay walang tigil sa pag-usli ng kanilang mga ulo palabas ng lupa, at bago pa nila maipagpag ang maliliit na dumi mula sa kanilang mga katawan, sabik na silang kumakaway sa bawat isa sa pagbati, tumatango at ngumingiti sa mundo. Pinasalamatan nila ang Lumikha sa buhay na Kanyang ibinigay sa kanila, at inihayag sa mundo na bahagi sila ng lahat ng bagay, at ang bawat isa sa kanila’y maglalaan ng kanilang mga buhay sa pagpapakita ng awtoridad ng Lumikha. Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, naging malago at berde ang lupa, tumubo at umusbong mula sa lupa ang lahat ng uri ng mga halaman na maaaring tamasahin ng tao, at ang mga bundok at kapatagan ay kumapal nang todo dahil sa mga puno at kagubatan…. Itong tigang na mundo, na kung saan walang anumang bakas ng buhay, ay mabilis na natakpan ng mga masaganang damo, mga halaman at mga puno at umaapaw sa kaberdehan…. Ang samyo ng damo at ang halimuyak ng lupa ay kumalat sa hangin, at nagsimula ang mga uri ng halaman na huminga kasabay ng sirkulasyon ng hangin, at nagsimula sa proseso ng paglaki. Kasabay nito, salamat sa mga salita ng Diyos at ayon sa mga kaisipan ng Diyos, sinimulan ng lahat ng halaman ang magpakailanmang ikot ng buhay na kung saan sila ay lumalago, namumulaklak, namumunga, at dumarami. Nagsimula silang sumunod nang mahigpit sa kani-kanilang mga landas ng buhay, at nagsimulang gampanan ang kani-kanilang mga tungkulin sa gitna ng lahat ng bagay…. Isinilang silang lahat, at nabuhay, dahil sa mga salita ng Lumikha. Tatanggap sila ng walang-humpay na panustos at pagpapakain mula sa Lumikha, at laging matatag na mabubuhay sa bawat sulok ng lupain para maipakita ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha, at lagi nilang ipapakita ang pwersa ng buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha …
Pambihira ang buhay ng Lumikha, pambihira ang Kanyang mga kaisipan, at pambihira ang Kanyang awtoridad, at kaya, kapag binigkas ang Kanyang mga salita, ang huling resulta ay "at nagkagayon." Malinaw na, hindi kailangan ng Diyos na gumawa gamit ang Kanyang mga kamay kapag Siya ay kumikilos; ginagamit Niya lamang ang Kanyang kaisipan para mag-utos, at ang Kanyang mga salita para mag-atas, at sa ganitong paraan, nakakamit ang mga bagay-bagay. Sa araw na ito, tinipon ng Diyos ang mga katubigan sa iisang lugar, at pinalitaw ang tuyong lupa, pagkatapos noon ay pinausbong ng Diyos ang damo mula sa lupa, at tumubo roon ang mga halaman na nagbibigay ng mga buto, at ang mga puno na namumunga, at pinagsama-sama ng Diyos ang bawat isa sa mga iyon ayon sa uri, at nagsanhi sa bawat isa na magkaroon ng sarili nitong buto. Nangyari ang lahat ng ito ayon sa kaisipan ng Diyos at sa mga utos ng mga salita ng Diyos, at lumitaw ang bawat isa, magkakasunod, dito sa bagong mundo.
Nang hindi pa Niya nasisimulan ang Kanyang gawain, mayroon ng larawan ang Diyos sa Kanyang isipan kung ano ang hinahangad Niyang makamit, at nang itinalaga na ng Diyos itong mga bagay na kakamtin, na kung kailan din ibinuka ng Diyos ang Kanyang bibig para bigkasin ang nilalaman ng larawang ito, nagsimulang mangyari ang mga pagbabago sa lahat ng bagay, salamat sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Kung paano man ginawa ito ng Diyos, o iniunat ang Kanyang awtoridad, ang lahat ay nakamit nang isa-isang hakbang ayon sa plano ng Diyos at dahil sa mga salita ng Diyos, at nangyari ang mga sunud-sunod na pagbabago sa pagitan ng langit at lupa, salamat sa mga salita at awtoridad ng Diyos. Ipinakita ng lahat ng pagbabago at pangyayaring ito ang awtoridad ng Lumikha, at ang pagiging di-karaniwan at kadakilaan ng kapangyarihan ng buhay ng Lumikha. Hindi mga simpleng kuru-kuro ang Kanyang kaisipan, o isang bakanteng larawan, kundi isang awtoridad na nagtaglay ng kasiglahan at pambihirang lakas, at ang mga iyon ang kapangyarihang magsasanhi para ang lahat ng bagay ay mabago, mapanumbalik, mapanibago, at mawala. At dahil dito, gumagana ang lahat ng bagay dahil sa Kanyang mga kaisipan, at, sa kasabay na pagkakataon, ay nakakamit dahil sa mga salita mula sa Kanyang bibig….
Bago lumitaw ang lahat ng bagay, matagal nang nabuo sa isipan ng Diyos ang isang kumpletong plano, at matagal nang nakamit ang isang bagong mundo. Bagama’t sa pangatlong araw noon lumitaw ang lahat ng uri ng mga halaman sa lupa, walang dahilan ang Diyos para pigilan ang mga hakbang ng Kanyang paglikha sa mundong ito; sinadya Niyang magpatuloy sa pagbigkas sa Kanyang mga salita, para magpatuloy na kamtin ang paglikha ng bawat bagong bagay. Magsasalita Siya, ibibigay ang Kanyang mga utos, at iuunat ang Kanyang awtoridad at ipapakita ang Kanyang kapangyarihan, at inihanda Niya ang lahat ng bagay na Kanyang binalak na para ihanda ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan na hinangad Niyang likhain….

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento