Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-09-20

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 31


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 31



Minamahal Ko ang lahat ng tunay na nagnanais sa Akin. Kung kayo ay magtutuon ng pansin sa pagmamahal sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko kayo nang napakalaki. Nauunawaan ba ninyo ang Aking mga hangarin?
Sa Aking tahanan, walang pagkakaiba sa pagitan ng mataas at mababang katayuan. Bawat isa ay Aking anak, Ako ang inyong Ama, ang inyong Diyos. Ako ay pinakamataas at walang-katulad. Ako ang nagkokontrol sa bawat bagay sa sansinukob! Ikaw ay dapat maglingkod sa Akin nang may pagpapakumbaba at walang nakaaalam sa Aking tahanan. Ang pariralang ito ang dapat magsilbi bilang iyong panuntunan. Huwag kang maging isang dahon sa isang puno, kundi maging ugat ka ng puno at mag-ugat nang malalim sa buhay. Pumasok ka sa tunay na karanasan ng buhay, mamuhay sa Aking mga salita, lalo pa Akong hanapin sa bawat pangyayari, at lumapit sa Akin at ipagbigay-alam sa Akin. Huwag bigyang-pansin ang anumang panlabas na mga bagay at huwag maging kontrolado ng sinumang tao, kaganapan o bagay, ngunit ipagbigay-alam lamang sa espirituwal na mga tao ang tungkol sa kung ano Ako. Unawain ang Aking mga hangarin, hayaan ang Aking buhay na dumaloy sa iyo, at isabuhay ang Aking mga salita at tumugon sa Aking mga hinihingi.

Ibuhos ang lahat ng iyong lakas sa mga bagay na Aking itinagubilin na sa iyo, ibuhos ang lahat ng iyong kakayahan upang bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Ako ang iyong kapangyarihan at Ako ang iyong kagalakan at Ako ang iyong bawat bagay. Habulin mo lamang Ako. Aking nalalaman ang tunay na ninanasa ng iyong puso at na ikaw ay tunay na naggugugol ng iyong sarili para sa Akin, subalit dapat mong malaman kung paano maglaan ng iyong sarili sa Akin sa Aking tahanan at kung paano ang sumunod sa Akin hanggang sa wakas.

Ang iglesia ang Aking puso at Ako ay nagniningas sa pagkabahala para sa pagbubuo ng Aking iglesia. Dapat mong gugulin ang iyong sarili para sa Akin sa pamamagitan ng pag-aalay ng iyong sarili nang walang pinakamaliit mang pasubali, at magpakita ng pagsasaalang-alang para sa Aking mga hangarin upang maaaring mabigyang-kasiyahan ang Aking puso.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento