Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-08-05

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Isang Pagbasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI (Sipi)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Isang Pagbasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI (Sipi)


Isang Pagbasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI (Sipi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang sa ang maaari nilang isipin ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. 
Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao sa kadenang hindi nakikita. Ang mga kadenang ito ay nakapasan sa mga tao, at wala silang lakas ni tapang na pakawalan ang mga ito. Kaya ang mga tao ay ni hindi makahagulapay sa matinding kahirapan, walang kaalam-alam na dinadala ang kadenang ito. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya, at lalong naging mas masama. Sa ganitong paraan, gayunpaman, nasira ang sali’t salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas Kung titingnan ngayon ang mga pagkilos ni Satanas, hindi ba kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? (Oo) Marahil hindi pa rin ninyo nakikita ngayon nang malinaw ang masasamang motibo ni Satanas sapagkat iniisip ninyo na walang buhay kung walang katanyagan at pakinabang. Iniisip ninyo na, kapag iniwan ng mga tao ang katanyagan at pakinabang, hindi na nila makikita kung gayon ang daan sa hinaharap, hindi na makikita ang kanilang mga layunin, ang kanilang hinaharap ay magiging madilim, malamlam at mapanglaw. Subalit, dahan-dahan, isang araw ay makikilala ninyong lahat na ang katanyagan at pakinabang ay parang halimaw na mga kadena na ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Hanggang sumapit ang araw na makilala mo ito, lubusan mong tututulan ang pagkontrol ni Satanas at lubusang lalabanan ang kadena na dala-dala ni Satanas upang igapos ka. Kapag dumating ang oras na nanaisin mong pakawalan ang lahat ng mga bagay na ikinintal sa iyo ni Satanas, ikaw sa gayon ay ganap na hihiwalay kay Satanas at tunay ding kamumuhian ang lahat ng idinulot sa iyo ni Satanas. Sa gayon ka lamang magkakaroon ng isang totoong pag-ibig at pananabik sa Diyos."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento