Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao" (Sipi 4)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa napakalawak na mundo, hindi mabilang na mga pagbabago na ang nangyari, nang paulit-ulit. Walang may kakayahang manguna at gumabay sa sangkatauhang ito maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng mga bagay sa sansinukob. Walang makapangyarihan na maaaring magtrabaho o gumawa ng mga preparasyon para sa sangkatuhang ito, lalo na ang isang tao na may kakayahang mamuno sa sangkatuhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at ng liberasyon mula sa makamundong kawalan ng mga katarungan. Ang Diyos ay dumaraing para sa kinabukasan ng sangkatauhan, at nagdadalamhati sa pagbagsak ng sangkatauhan. Siya ay nakakaramdam ng kalungkutan sa dahan-dahang pagmartsa ng sangkatauhan paibaba at sa landas na walang balikan. Winasak ng sangkatauhan ang puso ng Diyos at tinalikuran Siya para hanapin ang kasamaan. Walang sinuman ang nakapag-isip tungo sa direksyon kung saan ang sangkatauhang tulad nito ay gagalaw. Dahil mismo sa kadahilanang ito kaya walang nakadarama ng galit ng Diyos. Walang naghanap ng paraan para pasayahin ang Diyos o subukin na maging malapit sa Diyos. Higit pa rito, walang naghangad na unawain ang kalungkutan at pasakit ng Diyos. Kahit pagkatapos marinig ang tinig ng Diyos, nagpapatuloy ang tao sa kanyang landas palayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, lumalayo sa katotohanan ng Diyos, at sa halip ay mas nanaising ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino rito ang nag-isip kung paano makikitungo ang Diyos sa taong walang pagsisising nagpaalis sa Kanya? Walang nakakaalam na ang paulit-ulit na paalala at mga pangaral ng Diyos ay dahil sa hawak Niya sa Kanyang mga kamay ang walang kahalintulad na sakuna na Kanyang inihanda, yaong hindi kakayanin ng laman at kaluluwa ng tao. Ang sakunang ito ay hindi isang simpleng kaparusahan ng laman kundi pati ng kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag ang plano ng Diyos ay nawalan ng bisa at kapag ang Kanyang mga paalala at mga pangaral ay hindi tinugunan anong galit ang Kanyang ipapamalas? Ito ay walang magiging katulad kumpara sa dinanas dati o narinig ng sinumang nilalang. Kaya’t ito ang masasabi ko, ang sakunang ito ay walang katulad at hindi kailanman mauulit. Ito ay sa kadahilanang isang paglikha lamang at isang kaligtasan ang nakapaloob sa plano ng Diyos. Ito ang una at huling pagkakataon. Samakatuwid, walang maaaring makaunawa sa mabuting intensyon at taimtim na pag-asa ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento