Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Pagbalik ng Panginoon sigurado bang magpapakita Siya sa mga relihiyon sa mundo? Ang pananatili ba sa isang simbahan ay nangangahulugan na matatanggap mo ang Panginoon?
Kaugnay na mga Talata sa Biblia:
"Hindi baga nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwa’t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan" (Marcos 11:17).
"Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao. … Pabayaan ninyo sila: sila’y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay" (Mateo 15:8-9, 14).
"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag" (Mateo 23:15-16).
ang Panginoon
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. … Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga "templo" na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya makakapagpakita sa mga yaon na kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit nang di-matuwid, na naniniwala sa Kanya nguni’t hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya?
mula sa "Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’"
Ang gawaing isinasagawa dito ngayon ay mahigpit na nakahiwalay upang hindi nila malaman. Kung malaman man nila, paghatol at pag-uusig lamang ang naghihintay. Hindi sila maniniwala. Ang gumawa sa bansa ng malaking pulang dragon, ang pinakapaurong na lugar, ay hindi madaling gawain. Kung ang gawaing ito ay ihahayag, samakatwid magiging imposibleng magpatuloy. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi basta maaaring sumulong sa lugar na ito. Paano nila pahihintulutan ito kung ang ganitong gawain ay natupad nang lantaran? Hindi ba ito magdadala ng mas malaking panganib? Kung hindi naitago ang gawaing ito, at sa halip ay ipinagpatuloy tulad sa panahon ni Jesus nang kamangha-mangha Siyang nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, kung ganoon hindi ba matagal na sana itong "sinunggaban" ng mga demonyo? Kaya ba nilang tiisin ang pag-iral ng Diyos? Kung papasok Ako ngayon sa mga bulwagan upang mangaral at magbigay ng panayam sa tao, hindi ba matagal na sana Akong nagkadurug-durog? At kung gayon, paanong patuloy na matutupad ang Aking gawain? Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Upang ang Aking gawain ay hindi makita, makilala o matuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung ang yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mananagumpay sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mananagumpay.
mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)"
Naniniwala ang tao na mali ang mga Israelita na "maniwala lamang kay Jehova at hindi kay Jesus," nguni’t karamihan ng mga tao ay gumaganap ng papel kung saan sila ay "naniniwala lamang kay Jehova at tinatanggihan si Jesus" at "nananabik para sa pagbabalik ng Tagapagligtas, nguni’t tinututulan ang Tagapagligtas na tinatawag na Jesus." Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin tinatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Hindi ba’t ito ang bunga ng pagkasuwail ng tao? Ang mga Kristiyano sa buong mundo na hindi nakakasabay sa bagong gawain ng ngayon ay kumakapit lahat sa paniniwala na sila ang mga mapapalad, na tutuparin ng Diyos ang kanilang mga kahilingan. Subali’t hindi nila masasabi nang tiyak kung bakit isasama sila ng Diyos sa ikatlong langit, o kung nakatitiyak ba sila kung paano sila kukunin ni Jesus na nakasakay sa puting ulap, lalong hindi nila masasabi nang may lubos na katiyakan kung si Jesus ay totoong darating sakay ng puting ulap sa araw na kanilang naguguni-guni. Lahat sila ay nababahala, at nalilito; hindi rin nila alam sa sarili nila mismo kung bawa’t isa sa kanila ay kukunin ng Diyos, ang mga maliliit na bilang ng tao mula sa iba’t ibang denominasyon. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ngayon, ang kasalukuyang kapanahunan, ang kalooban ng Diyos—wala silang pagkaunawa sa anuman sa mga ito, at walang magawa kundi ang magbilang ng mga araw sa kanilang mga daliri. Tanging ang mga sumusunod lamang sa mga yapak ng Kordero hanggang sa katapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala, samantalang ang mga "tusong tao," na hindi makasunod hanggang sa katapus-katapusan nguni’t naniniwala na nakamtan nila ang lahat, ay walang kakayahang masaksihan ang pagpapakita ng Diyos. Lahat sila ay naniniwala na sila ang pinakamatalinong tao sa lupa, at pinuputol nila ang patuloy na pag-unlad ng gawain ng Diyos na wala namang dahilan, at sila ay tila naniniwala nang may lubos na katiyakan na isasama sila ng Diyos sa langit, silang "mayroong lubos na katapatan sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at tumatalima sa mga salita ng Diyos." Kahit na sila ay mayroong "lubos na katapatan" sa mga salitang sinabi ng Diyos, ang kanilang mga salita at kilos ay nakakadiri pa rin dahil kanilang tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritu, at gumagawa ng panlilinlang at masama. Yaong mga hindi sumusunod hanggang sa katapus-katapusan, na hindi sumasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at kumakapit lamang sa mga lumang gawain ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos, nguni’t sa kabaligtaran, naging yaong mga sumasalungat sa Diyos, naging yaong mga tinatanggihan ng bagong kapanahunan, at siyang mapaparusahan. Mayroon pa bang mas nakakaawa kaysa kanila? Marami pa nga ang naniniwala na ang lahat ng tumatanggi sa lumang kautusan at tumatanggap sa bagong gawain ay walang konsensya. Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay "budhi," at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa kahuli-hulihan ay mapuputol ang kanilang mga inaasam-asam ng kanila mismong mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa doktrina, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawain, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Yaong dapat tanggihan ay tinatanggihan, kung ano ang dapat maalis ay inaalis. Nguni’t inilalagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba’t nakakatawa ang tao? Hindi ba’t ito ang kamangmangan ng tao? Mas mahina ang loob at sobrang maingat ang mga tao dahil sila ay takot na hindi magkamit ng pagpapala ng Diyos, mas hindi sila magkakamit ng mas malalaking pagpapala, at tatanggap ng pangwakas na pagpapala. Yaong mga tao na hamak na sumusunod sa kautusan at nagpapakitang lahat ng kanilang sukdulang katapatan sa kautusan, Mas ipinakikita nila ang kanilang gayong katapatan sa kautusan, sila ay mas mga suwail na tumatalima sa Diyos. Dahil ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian at hindi ang Kapanahunan ng Kautusan, at ang gawain sa ngayon ay hindi maaaring ihambing sa mga gawain ng nakalipas, at ang mga gawain ng nakalipas ay hindi maihahambing sa gawain sa ngayon. Ang gawain ng Diyos ay nagbago, at ang pagsasagawa ng tao ay nagbago rin; ito ay hindi para kumapit sa kautusan o magpasan ng krus. Kaya, ang katapatan ng mga tao sa kautusan at sa krus ay hindi magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos.
mula sa "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao"
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagtalima sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago. Bagkus, ang gawaing ginagawa Niya ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit na praktikal sa bawa’t hakbang, paayon nang paayon sa tunay na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang na maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na naaabot niya ang huling pagpapabago ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas, kaya’t ganoon din ang gawain ng Diyos ay umaabot sa lalo pang mas mataas na mga antas. Sa ganitong paraan lamang na nagagawang perpekto ang tao at nagiging angkop para sa paggamit ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan sa isang banda upang salungatin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, at sa kabila ay upang akayin ang tao tungo sa isang mas mataas at mas makatotohanang katayuan, tungo sa pinakamataas na kinasasaklawan ng paniniwala sa Diyos, upang sa katapusan, ang kalooban ng Diyos ay magagawa. Lahat niyaong mga may kalikasang masuwayin na sadyang sumasalungat ay maiiwan sa likuran ng yugtong ito ng mabilis at mahigpit na sumusulong na gawain ng Diyos; tanging yaong mga bukal-sa-kaloobang sumusunod at nagagalak na nagpapakumbaba ang makakasulong hanggang sa katapusan ng daan. Sa uring ito ng gawain, lahat kayo ay dapat matuto kung paano magpasakop at kung paano isantabi ang inyong mga paniwala. Dapat kayong maging maingat sa bawa’t paghakbang ninyo. Kung pabaya kayo, tiyak na kayo ay magiging isang tinatanggihan ng Banal na Espiritu, isang nanggugulo sa Diyos sa Kanyang gawain.
mula sa "Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos"
Ang gawain ng Diyos ay mabilis na sumusulong, pinalalayas ang iba’t-ibang mga pangkatin ng relihiyonista at "mga sikat" na pinagmamasdan ang serbisyo sa iglesia sa malayo, malayong malayo, at ikinakalat din sa apat na hangin yaong mga "eksperto" sa gitna ninyo na talagang iniibig ang pagsunod sa mga patakaran. Ang gawain ng Diyos ay hindi maghihintay, hindi ito umaaasa sa anumang bagay at hindi ito nagpapatumpik-tumpik. Hindi nito hinihila o kinakaladkad ang sinuman; kung hindi ka makasasabay kung gayon ikaw ay iiwanan, hindi alintana kung gaano karaming mga taon ka nang sumunod.
mula sa "May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento