Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2019-01-27

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos
I
Kung hindi mo kayang sundan ang liwanag ngayon,
kung gayon may agwat sa pagitan mo at ng Diyos,
ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na,
ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay.


Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag
sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.
Ikaw ba'y may normal na espirituwal na buhay
at tamang relasyon sa Diyos?
Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?
Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad?
Silang naniniwala sa mga salita ng Diyos,
na ginagawang batayan ang gawain ng Diyos
at sinusundan ang liwanag ng Espiritu ngayon,
sila ang mga nasa daloy ng Banal na Espiritu.
II
Sinusundan mo ba ang gawain ng Banal na Espiritu?
Kung nasusundan mo ang Kanyang liwanag ng kasalukuyan,
nauunawaan ang kalooban ng Diyos
at nakakapasok sa Kanyang mga salita,
at sundin mo ang daloy ng Banal na Espiritu.
Kung 'di mo sinusunod ang daloy ng Banal na Espiritu,
tiyak na hindi mo hinahangad ang katotohanan,
ang Banal na Espiritu ay hindi kikilos
doon sa mga taong hindi nais lumago.
Ang ganoong mga tao'y
hindi magagawang tipunin ang kanilang lakas
at sa halip ay mananatiling walang pag-unlad.
Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?
Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad?
Silang naniniwala sa mga salita ng Diyos,
na ginagawang batayan ang gawain ng Diyos
at sinusundan ang liwanag ng Espiritu ngayon,
sila ang mga nasa daloy ng Banal na Espiritu.
III
Kung nagtitiwala kang ang mga salita ng Diyos
ay totoo at tama,
naniniwala ka sa Kanyang mga salita
kahit ano pa ang sabihin Niya,
kung gayon hinahangad mo ang pagpasok sa gawain ng Diyos.
At sa ganitong paraan iyong tinutupad ang kalooban ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento