Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Pakikinig sa Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, Pagkilala sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Talaan2

2018-10-24

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-"Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan" (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-"Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan" (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)


Panimula
   Salita ng Buhay | "Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan" (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)

   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Kanyang mga kamay ay mainit-init at malakas; ang Kanyang mga yapak ay magaan; ang Kanyang tinig ay mahina at malambing; ang Kanyang anyo ay nagbabago-bago, niyayakap ang buong sangkatauhan; ang Kanyang mukha ay maganda at mahinhin. Hindi Siya kailanman umalis ni naglaho man. Mula madaling-araw hanggang pagkagat-dilim, Siya ang patuloy na kasama ng sangkatauhan.


Ang Kanyang matapat na pag-iingat at natatanging pagmamahal sa sangkatauhan, gayon din ang Kanyang tunay na pagmamalasakit at pag-ibig sa tao, ay ipinadama Niya ng paunti-unti nang iligtas Niya ang lungsod ng Ninive. Sa partikular, ang pag-uusap sa pagitan ng Diyos na si Jehovah at ni Jonas ang naglatag nang mas malinaw sa pagkahabag ng Manlilikha sa sangkatauhan na nilikha Niya mismo. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, makakamit mo ang malalim na pagkaunawa sa tapat na nararamdaman ng Diyos para sa sangkatauhan…"

   "Tanging ang Manlilikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Manlilikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Manlilikha lamang ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayun din, tanging ang Manlilikha lamang ang nakapagkakaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa lahat ng Kanyang nilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat gawain ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat bahagi ng Kanyang mga kaisipan at ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano Siya at mayroon Siya ay lubos na ipinahayag para lamang sa sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pamumuhay ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng mga tao, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat bahagi ng Kanyang buhay; itinatalaga Niya ang bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay…. Hindi Niya kailanman natutunan kung paano kaawaan ang Kanyang sariling buhay, ngunit lagi Niyang kinakaawaan at minamahal ang sangkatauhan na Kanyang nilikha Mismo…. Ibinigay Niyang lahat ang nasa Kanya para sa sangkatauhang ito…. Ibinibigay Niya ang Kanyang awa at pagpaparaya nang walang kundisyon at walang inaasahang ganti. Ginagawa lamang Niya ito upang patuloy na mamuhay ang sangkatauhan sa Kanyang harapan, na tinatanggap ang Kanyang biyaya ng buhay; ginagawa lamang Niya ito upang isang araw ay magpasakop sa Kanya ang sangkatauhan at kilalanin na Siya ang Nag-iisang tumutustos sa pamumuhay ng tao at nagkakaloob ng buhay sa lahat ng nilalang."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento