Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag.
Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento