Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Tagalog Christian Music Video 2018 | "Umaasa ang Diyos na Makilala at Maintindihan Siya ng Tao"
Panimula
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Umaasa ang Diyos na Makilala at Maintindihan Siya ng Tao
I
Mula sa unang ugnayan ng Diyos sa sangkatauhan,
nagbubunyag na Siya sa kanila
ang kakanyahan, ano Siya’t anong mayro’n Siya,
Kung ang tao sa mga kapanahunan ay makakita o makaintindi,
Diyos ay nangungusap at gumagawa
upang ipakita Kanyang disposisyon at kakanyahan.
Kailanma’y di kinubli, tinago,
nilabas nang walang reserbasyon,
diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona’t pag-aari,
ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan.
II
Umaasa ang Diyos na maunawaan Siya ng tao,
malaman Kanyang diwa, disposisyon,
Na ayaw Niyang isipin nila bilang lihim ng kawalang-hanggan.
‘Di rin Niya nais na tingnan Siya
bilang isang bugtong na walang sagot.
Kailanma’y di kinubli, tinago,
nilabas nang walang reserbasyon,
diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona’t pag-aari,
ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan.
III
Sa pagkakilala lang ng sangkatauhan sa Diyos
nila malaman ang daang pasulong,
marapat na patnubayan ng Diyos.
Sila’y mamumuhay sa Kanyang dominyon, liwanag at pagpapala.
Kailanma’y di kinubli, tinago,
nilabas nang walang reserbasyon,
diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona’t pag-aari,
ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan.
Ang diwa at disposisyon ng Diyos,
ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento