Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Babagsak ang Lungsod | Ang Pagbibigay-kahulugan ba sa Biblia ay Pareho sa Pagdadakila at Pagsasaksi sa Diyos?
Karamihan sa mga tao sa buong relihiyosong mundo ay naniniwala na iyong makakapagpaliwanag ng husto sa Biblia ay ang mga taong kilala ang Diyos, at kung kaya rin nilang bigyang-kahulugan ang mga misteryo ng Biblia at ipaliwanag ang mga propesiya, sila ang mga tao na umaayon sa kalooban ng Diyos, at sila’y dumadakila at sumasaksi sa Diyos.
Maraming tao, sa makatuwid, ay may bulag na pananalig sa ganitong uri ng tao at kanilang pinupuri sila. Kaya, ang mga pagpapaliwanag ba sa Biblia ng mga pastor at elder ay talagang dumadakila at sumasaksi sa Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento