Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 9
Nais Kong ipaalaala sa iyo na hindi ka maaaring maging malabo kahit na kaunti sa Aking salita at anumang kawalang-ingat ay hindi katangap-tanggap. Dapat kang makinig na mabuti at sundin ito at gawin ang mga bagay alinsunod sa Aking mga intensiyon.
Dapat kang palaging maging listo at hindi kailanman magkaroon ng isang disposisyon na mapagmataas at mapagmagaling, at dapat kang palaging umaasa sa Akin upang itakwil ang natural na lumang disposisyon na nananahan sa loob mo. Nararapat na palagi mong nagagawang mapanatili ang normal na kondisyon sa harapan Ko, at magkaroon ng isang matatag na disposisyon. Ang iyong pag-iisip ay dapat maging matino at malinaw at nararapat na hindi napapasunod o kontrolado ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay. Nararapat kang palaging maging mahinahon sa Aking presensiya at palaging pinapanatili ang isang patuloy na pagkakalapit at pagsasalamuha sa Akin. Ipapamalas mo ang iyong hindi sumusukong tapang at manindigan sa iyong patotoo sa Akin. Bumangon at magsalita para sa Aking kapakanan at huwag matakot sa sasabihin ng ibang tao. Pagtuunan ang pagbibigay ng kasiyahan sa Aking mga intensiyon at huwag magpakontrol sa iba. Ang Aking ipinapahayag sa iyo ay dapat gawin alinsunod sa Aking mga intensiyon at hindi maaaring maantala. Ano ang iyong nararamdaman sa loob? Ïkaw ba ay hindi komportable? Mauunawaan mo. Bakit hindi mo magawang tumindig at magsalita para sa Aking kapakanan at maging maalalahanin sa Aking pasanin? Patuloy kang nasasangkot sa maliit na panlilinlang, ngunit nakikita Ko ang lahat nang malinaw. Ako ang iyong suporta at ang iyong kalasag, at lahat ay nasa Aking mga kamay, kaya’t ano ang iyong ikinatatakot? Hindi ba iyan ay pagiging sobrang emosyonal? Dapat mong mabilis na isantabi ang mga emosyon; Hindi Ko isinasaalang-alang ang mga emosyon at sinasanay Ko ang katuwiran. Kung wala itong pakinabang sa iglesia, kung gayon ang iyong sariling ina at ama ay hindi maisasantabi! Ang Aking mga intensiyon ay naihayag na sa iyo at hindi mo dapat ipagwalang-bahala ang mga ito. Sa halip, dapat mong ituon ang lahat ng iyong pansin sa mga ito at isantabi ang lahat upang sumunod nang buong puso. Palagi kitang iingatan sa Aking mga kamay. Huwag kang maging mahiyain at kontrolado ng iyong asawa; hahayaan mong maisakatuparan ang Aking kalooban.
Manalig ka! Manalig ka! Ako ang iyong Isang Makapangyarihan sa lahat. Ito ang isang bagay na bahagya mong matatanto, ngunit kailangan mo pa ring mag-ingat ka. Para sa kapakanan ng iglesia, ng Aking kalooban, at ng Aking pamamahala, dapat kang ganap na maging tapat, at ang lahat ng misteryo at katapusan ay maipapakita sa iyo nang malinaw. Walang magiging anumang pagkaantala pa at ang mga araw ay dumarating sa isang katapusan. Kaya’t ano ang iyong gagawin? Paano ka makahahanap para mas mabilis na gawing husto ang iyong buhay? Paano mo mabilis na gagawin ang iyong sarili na kapaki-pakinabang sa Akin? Paano mo magagawang matupad ang Aking kalooban? Ang paggawa nito ay nangangailangan ng masusing pag-iisip at malalim na pagsasalamuha sa Akin. Umasa sa Akin, maniwala sa Akin, huwag kailanman maging pabaya, at makayang gawin ang mga bagay alinsunod sa Aking patnubay. Ang katotohanan ay dapat handang-handa at dapat mong kainin at inumin ito nang mas madalas. Bawat katotohanan ay dapat maisakatuparan bago ito maaaring maunawaan nang malinaw.
Nararamdaman mo ba ngayon na hindi sapat ang oras? Nararamdaman mo rin ba na ibang-iba ka sa loob kumpara sa dati at ang iyong pasanin ay mukhang napakabigat? Ang Aking mga intensiyon ay nasa iyo; dapat kang may maliwanag na isip, huwag lumayo sa mga ito, at palaging manatiling nakaugnay sa Akin. Palaging mamalaging malapit sa Akin, ipagbigay-alam sa Akin, maging maalalahanin sa Aking puso, at nagagawang maglingkod na nakikipag-tulungan, upang ang Aking mga intensiyon ay laging naihahayag sa inyo. Palaging bigyan ng masusing pansin! Masusing pansin! Huwag mag-tamad kahit kaunti; iyan ang iyong tungkulin at nananahan sa loob nito ang Aking gawain.
Maaaring mayroon kang kaunting pag-unawa sa puntong ito at nadarama na masyado itong kamangha-mangha. Maaaring mayroon kang ilang pag-aalinlangan sa nakaraan at nadama na lubos itong naiiba sa mga konsepto, ideya, at kaisipan ng tao, ngunit mahalagang nauunawaan mo ngayon. Ito ang Aking kamangha-manghang gawain at ito ang kamangha-manghang gawain din ng Diyos. Talagang dapat kang gising na gising at maghintay at lumakad sa loob nito. Ang oras ay nasa Aking mga kamay; huwag sayangin ito at huwag kailanman bumagal kahit isang sandali. Ang pag-aaksaya ng oras ay umaantala sa Aking gawain at hinaharangan ang Aking kalooban sa iyo. Dapat kang mag-isip na mabuti at madalas na ipagbigay-alam sa Akin. Dapat mong dalhin sa harapan Ko ang lahat ng pagkilos, paggalaw, kaisipan, ideya, pamilya, asawa, anak na lalaki at babae. Huwag umasa sa sarili sa iyong pagsasagawa, o kung hindi ay magagalit Ako nang labis at sa gayon ang iyong mga kawalan ay mapapamahal.
Pigilan ang iyong sariling mga hakbang sa lahat ng oras at palaging magawang mabuhay sa Aking mga salita. Mangyayari lamang ito kung nasa iyo ang Aking karunungan. Lumapit ka sa harapan Ko kung humaharap ka sa mga kahirapan at bibigyan kita ng patnubay. Huwag manggulo at walang-ingat na ipagbigay-alam. Kung walang tinatanggap na pakinabang ang iyong buhay, ito ay dahil kulang ang iyong kaalaman at hindi ka makakilala ng kaibahan sa pagitan ng mabuti at masamang mga salita. Hindi mo ito matatanto hanggang mapinsala ka at maging dukha ang iyong kalagayan, at wala sa iyo ang presensiya ng Banal na Espiritu. Sa gayon, huli na ang lahat. Ang oras ay masyadong minamadali ngayon, kaya’t ang iyong buhay ay hindi dapat mahuli kahit kaunti; dapat mong sundan nang mabuti ang Aking mga yapak. Kapag dumating ang anumang kahirapan, madalas na pag-isipan sa pamamagitan ng pamamalaging malapit sa Akin at direktang ipagbigay-alam sa Akin. Kung uunawain mo ang landas na ito, ang iyong pagpasok ay magiging madali habang patuloy kang kumikilos pasulong.
Ang Aking mga salita ay hindi lamang nakatuon sa iyo. Bawat isa sa iglesia ay may kakulangan sa iba’t ibang antas. Dapat ninyong ipagbigay-alam nang higit pa, magawang kumain at uminom sa inyong mga sarili sa panahon ng inyong mga sariling espirituwal na debosyon, at magawang tarukin ang mga susing katotohanan upang agad na isagawa. Dapat mong madama ang realidad ng Aking salita. Tarukin ang pinakabuod at mga prinsipyo nito; huwag maging tamad. Laging pagnilayan ang Aking salita at palaging ipagbigay-alam sa Akin, at dahan-dahan itong mabubunyag. Hindi ka makakalapit sa Diyos para sa isang sandali at pagkatapos bago pa man magiging kalmado ang iyong puso sa harap ng Diyos, ay magagambala kapag may iba pang bagay na dumarating sa iyo. Lagi kang nalilito at hindi malinaw tungkol sa mga bagay-bagay at hindi kayang makita ang Aking mukha, kaya’t hindi mo mauunawaan nang malinaw ang Aking puso. Kahit na makakaunawa ka nang kaunti hindi mo natitiyak at nag-aalinlangan pa rin. Hanggang maangkin Ko ang iyong puso nang buo at ang iyong isip ay hindi na nagagambala ng mga makamundong bagay, at kapag naghihintay ka nang may maliwanag at payapang isipan—iyan ang oras na Aking, unti-unti, ibubunyag sa inyo alinsunod sa Aking mga intensiyon. Dapat ninyong tarukin ang landas na ito tungo sa pagiging malapit sa Akin. Kahit sino ang humahampas o sumusumpa sa iyo, o kung gaano man kaganda ang mga bagay na iniaalok sa iyo ng mga tao, hindi ito katanggap-tanggap kung pinipigilan ka nila sa pagiging malapit sa Diyos. Hayaan mo ang iyong puso sa Aking mahigpit na pagkahawak at hindi mo Ako kailanman dapat iwanan. Sa ganitong uri ng pagkakalapit at pagsasalamuha, hindi mahalaga kung ito ang iyong mga magulang, asawa, anak, iba pang ugnayang pampamilya, o ang mga tali ng sekular na mundo, silang lahat ay maglalaho. Masisiyahan ka sa isang halos hindi-mailalarawang katamisan sa iyong puso at mararanasan ang isang mabango at masarap na lasa, at tunay na hindi ka na mahihiwalay sa Akin. Kung laging ganito, mauunawaan ninyo kung ano ang nasa Aking puso. Hindi kayo kailanman maliligaw ng landas habang patuloy kayong umuunlad pasulong, dahil Ako ang inyong daan, at ang lahat ng bagay ay umiiral dahil sa Akin. Gaano kahusto ang iyong buhay, kung kailan magagawa mong kumalas mula sa sekular na mundo, kung kailan magagawa mong iwaksi ang iyong mga emosyon, kung kailan magagawa mong iwanan ang iyong asawa at mga anak, kung kailan magiging ganap ang iyong buhay … ang lahat ng bagay na ito ay alinsunod sa Aking talaarawan. Hindi na kailangang mabalisa.
Dapat kang pumasok mula sa positibong panig. Kung basta ka na lamang naghihintay, negatibo pa rin ito. Dapat kang gumawa ng pangunang hakbang sa pakikipag-tulungan sa Akin; maging masigasig at huwag kailanman maging tamad. Palaging makisalamuha sa Akin at magkaroon ng mas malalim na pakikipagniig sa Akin. Kung hindi mo nauunawaan, huwag kang mainip para sa mabilisang mga resulta. Hindi naman na hindi Ko sasabihin sa iyo; nais Kong makita kung umaasa ka sa Akin kapag narito ka sa Aking presensiya at kung umaasa ka sa Akin nang may pagtitiwala. Dapat kang palaging nananatiling malapit sa Akin at ilagay ang lahat ng bagay sa Aking mga kamay. Huwag bumalik nang walang kabuluhan. Pagkatapos ng hindi-namamalayang pagiging malapit sa Akin sa ilang panahon, ang Aking mga intensiyon ay maihahayag sa iyo. Kung natatarok mo ang mga ito, kung gayon tunay na makakaharap mo Ako, at tunay mong matatagpuan ang Aking mukha. Ikaw ay magiging lubhang malinaw at matatag sa loob at magkakaroon ka ng isang bagay na aasahan, at magkakaroon ka rin ng kapangyarihan gayon din ng pagtitiwala. Magkakaroon ka rin ng isang landas pasulong at magiging madali ang lahat sa iyo.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Kabanata 9"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento